菜單

Mar 26, 2019

Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | "Kanino Ka Matapat?" (Salita ng Buhay)


Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | "Kanino Ka Matapat?" (Salita ng Buhay)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sumusunod kayo sa Akin sa mahabang panahon, nguni’t wala ni katiting na katapatan kayong naigawad para sa Akin. Sa halip, kayo’y uminog sa mga taong mahal ninyo at mga bagay na nagpapasaya sa inyo kaya sila ay pinanatiling malapit sa inyong mga puso at hindi kailanman tinalikdan, anumang oras, kahit saan man...Nakikibahagi kayo sa mga gawaing maalab kayo: Ang iba’y tapat sa mga anak, ang iba naman sa asawa, kayamanan, trabaho, mga pinuno, katayuan, o kababaihan. Walang nadaramang pagkainip o pagkayamot sa mga bagay na tapat kayo, sa halip, pinag-iibayo ang inyong kagustuhang maangkin ang mas marami at kalidad na mga bagay na may taglay ng inyong katapatan, at hindi kayo kailanman nawalan ng pag-asa. Ako at ang Aking mga salita ay ipinagtutulakan sa hulihan pagdating sa mga bagay na kayo ay maalab. At wala kayong magagawa kundi ang ihanay sila sa hulihan; ang ilan ay kailangang umalis upang maging tapat sa bagay na hindi pa nila natutuklasan. Wala silang pinananatiling anumang bahagi Ko kailanman sa kanilang mga puso."

Manood ng higit pa:Ano ang kalooban ng diyos

Mar 25, 2019

Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | "Tanging Yaong mga Kilala ang Diyos at ang Kanyang Gawain ang Makapagbibigay-kasiyahan sa Diyos"


Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | "Tanging Yaong mga Kilala ang Diyos at ang Kanyang Gawain ang Makapagbibigay-kasiyahan sa Diyos"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang paniniwala sa Diyos at pagsisikap na makilala ang Diyos ay hindi isang madaling bagay. Hindi ito makakamit sa basta pagsasama-sama at pakikinig sa pangangaral, at hindi ka maaaring magawang perpekto ng damdamin lamang. Dapat mong maranasan, at alamin, at dapat may alituntunin sa iyong mga pagkilos, at makamit mo ang gawain ng Banal na Espiritu. Kapag nakaranas ka na ng iba’t-ibang karanasan, makikilala mo na ang iba’t-ibang bagay—malalaman mo kung ano ang tama at mali, ang pagkamatuwid at katampalasanan, kung ano ang laman at dugo at kung ano ang nasa katotohanan.

Mar 24, 2019

Tagalog Gospel Songs | "Ang Katotohanan ang Pinakamataas sa Lahat ng Talinghaga ng Buhay"


Tagalog Gospel Songs | "Ang Katotohanan ang Pinakamataas sa Lahat ng Talinghaga ng Buhay"


I
Ang ''Katotohanan'' ay ang pinaka-tunay 
sa mga talinghaga ng buhay,
at pinakamataas ito sa buong sangkatauhan.
Tinatawag itong "talinghaga ng buhay",
ito ang hinihingi ng Diyos sa tao 
at ginagawa Niyang personal,
hinihingi ng Diyos sa tao at ginagawa Niya nang personal.
Di kasabihang binuod mula sa isang bagay,
ni tanyag na kasabihang mula sa isang dakila.

Mar 23, 2019

Tagalog Gospel Songs Ang Pagkilos ng Gawain ng Diyos sa Sansinukob



Tagalog Gospel Songs
Ang Pagkilos ng Gawain ng Diyos sa Sansinukob

I
Kasama ng Diyos ang tao ng maraming taon,
walang sinuman ang nakakaalam,
walang sinuman ang nakakakilala sa Kanya;
ngayon ang mga salita ng Diyos ay nagsasabi
sa kanilang Siya ay naririto.
Hinihiling niya sa tao na lumapit sa Kanya,
upang makatanggap sila mula sa Kanya.
Ngunit ang tao ay nagpapatuloy pa rin sa paglayo;
hindi nakapagtatakang walang nakakakilala sa Kanya.

Mar 22, 2019

Ginagawang Perpekto ng Diyos Yaong Mga Naghahangad sa Kanyang Puso



Ang grupo ng mga tao na gustong makamit ng Diyos ay yaong nagsisikap na makipagtulungan sa Diyos, na magagawang sundin ang Kanyang gawain, at naniniwala na ang mga salitang sinasalita ng Diyos ay totoo, na magagawang isagawa ang mga kinakailangan ng Diyos. Sila yaong mga mayroong tunay na pagkaunawa sa kanilang mga puso. Sila yaong maaaring gawing perpekto, at sila yaong walang pagsalang lalakaran ang landas ng pagiging perpekto. Yaong mga walang isang malinaw na pagkaunawa sa gawain ng Diyos, yaong mga hindi umiinom at kumakain ng salita ng Diyos, yaong mga hindi pumapansin sa salita ng Diyos, at yaong mga walang anumang pag-ibig para sa Diyos sa kanilang mga puso—ang mga taong kagaya nito ay hindi maaaring gawing perpekto.

Mar 21, 2019

2. Ano ang tunay na madala sa langit?

XX. Kailangang Ipaliwanag nang Malinaw ng Isang Tao Kung Ano ang Madala sa Langit at ang Tunay na Kahulugan ng Maitaas sa Harapan ng Luklukan ng Diyos

2. Ano ang tunay na madala sa langit?


Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:


“Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya” (Mateo 25:6).


“Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko” (Pahayag 3:20).


“Isulat mo, Mapapalad ang mga inanyayahan sa paghapon sa kasalan ng Cordero.” (Pahayag 19:9).


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:


Katulad ng daan-daang milyong ibang mga tagasunod ng Panginoong Jesucristo, tayo ay sumusunod sa mga batas at utos ng Biblia, tinatamasa ang masaganang biyaya ng Panginoong Jesucristo, nagsasama-sama, nananalangin, nagpupuri, at naglilingkod sa ngalan ng Panginoong Jesucristo—at lahat ng ito ay ating ginagawa sa ilalim ng pangangalaga at pag-iingat ng Panginoon. Tayo ay madalas na mahina, at madalas ay malakas. Tayo ay naniniwala na ang lahat ng ating kilos ay alinsunod sa aral ng Panginoon. Maliwanag, kung gayon, na tayo rin sa ating sarili ay naniniwalang lumalakad sa landas ng pagsunod sa kagustuhan ng Ama sa langit.

Mar 20, 2019

Tagalog Gospel Songs Siya Ang Ating Diyos


Tagalog Gospel SongsSiya Ang Ating Diyos


I
Siya lang ang may alam ng ating iniisip.
Uri't diwa natin ay talos N'ya, tulad ng palad N'ya.
Tanging S'ya ang hukom sa taong tiwali at suwail.
Tanging S'ya ang magsasabi't gagawa sa atin sa ngalan ng Diyos.
S'ya lang ang nag-aangkin ng kapangyariha't dunong ng Diyos.
Tanging S'ya lamang ang nag-aangkin ng dangal ng Diyos.
Ang disposisyon ng Diyos at kung ano S'ya at mayro'n S'ya
ay ganap na hayag sa buo, sa buo Niyang katawan.
S'ya lang ang makapagdadala ng liwanag sa atin.
S'ya lang ang makapagtuturo ng tamang daan.