菜單

Hul 15, 2020

Daily Devotion Tagalog: 4 na Paraan Upang Mapanatili ang Isang Malapit na Relasyon sa Diyos


Sinasabi ng Bibliya, “Magsilapit kayo sa Dios, at siya’y lalapit sa inyo” (Santiago 4:8). Bilang mga Kristiyano, sa pamamagitan lamang ng paglapit sa Diyos at pagkakaroon ng isang tunay na pakikipag-ugnayan sa Kanya at saka natin mapananatili ang isang normal na relasyon sa Diyos at matamo ang gawain ng Banal na Espiritu. Katulad lang ito ng dalawang taong nakikipag-ugnayan sa bawat isa, na mapananatili lamang nila ang kanilang malapit na relasyon sa mahabang panahon sa pamamagitan ng pagiging bukas sa isa’t isa, madalas na pakikipag-usap kapag nahaharap sila sa mga isyu, at sa pamamagitan ng pag-unawa at paggalang sa isa’t isa. Nguni’t sa panahong ito na ang lahat ay napakabilis, ang sobrang daming trabaho, kumplikadong mga relasyon at masasamang kalakarang panlipunan ang humahatak sa atin at madalas na sumasakop sa ating panahon. Ang ating mga puso ay madaling mabagabag ng mga tao, mga pangyayari at mga bagay sa sanlibutan, at pinipigilan tayong mapanatili ang normal na relasyon sa Diyos. Ito ang nagdadala sa atin palayo nang palayo sa Diyos, at kapag nahaharap tayo sa mga isyu, nagiging mas mahirap para sa atin na mapanatag ang ating mga sarili sa harapan ng Diyos, na lumapit sa Diyos at hanapin ang kaliwanagan at gabay ng Banal na Espiritu. Kapag gumagawa tayo ng mga bagay, kadalasan ginagawa natin ang mga ito nang walang ano mang tamang direksyon o layunin, at ang ating mga espiritu ay patuloy na nasa kalagayan ng kahungkagan at pagkabalisa. Kaya’t paano natin tiyak na mapananatili ang isang malapit na relasyon sa Diyos? Kailangan lang nating maunawaan ang apat na puntos sa ibaba, at ang ating relasyon sa Diyos ay siguradong mas magiging malapit.

Hul 14, 2020

Ang mga Taong Natamo ng Diyos ay Nagtataglay ng Realidad



I

Ang Diyos ay praktikal na Diyos.

Lahat ng Kanyang gawain, Kanyang bawat salita,

mga katotohanang Kanyang ipinahayag ay praktikal.

Lahat ng iba pa'y hungkag at hindi tama.

Gagabay sa tao Banal na Espiritu


Para makapasok sa realidad, kailangan ng taong

hanapin, alamin, at maranasan ito.

Sila na taglay at alam ang realidad

ay ang mga natamo ng Diyos.

Alam nila ang Kanyang mga gawain

sa pamamagitan ng pagdanas sa realidad.

Mas nakikipagtulungan ka sa Diyos

at lalo mong dinidisiplina ang iyong laman,

lalong gagawa ang Diyos at magliliwanag sa iyo,

at iyong matatamo ang realidad

at malalaman ang mga gawain ng Diyos.

Hul 13, 2020

Paano ang Pagbabasa ng Bibliya: 3 Pangunahing Punto


Ni: Xiao Xiao, Pransya

Ang pagbabasa ng Biblia ay isang pang-araw-araw na pangangailangan para sa mga Kristiyano, at lubos din itong kailangan sa landas upang kamtin ang katotohanan at limago sa ating mga espiritwal na buhay. Sinabi ng Panginoong Jesus, “Nasusulat, Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa’t salitang lumalabas sa bibig ng Dios” (Mateo 4:4). Maliwanag na, ang madalas na pagbabasa ng mga salita ng Diyos sa Biblia at ang matatag na panghahawak sa mga ito sa ating mga puso ay isang bagay na dapat gawin ng bawat Kristiyano. Gayunpaman, ang bawat isa sa atin ay nagkaroon ng sumusunod na karanasan sa ating pagbabasa sa Banal na Kasulatan: Minsan natatamo natin ang pagliliwanag at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu; ang ating espiritu ay nakikilos, nauunawaan natin ang kalooban at mga hinihingi ng Diyos at mayroong pananampalataya upang isagawa ang mga salita ng Diyos sa ating pang-araw-araw na buhay. Pagkatapos ng ilang panahon, lumalago tayo sa ating mga espiritwal na buhay. Ngunit may mga pagkakataon, nawawalan tayo ng gana at hindi nasisiyahan sa pagbabasa natin ng Biblia at hindi madama ang pagliliwanag at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu. Wala tayong diwa ng kalooban at mga hinhingi ng Diyos, at lalo pang hindi natin nalalaman kung paano isagawa ang mga salita ng Diyos sa ating pang-araw-araw na mga buhay, at pagkalipas ng ilang sandali, hindi natin nararansasan ang espiritwal na paglago. Minsan inaantok pa tayo habang nagbabasa ng Biblia at nagiging lalong hindi gaanong handa na basahin ang Banal na Kasulatan, daluhan ang mga pagtitipon, at manalangin. Nakalilito talaga ang ganito. Binabasa natin ang Biblia kagaya ng lagging ginagawa, kaya bakit mayroong dalawang kinalabasan? Paano natin matatamo ang pagliliwanag at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu upang magtamo tayo ng magandang resulta sa pagbabasa natin ng Banal na Kasulatan? Ang totoo, hangga’t nauunawaan natin ang tatlong mahahalagang punto, malulutas natin ang usaping ito. Susunod, nais kong talakayin ang aking simpleng pagkaunawa sa mga ito.

Hul 12, 2020

Ang mga Pagpapahayag ni Pedro ng Pag-ibig sa Diyos

I


Anumang bagay sa buhay ni Pedro
na ‘di kinalugdan ng Diyos
ay bumagabag sa kanya.
Kung ‘di nalugod ang Diyos, siya’y taos na magsisisi,
naghahanap ng paraan
na mabigyang-kasiyahan ang Diyos.
Sa pinakamaliliit mang bagay sa buhay ni Pedro,
inaring tungkulin n’yang tugunan ang nais ng Diyos,
walang kaluwagan sa dati n’yang disposisyon,
sarili’y inuutusang mas lumalim sa katotohanan.
Ito ma’y pagkastigo, paghatol, o matinding kahirapan,
makakamit mo ang pagsunod hanggang kamatayan.
At dapat itong makamit ng isang nilalang ng Diyos.
Ito ang kalinisan ng pag-ibig ng Diyos.
Ito ang kalinisan ng pag-ibig ng Diyos.

Hul 11, 2020

Ano ang Kahulugan ng Pahinga sa Biblia?

Ang salitang “pahinga” ay literal na nangangahulugang mag-relaks sa kapayapaan; ipinahihiwatig din nito ang pagluluksa ng mga tao para sa mga patay. Sa Biblia, ang salitang “pahinga” ay lumilitaw nang dalawang daang beses. Kaya, ano nga ba ang kahulugan ng “pahinga” sa Biblia?

