菜單

Peb 2, 2019

Tagalog Christian Movies-Mga Sumusunod Lang sa mga Yapak ng Diyos ang Makakatahak sa Landas ng Buhay na Walang Hanggan


Tagalog Christian Movies-"Sino ang Aking Panginoon" (Clip 5/5) Mga Sumusunod Lang sa mga Yapak ng Diyos ang Makakatahak sa Landas ng Buhay na Walang Hanggan

Maraming taong sumasampalataya sa Panginoon ang naniniwala na: Dahil ang Biblia ay isang talaan ng salita ng Diyos at patotoo ng tao at makapagbibigay ng malaking katatagan sa tao, ang pagbabasa ng Biblia ay dapat magbigay sa atin ng buhay na walang hanggan. Ngunit sabi ng Panginoong Jesus, “Ako ang pagkabuhay na maguli, at ang kabuhayan: ang sumasampalataya sa akin, bagama't siya'y mamatay, gayon ma'y mabubuhay siya; At ang sinomang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay magpakailan man” (Juan 11:25-26). Bakit sinabi ng Panginoong Jesus na walang buhay na walang hanggan sa Biblia? Ano ang dapat nating gawin para makamit natin ang daan tungo sa buhay na walang hanggan?

Magrekomenda nang higit pa:Ebanghelyo

Peb 1, 2019

Tagalog christian songs list


Yamang Inililigtas ng Diyos ang Tao, Siya'y Lubos Niyang Ililigtas

Yamang nilalang ng Diyos, tao ay aakayin Niya;
Yamang nililigtas Niya, 
tao'y ililigtas Niya't kakamting lubos;
Yamang inaakay Niya,
tao'y dadalhin Niya sa wastong hantungan.
Yamang tao'y nilalang at pinamamahalaan Niya, 
S'yang may pananagutan sa mga kapalara't inaasam n'ya. 
Ito y'ong gawaing ginagawa ng Lumikha.
Kahit nakakamit ang gawang paglupig sa 
pag-aalis ng inaasam ng tao, 
sa katapusan, tao'y madadala pa rin sa, 
wastong hantungang handa ng Diyos para sa kanya.

Ene 31, 2019

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Magbigay-pansin sa Kapalaran ng Sangkatauhan



I
Hinihimok ng Diyos ang mga tao ng lahat ng mga etniko,
lahat ng mga bansa at maging mga industriya:
Makinig sa tinig ng Diyos at tingnan ang Kanyang gawain;
bigyang pansin ang kapalaran ng sangkatauhan;
gawing pinakabanal at marangal ang Diyos,
ang pinakamataas at tanging bagay para sa pagsamba;
pahintulutan ang buong sangkatauhan na
mabuhay sa ilalim ng pagpapala ng Diyos,
tulad ng mga inapo ni Abraham
ay namuhay sa ilalim ng pangako ni Jehova,
tulad ng nilikha ng Diyos na
sina Adan at Eva ay nanirahan sa Hardin ng Eden.

Ene 30, 2019

Tagalog Christian Movie Clips | Pananabik "Saan ang Lugar na Naihanda ng Panginoon para sa Atin?"


Dalawang libong taon na ang nakararaan, ipinangako ng Panginoong Jesus, "Ako’y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung ako’y pumaroon at kayo’s maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo’y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon" (Juan 14:2-3). Maraming naniniwala na nagbalik sa langit ang Panginoon, kaya siguradong naghanda Siya ng lugar para sa atin sa langit. Naaayon ba ang pagkaunawang ito sa mga salita ng Panginoon? Anong mga hiwaga ang nakapaloob sa pangakong ito?

Magrekomenda nang higit pa:Lumabas Sa Biblia

Ene 29, 2019

Tagalog Christian Movie | "Nanganganib na Pagdala" (Tagalog Dubbed Movie Trailer)


Isang elder si Zhao Zhigan sa Lokal na Iglesia sa Tsina. Tulad ng maraming Kristiyano, ang kanyang pinakadakilang pag-asa bilang mananampalataya sa Panginoon ay ang madala nang buhay, masalubong ang Panginoon at mamahala kasama Siya. Noong 1999, matapos ilabas ng pinuno ng iglesia ang mensaheng, "Sa taong 2000 ang Panginoon ay darating muli, at madadala nang buhay ang Kanyang mga mananampalataya," lalo pa siyang nasabik at naging masigasig kaysa dati. Punung-puno ng pananampalataya at kumpiyansa, tiningnan niya ang hinaharap nang may pag-asa at pag-asam....

Ene 28, 2019

Tagalog Christian Movie 2018 | "Awit ng Tagumpay" God’s Judgment in the Last Days (Trailer)


Ang gawaing paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ay umalingawngaw sa bawat sekta at grupo. Kasunod ng pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian, ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay tinatanggap at ipinapalaganap ng parami nang paraming mga tao, ang mga tunay na mananampalataya sa Diyos na uhaw para sa Kanyang pagpapakita ay bumabalik nang paisa-isa sa harap ng trono ng Diyos.Samantala, ang pamahalaan ng Tsina at ang mga relihiyosong pastor at elder ay walang humpay na sinusupil at inuusig ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos mula simula hanggang matapos. Ang babae na pangunahing tauhan ng pelikula, si Zheng Xinjie, ay isang miyembro ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na nagpapalaganap ng ebanghelyo. Naharap niya ang magulong pang-aapi at mga pag-atake mula sa Komunistang Pamahalaan ng Tsina at mga relihiyosong lider. Kasama ang kanyang mga kapatid, umaasa sa Diyos, paano niya pagtatagumpayan itong madilim na mga puwersa ni satanas upang makanta ang isang awit ng tagumpay? ...

Ene 27, 2019

Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan



Ang gawain ng mga huling araw ay upang pagbukud-bukurin ang lahat ayon sa kanilang uri, upang tapusin ang plano sa pamamahala ng Diyos, sapagka’t ang oras ay malapit na at ang araw ng Diyos ay nakárátíng na. Dinadala ng Diyos ang lahat ng nakapasok sa Kanyang kaharian, iyon ay, lahat ng naging tapat sa Kanya hanggang sa katapusan, tungo sa kapanahunan ng Diyos Mismo. Subali’t, hanggang sa pagdating ng kapanahunan ng Diyos Mismo, ang gawaing gagawin ng Diyos ay hindi upang magmasid sa mga gawa ng tao o magtanong tungkol sa buhay ng tao, kundi upang hatulan ang kanyang paghihimagsik, sapagka’t dadalisayin ng Diyos ang lahat ng lalapit sa harap ng Kanyang luklukan.