Sa taong 2020, ang virus na COVID-19 ay humagupit sa buong mundo, na nagpasindak sa mundo. Nakakagulat din ang napakalaking bilang ng mga balang na kumuyog sa Africa. Sa pagdating ng salot at taggutom, parami nang paraming naniniwala sa Panginoon ang nagsimula nang maramdaman na ang araw ng pagdating ng Panginoon ay nalalapit na, at na ang kaharian ng Diyos ay parating na. Minsang sinabi ng Panginoong Jesus, “Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit” (Mateo 4:17). Ito ang hinihingi ng Panginoon sa bawat isa sa atin. Tanging kung tunay tayong nagsisisi tayo pangangalagaan ng Diyos at daldahin sa kaharian sa langit bago ang matinding kapighatian. Kaya ano ang tunay na pagsisisi, at paano natin ito makakamit?
Ang Mabuting Pag-uugali ba ay Nagpapahiwatig ng Tunay na Pagsisisi?
Kapag binabanggit ang pagsisisi, maraming mananampalataya sa Panginoon ang magsasabi, “Ngayong naniniwala na tayo sa Panginoon, hindi tayo nagmumura o nakikipag-away, mapagparaya at mapagpasensya tayo sa iba, madalas tayong manalangin at mangumpisal sa Panginoon, gumagawa tayo at ginugugol natin ang ating mga sarili para sa Panginoon, at ni hindi rin natin itinatanggi ang pangalan ng Panginoon matapos na mabilanggo. Pinatutunayan ng mabuting pag-uugaling ito na tunay na tayong nagsisi. Pagbalik ng Panginoon, papasok tayo sa kaharian sa langit kasama Niya.” Matapos nating magsimulang maniwala sa Panginoon, iwinaksi natin ang ating masasamang gawi; naging mapagpakumbaba tayo, mapagparaya, tinulungan natin ang iba, at nagawa nating talikdan ang mga bagay at igugol ang ating sarili upang maipalaganap ang ebanghelyo at magpatotoo sa Panginoon. Mayroon nga talagang ilang pagbabago sa ating pag-uugali, ngunit hindi maikakaila na hindi pa natin napalaya ang ating sarili mula sa pagkakagapos sa kasalanan, at madalas na nabubuhay pa rin tayo sa gitna ng kasalanan, hindi makatakas. Halimbawa, kapag may nagsabi ng isang bagay na nakakasakit sa atin ngunit hindi nanghihimasok sa ating mga pangunahing interes, maaaring kaya nating magpasensya, at hindi natin sila pagsasalitaan ng dahil dito. Ngunit kapag may nagsabi ng isang bagay na nakakasakit sa ating reputasyon at katayuan at ipinapahiya tayo, kahit pa maaaring hindi tayo magsalita ng mapamintas sa kanila, may sama ng loob at pagkiling sa kanila sa loob ng ating mga puso, at maaari pa nating maisipang gumanti. Sa maraming bagay, kahit na mukha tayong hindi gumagawa ng anumang malaking kasamaan, madalas nagkakaroon ng masasamang saloobin ang ating mga puso. Kung minsan, maaari nating magawang magpasensya at magpigil ng sarili sa isang sandali, ngunit sa oras na ito ay maging labis para sa atin, nanganganib pa rin tayong makagawa ng kasamaan. Kapag nalalantad at nahahayag sa atin ang mga ganoong bagay, at hindi pa tayo nakakawala mula sa pagkakagapos ng kasalanan, masasabi bang tunay na tayong nagsisi?
