Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Hindi ninyo makikita ang Diyos na humahawak ng magkakaparehong pananaw sa mga bagay na mayroon ang tao, at higit pa rito, hindi ninyo Siya makikitang gumagamit ng mga pananaw ng tao, ng kanilang kaalaman, kanilang siyensiya, o kanilang pilosopiya o ang imahinasyon ng tao upang panghawakan ang mga bagay. Sa halip, ang lahat ng ginagawa ng Diyos at ang lahat ng Kanyang ibinubunyag ay may kaugnayan sa katotohanan. Iyon ay, bawat salitang sinabi Niya at bawat kilos na Kanyang ginawa ay may kaugnayan sa katotohanan.
Ang katotohanang ito ay hindi isang walang-basehang pantasya; ang katotohanang ito at ang mga salitang ito ay naipahayag ng Diyos dahil sa kalooban Niya at Kanyang buhay. Dahil ang mga salitang ito at ang kalooban ng lahat ng ginawa ng Diyos ay katotohanan, maaari nating sabihin na ang kalooban ng Diyos ay banal. Sa madaling sabi, ang lahat ng sinasabi at ginagawa ng Diyos ay nagbibigay buhay at liwanag sa mga tao; pinahihintulutan nito ang mga tao na makita ang mga positibong bagay at ang katotohanan ng mga positibong bagay na iyon at ito ay nagtuturo sa sangkatauhan tungo sa daan ng liwanag upang sa gayon ay malakaran nila ang tamang daan. Ang mga bagay na ito ay nalalaman dahil sa diwa ng Diyos at dahil sa diwa ng Kanyang kabanalan."