菜單

May 19, 2020

Paano Sasalubungin ang Ikalawang Pagparito ng Panginoon


Ni Anyuan, Pilipinas

Dalawang libong taon na ang nakararaan, tinanong ng mga alagad ng Panginoon si Jesus, “Ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan?” (Mateo 24:3). Sumagot ang Panginoong Jesus, “At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagka’t kinakailangang ito’y mangyari datapuwa’t hindi pa ang wakas. Sapagka’t magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba’t ibang dako. Datapuwa’t ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan” (Mateo 24:6–8). Ngayon, parami nang parami ang nagaganap na mga kalamidad sa buong mundo. Sunud-sunod ang mga lindol, epidemya, taggutom, digmaan at baha. Sa pagtatapos ng 2019, isang bagong uri ng coronavirus ang lumitaw sa Wuhan, China. Nakakabahala ang bilis ng pagkalat nito; sa loob lamang ng ilang buwan, naglitawan ang mga kaso sa buong bansa, at agad nagkagulo sa China. Maraming lalawigan, munisipalidad at nayon ang sunud-sunod na ikinu-kuwarentina habang patuloy na dumarami ang namamatay. Kumalat na rin ang virus sa mahigit dalawampung iba pang mga bansa sa buong mundo. Bukod pa rito, sa pagitan ng Setyembre 2019 at Enero 2020, winasak ng mga wildfire sa Australia ang mahigit 5,900 gusali at pinatay ang mahigit isang bilyong hayop. Noong Enero 2020, tinamaan din ang kontinenteng iyon ng minsan-sa-isang-siglong malakas na pag-ulan, na nagsanhi ng mga pagbaha na pumatay sa maraming isda sa tubig-tabang. Sa buwan ding iyon, libu-libong tao ang nawalan ng tahanan dahil sa mga pagbaha sa Indonesia. Nagkaroon din ng pagsabog ng buklan sa Pilipinas, ang pinakamalalang pamemeste ng mga balang sa loob ng 25 taon sa Africa, isang 6.4 magnitude na lindol sa Xinjiang. … Humahaba pa ang listahan. Natupad na ang mga propesiya sa Biblia tungkol sa pagdating ng Panginoon. Patunay ito na nagbalik na ang Panginoon—kaya bakit kailangan pa nating salubungin ang Kanyang pagdating? Hindi ba tayo masasadlak sa malaking pagdurusa kung magpatuloy ito? At ano naman ang dapat nating gawin para salubungin ang pagdating ng Panginoon?

May 18, 2020

Ano ang Pagsisisi? Paano Natin Makakamit ang Tunay na Pagsisisi?


Sa taong 2020, ang virus na COVID-19 ay humagupit sa buong mundo, na nagpasindak sa mundo. Nakakagulat din ang napakalaking bilang ng mga balang na kumuyog sa Africa. Sa pagdating ng salot at taggutom, parami nang paraming naniniwala sa Panginoon ang nagsimula nang maramdaman na ang araw ng pagdating ng Panginoon ay nalalapit na, at na ang kaharian ng Diyos ay parating na. Minsang sinabi ng Panginoong Jesus, “Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit” (Mateo 4:17). Ito ang hinihingi ng Panginoon sa bawat isa sa atin. Tanging kung tunay tayong nagsisisi tayo pangangalagaan ng Diyos at daldahin sa kaharian sa langit bago ang matinding kapighatian. Kaya ano ang tunay na pagsisisi, at paano natin ito makakamit?

May 17, 2020

Nakikita ng Diyos ang Tapat na Pagsisisi sa Kaibuturan ng mga Puso ng mga Taga-Ninive



Ang Payak na Pagkakaiba ng Reaksyon ng Ninive at Sodoma sa Babala ng Diyos na si Jehova

Ano ang ibig sabihin ng mapabagsak? Sa pangkaraniwang termino, ang ibig sabihin nito ay paglaho. Ngunit sa anong paraan? Sino ang makakapagpabagsak sa isang buong lungsod? Siyempre, imposibleng magawa ng isang tao ang gayong gawain. Hindi mga hangal ang mga taong ito; sa sandaling narinig nila ang pahayag na ito, nakuha na nila ang ideya. Alam nila na mula ito sa Diyos; alam nila na isasagawa ng Diyos ang Kanyang gawain; alam nila na ang kanilang kasamaan ang nagpasiklab sa poot ng Diyos na si Jehova at nagdala ng Kanyang galit sa kanila, kaya sila ay malapit nang puksain kasama ng kanilang lungsod. Paano kumilos ang mga mamamayan ng lungsod matapos nilang marinig ang babala ng Diyos na si Jehova? Inilarawan ng Biblia ang malinaw na detalye kung paano tumugon ang mga tao, mula sa kanilang hari hanggang sa pangkaraniwang tao. Batay sa tala ng Kasulatan: “At ang bayan ng Ninive ay sumampalataya sa Dios; at sila’y nangaghayag ng ayuno, at nangagsuot ng kayong magaspang, mula sa kadakidakilaan sa kanila hanggang sa kaliitliitan sa kanila. At ang mga balita ay dumating sa hari sa Ninive, at siya’y tumindig sa kaniyang luklukan, at hinubad niya ang kaniyang balabal, at nagbalot siya ng kayong magaspang, at naupo sa mga abo. At kaniyang inihayag at itinanyag sa buong Ninive sa pasiya ng hari at ng kaniyang mga mahal na tao, na sinasabi, Huwag lumasa maging tao ni hayop man, bakahan ni kawan man, ng anomang bagay: huwag silang magsikain, ni magsiinom man ng tubig; Kundi mangagbalot sila ng kayong magaspang, ang tao at gayon din ang hayop, at magsidaing silang mainam sa Dios: oo, talikdan ng bawa’t isa ang kaniyang masamang lakad, at ang pangdadahas na nasa kanilang mga kamay. …”