Magbasa tayo ng isang sipi ng mga salita ng Diyos, “Ang mga pagbabago na hindi hihigit kaysa sa paggawi ay hindi napapanatili. Kung walang pagbabago sa disposisyon sa buhay ng mga tao, sa malao’t madali kung gayon lilitaw ang kanilang masamang bahagi. Sapagka’t ang pinagmumulan ng mga pagbabago sa kanilang paggawi ay sigasig, kalakip ng ilang gawain ng Banal na Espiritu sa panahong iyon, masyadong napakadali para sa kanila na maging maalab, o magpakita ng kabaitan sa loob ng ilang panahon. Kagaya ng sinasabi ng hindi sumasampalataya, ‘Ang paggawa ng isang mabuting gawa ay madali, ang mahirap ay ang habambuhay na paggawa ng mabubuting gawa.’ Walang kakayahan ang mga tao sa paggawa ng mabubuting gawa sa buong buhay nila. Ang kanilang paggawi ay idinidikta ng buhay; kung anuman ang kanilang buhay, gayundin ang kanilang paggawi, at yaon lamang likas na ibinunyag ang kumakatawan sa buhay, at sa kalikasan ng isa. Ang mga bagay na huwad ay hindi magtatagal. Kapag ang Diyos ay gumagawa upang iligtas ang tao, hindi upang palamutian ang tao ng mabuting paggawi—ang gawain ng Diyos ay para baguhin ang mga disposisyon ng mga tao, upang sila ay muling ipanganak na bagong mga tao. … Ang pagpapakabait ay hindi kapareho ng pagsunod sa Diyos, lalong hindi ito katumbas ng pagiging kaayon kay Cristo. Ang mga pagbabago sa paggawi ay batay sa doktrina, at iniluwal dahil sa sigasig—hindi batay ang mga ito sa tunay na kaalaman ukol sa Diyos, o sa katotohanan, lalong hindi dahil sa paggabay ng Banal na Espiritu. Bagama’t may mga pagkakataon na ang ilan sa ginagawa ng mga tao ay pinapatnubayan ng Banal na Espiritu, hindi ito ang pagpapahayag ng buhay, lalong hindi ito kapareho ng pagkakilala sa Diyos; gaano man kabuti ang paggawi ng isang tao, hindi nito pinatutunayan na sinusunod nila ang Diyos, o na isinasagawa nila ang katotohanan. Ang mga pagbabago sa paggawi ay panandaliang ilusyon, ang mga ito ang pagpapahiwatig ng sigasig, at ang mga ito ay hindi ang pagpapahayag ng buhay” (“Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Panlabas na mga Pagbabago at mga Pagbabago sa Disposisyon” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo).
Ipinakikita sa atin ng mga salita ng Diyos na bagaman bumuti na ang ating pag-uugali pagkatapos nating magsimulang maniwala sa Diyos, hindi ito nangangahulugang nagkaroon na ng pagbabago sa ating disposisyon sa buhay. Karamihan sa mabuting pag-uugali ay bunga ng silakbo ng damdamin, ito ay pag-uugaling nagmumula sa doktrina at mga patakaran, o kung hindi, ito ay isang pagsasagawang nagmumula sa pag-antig ng Banal na Espiritu. Hindi ito dahil nauunawaan natin ang katotohanan, hindi ito dahil may kaalaman tayo sa Diyos, at hindi ito isang pagsasagawang natural na nagmumula sa ating pagnanais na palugurin at mahalin ang Diyos. Nagawa na tayong tiwali ni Satanas sa loob ng libu-libong taon, punung-puno tayo ng lahat ng uri ng tiwaling satanikong disposisyon—pagmamataas, kapalaluan, pagkamakasarili, kawalang-dangal, kataksilan, at katusuhan. Kung ang mga disposisyong ito ay hinayaang hindi pa nalulutas, kahit na magawa nating sundin ang ilang mga patakaran at maging tila banal tayo sa panlabas, hindi ito magtatagal, at kapag nakatagpo tayo ng isang bagay na hindi kanais-nais, hindi natin kayang pigilan ang ating mga sarili na magkasala. Halimbawa, kontrolado ng ating mapagmataas at palalong satanikong kalikasan, lagi nating sinisikap na parangalan tayo ng iba, at kapag hindi ginagawa ng iba ang sinasabi natin, mabilis tayong nagagalit at agad na pinagsasalitaan sila. Sa pangunguna ng ating makasariling kalikasan, ang lahat ng ating ginagawa ay may pagsasaalang-alang sa ating