菜單

Mar 20, 2019

Tagalog Gospel Songs Siya Ang Ating Diyos


Tagalog Gospel SongsSiya Ang Ating Diyos


I
Siya lang ang may alam ng ating iniisip.
Uri't diwa natin ay talos N'ya, tulad ng palad N'ya.
Tanging S'ya ang hukom sa taong tiwali at suwail.
Tanging S'ya ang magsasabi't gagawa sa atin sa ngalan ng Diyos.
S'ya lang ang nag-aangkin ng kapangyariha't dunong ng Diyos.
Tanging S'ya lamang ang nag-aangkin ng dangal ng Diyos.
Ang disposisyon ng Diyos at kung ano S'ya at mayro'n S'ya
ay ganap na hayag sa buo, sa buo Niyang katawan.
S'ya lang ang makapagdadala ng liwanag sa atin.
S'ya lang ang makapagtuturo ng tamang daan.

Mar 19, 2019

Tagalog Gospel Songs | Ang Awtoridad ng Diyos ay Natatangi


Tagalog Gospel Songs

Ang Awtoridad ng Diyos ay Natatangi


 I
Ang awtoridad ng Diyos ay natatangi;
ito'y espesyal Niyang pagpapahayag at diwa,
na walang ibang may'ron, nilalang man o hindi.
Ang Maylalang lang ang may gan'tong awtoridad,
Diyos na Natatangi ang may gan'tong diwa.
Nilikha ng Diyos ang lahat,
hawak Niya ang dominyon sa lahat.
Kinokontrol Niya'y di lang ilang planeta,
di lang ilang bahagi ng sangnilikha o sangkatauhan.

Mar 18, 2019

Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain (Unang bahagi)

Unang bahagi
Una, umawit tayo ng isang himno: Ang Awit ng Kaharian (I) Ang Kaharian ay Bumaba sa Mundo.

Kaharian ng D'yos dumating sa lupa;

persona ng D'yos puno't mayaman.

Sinong titigil at 'di magsasaya?

Sinong tatayo at 'di sasayaw?

O Zion, itaas ang bandila ng tagumpay

upang magdiwang para sa D'yos.

Awitin ang iyong awit ng tagumpay

upang ipalaganap ang Kanyang ngalang banal sa buong mundo.

Mar 17, 2019

Kristianong video| “Huwag Kang Makialam” God With Us (Tagalog Dubbed)



Kristianong video | “Huwag Kang Makialam” God With Us (Tagalog Dubbed)


Si Li Qingxin ay isang mangangaral sa isang bahay-iglesia sa China na naging tapat sa Panginoon nang maraming taon. Palagi niyang masiglang ginagawa ang gawain ng Panginoon na ipangaral ang ebanghelyo, maingat niyang hinihintay ang pagdating ng Panginoon para dalhin siya sa kaharian sa langit. Nitong huling mga taon, nakita ni Li Qingxin na naging mas mapanglaw ang iba't ibang sekta at iglesia. Gayunman, ang Kidlat ng Silanganan ay naging mas masigla, sa kabila ng galit na galit na pagtuligsa at pagpapahirap ng gobyernong Chinese Communist government at iba't ibang relihiyon.

Mar 16, 2019

Nagbago Ang Pangalan ng Diyos?!


Tagalog Christian Gospel Movie Trailer | "Nagbago Ang Pangalan ng Diyos?!"


Ang pangalan niya ay Wang Hua, at siya ay mangangaral sa isang bahay iglesia sa Katimugang Tsina. Matapos siyang maniwala sa Panginoon, natuklasan niya sa Biblia na Jehova ang tawag sa Diyos sa Lumang Tipan, at tinawag na Jesus sa Bagong Tipan. Bakit may iba’t ibang pangalan ang Diyos? Talagang nalito si Wang Hua tungkol dito. Sinikap niyang hanapin ang sagot sa Biblia, pero nabigong maunawaan ang hiwaga…. Ngunit matatag siyang naniwala na walang ibang pangalan sa silong ng langit na ibinigay sa mga tao, kaya’t si Jesus lamang ang Tagapagligtas, at basta nakakapit tayo sa pangalan ni Jesus, tiyak na madadala tayo sa kaharian ng langit. Ngunit isang araw, narinig ni Wang Hua ang nakakagulat na balita: Nagbago na ang pangalan ng Diyos! Pagkatapos niyon, hindi na napanatag ang kanyang puso …

Manood ng higit pa:Nanganganib na Pagdala

Manood ng higit pa:Ano ang kristiyanismo

Mar 15, 2019

Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob Ang Ikalabintatlong Pagbigkas


Salita ng Buhay | Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob Ang Ikalabintatlong Pagbigkas


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kung walang aktuwal na karanasan, hindi Ako kailanman makikilala ng isang tao, hindi niya kailanman magagawang makilala Ako sa pamamagitan ng Aking mga salita. Ngunit ngayon, personal Akong naparito sa inyong kalagitnaan: Hindi ba nito padadaliin ang pagkilala ninyo sa Akin? Maaari kaya na hindi rin kaligtasan para sa inyo ang Aking pagkakatawang-tao? Kung hindi Ako bumaba sa sangkatauhan sa sarili Kong katauhan, ang buong sangkatauhan ay matagal nang napuno ng mga pagkaintindi, ibig sabihin, naging mga pag-aari na ni Satanas, dahil ang iyong pinaniniwalaan ay imahe lamang ni Satanas at walang anupamang kinalaman sa Diyos Mismo. Hindi ba ito ang Aking pagliligtas?"

Manood ng higit pa:ano ang kalooban ng diyos

Mar 14, 2019

Bakit sinasabi na kinukumpleto ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ang kahalagahan ng pagkakatawang-tao?



I. Kailangang Magpatotoo ang Isang Tao sa Aspeto ng Katotohanan tungkol sa Pagkakatawang-tao ng Diyos


7. Bakit sinasabi na kinukumpleto ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ang kahalagahan ng pagkakatawang-tao?


Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:


“Ay gayon din naman si Cristo, na inihandog na minsan upang dalhin ang mga kasalanan ng marami, sa ikalawa'y pakikita na hiwalay sa kasalanan, sa ikaliligtas ng mga nagsisipaghintay sa kaniya” (Mga Hebreo 9:28).

“Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios” (Juan 1:1).

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:


Ang unang pagkakatawang-tao ay upang tubusin ang tao mula sa kasalanan sa pamamagitan ng laman ni Jesus, iyon ay, iniligtas Niya ang tao mula sa krus, nguni't ang tiwaling maka-satanas na disposisyon ng tao ay nanatili pa rin sa loob ng tao. Ang ikalawang pagkakatawang-tao ay hindi na upang magsilbing handog sa kasalanan kundi upang lubos na iligtas yaong mga taong tinubos mula sa kasalanan. Ito ay ginagawa upang ang mga pinatawad ay mapalaya mula sa kanilang mga kasalanan at magawang ganap na malinis, at magkamit ng pagbabago sa disposisyon, at sa gayon ay makakawala sa kapangyarihan ng kadiliman ni Satanas at makakabalik sa harap ng trono ng Diyos. Tanging sa paraang ito maaaring maging lubos na mapabanal ang tao. Sinimulan ng Diyos ang gawain ng pagliligtas sa Kapanahunan ng Biyaya nang matapos na ang Kapanahunan ng Kautusan.