菜單

Hul 4, 2020

Ano ang Tinutukoy na mga Mananagumpay sa Biblia?


Kapag naririnig nila ang tungkol sa “mananagumpay,” karamihan sa mga Kristiyano ay iniisip na ang mga gumagawa at nagtatrabaho para sa Panginoon, na kayang panatilihin ang pangalan ng Panginoon, na kayang umupo sa kulungan sa loob ng maraming taon nang hindi itinatatwa ang Panginoon, at nakaranas ng iba’t ibang pag-uusig at kapighatian ngunit nagagawa pa ring magpatotoo, ang mga mananagumpay na tinutukoy sa Pahayag. Tama ba ang pananaw na iyon? Ano nga ba talaga ang tinutukoy na mga mananagumpay sa Biblia?

Una, basahin natin ang mga salita ng Diyos tungkol sa paksa. Sa Pahayag, prinopesiya na, “Ang mga ito’y ang hindi nangahawa sa mga babae; sapagka’t sila’y mga malilinis. At ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Cordero saan man siya pumaroon. Ang mga ito’y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging mga pangunahing bunga sa Dios at sa Cordero. At sa kanikaniyang bibig ay walang nasumpungang kasinungalingan: sila’y mga walang dungis” (Pahayag 14:4–5). Sinasabi ng mga salita ng Diyos, “Sa kanila na tinutukoy ng Diyos na mga mananagumpay ay yaong nagagawa pang sumaksi, napapanatili ang kanilang pagtitiwala, at ang kanilang katapatan sa Diyos kapag nasa ilalim ng impluwensya ni Satanas at nasa ilalim ng pag-atake ni Satanas, iyon ay, kapag nasa loob ng mga puwersa ng kadiliman. Kung nagagawa mo pa ring mapanatili ang isang puso ng kadalisayan at ang iyong tunay na pag-ibig para sa Diyos anuman ang mangyari, ikaw ay magiging saksi sa harap ng Diyos, at ito ang tinutukoy ng Diyos na pagiging isang mananagumpay.” “Yaong mga ginagawang ganap bago ang sakuna ay masunurin sa Diyos. Nabubuhay silang umaasa kay Cristo, sumasaksi kay Cristo, at dinadakila Siya. Sila ang matatagumpay na mga batang lalaki at mabubuting mga kawal ni Cristo.” Sa mga salita ng Diyos, makikita natin na ang tinutukoy na mga “mananagumpay” ay ang pinatnubayan ng Kordero sa harap ng trono. Mayroon silang katotohanan bilang buhay, ang kanilang mga tiwaling disposisyon ay tuluyang dinalisay, hindi na sila nagkakasala o lumalaban sa Diyos. Nagagawa nilang matakot sa Diyos at iwasan ang masama, at kahit paano man gumawa o magsalita ang Diyos ay nagagawa nilang sumunod nang walang pasubali. Sumunod ng malapit sa mga yapak ng Kordero, at maging tapat sa Diyos at wala nang iba. Kahit na magdusa pa sila sa pag-uusig o kapighatian, paulit-ulit nilang binabasa ang salita ng Diyos gaya ng karaniwan at ginagawa ang mga tungkulin ng isang nilikhang nilalang. Ginagawa nila ito dahil sa pagmamahal sa Diyos at upang bigyang kasiyahan ang Diyos. Nabubuhay sila upang gawin ang kalooban ng Diyos, at sa gitna ng iba’t ibang uri ng pagdurusa at pagsubok, hindi sila nagrereklamo. Masunurin sila sa Diyos kahit hanggang kamatayan, at gumagawa sila ng maganda, matunog na patotoo para sa Diyos. Ang mga taong ito ang mananagumpay na gagawing perpekto ng Diyos, at ang mga ito ang 144,000 matagumpay na mga batang lalaki na prinopesiya sa Pahayag, na lubusang tutupad sa propesiya sa Pahayag na, “Ang mga ito’y ang nanggaling sa malaking kapighatian, at nangaghugas ng kanilang mga damit, at pinaputi sa dugo ng Cordero” (Pahayag 7:14).

