菜單

Ene 7, 2019

Paggising Mula sa Panaginip (2) Kung Walang Kabanalan Walang Taong Makakapasok sa Kaharian ng Diyos


Clip ng Pelikulang Paggising Mula sa Panaginip (2) "Kung Walang Kabanalan Walang Taong Makakapasok sa Kaharian ng Diyos"


Kapag ang mga kasalanan nating mga mananampalataya sa Panginoon ay pinatawad, makakamit ba natin ang paglilinis?  Kung hindi tayo nagsisikap para sa paglilinis, at binibigyang pansin lang ang paggugol sa sarili para sa Panginoon at masigasig na paggawa ng gawain ng Panginoon, madadala ba tayo sa kaharian ng langit?  Ang pelikulang ito ng Paggising Mula sa Panaginip, ang magbibigay sa ‘yo ng lahat ng kasagutan!

Ene 6, 2019

Tagalog Christian Skit | "Mga Pakana ng mga Pulis" | The CCP's New Tricks for Persecuting Christians


Tagalog Christian Skit | "Mga Pakana ng mga Pulis" | The CCP's New Tricks for Persecuting Christians


Para maalis ang mga paniniwala sa relihiyon, madalas magsagawa ang ateistang gobyerno ng CCP ng mga hakbang para bantayan ang mga Kristiyano gaya ng pagmamanman at pagsunod sa kanila sa tangka nitong malinis at maalis ang mga ito. Ang palabas na Mga Pakana ng mga Pulis ay tungkol sa pagsasabwatan ng mga nagpapanggap na opisyal ng CCP at ng katulong na opisyal, na isang asno sa balat ng leon, na nagmamanman para maaresto ang mga Kristiyanong nagpupulong sa bahay ni Zhao Yuzhi. Paano haharapin ni Zhao Yuzhi at ng kanyang pamilya ang masamang panlalansi ng pulisya ng Tsina? Anong gulo ang sasapitin nila? 

Ene 5, 2019

Nakahanda Ka Bang Maging Isang Patotoo para sa Diyos


Tagalog Worship Songs
Nakahanda Ka Bang Maging Isang Patotoo para sa Diyos



I
Kapag magtatapos na ang tatlong yugto ng gawain,
may gagawing isang grupo ng mga
magiging saksi para sa Diyos.
Lahat ng mga taong ito'y makikilala ang Diyos
at magagawang isagawa ang katotohanan.
Sila yaong magiging patotoo para sa Diyos.
Sila'y magiging makatao, Magtataglay sila ng katinuan.
Lahat sila'y makikilala ang tatlong yugto
ng gawaing pagliligtas ng Diyos.
Marahil magkakaroon ng puwang
sa grupong ito para sa inyong lahat,
o marahil kalahati lamang, o marahil iilan lamang.

Ene 4, 2019

Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi III Ang Awtoridad ng Diyos (II) (Ikapitong Bahagi)



Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos|Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi III Ang Awtoridad ng Diyos (II) (Ikapitong Bahagi)


Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao" Ang nilalaman ng video na ito:
Walang Sinuman ang Maaaring Makapagpabago sa Katotohanan na Hawak ng Diyos ang Pantaong Kapalaran sa Kanyang Dakilang Kapangyarihan

Ene 3, 2019

Clip ng Pelikulang (4) Pagtanggap sa Cristo ng mga Huling Araw at Pagkadala sa Kaharian ng Langit


Clip ng Pelikulang Paggising Mula sa Panaginip (4) "Pagtanggap sa Cristo ng mga Huling Araw at Pagkadala sa Kaharian ng Langit"


Kung naniniwala lang tayo sa Panginoong Jesus, at humagawak sa daan ng Panginoong Jesus, pero hindi tinatanggap ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, pa’no natin makakamit ang paglilinis at makakapasok sa kaharian ng langit?  Nais mo bang maging isang matalinong birhen na kayang sumabay sa mga yabag ng Diyos upang makamit ang mga biyaya sa kaharian ng langit? Mangyaring panoorin ang pelikulang ito.

Ene 2, 2019

New Tagalog Skit "Ang mga Limitasyon ng Mayor ng Barrio" | Why Christians Have to Flee Their Homes


New Christian Tagalog Skit | "Ang mga Limitasyon ng Mayor ng Barrio" | Why Christians Have to Flee Their Homes


Ikinukuwento ng maikling dula na Ang Mayor ng Barrio ang tunay na kuwento ng isang mag-asawang Kristiyano na napilitang tumakas dahil sa pang-uusig ng pamahalaang CCP.
Hinatulan ng CCP ang Kristiyanong si Liu Ming'en ng pitong taong pagkabilanggo dahil sa paniniwala sa Diyos. Maging noong nakalabas na siya sa bilangguan, nanatili siyang target ng masidhing paniniktik ng CCP. Ginagamit ng mayor ng barrio ang sistemang pananagutan ng limang-sambahayan, mga camerang pang-seguridad, pagdalaw sa bahay, at iba pang mga paraan para mapigilan si Liu Ming'en at ang asawa niya na sumampalataya sa Diyos, ngunit hindi nakamit ng mga ito ang inaasam na epekto. Ngayon, nakatanggap na naman ang mayor ng prayoridad na sulat mula sa Sentral na Partido, matapos nito sinusubukan niyang mag-isip ng mga paraan para puwersahin si Liu Ming'en at ang asawa niya na pumirma ng sulat na nangangakong itigil ang paniniwala sa Diyos. Matapos mabigo ang pakanang ito, muling dumating ang mga pulis para arestuhin ang dalawang mananampalataya. Para maiwasan ang pagkaaresto at ipagpatuloy ang pagsunod sa Diyos at pananampalataya sa Diyos, napilitang umalis sa kanilang tahanan sina Liu Ming'en at ang kanyang asawa.

Ene 1, 2019

Clip ng Pelikulang (4) "Talaga Bang Kinasihan ng Diyos ang Buong Biblia?"


Clip ng Pelikulang (4) "Talaga Bang Kinasihan ng Diyos ang Buong Biblia?"


Halos lahat ng tao sa mga relihiyon ay naniniwala na "ang buong kasulatan ay ibinigay sa pamamagitan ng inspirasyon ng Diyos," at lahat ng nasa Biblia ay salita ng Diyos. Umaayon ba sa mga tunay na pangyayari ang ganitong klaseng pahayag? Ang Biblia ay patotoo lamang tungkol sa Diyos, isang talaan ng Kanyang gawain, at hindi ganap na binubuo ng Kanyang mga binigkas.