May 16, 2020

Ang Kabuluhan ng Dalawang Pagkakatawang-tao ng Diyos



I

Sinimulan ng Diyos ang gawain ng pagligtas

sa Kapanahunan ng Biyaya,

pagkatapos ng wakas ng Kapanahunan ng Kautusan.

Tinubos ang tao mula sa kasalanan

sa unang pagkakatawang-tao ni Jesucristo.

Tao'y niligtas Niya mula sa krus,

ngunit mga disposisyong masama'y di nakibo.

Sa mga huling araw,

humahatol ang Diyos upang sangkatauha'y madalisay.

Wawakasan lang Niya,

gawain ng pagliligtas

at papasok sa kapahingahan, pagkaraan nito.

May 15, 2020

Bakit Laganap ang Kalungkutan sa Mundo ng Relihiyon?



Kasalukuyang dumaranas ng malalang taggutom ang buong mundo ng relihiyon, hindi na nila kasama ang gawain ng Banal na Espiritu o ang presensiya ng Panginoon, parami nang parami ang ginagawa nilang masasama, at humihina at lumalamig ang pananampalataya at awa ng mga mananampalataya. Bukod dito, nagiging malala ang mga sakuna sa buong mundo, nagkatotoo na ang mga propesiya na babalik ang Panginoon sa mga huling araw. Kaya paano natin malulutas ang ugat ng kalungkutan ng mga iglesia sa paraang muling haharap sa Diyos ang mga talagang naniniwala sa Diyos na uhaw sa pagpapakita ng Diyos at maglakad sa landas ng kaligtasan? Ipapakita sa iyo ng maikling video na ito kung paano lulutasin ang problemang ito ng kalungkutan sa mga iglesia.

————————————————————————

Kasalukuyan ang mga sakuna ay nagaganap ng madalas. Alam mo ba kung ano ang tunay na Iglesia na mara-rapture bago ang malaking kapighatian? Paano natin ito mahahanap? Basahin ang artikulong ito upang makuha ang mga kasagutan.