Suriin natin ang ating mga pag-uugali. Kahit na gumagawa at nagtatrabaho tayo para sa Panginoon, at hindi itinatatwa ang pangalan ng Panginoon kapag tayo ay inusig, o ikinulong, nasa loob pa rin natin ang mga tiwaling disposisyon, at madalas pa rin tayong magkasala at lumaban sa Diyos. Halimbawa, kapag hindi naaayon sa ating mga paniniwala ang gawain at mga salita ng Diyos, kaswal na hinuhusgahan, hinahatulan, at itinatatwa natin ang gawain ng Diyos. O, kapag pinaglilingkuran natin ang Diyos, sinusubukan din nating makipagpalitan sa Diyos, at gumagawa at gumagastos tayo para magtamo ng mga biyaya at putong. Habang gumagawa at nangangaral tayo, madalas din na itaas at patotoohan natin ang ating mga sarili dahil palagi nating hinahangad ang lugar sa puso ng iba. Kapag nakakaranas tayo ng karamdaman ng katawan, sakit, o sakuna, nagiging negatibo tayo, sinisisi ang Diyos sa hindi pagprotekta sa atin, o nakikipagtalo sa Diyos, atbp. Mula sa mga katotohanang ito, makikita natin na ang mga satanikong disposisyon sa loob natin ay hindi nadalisay, hindi tayo naaayon sa Diyos, at magagawa nating pagtaksilan ang Diyos sa anumang lugar at oras. Paano magiging mananagumpay ang mga ganitong uri ng tao? Kaya naman, ang pananampalataya sa Panginoon, hindi pagtatwa sa pangalan ng Panginoon kapag tayo’y inaresto, at ang pagpapatotoo kapag nakakaranas tayo ng pag-uusig at kapighatian ay nangangahulugan lamang na nagtagumpay tayo sa pang-uusig ng CCP at na mayroon tayong tapat na pananampalataya. Ngunit, ang masasamang disposisyon sa loob natin ay hindi nagbago. Wala pa rin tayong tunay na kaalaman sa ating mga satanikong kalikasan at diwa. Hindi natin nalampasan ang laman o ang impluwensiya ni Satanas, at hindi tayo mga tao na masunurin sa Diyos o magagawang matakot sa Diyos at itakwil ang masama. Gaya nito, hindi tayo nakaabot sa pamantayan ng pagiging mga mananagumpay.

Kaya, paano natin matatakasan ang mga tiwaling disposisyon na ito at maging mga mananagumpay? Ang mga nakakaunawa sa Biblia ay alam lahat na ang mga mananagumpay ay ginawang perpekto ng Diyos bago dumating ang malaking sakuna. Tulad iyon ng propesiya sa Pahayag, “At sa anghel ng iglesia sa Filadelfia ay isulat mo…. Sapagka’t tinupad mo ang salita ng aking pagtitiis, ikaw naman ay aking iingatan sa panahon ng pagsubok, na darating sa buong sanglibutan, upang subukin ang mga nananahan sa ibabaw ng lupa. Ako’y dumarating na madali: panghawakan mong matibay ang nasa iyo, upang huwag kunin ng sinoman ang iyong putong. Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios, at hindi na siya’y lalabas pa doon: at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng aking Dios, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa aking Dios, at ang aking sariling bagong pangalan. Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” (Pahayag 3:7, 10–13).

Sinabi din sa 1 Pedro 4:17 na, “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios.” Pinopropesiya ng Biblia na kakausapin ng Banal na Espiritu ang lahat ng mga iglesia, na ang iglesia ng Filadefia ay itataas, na ang paghatol ay mag-uumpisa sa tahanan ng Diyos, atbp. Lahat ng mga ito ay tumutukoy sa gawain na gagawin ng Panginoong Jesus kapag Siya ay bumalik. Babalik ang Diyos sa mga huling araw upang umpisahan ang gawain ng paghatol sa tahanan ng Diyos upang gawing perpekto ang grupong ito ng mga mananagumpay. Maririnig ng matatalinong birhen ang tinig ng Diyos, sasalubungin ang Panginoon, at susundin ang mga yapak ng Kordero. Pupunta sila sa harap ng Diyos at tatamasahin ang patubig at pagkain ng mga salita ng Diyos. Magiging dalisay ang kanilang mga disposisyon, at magagawa nilang lampasan ang iba’t ibang temptasyon ni Satanas at gagawa ng magandang patotoo. Ang mga taong ito ang tunay na mananagumpay.

