Ang isang sumasampalataya ay dapat mayroong isang normal na buhay espirituwal-ito ang saligan para sa pagpapakaranas ng mga salita ng Diyos at pagpasok sa katotohanan. Sa kasalukuyan, maaari ba na ang lahat ng mga panalangin, ang mapalapit sa Diyos, ang pag-awit, pagpupuri, pagbubulay-bulay, at ang pagsisiskap na alamin ang mga salita ng Diyos na inyong isinasagawa ay nakaaabot sa mga pamantayan ng isang normal na buhay espirituwal. Walang sinuman sa inyo ang masyadong malinaw tungkol dito. Ang isang normal na buhay espirituwal ay hindi limitado sa panalangin, awit, buhay iglesia, pagkain at pag-inom ng mga salita ng diyos, at iba pang gayong mga pagsasagawa, ngunit ito ay nangangahulugan na isabuhay ang isang buhay espirituwal na sariwa at masigla. Ito ay hindi tungkol sa pamamaraan, bagkus sa resulta.
Peb 14, 2019
Peb 13, 2019
Maglingkod Kagaya ng Ginawa ng Mga Israelita
Sa kasalukuyan maraming mga tao ang hindi nag-uukol ng pansin sa kung anong mga aral ang dapat na matutuhan sa panahon ng pakikipagtulungan sa iba. Aking natuklasan na marami sa inyo ang hindi kayang matutuhan ang mga aral sa anumang paraan sa panahon ng pakikipagtulungan sa iba. Karamihan sa inyo’y nananatili sa inyong sariling mga pananaw, at kapag gumagawa sa iglesia, sinasabi mo ang iyong bahagi at sinasabi niya ang kanya, isa na walang kaugnayan sa iba, hindi nakikipagtulungan sa anumang paraan. Kayo ay abalang-abala sa pakikipagtalastasan lamang sa inyong panloob na mga pananaw, abalang-abala sa pagpapalaya lamang sa inyong “mga pasanin” sa loob ninyo, hindi naghahangad ng buhay sa anumang paraan.
Peb 12, 2019
Dapat Mong Iwan ang Lahat para sa Katotohanan
Tagalog christian songs list | Dapat Mong Iwan ang Lahat para sa Katotohanan
I
Dapat kang magdusa ng kahirapan
sa iyong landas tungo sa katotohanan.
Dapat mong ibigay nang lubos ang sarili mo.
Magtiis ng kahihiyan, yakapin ang higit pang pagdurusa.
Ginagawa ito para makamit pa nang higit ang katotohanan.
Dapat mong hanapin ang lahat ng mainam.
Dapat mong hanapin ang lahat ng mabuti,
isang landas sa buhay na puno ng kahulugan.
Peb 11, 2019
Hindi Ako Karapat-Dapat na Makita si Cristo
Huanbao Lungsod ng Dalian, Lalawigan ng Liaoning
Magmula nang magsimula akong manampalataya sa Makapangyarihang Diyos, palagi kong hinahangaan ang mga kapatid na nakakatanggap sa personal na ministeryo ni Cristo, na nakakarinig sa Kanyang mga sermon sa sarili nilang mga tainga. Sa aking puso, naisip ko kung gaano kamangha-mangha sana kung isang araw sa hinaharap ay maririnig ko ang mga sermon ni Cristo, siyempre mas lalo pang kamangha-mangha ang makita Siya.
Peb 10, 2019
Ano ang Kalikasan ng Pag-ibig ng Diyos?
Siqiu Lungsod ng Suihua, Lalawigan ng Heilongjiang
Sa tuwing nakikita ko ang sumusunod na sipi ng salita ng Diyos: “Kung ikaw ay palaging naging napakatapat at mapagmahal sa Akin, datapwat ikaw ay nagdurusa ng pagpapahirap ng sakit, ang mga hadlang sa buhay, at ang pag-abandona ng iyong mga kaibigan at mga kamag-anak o tinitiis ang anumang ibang mga kasawian sa buhay, sa gayon magpapatuloy pa ba ang iyong katapatan at pagmamahal para sa Akin?” (“Isang Napakaseryosong Problema: Pagkakanulo (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). lubha akong hindi nasisiyahan- ang pakiramdam ng kalungkutan ay namumuo sa loob ko at nagsasalita ang puso ko ng mga walang tinig na karaingan nito:
Peb 9, 2019
(Clip1) - Kaninong mga Salita ang Dapat Pakinggan Kapag Sinisiyasat ang Tunay na Daan
"Nakamamatay na Kamangmangan" (Clip1) - Kaninong mga Salita ang Dapat Pakinggan Kapag Sinisiyasat ang Tunay na Daan
Maraming tunay na sumasampalataya sa Panginoon ang nananabik para sa pagpapakita ng Diyos ang nakabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, ang kumilalang lahat na ang mga iyon ang katotohanan, na ang mga iyon ang tinig ng Diyos, at nakahanda sila na hanapin at sinisiyasat ang tunay na daan.
Peb 8, 2019
Ang Kaharian ng Diyos ay Itinatatag sa mga Tao
Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Ang Kaharian ng Diyos ay Itinatatag sa mga Tao
I
Sa lupa at sansinukob, ang karunungan ng Diyos ay makikita.
Sa lahat ng bagay at lahat ng tao,
karunungan N'ya'y nagbubunga ng magaganda.
Ang lahat ay mukhang gawa ng kaharian ng Diyos.
Sangkatauha'y namamahinga sa ilalim ng langit ng Diyos,
mga tupa sa pastulan ng Diyos.
Diyos ay makapagpapahingang muli sa Sion;
tao'y makapapamuhay sa ilalim ng patnubay ng Diyos.
Pinamamahalaan ng mga tao ang lahat sa kamay ng Diyos.
Dunong at unang anyo, sa huli napapabalik nila ito.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)