May 14, 2020

Anong Uri ng Iglesia ang Maituturing na may Gawain ng Banal na Espiritu

Kumusta mga kapatid ng Espirituwal na Tanong at Sagot,

Ilang buwan na ang nakararaan, nasaksihan ko ang pagpapaligsahan sa isa’t isa ng mga pastor sa aming iglesia para sa katanyagan at pagtamo at pandaraya para sa posisyon. Sa kalabisan ay inatake at siniraan pa nila ang isa’t isa sa mga sermon. Hindi nakakaaliw pakinggan ang mga sermon nila, at walang sustansiyang nakukuha ang aming mga espiritu. Idagdag pa doon, laganap ang paglamig ng pananampatalaya ng mga kapatid. Hinahanap nila ang kayamanan, nag-iimbot sila sa kasiyahan ng laman at sumusunod sila sa mga makamundong kalakaran, inilalaan ang buong atensiyon nila sa pagkain, pag-inom at pagsasaya. Mas madalas na basta na lamang hindi dumadalo sa mga pagtitipon ang ilang mga kapatid, ngunit sa halip ay pumupunta lang kapag may nangyaring sakuna sa kanilang mga buhay o kapag mayroong importanteng pista … Naharap sa ganitong sitwasyon sa iglesia namin, umalis ako upang humanap ng iglesia na mayroong gawain ng Banal na Espiritu. Gayunman, naghanap ako sa maraming lugar at natuklasan na karamihan sa mga iglesia ay katulad lang ng sa’min, at nag-umpisa akong mawalan ng pag-asa. Gayunman, kamakailan lang ay nakahanap ako ng iglesia na madalas magtanghal at nagdaraos ng mga pagdiriwang, at mayroon pa silang mga pastor na mula sa ibang mga bansa upang magbigay ng sermon. Napakainit at masigla ang kapaligiran sa iglesiang ito, at maraming tao ang dumadalo sa bawat pagtitipon. Habang tinitingnan ang iglesiang ito na napakasigla at sa mga kapatid na masigasig na dumalo sa mga pagtitipon, naisip ko na marahil ay mayroong paggawa ng Banal na Espiritu ang iglesia na ito. Gayunman, hindi nagtagal ay nadiskubre ko na kahit na tila masigla ang iglesia, ang mga sermon na ipinapangaral ng mga pastor ay hindi nakakapagbigay ng pakinabang sa buhay ng mga kapatid at hindi nagagawang paluguran ang aming mga espiritu. Ang patuloy na pag-awit at pagsayaw ay nagagawa lamang baguhin ang kapaligiran ng iglesia—habang nagaganap iyon, lahat kami ay napakasigla, ngunit kapag umupo na kami upang makinig sa pagbibigay ng sermon ng pastor, mag-uumpisa kaming antukin. Idagdag pa, palaging nagpapaligsahan ang mga kapatid sa mga donasyon at panalangin. Kung sino man ang magdonate ng marami ay itinuturing na isang taong mahal ang Panginoon, at kung sinuman ang nananalangin nang matagal at nagsasabi ng magagandang salita sa kanilang mga panalangin ay itinuturing na espirituwal na tao…. Sa ganitong uri ng iglesia, ang mga kapatid ay hindi lamang basta walang katapatan o kababaang loob ngunit bagkus ay lalo lamang tumitindi ang kanilang kahambugan at lalo silang nagiging ipokrito. Nakatuon sila sa pagpapahayag sa kanilang mga sarili at pagpapasikat sa harap ng iba at labis-labis ang pagiging mapagmagaling at arogante. Sa tuwing may nangyayaring isyu sa kanila, basta na lamang nila iyong hinaharap sa kung paanong paraan nila gusto, at hindi sila nakikinig kahit kanino pa—hindi nila sinusunod ang mga turo ng Panginoon. Nahaharap sa ganitong uri ng sitwasyon sa iglesia, hindi ko mapigilang isipin: Mayroon kayang gawain ng Banal na Espiritu ang isang iglesia na sa labas ay mukhang marubdob? Palagi na akong nalilito sa tanong na ito, kaya nais ko sanang humingi ng sagot sa inyo.

May 13, 2020

Paano namin dapat unawain ang pagsumpa ng mga salita ng Diyos sa relihiyosong mundo sa Aklat ng Pahayag?



Nitong nakalipas na mga taon, namanglaw nang namanglaw ang iba’t ibang denominasyon sa relihiyosong mundo; nawala ng mga tao ang uri ng pananampalataya at pagmamahal na dati ay meron sila, lalo’t lalo silang naging negatibo at mahina. Naramdaman din naming lahat ang panlalata ng espiritu, na wala na kaming maipangaral, at na nawala na sa aming lahat ang gawain ng Banal na Espiritu. Nais naming itanong, bakit napakapanglaw ng buong relihiyosong mundo? Talaga bang kinamumuhian ito ng Diyos; talaga bang isinantabi na ito ng Diyos? Paano namin dapat unawain ang pagsumpa ng mga salita ng Diyos sa relihiyosong mundo sa Aklat ng Pahayag?
Sagot:

Ngayon, laganap ang kapanglawan sa lahat ng relihiyon, wala roon ang gawain ng Banal na Espiritu, at nanlamig na ang pananampalataya at pagmamahal ng maraming tao—tanggap na ang katotohanang ito. Anuman ang eksaktong pangunahing dahilan ng kapanglawan ng lahat ng relihiyon ay isang tanong na kailangang maunawaan nating lahat nang lubusan. Gunitain muna natin sandali kung bakit naging mapanglaw ang templo sa mga huling araw ng Kapanahunan ng Kautusan, at saka natin mauunawaan nang lubusan ang dahilan ng kapanglawan ng mga relihiyon sa mga huling araw. Sa mga huling araw ng Kapanahunan ng Kautusan, hindi sinunod ng mga pinunong Judio ang mga utos ng Diyos. Tinahak nila ang sarili nilang landas at kinalaban ang Diyos; ito ang pangunahing dahilan na tuwirang nagresulta sa kapanglawan ng templo. Inilantad at kinagalitan ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo, na nagsasabing: “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagka’t tulad kayo sa mga libingang pinaputi, na may anyong maganda sa labas, datapuwa’t sa loob ay puno ng mga buto ng mga patay na tao, at ng lahat na karumaldumal. Gayon din naman kayo, sa labas ay nangagaanyong matuwid sa mga tao, datapuwa’t sa loob ay puno kayo ng pagpapaimbabaw at ng katampalasanan” (Mateo 23:27–28).