Tagalog Christian Gospel Videos | "Walang Katumbas ang Katapatan" Christian Testimony
Si Zhen Cheng ang may-ari ng isang appliance repair shop. Mabait siya, tapat, at nagnegosyo nang naaayon sa libro. Hindi niya susubukang manloko ng kapwa, pero halos sapat lang ang kinikita niya para masuportahan ang kanyang pamilya. Paglipas ng ilang panahon, isang kapamilya at kapwa negosyante ang nag-udyok sa kanyang gawin ang mga di-nakasulat na tuntunin ng negosyo, at nagsimulang maniwala si Zhen Cheng sa mga kasabihang kumakatawan sa satanikong pilosopiya tulad ng: “Ang isang taong walang ikalawang kita ay hindi yayaman kailanman tulad ng isang kabayong hindi bibigat kailanman dahil ginutom sa dayami sa gabi,” “Ang mapangahas ay namamatay sa katakawan ; ang mahiyain ay namamatay sa gutom,” “Hindi pera ang lahat, pero kung wala nito, wala kang magagawang anuman,” at “Una ang pera.” Nawala ang mabuting konsensiya ni Zhen Cheng na dating gumabay sa kanya at nagsimulang gumamit ng pailalim na mga pamamaraan para kumita ng mas maraming pera. Kahit kumita siya ng mas maraming pera kaysa dati, at humusay ang mga pamantayan niya sa pamumuhay, dama ni Zhen Cheng na hindi siya masaya at binalot siya ng pakiramdam ng kawalan; hungkag ang buhay at puspos ng pagdurusa.
Rekomendasyon:
Paano nagsimula ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?