菜單

May 23, 2020

Hinahanap Ng Diyos ang Iyong Puso at Iyong Espiritu" | Ang Pagtawag ng Pag-ibig ng Diyos



I

Taong nilisan tustos-buhay mula sa Makapangyarihan

di alam ba't umiiral, nguni't takot sa kamatayan.

Walang suporta at tulong,

ngunit nag-aatubili pa ring ipikit kanilang mga mata,

sinusuong ang lahat,

inilalantad walang dangal na buhay sa mundo

sa katawang kaluluwa ay walang malay.

Buhay nang walang pag-asa't layunin.

Ang Tanging Banal lamang ang nasa alamat,

ang Tanging Banal lamang ang nasa alamat

na magliligtas sa nagdurusa

at naghahangad ng Kanyang pagdating.

Sa taong walang-malay,

paniwalang ito'y di pa matatanto hanggang ngayon.

Gayunman, tao'y hangad pa rin ito, hangad ito.

May 22, 2020

Alin ang mas Dakila: Ang Diyos, o ang Biblia? Ano ang Pagkakaugnay ng Diyos at ng Biblia?

1. Sa maraming taon, ang mga kinaugaliang paraan ng paniniwala ng mga tao (ng Kristiyanismo, ang isa sa tatlong pangunahing relihiyon ng mundo) ay ang basahin ang Biblia; ang paglihis mula sa Biblia ay hindi paniniwala sa Panginoon, ang paglihis mula sa Biblia ay paglihis sa pananampalataya, at hidwang paniniwala, at kahit na basahin pa ng mga tao ang ibang mga libro, ang pundasyon ng mga librong ito ay dapat ang pagpapaliwanag sa Bibilia. Na ang ibig sabihin, kung sinasabi mo na naniniwala ka sa Panginoon, dapat mong basahin ang Biblia, dapat mong kainin at inumin ang Biblia, at bukod sa Biblia hindi ka dapat sumamba ng anumang libro na walang kinalaman ang Biblia. Kung gagawin mo iyon, samakatwid pinagtataksilan mo ang Diyos.Mula noong panahong mayroong Biblia, ang pananalig ng mga tao sa Panginoon ay ang paniniwala sa Biblia. Sa halip na sabihing ang mga tao ay nananalig sa Panginoon, mas mabuti pang sabihin na naniniwala sila sa Biblia; sa halip na sabihing nagsimula na silang magbasa ng Biblia, mas mabuti pang sabihing nagsimula na silang maniwala sa Biblia; at sa halip na sabihing nagbalik na sila sa Panginoon, mas mabuti pang sabihing nagbalik na sila sa Biblia. Sa ganitong paraan, sinasamba ng mga tao ang Biblia na para bang ito ang Diyos, na para bang ito ang kanilang ikinabubuhay at ang mawalan nito ay kapareho ng mawalan ng kanilang buhay. Itinuturing ng mga tao ang Biblia na kasintaas ng Diyos, at may mga tao pa na itinuturing itong mas mataas pa kaysa sa Diyos.

May 21, 2020

Di ako sang-ayon sa sinabi mo! Pananalig sa Diyos ang paniniwala sa Biblia. ‘Di pananalig sa Diyos ang paglayo sa Biblia!

Sagot: “Pananalig sa Diyos ang paniniwala sa Biblia. ‘Di pananalig sa Diyos ang pagtalikod sa Biblia.” Mali ang pahayag na ‘yan! Maililigtas ba ng Biblia ang mga tao? Mapapalitan ba ng Biblia ang Diyos? Mapapalitan ba ng Biblia’ng gawain ng Espiritu Santo? Makakatawan ba nito ang Diyos at magagawa ang paghatol Niya? Mas dakila ba ang Diyos, o mas dakila ang Biblia? Nauna ba ang Diyos, o nauna ang Biblia? Wala pang Biblia nung panahon ni Abraham, kaya masasabi niyo bang hindi nanalig si Abraham sa Diyos? Wala pang Biblia nang pamunuan ni Moises ang mga Israelita palabas ng Egipto, kaya masasabi niyo ba na hindi nanalig si Moises sa Diyos? Ang Diyos ay Diyos, ang Biblia ay Biblia. Di pwedeng katawanin ng Biblia’ng Diyos, at ang Biblia ay hindi ang Diyos. Ang Biblia ay talaan lang ng kasaysayan ng nakaraang gawain ng Diyos, mga patotoo lang tungkol sa Diyos. Di mapapalitan ng Biblia ang gawai’t pahayag ng Diyos sa mga huling araw, at ‘di rin nito mapapalitan ang Diyos sa pagliligtas sa tao. Kaya ‘di tulad ng paniniwala sa Biblia’ng pananalig sa Diyos. Kapag itinuring ng mga tao na Diyos ang Biblia, malubhang pagkalaban at paglapastangan ‘yan sa Diyos! Ang Biblia ay isang patotoo lang sa gawain ng Diyos. ‘Di pwedeng katawanin ng Biblia’ng Diyos sa pagbibigay ng buhay, at ‘di nito mapapalitan ang gawain ng Espiritu Santo.