mga sariling interes; kapag maayos ang lahat sa tahanan, handa tayong isuko ang mga bagay-bagay at igugol ang ating sarili para sa Diyos, at matitiis natin ang anumang paghihirap. Ngunit kapag dumating ang kasawian, sinisisi natin ang Diyos sa hindi pangangalaga sa atin. Maaari pa nating simulang panghinayangan kung ano ang ating isinuko, at isipin na ipagkanulo ang Diyos. Minsan napapansin natin ang mga pagkilos ng mga kapatid sa iglesia na malinaw na lumalabag sa mga turo ng Diyos, at nakakasama pa sa mga interes ng iglesia, at nararapat natin silang pagsabihan. Ngunit, dahil naiimpluwensyahan ng mga satanikong pilosopiya sa pamumuhay tulad ng, “Tumatagal at gumaganda ang pagkakaibigan sa pananahimik sa mga kasalanan ng mabubuting kaibigan” at “Mas kakaunti ang gulo, mas mainam,” nananahimik tayo, mas pinipiling isakripisyo ang mga interes ng iglesia upang mapanatili ang ating relasyon sa kanila. At iba pa. Ipinakikita nito na kung hindi pa nalulutas ang ating mga tiwaling disposisyon, hindi natin maisasagawa ang katotohanan o masusunod ang Diyos, at maaaring labanan pa Siya. Gamitin natin ang mga Fariseo ng dalawang libong taon na ang nakalipas bilang halimbawa. Sa panlabas, tila hindi sila gumawa ng anumang kasamaan. Naglakbay sila nang malayo at ipinalaganap ang ebanghelyo, madalas na ipinaliwanag ang mga banal na kasulatan sa mga tao, at tinuruan ang mga taong sundin ang batas. Karamihan sa kanilang pag-uugali ay mabuti, ngunit nang nagpakita ang Panginoong Jesus at nagsimula ng Kanyang gawain, sapagkat Siya ay mukhang normal at ordinaryo sa panlabas at hindi Siya tinawag na Mesiyas, at dahil ang lahat ng tungkol sa Kanya ay salungat sa kanilang mga pagkaunawa, ang kanilang mapagmataas at palalong mga satanikong disposisyon ay nailantad. Malinaw nilang kinondena at nilapastangan ang Panginoong Jesus, hindi nila pinakinggan kung ang mensaheng sinabi ng Panginoong Jesus ay ang katotohanan, binalewala nila Siya kahit na gaano man karaming tanda at himala ang Kanyang ginawa, at sa huli, nakipagsabwatan sila sa mga awtoridad ng Roma upang ipako sa krus ang Panginoong Jesus.
Ipinakikita ng nasa itaas na kahit na may mga pagbabago sa ating panlabas na pag-uugali, kung walang pagbabago sa ating panloob na mga disposisyon sa buhay, pamumunuan pa rin tayo ng ating mga tiwaling satanikong disposisyon at manganganib na gumawa ng kasalanan at lumaban sa Diyos sa anumang sandali. Ang gayong mga tao ay hindi rin tunay nang nagsisi at sadyang hindi karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng langit. Tulad ng sinasabi sa Biblia, “Ang bawa’t nagkakasala ay alipin ng kasalanan. At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailan man: ang anak ang nananahan magpakailan man” (Juan 8:34–35).
Ano ang Tunay na Pagsisisi?
Kaya, ano ang tunay na pagsisisi? Nakatala sa Biblia, “Mapapalad ang nangaghuhugas ng kanilang damit, upang sila’y magkaroon ng karapatan sa punong kahoy ng buhay, at makapasok sa bayan sa pamamagitan ng mga pintuan” (Pahayag 22:14). “Kayo nga’y magpakabanal, sapagka’t ako’y banal” (Levitico 11:45). Ang Diyos ay banal. Kinamumuhian Niya ang mga kasalanan ng tao, at kung gayon ang pamantayan para sa tunay na pagsisisi ay kapag ang iba’t ibang satanikong disposisyon sa mga tao—ang pagmamataas, kapalaluan, pagkamakasarili, kawalang-dangal, kataksilan, at katusuhan—ay nalinis at nabago na, kapag isinasagawa na nila ang mga salita ng Diyos anuman ang kanilang kapaligiran, hindi na gumagawa ng kasalanan o lumalaban sa Diyos, ngunit tunay na sumusunod at gumagalang sa Diyos, at kapag ganap na silang natamo ng Diyos. Tanging ang ganitong mga tao ang tunay nang nagsisi.
