菜單

Hul 20, 2020

Ang Halagang Isinabuhay ni Job sa Kanyang Buong Buhay

Si Job Pagkatapos ng Kanyang mga Pagsubok
Job 42:7-9 At nangyari, na pagkatapos na masabi ni Jehova ang mga salitang ito kay Job, sinabi ni Jehova kay Eliphaz na Temanita, Ang Aking poot ay nag-aalab laban sa iyo, at laban sa iyong dalawang kaibigan: sapagka’t hindi kayo nagsalita tungkol sa Akin ng bagay na matuwid, na gaya ng ginawa ng Aking lingkod na si Job. Kaya’t kumuha kayo ngayon ng pitong guyang baka, at pitong lalaking tupa, at pumaroon kayo sa aking lingkod na si Job, at ialay ninyo ang pinakahandog na susunugin: at idadalangin kayo ng Aking lingkod na si Job: sapagka’t siya’y Aking tatanggapin, baka kayo’y Aking gawan ng ayon sa inyong kamangmangan; sapagka’t hindi kayo nagsasalita tungkol sa Akin ng bagay na matuwid, na gaya ng Aking lingkod na si Job. Sa gayo’y pumaroon si Eliphaz na Temanita, at si Bildad na Suhita, at si Sophar na Naamatita, at ginawa ang ayon sa iniutos sa kanila ni Jehova: at nilingap ni Jehova si Job.

Hul 19, 2020

Ano ang Relasyon sa Pagitan ng Diyos at ng Biblia?


Sa dalawang libong taon, tayo ay naniwala sa Panginoon ayon sa Biblia, at napakarami sa atin ang naniniwalang "Ang Biblia ang kumakatawan sa Panginoon, ang paniniwala sa Diyos ay paniniwala sa Biblia, ang paniniwala sa Biblia ay paniniwala sa Diyos." Tama ba ang mga ideyang ito? Ano ba talaga ang ibig sabihin ng paniniwala sa Diyos? Ano ang ibig sabihin ng maniwala sa Biblia? Ano ang relasyon sa pagitan ng Biblia at Diyos? Nangangahulugan ba na ang bulag na pananampalataya at pagsamba sa Biblia ay ang paniniwala at pagsamba ninyo sa Diyos? Ibubunyag sa inyo ng video na ito ang mga sagot!

—————————————

Sa pamamagitan ng pag aaral ng bibliya, maaari nating malaman ang higit pang mga hiwaga ng pagbabalik ng Panginoon, halimbawa, kung sa anong paraan darating ang Panginoon at kung paano natin masasalubong ang Panginoon upang makatagpo natin ang Panginoon sa lalong madaling panahon.

Hul 18, 2020

Puno ng Pagdurusa ang mga Araw 'Pag Walang Diyos


 I

'Pag 'di nauunawaan ang kapalaran o kapangyarihan ng Diyos,

'pag sadyang nangangapa sa pagsulong, pasuray-suray sa hamog,

mahirap ang paglalakbay, malungkot ang paglalakbay.

Puno ng pagdurusa ang mga araw na walang Diyos.

Kung kapangyarihan ng Lumikha'y tanggap,

nagpapasakop sa Kanyang pagsasaayos,

at hanap ay tunay na pantaong buhay,

makakalaya sa kasawian, sa lahat ng pagdurusa,

'di na magiging hungkag ang buhay,

'di na magiging hungkag ang buhay.

Hul 17, 2020

Bakit sinasabi na mas kailangan ng tiwaling sangkatauhan ang pagliligtas ng Diyos na naging tao?

(Mga Piling Talata ng Salita ng Diyos)

Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao

Nagkatawang-tao ang Diyos dahil ang pakay ng Kanyang gawain ay hindi ang espiritu ni Satanas, o anumang walang materyal na katawan, kundi ang tao, na may katawan at ginawang tiwali ni Satanas. Ito ay tiyak na dahil ang laman ng tao ay naging tiwali kaya ginawa ng Diyos ang taong maka-laman na pakay ng Kanyang gawain; bukod dito, sapagka’t ang tao ay ang pakay ng katiwalian, ginawa Niya ang tao na tanging layon ng Kanyang gawain sa lahat ng mga yugto ng Kanyang gawain ng pagliligtas. Ang tao ay isang nilalang na may kamatayan, na may katawan at dugo, at ang Diyos lamang ang tanging Isa na maaaring magligtas sa tao. Sa ganitong paraan, ang Diyos ay dapat maging isang katawang-tao na nagtataglay ng parehong mga katangian bilang tao upang gawin ang Kanyang gawain, upang makamit ng Kanyang gawain ang mas mahusay na mga epekto. Kailangang maging katawang-tao ang Diyos upang gawin ang Kanyang gawain dahil ang tao ay sa laman, at hindi kayang pagtagumpayan ang kasalanan o alisin ang sarili sa laman. Kahit na ang diwa at pagkakakilanlan ng Diyos na nagkatawang-tao ay malaki ang pagkakaiba mula sa diwa at pagkakakilanlan ng tao, gayon pa man ang Kanyang hitsura ay kapareho ng tao, nasa Kanya ang hitsura ng isang pangkaraniwang tao, at namumuhay ng isang karaniwang tao, at yaong mga makakakita sa Kanya ay walang makikitang pagkakaiba sa isang karaniwang tao. Ang karaniwang hitsurang ito at normal na pagkatao ay sapat para sa Kanya na gawin ang Kanyang maka-Diyos na gawain sa normal na pagkatao. Ang Kanyang katawang-tao ay nagbibigay-daan sa Kanya na gawin ang Kanyang gawain sa normal na pagkatao, at tumutulong sa Kanya na gawin ang Kanyang gawain sa gitna ng tao, at ang Kanyang normal na pagkatao, bukod doon, ay tumutulong sa Kanya na isagawa ang gawain ng pagliligtas sa gitna ng tao. Kahit na ang Kanyang normal na pagkatao ay naging sanhi ng malaking kaguluhan sa gitna ng tao, ang ganoong kaguluhan ay hindi nakaapekto sa karaniwang mga bunga ng Kanyang gawain. Sa madaling salita, ang gawain ng Kanyang normal na katawang-tao ay may sukdulang pakinabang sa tao. Kahit na karamihan sa mga tao ay hindi tinatanggap ang Kanyang normal na pagkatao, ang Kanyang gawain ay maaari pa ring maging mabisa, at ang mga epekto na ito ay nakakamit salamat sa Kanyang normal na pagkatao. Ito ay walang pag-aalinlangan. Mula sa Kanyang gawain sa katawang-tao, ang tao ay makakatamo ng sampung beses o dose-dosenang beses na higit na mga bagay kaysa sa mga pagkaintindi na umiiral sa gitna ng tao tungkol sa Kanyang normal na pagkatao, at ang ganoong mga pagkaintindi sa huli ay dapat na lahat ay malulon ng Kanyang gawain. At ang epekto na nakamit ng Kanyang gawain, na ang ibig sabihin, ang kaalaman ng tao tungo sa Kanya, ay mas maraming beses kaysa ang mga pagkaintindi ng tao tungkol sa Kanya. Walang paraan upang isipin o sukatin ang gawain na ginagawa Niya sa katawang-tao, dahil ang Kanyang katawang-tao ay hindi katulad ng sinumang taong maka-laman; kahit na ang panlabas na balat ay magkapareho, ang sangkap ay hindi pareho. Ang Kanyang katawang-tao ay gumagawa ng maraming mga pagkaintindi sa gitna ng tao tungkol sa Diyos, gayon pa man ang Kanyang katawang-tao ay maaari ring payagan ang tao upang makakuha ng maraming kaalaman, at maaari ring lupigin ang sinumang tao na nagmamay-ari ng isang katulad na panlabas na balat. Dahil Siya ay hindi lamang isang tao, kundi ang Diyos na may panlabas na balat ng isang tao, at walang maaaring ganap na tarukin o makaintindi sa Kanya. Ang isang hindi nakikita at hindi mahipo na Diyos ay minamahal at tinatanggap ng lahat. Kung ang Diyos ay isa lamang Espiritu na hindi nakikita ng tao, napakadali para sa tao na maniwala sa Diyos. Ang tao ay maaaring magbigay ng walang patumangga sa kanyang imahinasyon, maaaring pumili ng kahit anong imahe na gusto niya bilang imahe ng Diyos upang malugod ang kanyang sarili at gawing masaya ang kanyang sarili. Sa ganitong paraan, maaaring gawin ng tao ang anuman na pinaka-kasiya-siya sa kanyang sariling Diyos, at na kung saan ang Diyos na ito ay pinakahanda na gawin, nang walang anumang pag-aalinlangan. Higit pa rito, ang tao ay naniniwala na walang sinuman ang mas tapat at masipag kaysa kanya sa kabanalan sa Diyos, at na ang lahat ng iba ay mga asong Gentil, at mga di-matapat sa Diyos. Maaaring sabihin na ito ang hinahangad ng mga malabo at batay sa doktrina ang paniniwala sa Diyos; ang kanilang hinahanap ay lahat ng higit na magkakapareho, na may kaunting pagkakaiba. Ito lamang dahil sa ang mga imahe ng Diyos sa kanilang mga imahinasyon ay naiiba, ngunit ang kanilang diwa ay tunay na pareho.