May 20, 2020

Alamin ang layunin ng tatlong yugto ng gawain ng pamamahala ng Diyos sa sangkatauhan.

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang kabuuan ng Aking plano sa pamamahala, isang plano na sumasaklaw ng anim na libong taon, ay binubuo ng tatlong yugto, o tatlong kapanahunan: ang Kapanahunan ng Kautusan sa pasimula; ang Kapanahunan ng Biyaya (na tinatawag ding Kapanahunan ng Pagtubos); at ang Kapanahunan ng Kaharian sa mga huling araw. Ang aking gawain sa tatlong kapanahunang ito ay nagkakaiba sa nilalaman ayon sa kalikasan ng bawat kapanahunan, ngunit sa bawat yugto ito ay tumutugma sa mga pangangailangan ng tao-o, upang maging mas tumpak, ito ay tinutupad batay sa mga panlilinlang na ginagamit ni Satanas sa Aking pakikipagdigma laban dito. Ang layunin ng Aking gawain ay upang talunin si Satanas, upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan, upang ilantad ang lahat ng mga panlilinlang ni Satanas, at sa gayon ay iligtas ang buong lahi ng tao, na namumuhay sa ilalim ng sakop nito. Ito ay upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan habang ibinubunyag ang di-matiis na pagiging kakila-kilabot ni Satanas. Lalong higit pa, ito ay upang turuan ang Aking mga nilalang na kumiling sa pagitan ng mabuti at masama, upang makilala na Ako ang Tagapamahala ng lahat ng bagay, upang makita nang malinaw na si Satanas ay kaaway ng sangkatauhan, ang pinakamababa sa mababa, ang siyang masama, at upang makita, nang may katiyakang walang-pasubali, ang pagkakaiba sa pagitan ng mabuti at masama, katotohanan at kasinungalingan, kabanalan at karumihan, at kung ano ang dakila at kung ano ang hamak. Sa ganitong paraan, ang mangmang na sangkatauhan ay makakayang maging saksi sa Akin na hindi Ako ang tumitiwali ng sangkatauhan, at tanging Ako lamang-ang Panginoon ng sangnilikha-ang makapagliligtas sa sangkatauhan, ang makapagbibigay sa tao ng mga bagay na ikasisiya nila; at kanilang malalaman na Ako ang Tagapamahala ng lahat ng bagay at si Satanas ay isa lamang sa Aking mga nilikha at nang naglaon ay kumalaban sa Akin. Ang Aking anim-na-libong-taong plano sa pamamahala ay nahahati sa tatlong yugto upang makamit ang mga sumusunod na resulta: upang mapahintulutan ang Aking mga nilalang na maging Aking mga saksi, upang malaman ang Aking kalooban, upang makita na Ako ang katotohanan.

