I
'Pag 'di nauunawaan ang kapalaran o kapangyarihan ng Diyos,
'pag sadyang nangangapa sa pagsulong, pasuray-suray sa hamog,
mahirap ang paglalakbay, malungkot ang paglalakbay.
Puno ng pagdurusa ang mga araw na walang Diyos.
Kung kapangyarihan ng Lumikha'y tanggap,
nagpapasakop sa Kanyang pagsasaayos,
at hanap ay tunay na pantaong buhay,
makakalaya sa kasawian, sa lahat ng pagdurusa,
'di na magiging hungkag ang buhay,
'di na magiging hungkag ang buhay.
II
'Pag wala kang Diyos at 'di S'ya makita,
'pag 'di makilala ang kapangyarihan Niya,
bawat araw ay miserable, at walang halaga o kahulugan.
Nasa'n man o anuman ang gawain,
kabuhayan at mga layunin,
'pag walang Diyos, puso ng tao ay masasakta't magdurusa nang husto.
Puno ng pagdurusa ang mga araw na walang Diyos.
Kung kapangyarihan ng Lumikha'y tanggap,
nagpapasakop sa Kanyang pagsasaayos,
at hanap ay tunay na pantaong buhay,
makakalaya sa kasawian, sa lahat ng pagdurusa,
'di na magiging hungkag ang buhay,
'di na magiging hungkag ang buhay.
Pag kayang kilalanin ng mga tao ang kapangyarihan ng Diyos sa kanilang kapalaran,
pinipili ng matatalino na alami't tanggapin ito,
at magpaalam sa masasaklap na araw
nang sikapin nilang magkaro'n ng magandang buhay sa sariling kayod.
Tanggap na nila ang kanilang kapalaran
'di na pagsisikapan mithiin nila.
Puno ng pagdurusa ang mga araw na walang Diyos.
Kung kapangyarihan ng Lumikha'y tanggap,
nagpapasakop sa Kanyang pagsasaayos,
at hanap ay tunay na pantaong buhay,
makakalaya sa kasawian, sa lahat ng pagdurusa,
'di na magiging hungkag ang buhay,
'di na magiging hungkag ang buhay.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
_______________________________
Makinig sa mas marami pang Chinese Christian songs upang mapalapit sa Diyos!