Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Hindi ninyo makikita ang Diyos na humahawak ng magkakaparehong pananaw sa mga bagay na mayroon ang tao, at higit pa rito, hindi ninyo Siya makikitang gumagamit ng mga pananaw ng tao, ng kanilang kaalaman, kanilang siyensiya, o kanilang pilosopiya o ang imahinasyon ng tao upang panghawakan ang mga bagay. Sa halip, ang lahat ng ginagawa ng Diyos at ang lahat ng Kanyang ibinubunyag ay may kaugnayan sa katotohanan. Iyon ay, bawat salitang sinabi Niya at bawat kilos na Kanyang ginawa ay may kaugnayan sa katotohanan.
Ene 20, 2019
Ang Diyos Mismo, ang Natatangi V Ang Kabanalan ng Diyos (II) (Ikalawang Bahagi)
Ene 19, 2019
Hinggil sa Patutunguhan
Sa tuwing binabanggit ang patutunguhan, itinuturing ninyo ito nang may espesyal na pagpapahalaga; lubusang maramdamin kayong lahat tungkol sa usaping ito. May ilang taong hindi makapaghintay na maging sunod-sunuran sa Diyos para lamang makarating sa magandang patutunguhan sa dulo. Kinikilala Ko ang inyong pagiging masigasig, na hindi na kailangang ilahad pa sa pamamagitan ng mga salita. Tunay na ayaw ninyong humantong sa kapahamakan ang inyong katawan, at bukod pa rito, ayaw ninyong mahulog sa kayhabang kaparusahan sa hinaharap. Kayo ay umaasa lamang na mabuhay nang higit na malaya at maalwan.
Ene 18, 2019
2. Ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay ang paghatol ng malaking puting luklukan, tulad ng ipinropesia sa Aklat ng Pahayag.
III. Kailangang Magpatotoo ang Isang Tao sa Aspeto ng Katotohanan tungkol sa Gawain ng Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw
2. Ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay ang paghatol ng malaking puting luklukan, tulad ng ipinropesia sa Aklat ng Pahayag.
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
“Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios” (1 Pedro 4:17).
“At nakita ko ang isang malaking luklukang maputi, at ang nakaluklok doon, na sa kaniyang harapan, ang lupa at ang langit ay tumakas; at walang nasumpungang kalalagyan nila. At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan ang mga aklat: at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng buhay: at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa.
Ene 17, 2019
Kailangan ng Masamang Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Nagkatawang-taong Diyos
Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Tagalog Song | "Kailangan ng Masamang Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Nagkatawang-taong Diyos"
I
Diyos naging tao dahil pakay ng gawain N'ya
ay 'di espiritu ni Satanas, ni anumang 'di,
'di ng laman, pero ng tao.
Pinasama ni Satanas laman ng tao't
naging pakay ng gawain ng Diyos.
Ang lugar ng kaligtasan ng Diyos ay tao, ay tao.
Ang tao ay isang mortal, tanging laman at dugo,
Diyos lang makapagliligtas sa kanya.
Dapat taglayin ng Diyos katawang-tao,
upang gawin ang Kanyang gawain,
makamit pinakamagandang resulta.
Ene 16, 2019
Pag-ibig ng Diyos Pumapaligid sa Puso Ko
Tagalog Christian Songs
Pag-ibig ng Diyos Pumapaligid sa Puso Ko
I
Araw ng katuwiran sumisikat sa Silangan.
O Diyos! Kaluwalhatian Mo'y pinupuspos ang langit at lupa.
Sinta ko, puso ko'y lukob ng pag-ibig Mo.
Mga naghahanap sa katotohanan—nagmamahal sa 'Yo.
Madaling-araw, mag-isa man,
pagninilay sa Kanyang mga salita dulot ay galak.
Magiliw Niyang mga salita, parang sa inang nagmamahal;
mga salita ng Kanyang paghatol, parang pangaral ng ama.
Walang ibang mahal sa mundo,
kundi ang Makapangyarihang Diyos, nang buong puso.
Walang ibang mahal sa mundo,
kundi ang Makapangyarihang Diyos, nang buong puso.
Ene 15, 2019
Clip ng Pelikulang (5) "Paano Nagkaroon ng mga Pagkakamali sa Loob ng Biblia?"
Clip ng Pelikulang Ibunyag ang Misteryo Tungkol sa Biblia (5) "Paano Nagkaroon ng mga Pagkakamali sa Loob ng Biblia?"
Maraming naniniwala na ang buong Biblia ay binigyang-inspirasyon ng Diyos, na lubos itong nagmumula sa Banal na Espiritu, at na walang mali ni isang salita. Umaayon ba sa mga tunay na pangyayari ang ganitong klaseng pananaw? Ang Biblia ay isinulat ng mahigit 40 awtor, ang mga nilalaman nito ay itinala at isinaayos ng tao, at hindi tuwirang inihayag ng Banal na Espiritu. Mahirap iwasang ipakita ang mga ideya at pagkakamali ng tao kapag tao ang nagtala at nagsaayos nito.
Ene 14, 2019
Pagtatanggal ng Mga Tanikala ng Espiritu
Pagtatanggal ng Mga Tanikala ng Espiritu
Wu Wen Lungsod ng Zhengzhou, Lalawigan ng Henan
Ako ay isang mahinang tao na may sensitibong katauhan. Nang hindi ako naniwala sa Diyos, madalas akong nalungkot at nabagabag sa mga bagay na dumating sa aking buhay. Maraming ganitong mga pagkakataon, at lagi kong nadama na mahirap ang aking buhay; walang kagalakan, walang kaligayahan sa aking puso na masasabi. Nang sinimulan ko ang paniniwala sa Diyos, mayroong isang yugto ng panahon na kung saan nakaramdam ako ng malaking kagalakan at kapayapaan, ngunit pagkatapos noon, muli ay nadama ko ang katulad ng dati. Hindi ko naiintindihan kung bakit ako palaging ganoon.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)