菜單

Peb 21, 2019

Ang Diwa ng Gawain ng Paglupig

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Ang Diwa ng Gawain ng Paglupig

I
Ang pinakamalaking problema ng tao'y
wala silang iniisip kundi sariling kapalaran,
iniidolo kanilang hinaharap,
hinahanap ang Diyos para sa mga ito.
'Di nila sinasamba ang Diyos
dahil sa pag-ibig nila sa Kanya.
Kaya't pagkamakasarili't kasakiman,
lahat ng bagay na hadlang
sa pagsamba nila'y kailangang maalis.

Peb 20, 2019

Paano Makatatanggap ng mga Pahayag ng Diyos ang Taong Ipinakahulugan ang Diyos sa Kanyang Pagkaintindi?


Patuloy na sumusulong ang gawain ng Diyos, at kahit na ang layunin ng Kanyang gawain ay nananatiling di-nagbabago, palaging nagbabago ang paraan kung paano Siya gumagawa, at sa gayon pati na rin ang mga tagasunod ng Diyos. Mas marami ang gawain ng Diyos, mas lubusang nakikilala ng tao ang Diyos, at ang disposisyon ng tao ay nagbabago ayon sa Kanyang gawa. Gayon pa man, dahil sa ang gawain ng Diyos ay palaging nagbabago ang mga hindi nakakakilala sa gawain ng Banal na Espiritu at ang yaong mga taong salungat na hindi nakakaalam sa katotohanan ay nagiging kalaban ng Diyos. Hindi kailanman nakiayon ang gawain ng Diyos sa mga pagkaintindi ng tao, dahil laging bago ang Kanyang gawain at hindi kailanman luma.

Peb 19, 2019

Diyos ang Nagpapasiya sa Katapusan ng Tao Batay sa Kung Taglay Nila ang Katotohanan




I
Panahon na para ipasiya ng Diyos
ang katapusan para sa bawat tao,
hindi ang yugto na sinimulan Niyang hubugin ang tao.
Isinusulat ng Diyos sa Kanyang aklat
bawat salita't kilos ng bawat tao.
Isa-isa Niyang itinatala ang mga ito.
Diyos ang nagpapasya sa hantungan ng bawat isa
hindi batay sa edad, ranggo o mga paghihirap,
ni sa tindi ng kanilang pagiging kaawa-awa,
kundi ayon lamang sa kung may angkin silang katotohanan.
II
Isinusulat Niya ang kanilang landas sa pagsunod sa Kanya,
likas na katangia't huling ugali nila.
Sa paraang ito walang taong
makakatakas sa kamay ng Diyos.
Lahat ay makakasama ang kanilang kauri
ayon sa itinatalaga Niya.
Diyos ang nagpapasya sa hantungan ng bawat isa
hindi batay sa edad, ranggo o mga paghihirap,
ni sa tindi ng kanilang pagiging kaawa-awa,
kundi ayon lamang sa kung may angkin silang katotohanan.
III
Yaong 'di sumusunod sa kalooban ng Diyos, parurusahan.
Ito'y katunayang 'di mababago ninuman.
Kaya’t, lahat ng pinarurusahan
ay gayon para sa pagkamatuwid ng Diyos,
bilang ganti sa maraming masasamang gawa.
Diyos ang nagpapasya sa hantungan ng bawat isa
hindi batay sa edad, ranggo o mga paghihirap,
ni sa tindi ng kanilang pagiging kaawa-awa,
kundi ayon lamang sa kung may angkin silang katotohanan,
oo, angking katotohanan.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Peb 18, 2019

Paano Maglingkod Nang Kaayon sa Kalooban ng Diyos


Ngayon, pangunahin nating tatalakayin kung paano dapat maglingkod ang mga tao sa Diyos sa kanilang paniniwala sa Diyos, ano ang mga kundisyon na dapat matupad at kung ano ang dapat maunawaan ng mga naglilingkod sa Diyos, at ano ang mga paglihis sa inyong serbisyo. Dapat ninyong maunawaan ang lahat ng ito. Ang mga isyung ito ay humihipo sa inyong paniniwala sa Diyos, kung paano kayo naglalakad patungo sa landas ng pamamatnubay ng Banal na Espiritu, at kung paanong ang inyong lahat-lahat ay inaayos ng Diyos, at hahayaan kayo ng mga iyon na malaman ang bawa’t hakbang ng gawain ng Diyos sa inyo.

Peb 17, 2019

Diyos Lamang ang Maaaring Magligtas sa Sangkatauhan at Magpalaya sa Atin mula sa Pasakit



Diyos Lamang ang Maaaring Magligtas sa Sangkatauhan at Magpalaya sa Atin mula sa Pasakit


Bakit may paghihirap sa buhay ng tao? Marami ang nakipagbuno sa tanong na ito ngunit hindi kailanman nakatagpo ng kasagutan. Nakatagpo si Wenya at ang kanyang pamilya ng isang hindi inaasahang pagbabago sa mga pangyayari, na ganap na naranasan ang malalaking pagbabago sa mga relasyon ng tao.

Peb 16, 2019

Clip 5 - Bakit inimbento ng Partido Komunista ng Tsina ang Insidente nung 5/28 sa Zhaoyuan?


"Tamis sa Kahirapan" Clip 5 - Bakit inimbento ng Partido Komunista ng Tsina ang Insidente nung 5/28 sa Zhaoyuan?


Pagkatapos ng pampublikong paglilitis sa Insidente ng Zhaoyuan sa Shandong, naintindihan na ng lahat ng mga naguguluhang tao na inimbento lang ang kasong ito ng Partido Komunista ng Tsina para ibunton ang sisi at masira ang reputasyon ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Isa lamang iyong inimbentong kaso at maling paggamit ng hustisya. Ano kaya ang masamang motibo ng Partido Komunista ng Tsina sa paggawa nito?

Manood ng higit pa:Pagtakas mula sa Yungib ng Diablo

Peb 15, 2019

Mas Nakikilala ng mga Tao ang Diyos sa Gawain ng mga Salita


Tagalog Christian Song | "Mas Nakikilala ng mga Tao ang Diyos sa Gawain ng mga Salita"


I
Pangunahing ginagamit ng Diyos ng mga huling araw 
ang salita para gawing perpekto ang tao,
hindi tanda't kababalaghan 
para pahirapan o hikayatin s'ya,
dahil hindi maipaliliwanag ng mga ito 
ang kapangyarihan ng Diyos.
Kung tanda't kababalaghan lang pinapakita ng Diyos,
magiging imposibleng linawin ang realidad ng Diyos,
at sa gayon imposibleng gawing perpekto ang tao.
Hindi ginagawang perpekto ng Diyos ang tao 
sa mga tanda't kababalaghan,
kundi dinidiligan at pinapastulan ang tao 
gamit ang mga salita,
para matamo ang pagsunod ng tao, kaalaman sa Diyos.
Ito ang layunin ng Kanyang gawain 
at Kanyang mga salita.