菜單

Mar 19, 2019

Tagalog Gospel Songs | Ang Awtoridad ng Diyos ay Natatangi


Tagalog Gospel Songs

Ang Awtoridad ng Diyos ay Natatangi


 I
Ang awtoridad ng Diyos ay natatangi;
ito'y espesyal Niyang pagpapahayag at diwa,
na walang ibang may'ron, nilalang man o hindi.
Ang Maylalang lang ang may gan'tong awtoridad,
Diyos na Natatangi ang may gan'tong diwa.
Nilikha ng Diyos ang lahat,
hawak Niya ang dominyon sa lahat.
Kinokontrol Niya'y di lang ilang planeta,
di lang ilang bahagi ng sangnilikha o sangkatauhan.
Ngunit hawak Niya ang lahat
sa Kanyang makapangyarihang mga kamay,
malaki man o maliit, nakikita o hindi,
mula sa mga tala hanggang sa maliliit na selula,
at lahat ng nilalang na umiiral sa ibang mga anyo.
Ito ang talagang ibig sabihin ng "lahat" na kinokontrol ng Diyos.
II
Ang awtoridad ng Diyos ay tila mahirap maarok,
ngunit ito'y di mahirap unawain.
Ito'y nasa tao, bawat minuto't bawat araw,
nakikita't nararamdaman ng tao ga'no katunay ito.
Ang katunayang ito'y nagpapatunay
na ang kapangyarihan ng Diyos ay nariyan;
ito'y nagpapaunawa sa tao na Diyos lamang
ang may gan'tong kapangyarihan.
Nilikha ng Diyos ang lahat,
hawak Niya ang dominyon sa lahat.
Kinokontrol Niya'y di lang ilang planeta,
di lang ilang bahagi ng sangnilikha o sangkatauhan.
Ngunit hawak Niya'ng lahat
sa Kanyang makapangyarihang mga kamay,
malaki man o maliit, nakikita o hindi,
mula sa mga tala hanggang sa maliliit na selula,
at lahat ng nilalang na umiiral sa ibang mga anyo.
Ito ang tiyak na ibig sabihin ng "lahat" na kinokontrol ng Diyos.
Ito ang kaharian kung sa'n ginagamit
ng Diyos ang kapangyarihan Niya,
ang saklaw ng Kaniyang paghahari.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao