I
Anumang bagay sa buhay ni Pedro
na ‘di kinalugdan ng Diyos
ay bumagabag sa kanya.
Kung ‘di nalugod ang Diyos, siya’y taos na magsisisi,
naghahanap ng paraan
na mabigyang-kasiyahan ang Diyos.
Sa pinakamaliliit mang bagay sa buhay ni Pedro,
inaring tungkulin n’yang tugunan ang nais ng Diyos,
walang kaluwagan sa dati n’yang disposisyon,
sarili’y inuutusang mas lumalim sa katotohanan.
Ito ma’y pagkastigo, paghatol, o matinding kahirapan,
makakamit mo ang pagsunod hanggang kamatayan.
At dapat itong makamit ng isang nilalang ng Diyos.
Ito ang kalinisan ng pag-ibig ng Diyos.
Ito ang kalinisan ng pag-ibig ng Diyos.
II
Minahal ni Pedro ang Diyos
sa puntong kinailangan ng Diyos.
Ang gayong tao lang ang makapagpapatotoo.
Sa paniniwala niya’y,
hangad ni Pedrong laging mapasaya ang Diyos,
sinusunod ang lahat ng nagmula sa Diyos,
nang walang reklamo,
tinatanggap ang pagkastigo at paghatol,
kadalisayan, kasalata’t matinding kahirapan.
Walang makayayanig sa pag-ibig n’ya sa Diyos.
Di ba’t ito ang sukdulang pagmamahal sa Diyos?
Di ba nito tinutupad ang tungkulin
ng isang nilalang ng Diyos?
Ito ma’y pagkastigo, paghatol, o matinding kahirapan,
makakamit mo ang pagsunod hanggang kamatayan.
At dapat itong makamit ng isang nilalang ng Diyos.
Ito ang kalinisan ng pag-ibig ng Diyos.
Ito ang kalinisan ng pag-ibig ng Diyos.
Ito ang kalinisan ng pag-ibig ng Diyos.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
——————————————
Magrekomenda nang higit pa:Tagalog worship songs