Bakit Hindi Natin Nakamit ang Tunay na Pagsisisi sa Ating Paniniwala sa Panginoon?
Maaaring itanong ng ilang tao, “Bakit kaya tinanggap na natin ang pagtubos ng Panginoon at napatawad na ang ating mga kasalanan, subalit wala pa rin tayong kakayahan na makamit ang tunay na pagsisisi?” Ito ay pangunahing sapagkat sa Kapanahunan ng Biyaya, ginawa ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos, hindi ang gawain ng pagbabago ng tiwaling mga disposisyon ng mga tao. Basahin natin ang isa pang talata ng mga salita ng Diyos, “Bagaman maraming ginawa si Jesus kapiling ang tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog para sa kasalanan ng tao, at hindi inalis sa tao ang lahat ng kanyang tiwaling disposisyon. Ang ganap na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan kay Jesus na akuin ang mga kasalanan ng tao bilang handog para sa kasalanan, kundi nangailangan din sa Diyos na gumawa ng mas malaking gawain upang ganap na tanggalin sa tao ang kanyang disposisyon, na nagawang tiwali ni Satanas” (Paunang Salita sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ipinaaalam nito sa atin na sa Kapanahunan ng Biyaya, isinagawa lamang ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos sa sangkatauhan, ang nagresulta upang magawang mangumpisal at magsisi ng mga tao. Bilang bahagi ng gawain ng pagtubos, sinabi ng Panginoong Jesus ang daan ng pagsisisi, itinuro Niya sa mga tao kung paano mangumpisal at magsisi ng kanilang mga kasalanan, pasanin ang krus at sundan ang Panginoon. Gayundin, dapat nilang ibigin ang iba kung paanong iniibig nila ang kanilang mga sarili, dapat silang maging mapagpakumbababa, mapagpasensya, at mapagparaya, at patawarin ang mga tao ng makapitumpung pitong ulit, at marami pang iba. Itong lahat ang mga hinihingi sa tao batay sa katayuan ng tao noon; kapag nagkasala ang tao, humaharap sila sa Panginoong Jesus upang mangumpisal ng kanilang mga kasalanan at magsisi, ang kanilang mga kasalanan ay napatawad, at sila’y nararapat na lumapit sa harap ng Diyos at magpatuloy na sumamba sa Diyos. Lahat ng binigkas ng Panginoong Jesus ay mga katotohanang kayang unawain ng mga tao noon. Ngunit hindi nakapaloob dito ang pagbabago ng mga disposisyon ng tao, at kaya gaano man natin basahin ang Biblia, gaano man natin ikumpisal ang ating mga kasalanan at magsisi, o gaano man natin pangibabawan ang sarili natin, nananatili pa rin tayong walang kakayahan na mapalaya ang ating mga sarili sa kasalanan at makamit ang tunay na pagsisisi.
__________________________________________________
Ang Diyos ay banal at ang kaharian ng Diyos ay banal din. Paano maiiwasan ang kasalanan natin at matanggal ang makasalanang kalikasan upang makapasok sa kaharian ng langit? Dapat nating maranasan ang gawain ng Diyos ng pag-aalis sa kasalanan sa mga huling araw. Pagkatapos lamang nito maaari tayong malinis at makapasok sa kaharian ng langit.
__________________________________________________
Paano Makamit ang Tunay na Pagsisisi?
Kaya paano natin makakamit ang tunay na pagsisisi? Ipinropesiya ng Panginoong Jesus, “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi Siya magsasalita ng mula sa Kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na Kaniyang marinig, ang mga ito ang Kaniyang sasalitain: at Kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12–13). “Ang nagtatakuwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:48). “Pakabanalin Mo sila sa katotohanan: ang salita Mo’y katotohanan” (Juan 17:17). Ipinakikita sa atin ng mga salitang ito na sapagkat ang katayuan ng mga tao sa panahong iyon ay napakababa, hindi nagpahayag ang Panginoong Jesus ng masyadong maraming mga katotohanan o nagbigay sa atin ng daan upang malutas ang ating mga satanikong kalikasan sa Kapanahunan ng Biyaya. Kaya, ipinropesiya ng Panginoon na babalik Siya, na ipapahayag Niya ang mas marami at mataas na mga katotohanan, at isasagawa Niya ang gawain ng paghatol at paglilinis ng tao, sa gayon ganap na mapapalaya natin ang ating mga sarili mula sa gapos ng kasalanan, at malinis at mabago, at tanging sa pagtanggap sa gawain ng paghatol at pagdadalisay sa pagbabalik ng Panginoon na makakamit natin ang tunay na pagsisisi.