Ang salitang “pahinga” ay unang lumitaw sa Aklat ng Genesis 2:1-3: “At nayari ang langit at ang lupa, at ang lahat na natatanaw sa mga iyon. At nang ikapitong araw ay nayari ng Dios ang kaniyang gawang ginawa; at nagpahinga ng ikapitong araw sa madlang gawa niyang ginawa. At binasbasan ng Dios ang ikapitong araw at kaniyang ipinangilin, sapagka’t siyang ipinagpahinga ng Dios sa madlang gawang kaniyang nilikha at ginawa.” Alam ng lahat ng mga nagbabasa ng Biblia na nilikha ng Diyos na Jehova ang langit, lupa, dagat at lahat ng mga bagay sa kanila sa loob ng anim na araw, at sa ika-anim na araw ay nilalang Niya sina Adan at Eba sa Kanyang sariling larawan at ipinagkaloob sa kanila ang kapangyarihan ng pamamahala ng lahat ng bagay. Maaari silang makipag-usap sa Diyos at nanirahan sa isang maligayang buhay sa ilalim ng pag-aalaga at proteksyon ng Diyos. Iyon ang maginhawang buhay na mayroon ang sangkatauhan sa paninirahan sa Hardin ng Eden. Nang makita ng Diyos ang lahat ng Kanyang nilikha, ang Kanyang puso ay nagkamit ng kaginhawahan, kasiyahan at kaligayahan, at hininto Niya ang lahat ng Kanyang gawain at nagpahinga. Ito ay nagpapahiwatig na ang gawain ng paglikha ng Diyos ay dumating sa isang matagumpay na konklusyon. At ito ang kahulugan ng mga salitang “sapagka’t siyang ipinagpahinga ng Dios sa madlang gawang kaniyang nilikha at ginawa.”

Hul 10, 2020

Ang Halagang Isinabuhay ni Job sa Kanyang Buong Buhay

Si Job Pagkatapos ng Kanyang mga Pagsubok

Job 42:7-9 At nangyari, na pagkatapos na masabi ni Jehova ang mga salitang ito kay Job, sinabi ni Jehova kay Eliphaz na Temanita, Ang Aking poot ay nag-aalab laban sa iyo, at laban sa iyong dalawang kaibigan: sapagka’t hindi kayo nagsalita tungkol sa Akin ng bagay na matuwid, na gaya ng ginawa ng Aking lingkod na si Job. Kaya’t kumuha kayo ngayon ng pitong guyang baka, at pitong lalaking tupa, at pumaroon kayo sa aking lingkod na si Job, at ialay ninyo ang pinakahandog na susunugin: at idadalangin kayo ng Aking lingkod na si Job: sapagka’t siya’y Aking tatanggapin, baka kayo’y Aking gawan ng ayon sa inyong kamangmangan; sapagka’t hindi kayo nagsasalita tungkol sa Akin ng bagay na matuwid, na gaya ng Aking lingkod na si Job. Sa gayo’y pumaroon si Eliphaz na Temanita, at si Bildad na Suhita, at si Sophar na Naamatita, at ginawa ang ayon sa iniutos sa kanila ni Jehova: at nilingap ni Jehova si Job.

Hul 9, 2020

Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan

Ang gawain ng mga huling araw ay upang pagbukud-bukurin ang lahat ayon sa kanilang uri, upang tapusin ang plano ng pamamahala ng Diyos, sapagka’t ang oras ay malapit na at ang araw ng Diyos ay nakarating na. Dinadala ng Diyos ang lahat ng nakapasok sa Kanyang kaharian, iyon ay, lahat ng naging tapat sa Kanya hanggang sa katapusan, tungo sa kapanahunan ng Diyos Mismo. Subali’t, hanggang sa pagdating ng kapanahunan ng Diyos Mismo, ang gawaing gagawin ng Diyos ay hindi upang magmasid sa mga gawa ng tao o magtanong tungkol sa buhay ng tao, kundi upang hatulan ang kanyang paghihimagsik, sapagka’t dadalisayin ng Diyos ang lahat ng lalapit sa harap ng Kanyang luklukan. Lahat ng nakasunod sa mga yapak ng Diyos hanggang sa araw na ito ay yaong mga nagsilapit sa harap ng luklukan ng Diyos, at yamang ganito, ang bawat isang tao na tumatanggap sa gawain ng Diyos sa huling yugto nito ang siyang pinag-uukulan ng pagdadalisay ng Diyos. Sa ibang salita, ang lahat ng tumatanggap sa gawain ng Diyos sa huling yugto nito ang siyang pinag-uukulan ng paghatol ng Diyos.