May 19, 2020

Paano Sasalubungin ang Ikalawang Pagparito ng Panginoon


Ni Anyuan, Pilipinas

Dalawang libong taon na ang nakararaan, tinanong ng mga alagad ng Panginoon si Jesus, “Ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan?” (Mateo 24:3). Sumagot ang Panginoong Jesus, “At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagka’t kinakailangang ito’y mangyari datapuwa’t hindi pa ang wakas. Sapagka’t magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba’t ibang dako. Datapuwa’t ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan” (Mateo 24:6–8). Ngayon, parami nang parami ang nagaganap na mga kalamidad sa buong mundo. Sunud-sunod ang mga lindol, epidemya, taggutom, digmaan at baha. Sa pagtatapos ng 2019, isang bagong uri ng coronavirus ang lumitaw sa Wuhan, China. Nakakabahala ang bilis ng pagkalat nito; sa loob lamang ng ilang buwan, naglitawan ang mga kaso sa buong bansa, at agad nagkagulo sa China. Maraming lalawigan, munisipalidad at nayon ang sunud-sunod na ikinu-kuwarentina habang patuloy na dumarami ang namamatay. Kumalat na rin ang virus sa mahigit dalawampung iba pang mga bansa sa buong mundo. Bukod pa rito, sa pagitan ng Setyembre 2019 at Enero 2020, winasak ng mga wildfire sa Australia ang mahigit 5,900 gusali at pinatay ang mahigit isang bilyong hayop. Noong Enero 2020, tinamaan din ang kontinenteng iyon ng minsan-sa-isang-siglong malakas na pag-ulan, na nagsanhi ng mga pagbaha na pumatay sa maraming isda sa tubig-tabang. Sa buwan ding iyon, libu-libong tao ang nawalan ng tahanan dahil sa mga pagbaha sa Indonesia. Nagkaroon din ng pagsabog ng buklan sa Pilipinas, ang pinakamalalang pamemeste ng mga balang sa loob ng 25 taon sa Africa, isang 6.4 magnitude na lindol sa Xinjiang. … Humahaba pa ang listahan. Natupad na ang mga propesiya sa Biblia tungkol sa pagdating ng Panginoon. Patunay ito na nagbalik na ang Panginoon—kaya bakit kailangan pa nating salubungin ang Kanyang pagdating? Hindi ba tayo masasadlak sa malaking pagdurusa kung magpatuloy ito? At ano naman ang dapat nating gawin para salubungin ang pagdating ng Panginoon?

May 18, 2020

Ano ang Pagsisisi? Paano Natin Makakamit ang Tunay na Pagsisisi?


Sa taong 2020, ang virus na COVID-19 ay humagupit sa buong mundo, na nagpasindak sa mundo. Nakakagulat din ang napakalaking bilang ng mga balang na kumuyog sa Africa. Sa pagdating ng salot at taggutom, parami nang paraming naniniwala sa Panginoon ang nagsimula nang maramdaman na ang araw ng pagdating ng Panginoon ay nalalapit na, at na ang kaharian ng Diyos ay parating na. Minsang sinabi ng Panginoong Jesus, “Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit” (Mateo 4:17). Ito ang hinihingi ng Panginoon sa bawat isa sa atin. Tanging kung tunay tayong nagsisisi tayo pangangalagaan ng Diyos at daldahin sa kaharian sa langit bago ang matinding kapighatian. Kaya ano ang tunay na pagsisisi, at paano natin ito makakamit?

May 17, 2020

Nakikita ng Diyos ang Tapat na Pagsisisi sa Kaibuturan ng mga Puso ng mga Taga-Ninive



Ang Payak na Pagkakaiba ng Reaksyon ng Ninive at Sodoma sa Babala ng Diyos na si Jehova

Ano ang ibig sabihin ng mapabagsak? Sa pangkaraniwang termino, ang ibig sabihin nito ay paglaho. Ngunit sa anong paraan? Sino ang makakapagpabagsak sa isang buong lungsod? Siyempre, imposibleng magawa ng isang tao ang gayong gawain. Hindi mga hangal ang mga taong ito; sa sandaling narinig nila ang pahayag na ito, nakuha na nila ang ideya. Alam nila na mula ito sa Diyos; alam nila na isasagawa ng Diyos ang Kanyang gawain; alam nila na ang kanilang kasamaan ang nagpasiklab sa poot ng Diyos na si Jehova at nagdala ng Kanyang galit sa kanila, kaya sila ay malapit nang puksain kasama ng kanilang lungsod. Paano kumilos ang mga mamamayan ng lungsod matapos nilang marinig ang babala ng Diyos na si Jehova? Inilarawan ng Biblia ang malinaw na detalye kung paano tumugon ang mga tao, mula sa kanilang hari hanggang sa pangkaraniwang tao. Batay sa tala ng Kasulatan: “At ang bayan ng Ninive ay sumampalataya sa Dios; at sila’y nangaghayag ng ayuno, at nangagsuot ng kayong magaspang, mula sa kadakidakilaan sa kanila hanggang sa kaliitliitan sa kanila. At ang mga balita ay dumating sa hari sa Ninive, at siya’y tumindig sa kaniyang luklukan, at hinubad niya ang kaniyang balabal, at nagbalot siya ng kayong magaspang, at naupo sa mga abo. At kaniyang inihayag at itinanyag sa buong Ninive sa pasiya ng hari at ng kaniyang mga mahal na tao, na sinasabi, Huwag lumasa maging tao ni hayop man, bakahan ni kawan man, ng anomang bagay: huwag silang magsikain, ni magsiinom man ng tubig; Kundi mangagbalot sila ng kayong magaspang, ang tao at gayon din ang hayop, at magsidaing silang mainam sa Dios: oo, talikdan ng bawa’t isa ang kaniyang masamang lakad, at ang pangdadahas na nasa kanilang mga kamay. …”