Ngayon, bumalik na ang Panginoong Jesus: Siya ang nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos. Sa saligan ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus, isinagawa ng Makapangyarihang Diyos ang gawain ng paghatol simula sa tahanan ng Diyos, ipinahayag Niya ang lahat ng mga katotohanang kinakailangan para sa pagliligtas ng sangkatauhan, at Siya ay pumarito upang hatulan, linisin, at perpektuhin ang mga tumatanggap sa Kanyang pagliligtas sa mga huling araw. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Sa mga huling araw, si Cristo ay gumagamit ng sari-saring katotohanan upang turuan ang tao, ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat mabuhay nang normal ang tao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas nang pangmatagalan. Ang ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang itinuturing na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto na magpasakop sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtam ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya” (“Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Nang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan at isinagawa ang gawain ng paghatol at paglilinis sa tao sa mga huling araw, hindi lamang Niya sinabi sa atin ang ilang mga paraan upang isagawa ang pagsisisi, bagkus nagpahayag ng mga salita ng paghatol, inilalantad ang ating mga kalikasan at katangian na sumusuway at sumasalungat sa Diyos, at ang katotohanan ng ating katiwalian; Ipinagkaloob Niya sa atin ang iba’t ibang katotohanan, tulad ng kung paano maging matapat, paano sundin ang Diyos, paano ibigin ang Diyos, at marami pang iba, at sa gayon ay binibigyan tayo ng isang landas upang magsagawa sa anumang bagay na kinahaharap natin. Sa pagdanas ng paghatol ng mga salita ng Diyos, unti-unti tayong naliliwanagan kung gaano tayo napatiwali ni Satanas, at ang ating kalikasan at kakanyahan ay puno ng mga satanikong disposisyon ng pagmamataas at pagmamagaling, pagkamakasarili at kawalang-dangal, kataksilan at katusuhan. Sa pamumuhay ng ganito, walang katauhan sa naipamuhay natin, kasuklam-suklam tayo sa iba at, bukod dito, kasuklam-suklam tayo at kasumpa-sumpa sa Diyos. Sa pamamagitan ng mga salita ng paghatol ng Diyos, nakikita natin na tayo ay walang-dangal at masama, hindi karapat-dapat na mamuhay kasama ng Diyos, at matapos lamang iyon saka tayo magsisimulang kasuklaman ang ating mga kasalanan at naisin na magsisi. Kasabay nito, makikilala natin ang matuwid na disposisyon ng Diyos na hindi nagpapahintulot ng anumang kasalanan at kung hindi natin isinasagawa ang katotohanan, paniguradong kamumuhian tayo at tatanggihan ng Diyos. Pagkatapos lamang nun sisibol ang takot sa Diyos sa loob natin, magsisimulang talikuran ang laman at isagawa ang katotohanan, unti-unting magkakaroon ng tunay na pagsunod sa Diyos, hindi na maghihimagsik at kakalabanin ang Diyos.
Sa pagdanas ng paghatol at pagkastigo ng Diyos, ganap tayong makakatakas mula sa kasalanan, hindi na magagapos pa ng ating satanikong kalikasan, at malayang maisasagawa ang mga salita ng Diyos at sundin at sambahin ang Diyos. Pagkatapos lamang nun na maaaring masabi na tunay tayong nagsisi at nagbago, at maging karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng langit. Maliwanag na, ang pagtanggap sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ang tanging paraan upang makamit ang tunay na pagsisisi at pagbabago. Sa puntong ito, nagtitiwala ako na nasimulan mo na makita ang daan upang makamit ang tunay na pagsisisi—kaya anong mga pagpili ang dapat nating gawin ngayon?
_______________________________________________
Higit pang pansin:Ano ang pagsisisi