Una, umawit tayo ng isang himno: Ang Awit ng Kaharian (I) Ang Kaharian ay Bumaba sa Mundo.
Kaharian ng D'yos dumating sa lupa;
persona ng D'yos puno't mayaman.
Sinong titigil at 'di magsasaya?
Sinong tatayo at 'di sasayaw?
O Zion, itaas ang bandila ng tagumpay
upang magdiwang para sa D'yos.
Awitin ang iyong awit ng tagumpay
upang ipalaganap ang Kanyang ngalang banal sa buong mundo.
'Di mabilang na tao pumupuri sa D'yos
at tinataas ngalan N'ya.
Tinitingnan nila mga gawa N'ya.
Ngayon kaharian N'ya'y dumating sa lupa.
Lahat ng bagay sa mundo, gawing malinis ang mga sarili ninyo;
halina't mag-alay sa D'yos.
Mga tala, bumalik kayo sa pugad ninyo sa langit,
ipakita ang lakas ng D'yos sa kalangitan.
Sa lupa mga boses umaawit,
bumubuhos walang hanggang pag-ibig
at walang hangganang paggalang sa Diyos.
Mainam na nakikinig Siya sa kanila.
'Di mabilang na tao pumupuri sa D'yos
at tinataas ngalan N'ya.
Tinitingnan nila mga gawa N'ya.
Ngayon kaharian N'ya'y dumating sa lupa.
Sa araw na yaon lahat mabubuhay ulit,
ang persona ng D'yos mismo ang bababa sa mundo.
Mga bulaklak mamumukadkad sa tuwa,
mga ibo'y umaawit at lahat nagbubunyi.
Tingnan ang kaharian ni Satanas niyapakan,
'di na babangon, nalunod sa awit ng papuri.
'Di mabilang na tao pumupuri sa D'yos
at tinataas ngalan N'ya.
Tinitingnan nila mga gawa N'ya.
Ngayon kaharian N'ya'y dumating sa lupa.
Sino sa mundo ang papalag?
Kapag tumatayo ang D'yos sa gitna ng mga tao,
dala'y galit at kapahamakan sa lupa.
Mundo'y naging kaharian ng D'yos.
Mga ulap gumugulong sa langit,
mga lawa't batis umaawit ng masayang himig.
Mga hayop aalis sa kweba nila,
at tao ay pinukaw ng Diyos mula sa kanilang mga panaginip.
Ngayon, ang inaasam na araw dumating
na lahat umaawit ng papuri sa Diyos,
pinakamagandang awitin sa lahat.
'Di mabilang na tao pumupuri sa D'yos
at tinataas ngalan N'ya.
Tinitingnan nila mga gawa N'ya.
Ngayon kaharian N'ya'y dumating sa lupa.
Ano ang naiisip ninyo sa tuwing kinakanta ninyo ang awit na ito? (Tuwang-tuwa; nasabik; isipin kung gaano kaluwalhati ang kagandahan ng kaharian, at magkakasama na magpakailanman ang sangkatauhan at ang Diyos.) May nakaisip na ba tungkol sa anyo na kailangang isuot ng tao upang makasama ng Diyos? Sa inyong mga imahinasyon, paano dapat ang isang tao upang makasama ang Diyos at matamasa ang maluwalhating buhay na kasunod sa kaharian? (Dapat silang magkaroon ng isang nabagong disposisyon.) Dapat silang magkaroon ng isang nabagong disposisyon, ngunit hanggang saan nagbago? Ano ang pagkakatulad nila pagkatapos nilang nabago? (Sila ay magiging banal.) Ano ang pamantayan para sa kabanalan? (Kaayon kay Cristo ang lahat ng mga saloobin at mga isinasaalang-alang nila.) Paano maipakikita ang pagkakaayon na ito? (Hindi nila nilalabanan ang Diyos, hindi ipinagkakanulo ang Diyos, ngunit nag-aalay ng lubos na pagsunod sa Diyos, at natatakot sa Diyos sa kanilang mga puso.) Ang ilan sa mga sagot ninyo ay nasa tamang landasin. Buksan ninyo ang inyong mga puso, lahat kayo, at ibahagi kung ano ang sinasabi sa inyo ng inyong puso. (Magagawa ng mga taong nabubuhay kasama ang Diyos sa kaharian ang kanilang tungkulin, magagawa nila nang tapat ang kanilang tungkulin, sa pamamagitan ng pagtataguyod sa katotohanan at hindi nagpapapigil sa anumang tao, kaganapan, o bagay. At magiging posible sa kanila ang makaalpas mula sa impluwensya ng kadiliman, iakma ang kanilang mga puso sa Diyos, at matakot sa Diyos at iwasan ang