Hul 16, 2020

Ang Lahat ay Nakakamit sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos



Binibigkas ng Diyos ang Kanyang mga salita at ginagawa ang Kanyang gawain ayon sa iba’t ibang mga kapanahunan, at sa iba’t ibang kapanahunan, bumibigkas Siya ng iba’t ibang mga salita. Ang Diyos ay hindi sumusunod sa mga alituntunin, o nag-uulit ng parehong gawain, o nangungulila para sa mga bagay ng nakaraan; Siya ay isang Diyos na palaging bago at kailanma’y hindi naluluma, at bawat araw ay bumibigkas Siya ng bagong mga salita. Ikaw ay dapat sumunod doon sa dapat sundin ngayon; ito ay ang pananagutan at tungkulin ng tao. Napakahalaga na ang pagsasagawa ay maisentro sa liwanag at mga salita ng Diyos sa kasalukuyan. Ang Diyos ay hindi sumusunod sa mga alintuntunin, at nakakapagsalita mula sa maraming iba’t ibang mga perspektibo upang gawing kitang-kita ang Kanyang karunungan at walang-hanggang kapangyarihan. Hindi mahalaga kung Siya man ay nangungusap mula sa perspektibo ng Espiritu, o ng tao, o ng ikatlong persona—ang Diyos ay palaging Diyos, at hindi mo masasabi na Siya ay hindi Diyos dahil sa perspektibo ng tao mula kung saan Siya ay nangungusap. Sa gitna ng ilang tao may lumilitaw na mga pagkaintindi bilang bunga ng iba’t ibang mga perspektibo mula kung saan ang Diyos ay nangungusap. Ang mga ganoong tao ay walang pagkakilala sa Diyos, at walang kaalaman sa Kanyang gawain.Kung ang Diyos ay palaging nangungusap mula sa isang perspektibo, hindi ba maglalatag ang tao ng mga patakaran tungkol sa Diyos? Mapapayagan kaya ng Diyos ang tao na kumilos sa ganoong paraan? Hindi alintana kung mula sa ano mang perspektibo nangungusap ang Diyos, ang Diyos ay may mga mithiin para sa bawat isa. Kung ang Diyos ay palaging mangungusap mula sa perspektibo ng Espiritu, ikaw kaya ay maaaring makipag-ugnayan sa Kanya? Kaya, paminsan-minsan nangungusap Siya sa ikatlong persona upang pagkalooban ka ng Kanyang mga salita at gabayan ka tungo sa realidad. Lahat-lahat ng ginagawa ng Diyos ay angkop. Sa maikling salita, ito ay ginagawang lahat ng Diyos, at ikaw ay hindi dapat magduda tungkol dito. Ipagpalagay na Siya ay Diyos, kung gayon kahit anuman ang perspektibo na pinagmumulan ng mga pangungusap Niya, Siya pa rin ay Diyos. Ito ay ang hindi nababagong katotohanan. Paano man Siya gumagawa, Siya ay Diyos pa rin, at ang Kanyang substansya ay hindi magbabago! Sobrang minamahal ni Pedro ang Diyos at siya ay isang tao na kaayon ng sariling puso ng Diyos, subali’t hindi siya sinaksihan ng Diyos bilang Panginoon o Cristo, sapagkat ang substansya ng isang kabuuan ay kung ano nga iyon, at hindi kailanman magbabago. Sa Kanyang gawain, ang Diyos ay hindi sumusunod sa mga alituntunin, ngunit gumagamit ng iba’t ibang mga pamamaraan upang gawing mabisa ang Kanyang gawain at dagdagan ang pagkakilala ng tao sa Kanya. Ang Kanyang bawat paraan ng paggawa ay nakakatulong sa tao na makilala Siya, at ito ay upang gawing perpekto ang tao. Kahit na aling paraan ng paggawa ang ginagamit Niya, ang bawat isa ay upang buuin ang tao at gawing perpekto ang tao. Bagaman ang isa sa Kanyang paraan ng paggawa ay maaaring tumagal sa napakahabang panahon, ito ay upang ayusin ang pananampalataya ng tao sa Kanya. Kaya hindi kayo dapat mag-alinlangan. Ang lahat ng ito ay ang mga hakbang sa gawain ng Diyos, at dapat ninyong masunod.