Basahin natin ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos, “Dinadala ng Diyos ang lahat ng nakapasok sa Kanyang kaharian, iyon ay, lahat ng naging tapat sa Kanya hanggang sa katapusan, tungo sa kapanahunan ng Diyos Mismo. Subali’t, hanggang sa pagdating ng kapanahunan ng Diyos Mismo, ang gawaing gagawin ng Diyos ay hindi upang magmasid sa mga gawa ng tao o magtanong tungkol sa buhay ng tao, kundi upang hatulan ang kanyang paghihimagsik, sapagka’t dadalisayin ng Diyos ang lahat ng lalapit sa harap ng Kanyang luklukan. Lahat ng mga nakasunod sa mga yapak ng Diyos hanggang sa araw na ito ay yaong mga nagsilapit sa harap ng luklukan ng Diyos, at yamang ganito, ang bawat isang tao na tumatanggap sa gawain ng Diyos sa huling yugto nito ang siyang pinag-uukulan ng pagdadalisay ng Diyos. Sa ibang salita, ang lahat ng tumatanggap sa gawain ng Diyos sa huling yugto nito ang siyang pinag-uukulan ng paghatol ng Diyos.” “Dati ko nang nasasabi na ang isang grupo ng mga mananagumpay ay natatamo mula sa Silangan, mga mananagumpay na nagmumula sa gitna ng malaking kapighatian. Ano ang ibig sabihin ng ganoong mga salita? Ang ibig sabihin ng mga iyon ay ang mga taong ito na natatamo ay tunay lamang na sumunod matapos dumaan sa paghatol at pagkastigo, at pakikitungo at pagpupungos at lahat ng mga uri ng pagpipino. Ang paniniwala ng mga ganoong tao ay hindi malabo at mahirap unawain, nguni’t tunay. Hindi pa sila nakakakita ng anumang mga tanda at kababalaghan, o anumang mga himala; hindi sila nagsasalita ng mga malalabong mga titik at mga doktrina, o malalalim na mga pagkakita; sa halip mayroon silang realidad, at mga salita ng Diyos, at isang tunay na kaalaman sa realidad ng Diyos. Ang ganoon bang grupo ay walang mas higit na kakayahang gawing malinaw ang kapangyarihan ng Diyos?” Sinasabi sa’tin ng mga salita ng Diyos na ang mga tunay na mananagumpay ay ginagawa sa pamamagitan ng pagdanas ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Ipinapahayag ng Diyos sa mga huling araw ang lahat ng uri ng katotohanan na magdadalisay at magliligtas sa mga tao, hinahatulan at inihahantad ang satanikong kalikasan ng sangkatauhan ng paglaban sa Diyos at ang katotohanan ng kanyang katiwalian. At inihahantad sa tao ang makatuwiran, banal na disposisyon ng Diyos na hindi hinahayaan ang anumang pagkakasala. Kapag naranasan ng mga tao ang paghatol, pagkastigo, pagtatabas, pakikitungo, pagsubok, at pagpipino sa mga salita ng Diyos, tunay nilang nakikita na ang kanilang diwa ay labis na tiniwali ni Satanas, ang katotohanan ng kanilang malalim na katiwalian, at ang kapangitan sa kanilang mga sarili: Nakikita nila na sila ay arogante, malaki ang pagpapahalaga sa sarili, makasarili, kasuklam-suklam, hindi tapat at tuso. Na kinamumuhian nila ang katotohanan. Na sila ay puno ng mga paniniwala at imahinasyong ideya tungkol sa Diyos. Na maaari silang lumaban at magtaksil sa Diyos anumang oras. Na sila ay mga inapo ni Satanas. Na sila ay mga taong lumalaban sa Diyos, at na sila ay lubos na hindi karapat-dapat na pumunta sa harap ng Diyos o iligtas ng Diyos. Kasabay noon, tapat din nilang nararamdaman na ang mga salita ng Diyos ang katotohanan. Na sila ay lubos na nakakakumbinsi, at higit pa roon, tunay nilang nararanasan na ang pagiging banal ng Diyos ay hindi nagtataglay ng dumi, at na ang disposisyon ng Diyos ay hindi pinapahintulutan ang pagkakasala, kung saan nagkakaroon sila ng totoong takot sa Diyos sa kanilang mga puso, at nagagawa nilang sundin ang Diyos at mabuhay ayon sa mga salita ng Diyos. Sa proseso ng pagdanas ng paghatol ng Diyos at pagkastigo, gumagawa sila ng iba’t ibang pumapailanlang na testimonya ng pagtatagumpay sa impluwensiya ng kadiliman ni Satanas, lalo na ang mga nagpapatotoo habang nararanasan ang malupit na pag-uusig ng CCP. At sa testimonyang ito ng pagtatagumpay, nagiging mananagumpay sila na gagawing perpekto ng Diyos sa mga huling araw.

Mga kapatid, naniniwala akong makakatulong sa atin ang pagpapatotoo sa taas na maintindihan kung ano ang “mga mananagumpay”. Dapat tayong makinig ng maigi sa mga salitang sinasabi ng Banal na Espiritu sa mga iglesia, tanggapin ang bagong pangalan ng Diyos sa mga huling araw, at sundan ang mga yapak ng Kordero kung nais nating maperpekto ng Diyos upang maging mananagumpay bago dumating ang malaking sakuna.

______________________________

Paano dapat magkaroon ng kanilang mga debosyon ang mga Kristiyano upang magtatag ng isang mas angkop na relasyon? Ang wastong pagbabasa ng Bibliya ay magpapalapit sa iyo sa Diyos!