kasamaan.) (Maaaring iakma sa Diyos ang ating pananaw sa mga bagay, at maari tayong makaalpas mula sa impluwensya ng kadiliman. Ang pinakamababang pamantayan ay hindi dapat mapagsamantalahan ni Satanas, itakwil ang anumang tiwaling disposisyon, makamit ang pagsunod sa Diyos. Naniniwala kami na ang pag alpas mula sa impluwensya ng kadiliman ang pangunahing punto. Kung may hindi makaalpas mula sa impluwensya ng kadiliman, hindi makalaya mula sa mga gapos ni Satanas, kung ganun hindi nila natamo ang kaligtasan ng Diyos.) (Ang pamantayan para sa pinapaging-perpekto ng Diyos ay ang pakikiisa ng tao sa puso at isip ng Diyos. Hindi na nilalabanan ng tao ang Diyos; nauunawaan niya ang sarili niya, isinagawa ang katotohanan, nakatatamo ng pag-unawa sa Diyos, nagmamahal sa Diyos, at nakaakma sa Diyos. Iyan lang ang tanging kailangang gawin.)
Ang Timbang ng Kalalabasan sa Puso ng mga Tao
Tila mayroon kayong isang bagay sa inyong mga puso tungkol sa daan na dapat ninyong tahakin at nabuo ninyo ang isang mahusay na kaalaman at pag-unawa dito. Ngunit nakasalalay sa kung ano ang bibigyang pansin ninyo sa inyong pang-araw-araw na pagsasagawa sa kung ang lahat ng mga bagay na sasabihin ninyo ay maging mga salitang walang laman o maging aktuwal na katotohanan. Gumapas kayo ng isang ani mula sa lahat ng mga aspeto ng katotohanan sa mga nakaraang taon, kapwa sa mga doktrina at sa nilalaman ng katotohanan. Ito ang nagpapatunay na ang binibigyang diin ng mga tao sa panahong ito ay ang pagsusumikap para sa katotohanan. At bilang resulta, tiyak na nag-ugat ang bawat aspeto at bawat bagay ng katotohanan sa puso ng ilang mga tao. Gayunman, ano ang pinaka-kinatatakutan Ko? Na kahit na nag-ugat ang mga paksa ng katotohanan, at ang mga teyoryang ito, hindi gaanong pinapansin ang aktuwal na nilalaman sa inyong mga puso. Kapag nakatagpo kayo ng mga isyu, nahaharap sa mga pagsubok, nahaharap sa mga pagpipilian—gaano karami sa mga reyalidad ng mga katotohanan na ito ang kaya ninyong gamitin nang mahusay? Makatutulong ba ang mga ito para malagpasan ninyo ang inyong mga paghihirap at lumabas kayo mula sa inyong mga pagsubok na nabigyang-kasiyahan ang mga layunin ng Diyos? Matatag ba kayong maninindigan sa inyong mga pagsubok at magpatotoo nang malakas at malinaw para sa Diyos? Naging interesado ba kayo sa mga bagay na ito noon? Hayaan niyo Akong magtanong sa inyo: Sa inyong mga puso, sa lahat ng mga araw-araw ninyong pag-iisip at pagmumuni-muni, ano ang pinakamahalaga sa inyo? Nakarating na ba kayo sa isang konklusyon? Ano sa inyong paniniwala ang pinakamahalagang bagay? Ayon sa ilang mga tao “ito’y ang pagsasagawa sa katotohanan, siyempre pa”; ayon sa ilang mga tao “siyempre ito ang araw-araw na pagbabasa ng salita ng Diyos”; sabi ng ilang mga tao “siyempre ito ang araw-araw na paglalagay ng aking sarili sa harap ng Diyos at pananalangin sa Diyos”; at may ilang mga taong nagsasabi na “siyempre ito ang araw-araw na maayos na paggawa sa aking tungkulin”; may ilang mga tao pa na nagsasabing iniisip lamang nila na bigyang-kasiyahan ang Diyos, kung paano ang sumunod sa Kanya sa lahat ng bagay, at kung paano kumilos ng naaayon sa Kanyang kalooban. Ganito ba ito? Ganito na lamang ba? Halimbawa, may mga ilang nagsasabi: “Gusto ko lang na sundin ang Diyos, ngunit kapag may nangyari hindi ako makasunod sa Kanya.” Sabi ng ilang mga tao: “Gusto ko lamang bigyang kasiyahan ang Diyos. Kahit mabigyang kasiyahan ko lamang Siya