Hul 15, 2020

Daily Devotion Tagalog: 4 na Paraan Upang Mapanatili ang Isang Malapit na Relasyon sa Diyos


Sinasabi ng Bibliya, “Magsilapit kayo sa Dios, at siya’y lalapit sa inyo” (Santiago 4:8). Bilang mga Kristiyano, sa pamamagitan lamang ng paglapit sa Diyos at pagkakaroon ng isang tunay na pakikipag-ugnayan sa Kanya at saka natin mapananatili ang isang normal na relasyon sa Diyos at matamo ang gawain ng Banal na Espiritu. Katulad lang ito ng dalawang taong nakikipag-ugnayan sa bawat isa, na mapananatili lamang nila ang kanilang malapit na relasyon sa mahabang panahon sa pamamagitan ng pagiging bukas sa isa’t isa, madalas na pakikipag-usap kapag nahaharap sila sa mga isyu, at sa pamamagitan ng pag-unawa at paggalang sa isa’t isa. Nguni’t sa panahong ito na ang lahat ay napakabilis, ang sobrang daming trabaho, kumplikadong mga relasyon at masasamang kalakarang panlipunan ang humahatak sa atin at madalas na sumasakop sa ating panahon. Ang ating mga puso ay madaling mabagabag ng mga tao, mga pangyayari at mga bagay sa sanlibutan, at pinipigilan tayong mapanatili ang normal na relasyon sa Diyos. Ito ang nagdadala sa atin palayo nang palayo sa Diyos, at kapag nahaharap tayo sa mga isyu, nagiging mas mahirap para sa atin na mapanatag ang ating mga sarili sa harapan ng Diyos, na lumapit sa Diyos at hanapin ang kaliwanagan at gabay ng Banal na Espiritu. Kapag gumagawa tayo ng mga bagay, kadalasan ginagawa natin ang mga ito nang walang ano mang tamang direksyon o layunin, at ang ating mga espiritu ay patuloy na nasa kalagayan ng kahungkagan at pagkabalisa. Kaya’t paano natin tiyak na mapananatili ang isang malapit na relasyon sa Diyos? Kailangan lang nating maunawaan ang apat na puntos sa ibaba, at ang ating relasyon sa Diyos ay siguradong mas magiging malapit.

Hul 14, 2020

Ang mga Taong Natamo ng Diyos ay Nagtataglay ng Realidad



I

Ang Diyos ay praktikal na Diyos.

Lahat ng Kanyang gawain, Kanyang bawat salita,

mga katotohanang Kanyang ipinahayag ay praktikal.

Lahat ng iba pa'y hungkag at hindi tama.

Gagabay sa tao Banal na Espiritu


Para makapasok sa realidad, kailangan ng taong

hanapin, alamin, at maranasan ito.

Sila na taglay at alam ang realidad

ay ang mga natamo ng Diyos.

Alam nila ang Kanyang mga gawain

sa pamamagitan ng pagdanas sa realidad.

Mas nakikipagtulungan ka sa Diyos

at lalo mong dinidisiplina ang iyong laman,

lalong gagawa ang Diyos at magliliwanag sa iyo,

at iyong matatamo ang realidad

at malalaman ang mga gawain ng Diyos.