菜單

May 21, 2019

Mga Pagsasalaysay | Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob Ang Ikalabing-apat na Pagbigkas



Mga Pagsasalaysay | Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob Ang Ikalabing-apat na Pagbigkas


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Tumatayo Ako sa ibabaw ng sansinukob sa bawa’t araw, nagmamasid, at mapagpakumbabang itinatago ang Aking Sarili sa Aking dakong tahanan upang maranasan ang pantaong buhay, maiging pinag-aaralan ang bawat gawa ng tao. Kailanma’y walang sinumang tunay na naghandog ng kanyang sarili sa Akin. Kailanma’y walang sinuman ang nagsikap na matamo ang katotohanan. Wala kahit isa ang kailanma’y naging napakaingat para sa Akin. Kailanma’y walang sinuman ang gumawa ng mga pagpapasya sa harap Ko at nanatili sa kanyang tungkulin.

May 20, 2019

Tagalog Christian Songs | "Ang mga Tumatanggap lang ng Katotohanan ang Makakarinig ng Tinig ng Diyos"



Tagalog Christian Songs | "Ang mga Tumatanggap lang ng Katotohanan ang Makakarinig ng Tinig ng Diyos"



Kung sa'n may pagpapakita ng Diyos,
may pagpapahayag ng katotohanan at ang tinig ng Diyos.
Ang mga tumatanggap lang ng katotohanan
ang makakarinig ng tinig ng Diyos 
at makakasaksi sa Kanyang pagpapakita.
Alisin ang mga pananaw na "imposible"!
Mga isipang imposible ay malamang mangyari.
Ang karunungan ng Diyos ay mas mataas pa sa mga kalangitan.
Ang Kanyang mga isip at gawa ay
ubod ng layo sa isipan ng tao.

May 19, 2019

Tagalog Christian Songs | Yaon Lamang May Tunay na Pananampalataya ang Sinasang-ayunan ng Diyos



Tagalog Christian Songs | Yaon Lamang May Tunay na Pananampalataya ang Sinasang-ayunan ng Diyos



I
Nang hampasin ni Moises ang bato
at tubig ay bumukal, kaloob 'yon ni Jehova,
dahil 'yon sa pananampalataya.
Nang tumugtog si David para purihin si Jehova,
puno ng galak ang kanyang puso,
dahil 'yon sa pananampalataya.
Nang mga kawan at ari-arian ni Job ay nawala,
at katawan niya'y nagkapigsa,
dahil 'yon sa pananampalataya.
At habang naririnig pa niya ang tinig ni Jehova,
at kaluwalhatian Niya’y kita pa,
dahil 'yon sa pananampalataya.
Dahil sa pananampalataya.

May 18, 2019

Salita ng Buhay | "Dapat Mong Hanapin ang Paraan ng Pagiging Kaayon kay Cristo" (Sipi)


Salita ng Buhay | "Dapat Mong Hanapin ang Paraan ng Pagiging Kaayon kay Cristo" (Sipi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang mga taong nagawang masama, ay namumuhay lahat sa bitag ni Satanas, nabubuhay sila sa laman, nabubuhay sa pansariling hangarin, at wala ni isa man sa kanila ang kaayon sa Akin. Mayroong ilan na nagsasabing sila ay kaayon sa Akin, ngunit lahat sila ay sumasamba sa mga malabong diyus-diyosan. Bagaman kinikilala nila ang Aking pangalan bilang banal, sila ay tumatahak sa landas na taliwas sa Akin, ang kanilang mga salita ay puno ng kayabangan at pagmamalaki, dahil, sa pinag-ugatan, silang lahat ay laban sa Akin, at lahat ay hindi kaayon sa Akin.Araw-araw silang naghahanap ng Aking mga bakas sa Biblia, at walang layong nakatatagpo ng kahit na anong mga “angkop” na sipi na binabasa nila nang walang katapusan, at kanilang binibigkas bilang mga kasulatan.

May 17, 2019

Salita ng Buhay | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX (Ikatlong Bahagi)


Salita ng Buhay | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX (Ikatlong Bahagi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang lahat ng mga bagay ay hindi maaaring mahiwalay sa pamamahala ng Diyos, at wala ni isang katao ang maaaring maghiwalay ng kanilang mga sarili mula sa Kanyang pamamahala. Ang pagkawala ng Kanyang pamamahala at pagkawala ng Kanyang mga pagtutustos ay mangangahulugan na ang buhay ng mga tao, buhay ng mga tao sa laman ay maglalaho. Ito ang kahalagahan ng pagtatatag ng Diyos ng mga kapaligiran para sa kakayahang mabuhay para sa sangkatauhan.

May 16, 2019

Isang Babala sa Mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan


Yaong mga kabilang sa mga kapatiran na palaging nagbubulalas ng kanilang pagiging-negatibo ay mga sunud-sunuran kay Satanas at ginagambala nila ang iglesia. Isang araw ang mga taong ito ay kailangang maitiwalag at maalis. Sa kanilang paniniwala sa Diyos, kung ang mga tao ay hindi nagtataglay sa loob nila ng isang pusong gumagalang sa Diyos, kung sila ay walang puso na masunurin sa Diyos, kung gayon hindi lamang sa sila ay hindi makagagawa ng anumang gawain para sa Diyos, kundi sa kabaligtaran ay magiging mga tao na gumagambala sa gawain ng Diyos at mga sumusuway sa Diyos. Kapag ang isa na naniniwala sa Diyos ay hindi sumusunod sa Diyos o gumagalang sa Diyos bagkus ay sumusuway sa Kanya, kung gayon ito ang pinakamalaking kahihiyan para sa isang mananámpalátáyá.

May 15, 2019

Tagalog Christian Variety Show | "Nangangarap nang Gising" (Maikling Dula 2019)


Tagalog Christian Variety Show | "Nangangarap nang Gising" (Maikling Dula 2019)


Li Mingdao is a preacher at a house church. He has believed in the Lord for many years, and has always followed Paul's example, focusing on preaching, work, suffering, and paying a price. He believes that "as long as one labors and works, one can enter the kingdom of heaven, be rewarded, and gain a crown." But, at a meeting with his coworkers, Brother Zhang raises doubts about this view. Li Mingdao, not convinced, returns home, and after researching the Bible, engages in an intense debate with Brother Zhang…. Is labor and work for the Lord doing God's will? Does pursuing this way ultimately allow one to be lifted up and enter the kingdom of heaven? Watch the skit Wishful Thinking to find out.

Ano ang kahulugan ng pananampalataya? Paano tayo dapat maniwala sa Diyos upang pagpalain ng Diyos? Maligayang pagdating sa pakikinig ng mga Kristiyanong awitin nang sama-sama!