ng isang beses, ayos na ‘yan, ngunit kailanman hindi ko Siya mabigyang kasiyahan.” At sinasabi ng ilang mga tao: “Gusto ko lamang sundin ang Diyos. Sa mga oras ng pagsubok, ang tanging gusto ko lamang ay magpasakop sa Kanyang mga pagsasaayos, sumusunod sa Kanyang kapangyarihan at kaayusan, walang anumang mga reklamo o mga kahilingan. Ngunit halos sa bawat pagkakataon bigo akong maging masunurin.” Sinasabi ng iba pang mga tao: “Kapag nahaharap ako sa mga desisyon, hindi ko kailanman mapiling isagawa ang katotohanan. Nais ko palagi na bigyang-kasiyahan ang laman, laging nais kong bigyang-kasiyahan ang aking mga pansariling makasariling pagnanasa.” Ano ang dahilan para dito? Bago dumating ang pagsubok ng Diyos, hinamon ninyo na ba ang inyong mga sarili nang maraming beses, at sinubok at pinatunayan ang inyong mga sarili nang maraming beses? Tingnan ninyo kung talagang kaya ninyong sumunod sa Diyos, talagang bigyang-kasiyahan ang Diyos, at maging tiyak na hindi ninyo ipagkakanulo ang Diyos. Tingnan kung hindi ninyo kayang bigyang-kasiyahan ang inyong mga sarili, o hindi bigyang-kasiyahan ang inyong makasariling mga pagnanasa, sa halip ay bigyang-kasiyahan lamang ang Diyos, nang wala ang mga indibidwal ninyong pagpipilian. Mayroon bang sinuman na ganyan? Sa totoo lang, mayroon lamang isang katotohanan na inilagay sa harapan ng inyong mga mata. Ito ang pinagkakainteresan ng bawat isa sa inyo, ang pinakananais ninyong malaman, at iyan ang bagay na kalalabasan at hantungan ng lahat. Maaaring hindi mo ito mapagtanto, ngunit ito ay isang bagay na hindi maitatanggi ng kahit sinuman. Alam kong may ilang mga tao na, kapag tungkol sa katotohanan ng kalalabasan ng tao, ang pangako ng Diyos sa sangkatauhan, at kung anong uri ng hantungan ang ninanais ng Diyos na pagdalhan sa tao, pinag-aralan na nila ang salita ng Diyos nang ilang beses sa mga bagay na ito. At may mga paulit-ulit na naghahanap sa mga ito at pinag-iisipang maigi, at wala pa rin silang nakukuhang resulta, o marahil nakararating sa ilang mga malalabong konklusyon. Sa katapusan, hindi pa rin sila nakatitiyak tungkol sa kung anong uri ng kalalabasan ang naghihintay sa kanila. Kapag tumatanggap ng pakikipagtalastasan ng katotohanan, kapag tumatanggap ng buhay-iglesia, kapag ginagawa ang kanilang mga tungkulin, laging nais malaman ng karamihan sa mga tao ang isang malinaw na sagot sa mga sumusunod na tanong: Ano kaya ang kalalabasan ko? Maaari ko bang lakaran ang tamang landas hanggang sa katapusan nito? Ano ang saloobin ng Diyos sa tao? Inaalala rin ng ilang mga tao ang: May mga nagawa akong bagay-bagay sa nakaraan, may ilang bagay na nasabi ko, naging masuwayin ako sa Diyos, may ilang mga bagay akong nagawa na pagkakanulo sa Diyos, may ilang bagay kung saan hindi ko nabigyang kasiyahan ang Diyos, nasaktan ko ang puso ng Diyos, nabigo ko ang Diyos, nagawa kong magalit at masuklam ang Diyos sa akin, kaya marahil hindi matukoy ang aking kalalabasan. Makatarungang sabihing nababalisa ang karamihan ng mga tao tungkol sa sarili nilang kalalabasan. Walang nangangahas sabihin ang: “Nararamdaman ko nang may isang daang porsiyentong katiyakan na maliligtas ako; isang daang porsiyentong nakatitiyak akong mabibigyang kasiyahan ko ang mga layunin ng Diyos; ako ay isang tao na naaayon sa puso ng Diyos; isa akong tao na pinupuri ng Diyos.” Sa tingin ng ilang mga tao ay napakahirap sundin ang daan ng Diyos, at ang pagsasagawa sa katotohanan ang pinakamahirap na bagay sa lahat. Bilang resulta, sa tingin ng mga taong ito sila ay hindi na matutulungan pa, at hindi sila nangangahas na isiping mangyayari pa ang pagkakaroon ng mabuting kalalabasan. O marahil naniniwala silang hindi nila mabibigyang-kasiyahan ang mga layunin ng Diyos, at hindi sila maaaring makaligtas, at dahil dito sasabihin nila na wala silang kalalabasan, at hindi sila makatatamo ng isang magandang hantungan. Hindi alintana kung paano ang eksaktong pananaw ng mga tao, maraming beses na gusto ng lahat na malaman ang tungkol sa kanilang mga kalalabasan. Sa mga katanungan tungkol sa kanilang hinaharap, sa mga katanungan tungkol sa makukuha nila kapag tinatapos ng Diyos ang Kanyang gawain, ang mga taong ito ay palaging nagkakalkula, palaging nagpaplano. Ang ilang mga tao ay nagbayad ng doble ng halaga; iniwanan ng ilang mga tao ang kanilang mga pamilya at mga trabaho; pinabayaan ng ilang mga tao ang kanilang pag-aasawa; ang ilang mga tao ay nagbitiw para magsilbi sa Diyos; iniwan ng ilang tao ang kanilang mga tahanan para gawin ang kanilang tungkulin; pinili ng ilang mga tao ang paghihirap, at sinimulang kunin ang pinakamapait at nakapapagod na gawain; pinili ng ilang mga tao ang mag-alay ng yaman, mag-alay ng lahat ng nasa kanila; ang ilan pa sa mga tao ay piniling itaguyod ang katotohanan, at itaguyod ang pagkilala sa Diyos. Kahit ano pa ang pinili ninyong pagsasagawa, mahalaga ba ang paraan ng paggawa ninyo? (Hindi mahalaga.) Paano namin ipapaliwanag na ito ay hindi mahalaga, kung gayon? Kung ang paraan ay hindi mahalaga, ano ang mahalaga? (Ang panlabas na mabuting pag-uugali ay hindi kumakatawan sa pagsasagawa ng katotohanan.) (Hindi mahalaga ang iniisip ng lahat. Ang susi dito ay kung isinasagawa ba natin ang katotohanan, at kung iniibig ba natin ang Diyos.) (Nakatutulong ang pagbagsak ng mga anti-cristo at ng mga huwad na lider upang maintindihan natin na hindi ang panlabas na pag-uugali ang pinakamahalagang bagay. Mukhang marami ang hayagang tinalikuran nila sa panlabas, at tila handa silang magdusa; ngunit sa pagsusuri makikita natin na sadyang wala silang puso na may takot sa Diyos; sa lahat ng bagay Siya ay tinututulan nila. Lagi silang naninindigan sa panig ni Satanas sa mga panahong mapanganib, nakasasagabal sila sa gawain ng Diyos. Kaya, ang pangunahing mga isinasaalang-alang dito ay kung kaninong panig tayo maninindigan kapag dumating ang oras, at ang mga pananaw natin.) Lahat kayo ay magaling sa pagsasalita, at tila mayroon na kayong pangunahing kaalaman at pamantayan para sa pagsasagawa sa katotohanan, sa mga layunin ng Diyos, at kung ano ang hinihingi ng Diyos sa tao. Na may kakayahan kayong mangusap nang tulad nito ay lubhang nakaaantig. Kahit na may ilang mga hindi naaangkop na salita dito at doon, ang mga pahayag ninyo ay malapit na sa isang paliwanag na karapat-dapat sa katotohanan. Ito ang nagpapatunay na napaunlad ninyo ang mga sarili ninyong tunay na pang-unawa sa mga tao, mga kaganapan, at mga bagay sa inyong paligid, ang lahat ng inyong mga kapaligiran na inilaan ng Diyos, at lahat ng mga bagay na nakikita ninyo. Ang mga pang-unawang ito ay nalalapit sa katotohanan. Kahit hindi ganap na komprehensibo ang sinabi ninyo, at hindi masyadong naaangkop ang ilang mga salita, ang inyong mga pang-unawa ay nalalapit na sa reyalidad ng katotohanan. Ang mapakinggan kayong nagsasalita sa ganitong paraan ay nagdudulot sa Akin ng kasiyahan.
Hindi Mapapalitan ng mga Paniniwala ng mga Tao ang Katotohanan
May ilang mga tao ang may kakayahang tiisin ang mga paghihirap; kaya nilang magdusa; napakabuti ng kanilang panlabas na pag-uugali; iginagalang sila; at taglay nila ang paghanga ng iba. Ano sa tingin ninyo: Maaari bang ibilang itong uri ng panlabas na pag-uugali na pagsasagawa sa katotohanan? Masasabi niyo ba na ang taong ito ay nagbibigay-kasiyahan sa mga layunin ng Diyos? Bakit paulit-ulit tinitingnan at iniisip ng mga tao na ang ganitong uri ng mga indibidwal ay nakapagbibigay ng kasiyahan sa Diyos, iniisip na lumalakad sila sa landas ng pagsasagawa sa katotohanan, na lumalakad sila sa landas ng Diyos? Bakit ganito ang pag-iisip ng ilang mga tao? Mayroon lamang isang paliwanag para dito. At ano ang paliwanag na iyan? Para sa napakaraming mga tao, ang mga katanungan na katulad ng ano ang ibig sabihin ng isagawa ang katotohanan, ano ang ibig sabihin ng bigyang—kasiyahan ang Diyos, ano ang ibig sabihin ng tunay na pagkakaroon ng reyalidad ng katotohanan-ang mga tanong na ito ay hindi masyadong malinaw. Kaya may ilang mga tao na madalas ay nalilinlang ng mga taong sa panlabas ay mukhang espirituwal, mukhang kagalang-galang, mukhang may matayog na mga imahe. Para sa mga tao na may kakayahang magpaliwanag ng mga liham at mga doktrina, at ang pananalita at pagkilos ay lumalabas na karapat-dapat para sa paghanga, hindi kailanman tumingin ang mga tagahanga nila sa diwa ng kanilang mga pagkilos, sa mga prinsipyo sa likod ng kanilang mga gawa, ano ang kanilang mga layunin. At hindi sila kailanman tumingin sa kung tunay ba na sumusunod sa Diyos ang mga taong ito, at kung tunay ba silang may takot sa Diyos at iniiwasan ang kasamaan o hindi. Hindi nila kailanman naunawaan ang substansya ng pagkatao ng mga taong ito. Sa halip, mula sa unang antas ng pagkakilala, unti-unti, sila’y humanga sa mga taong ito, iginalang ang mga taong ito, at sa katapusan naging mga diyos-diyosan nila ang mga taong ito. Dagdag pa rito, sa isip ng ilang mga tao, ang mga diyos-diyosan na kanilang sinasamba, na pinaniniwalaan nila na kayang iwanan ang kanilang mga pamilya at mga trabaho, at kunwari’y nakahandang magdusa—ang mga diyos-diyosan na ito ang tunay na makapagbibigay-kasiyahan sa Diyos, ang mga talagang makatatanggap ng isang magandang kalalabasan at isang mahusay na hantungan. Sa kanilang mga isip, ang mga diyos-diyosan na mga ito ay ang mga taong pinupuri ng Diyos. Ano ang sanhi ng pagkakaroon ng mga tao ng ganitong uri ng paniniwala? Ano ang diwa ng suliranin na ito? Ano ang mga kahihinatnan na maaari nitong kahantungan? Ang unang bagay na ating tatalakayin ay ang diwa nito.
Ang mga usapin tungkol sa mga pananaw ng mga tao, mga pagsasagawa ng mga tao, kung anong mga prinsipyo ang pipiliin ng mga tao na isagawa, at kung ano ang karaniwang binibigyang-diin ng lahat, sa totoo lang walang kinalaman ang lahat ng mga ito sa mga hinihingi ng Diyos sa sangkatauhan. Hindi alintana kung nakatutok ang mga tao sa mga mabababaw o malalalim na mga bagay, sa mga liham at mga doktrina o reyalidad, hindi sumusunod ang mga tao sa mga bagay na dapat sana nilang sinusunod, at hindi nila alam ang bagay na dapat sana nilang alam. Ang dahilan nito ay talagang ayaw lang ng mga tao sa katotohanan. Samakatuwid, ayaw lamang ng mga tao na maglaan ng panahon at pagsisikap para sa paghahanap at pagsasagawa sa mga prinsipyo ng salita ng Diyos. Sa halip, mas gugustuhin nilang gumamit ng mga mabilisang paraan, at ibubuod ang naiintindihan nila, kung ano ang alam nila, upang maging mahusay na pagsasagawa at mabuting pag-uugali. Ang buod na ito ang magiging pansarili nilang tunguhin na itataguyod, magiging katotohanang isasagawa. Ang direktang resulta nito ay ang paggamit ng mga tao sa mabuting pag-uugali bilang isang kapalit ng pagsasagawa sa katotohanan, na tumutupad rin sa hangarin ng tao na manuyo ng pabor sa Diyos. Ito ang nagbibigay ng puhunan sa mga tao upang makipaglaban sa katotohanan, at makipagkatuwiran at makipagtalo sa Diyos. Kasabay nito, walang-prinsipiyong isinasantabi rin ng mga tao ang Diyos, at sa kanilang mga puso, ilalagay nila ang kanilang diyos-diyosan sa lugar ng Diyos. Mayroon lamang isang pinakasanhi na nagdudulot sa mga tao para gawin ang mga ignoranteng pagkilos, mga ignoranteng pananaw, o mga isahang-panig lamang na pananaw at mga gawi, at ibabahagi Ko sa inyo ngayon ang tungkol dito. Ang dahilan nito ay bagaman maaaring sundin ng mga tao ang Diyos, manalangin sa Kanya araw-araw, at basahin ang salita ng Diyos araw-araw, hindi nila talaga nauunawaan ang kalooban ng Diyos. Ito ang ugat ng problema. Kung may nakauunawa sa puso ng Diyos, nakauunawa sa mga gusto ng Diyos, kung ano ang kinasusuklaman ng Diyos, kung ano ang mga kagustuhan ng Diyos, kung ano ang tinatanggihan ng Diyos, anong uri ng tao ang minamahal ng Diyos, kung anong uri ng tao ang ayaw ng Diyos, kung anong uri ng pamantayan ang sumasaklaw sa mga hinihingi Niya sa tao, kung anong uri ng pamamaraan ang ginagamit Niya sa pagperpekto sa tao, maaari pa rin bang magkaroon ang taong iyan ng pansariling mga ideya? Maaari ba silang basta na lang pumunta at sambahin ang ibang tao? Puwede ba na ang isang ordinaryong tao ay maging diyos-diyosan nila? Kung nauunawaan ng isang tao ang kalooban ng Diyos, ang kanilang pananaw ay mas makatwiran kaysa diyan. Hindi nila sasambahin nang basta na lang ang isang tiwaling tao, at habang naglalakad sila sa landas ng pagsasagawa sa katotohanan, hindi rin sila maniniwala na kapantay ng pagsasagawa sa katotohanan ang basta na lang sumusunod sa ilang simpleng alituntunin o prinsipyo.
Maraming Opinyon Tungkol sa Pamantayan Kung Saan Itinatatag ng Diyos ang Kalalabasan ng tao
Balikan natin ang paksang ito at magpatuloy tayo sa pagtalakay sa kalalabasan.
Dahil nag-aalala ang bawat tao sa kanilang kalalabasan, alam ba ninyo kung paano pinagpapasiyahan ng Diyos ang kalalabasan na iyan? Sa anong kaparaanang itinatatag ng Diyos ang kalalabasan ng isang tao? At anong uri ng pamantayan ang ginagamit Niya upang matukoy ang kalalabasan ng isang tao? At kapag itatatag pa lang ang kalalabasan ng tao, ano ang ginagawa ng Diyos para ibunyag ang kalalabasang ito? May sinuman bang nakaaalam nito? Gaya ng kasasabi Ko lang, may ilang mga matagal nang nagsaliksik sa salita ng Diyos. Naghahanap ang mga taong ito ng mga pahiwatig tungkol sa kalalabasan ng sangkatauhan, tungkol sa pagkakahati-hati ng mga kategorya ng kalalabasang ito, at tungkol sa iba’t-ibang mga kalalabasan na naghihintay sa iba’t ibang uri ng mga tao. Gusto rin nilang malaman kung paano itinatatag ng salita ng Diyos ang kalalabasan ng tao, ang uri ng pamantayang ginagamit ng Diyos, at ang paraan kung paano Niya itatatag ang kalalabasan ng tao. Ngunit sa katapusan hindi kailanman nagawa ng mga taong ito na makahanap ng kahit ano. Sa aktuwal na katotohanan, napakaliit ang mahalagang nasabi sa salita ng Diyos tungkol sa bagay na ito. Bakit ganoon? Hangga’t hindi pa naihahayag ang kalalabasan ng tao, ayaw ng Diyos na sabihin sa kahit sinuman ang mangyayari sa katapusan, ayaw rin Niyang ipaalam nang patiuna ang hantungan ng sinuman. Ang kadahilanan ay wala ring anumang benepisyo sa tao ang paggawa ng Diyos sa bagay na ito. Sa ngayon, gusto Ko lang sabihin sa inyo ang tungkol sa paraan kung paano itinatatag ng Diyos ang kalalabasan ng tao, tungkol sa mga prinsipyo na ginagamit Niya sa Kanyang gawain upang itaguyod ang kalalabasan ng tao, at upang ipahayag ang kalalabasang ito, pati na rin ang pamantayan na ginagamit Niya sa pagtukoy kung maliligtas ba ang isang tao o hindi. Hindi ba ito ang pinaka-inaalala ninyo? Kaya paano iniisip ng tao ang paraan ng pagtatatag ng Diyos sa kalalalabasan ng tao? Nabanggit niyo na ang kaunti sa bagay na ito ngayon lang. Sinabi ng ilan sa inyo na ito ay isang katanungan tungkol sa paggawa ng mga tungkulin nang tapat, paggugol para sa Diyos; sinasabi ng ilang tao na pagsunod sa Diyos at pagbibigay-kasiyahan sa Diyos; sinasabi ng ilang mga tao na pagpapasakop sa awa ng Diyos; at sinasabi ng ilang mga tao na pamumuhay ng isang simpleng buhay. … Kung ilalagay ninyo sa pagsasagawa ang mga katotohanang ito, kung ilalagay ninyo sa pagsasagawa ang mga prinsipyo ng imahinasyon ninyo, alam niyo ba kung ano ang iniisip ng Diyos? Isinaalang-alang niyo ba kung ang pagpapatuloy sa ganito ay nakapagbibigay-kasiyahan sa mga layunin ng Diyos o hindi? Kung nagsisilbi ba ito sa pamantayan ng Diyos? Kung nagsisilbi ba ito sa mga kahilingan ng Diyos? Naniniwala Ako na hindi ito iniisip ng karamihan ng mga tao. Ginagamit lamang nila nang wala sa loob ang isang bahagi ng salita ng Diyos, o isang bahagi ng mga sermon, o ang mga pamantayan ng ilang espirituwal na lalaking hinahangaan nila, pinipilit ang kanilang mga sarili na gawin ito, gawin iyon. Naniniwala sila na ito ang tamang paraan, kaya nananatili silang naninindigan dito, gagawin ito, kahit anuman ang mangyayari sa katapusan. Iniisip ng ilang mga tao: “Naniwala ako sa loob ng maraming taon; Palaging ganitong paraan ang gawain ko; Pakiramdam ko tunay na nabigyang-kasiyahan ko ang Diyos; Pakiramdam ko rin na marami na akong nakuha mula dito. Sapagkat napakaraming katotohanan ang naunawaan ko sa panahon na ito, at naunawaan ko ang maraming bagay na hindi ko naunawaan noon—lalo na, marami sa mga ideya at mga pananaw ko ang nagbago, malaki ang ipinagbago ng mga pag-uugali ko sa buhay, at nagkaroon ako ng magandang pagkaunawa sa mundong ito." Naniniwala ang ganitong mga tao na ito ay isang pag-aani, at ito ang huling resulta ng gawain ng Diyos para sa tao. Sa inyong opinyon, sa mga pamantayang ito at sa lahat ng inyong pinagsamang mga pagsasagawa—nabibigyang-kasiyahan niyo ba ang mga layunin ng Diyos? Sasabihin ng ilang tao nang may ganap na katiyakan: “Syempre! Nagsasagawa kami ayon sa salita ng Diyos; nagsasagawa kami ayon sa ipinangaral at ibinahagi ng kapatid na lalaki; palagi naming ginagawa ang aming tungkulin, palaging sinusunod ang Diyos, at kailanman hindi namin iniwan ang Diyos. Kaya maaari naming sabihing may ganap na kumpiyansa na kami ay nagbibigay-kasiyahan sa Diyos. Gaano man natin nauunawaan ang mga layunin ng Diyos, gaano man ang pagkaunawa natin sa salita ng Diyos, palagi tayong nasa landas ng paghahangad na maging kaayon ng Diyos. Kung kikilos tayo nang tama, at magsasagawa nang tama, samakatwid ang resulta ay magiging tama.” Ano ang tingin ninyo tungkol sa pananaw na ito? Tama ba ito? Marahil, may ilang nagsasabi: “Hindi ko naisip ang tungkol sa mga bagay na ito noon. Iniisip ko lamang na kung magpapatuloy ako sa paggawa sa aking tungkulin at manatiling kikilos ayon sa mga hinihiling ng salita ng Diyos, maaari akong maligtas. Kailanman hindi ko isinaalang-alang ang tanong na maaari ko kayang bigyang-kasiyahan ang puso ng Diyos, at hindi ko kailanman inisip kung nakakamit ko ba ang pamantayang hinihiling Niya. Yamang hindi sinabi ng Diyos sa akin, at hindi rin siya nagbigay ng anumang malinaw na mga tagubilin, naniniwala ako na hangga’t nagpapatuloy ako, masisiyahan ang Diyos at dapat wala na Siyang anumang mga karagdagang kahilingan sa akin.” Tama ba ang mga paniniwalang ito? Sa pagkakaintindi ko, itong paraan ng pagsasagawa, itong paraan ng pag-iisip, at ang mga pananaw na ito—lahat ay nagdadala ng mga kathang-isip at kaunting pagkabulag. Kapag sinasabi ko ito, marahil may ilan sa inyo ang nasiraan ng loob: “Pagkabulag? Kung ito ay isang ‘pagkabulag,’ ang ating pag-asa ng kaligtasan, ang ating pag-asa ng pamamalagi ay napakaliit, at hindi tiyak, hindi ba? Hindi ba ang ganyang pananalita Mo ay kahalintulad ng pagbuhos ng malamig na tubig sa amin?” Anuman ang pinaniniwalaan ninyo, ang mga bagay na sinasabi at ginagawa Ko ay hindi sinadya upang maramdaman ninyo na parang binuhusan kayo ng malamig na tubig. Sa halip, ito ay sinadya upang mapahusay ang pag-unawa ninyo sa mga layunin ng Diyos, at mapahusay ang pagkaintindi ninyo sa kaisipan ng Diyos, sa kung ano ang nais ng Diyos na makamit, kung anong uri ng tao ang kinagigiliwan ng Diyos, kung ano ang kinasusuklaman ng Diyos, kung ano ang ayaw ng Diyos, kung anong uri ng tao ang nais ng Diyos na makamit, at kung anong uri ng tao ang tinatanggihan ng Diyos. Ang nilalayon nito ay upang maliwanagan ang inyong kaisipan, upang matulungan kayong malaman nang malinaw kung gaano kalayo ang inilihis ng mga kilos at mga saloobin ng bawat isa sa inyo mula sa pamantayan na hinihiling ng Diyos. Kailangan bang talakayin ang mga paksang ito? Dahil alam kong matagal na kayong nananampalataya, at nakinig sa napakaraming pangangaral, ngunit ito ang mga bagay na tiyak na pinakakulang. Maaaring itinala ninyo ang bawat katotohanan sa inyong kuwaderno, maaaring itinala ninyo rin ang personal na pinaniniwalaan ninyong mahalaga sa inyong isip, at sa inyong puso. Planuhin ninyong gamitin ito kapag kayo ay nagsasagawa, upang masiyahan ang Diyos; gamitin ito kapag nakita ninyong nangangailangan kayo; gamitin ito upang malagpasan ninyo ang mahihirap na panahon na nasa harapan ninyo; o hayaan ninyo lang ang mga katotohanang ito na samahan kayo sa inyong pamumuhay. Sa pagkaintindi Ko, kung nagsasagawa lamang kayo, hindi mahalaga kung paano ang eksaktong pagsasagawa ninyo. Ano ngayon, ang napakahalagang bagay? Ito yung habang ikaw ay nagsasagawa, alam ng iyong puso nang may ganap na katiyakan kung nais ng Diyos o hindi ang lahat ng bagay na iyong ginagawa, ang bawat kilos; kung nakasisiya sa mga layunin ng Diyos o hindi ang lahat ng ginagawa mo, lahat ng bagay na iniisip mo, at ang resulta at ang layunin na nasa iyong puso, kung nakapagsisilbi ba ang mga ito sa mga kahilingan ng Diyos, at kung sasang-ayunan ba ang mga ito o hindi ng Diyos. Ito ang mahahalagang bagay.