Ene 24, 2018
Kung Wala ang Pagliligtas ng Diyos, Wala Ako rito Ngayon
Mga patotoo’t karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Kung Wala ang Pagliligtas ng Diyos, Wala Ako rito Ngayon
Zhang Jin, Beijing
August 16, 2012
Ako’y isang matandang kapatid na may kapansanan sa dalawang paa. Kahit na ang panahon ay maaliwalas, hirap ako sa paglalakad, subalit nang ang tubig baha ay tatangayin na ako, ipinahintulot ng Diyos na mahimalang makaligtas ako sa panganib.
Tagalog na Cristianong Kanta | Ang Ating Diyos ay Makapangyayari Bilang Hari
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog na Cristianong Kanta | Ang Ating Diyos ay Makapangyayari Bilang Hari
Panimula
Ang Ating Diyos ay Makapangyayari Bilang Hari
Makapangyarihang Diyos, Amang walang hanggan,
Prinsipe ng Kapayapaan,
S’ya’y naghahari bilang Hari ng lahat!
I
Makapangyarihang Diyos,
Amang walang hanggang,
Prinsipe ng Kapayapaan Diyos na Hari nating lahat!
Kanyang mga yapak sa Bundok ng Olibo, sa Bundok ng Olibo.
O kay ganda! Makinig! Tayong mga bantay itaas mga tinig,
Itaas ating mga tinig, tayo’y umawit,
pagka’t sa Sion Diyos ay nagbalik.
Nasaksihan ng aming mga mata ang kapanglawan ng Jerusalem!
Sabay tayong umawit ng buong galak, pagkat tayo’y inaliw N’ya,
Tinubos N’ya ang Jerusalem.
Sa mga bansa’y pinamalas, ng Diyos ang bisig N’yang banal,
pinakita ang tunay na Siya.
Makikita’ng pagligtas Niya hanggang sa dulo ng mundo.
Ene 23, 2018
Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ang Ikadalawampu’t-pitong Pagbigkas
Ang Ikadalawampu’t-pitong Pagbigkas
Hindi kailanman nahipo ng pag-uugali ng tao ang Aking puso, ni hindi Ko kailanman naisip bilang mahalaga. Sa mata ng tao, laging mahigpit ang pagtrato Ko sa kanya, at lagi Kong pinapatupad ang awtoridad sa kanya. Sa lahat ng mga gawain ng tao, babahagyang bagay lamang ang nagawa para sa Akin, halos walang anumang nakatayong matatag sa Aking harapan. Sa huli, guguho sa harapan Ko nang hindi nahahalata ng lahat ng mga bagay na nauukol sa tao, at magiging maliwanag lamang sa ganoong panahon ang Aking mga gawain, makikilala Ako ng lahat ng tao dahil sa sarili nilang kabiguan. Ang kalikasan ng tao ay nananatiling hindi nagbabago. Kung ano ang nasa kaibuturan ng kanilang puso ay hindi alinsunod sa kalooban Ko— hindi ito ang kinakailangan Ko. Ang pinakakinamumuhian Ko sa lahat ay ang kasuwailan ng tao at ang kanyang pagbabalik sa dati, ngunit ano kayang kapangyarihan ang nag-uudyok sa kanila para magpatuloy sa pagiging banyaga sa Akin, upang manatiling nasa malayo, para hindi makakilos ng alinsunod sa Aking kalooban sa harapan Ko at sa halip tutulan Ako sa Aking likuran? Ito ba ang kanilang katapatan? Ito ba ang pag-ibig nila para sa Akin? Bakit hindi sila magsisi at maisilang na muli? Bakit magpakailanmang ginugusto ng mga tao ang mabuhay sa ilat sa halip na sa isang lugar na walang putik? Maaari kayang trinato Ko sila ng masama? Maaari kayang ipinahamak Ko lamang sila? Maaari kayang inakay Ko sila sa impiyerno? Lahat ay nagnanais manirahan sa “impiyerno.” Kapag dumating ang liwanag, kaagad na nabubulag ang kanilang mga mata, dahil ang lahat ng bagay na naimbak nila doon ay nagmumula sa impiyerno. Gayunman, sila’y ignorante sa mga ito, at tinatamasa lamang nila ang mga “makademonyong kasiyahan.” Niyayakap pa nila ang mga ito bilang mga kayamanang malapit sa kanilang mga dibdib na may matinding takot na aagawin Ko ito mula sa kanila, iiwan silang walang mapagkukunan ng kabuhayan. Takot ang mga tao sa Akin, kaya nananatili silang malayo mula sa Akin at namumuhing lumapit sa Akin kapag Ako’y dumating sa lupa, sapagkat ayaw nilang “gumawa ng gulo para sa kanilang mga sarili,” ang nais nila sa halip ay mapanatili ang isang mapayapang buhay pamilya upang matamasa nila ang “kaligayahan sa lupa.” Subalit hindi Ko maaaring pahintulutan na matupad ang kanilang mga kagustuhan, sapagkat ang pagsira sa kanilang mga pamilya ang dahilan kung bakit Ako nandito. Mula sa sandali ng Aking pagdating mawawala ang kapayapaan sa kanilang mga tahanan. Guguluhin Ko ang lahat ng mga bansa, kasama na ang mga pamilya. Sino ang kailanman makaliligtas mula sa Aking pagkakahawak? Paanong yaong mga nakatanggap ng mga pagpapala ay maaaring makaligtas sa bisa ng kanilang hindi kagustuhan? Paano makukuha kailanman ng mga taong nagdurusa sa pagkastigo ang Aking pakikiramay sa bisa ng kanilang takot? Sa lahat ng Aking mga salita, nakita ng mga tao ang Aking kalooban at mga gawa, ngunit sino ang maaaring kailanman makakaligtas mula sa gusot ng sarili niyang mga saloobin? Sino ang maaaring kailanman makahanap ng isang paraan upang makaalis mula sa loob o labas ng Aking mga salita?
Ene 22, 2018
Dahil sa Pagsasagawa ng Aking Tungkulin, Pinagkalooban Ako ng Napakalaking Kaligtasan ng Diyos
Mga patotoo’t karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Dahil sa Pagsasagawa ng Aking Tungkulin, Pinagkalooban Ako ng Napakalaking Kaligtasan ng Diyos
Hong Wei, Beijing
August 15, 2012
Noong Hulyo 21, 2012, isang napakalakas na ulan ang nagpasimulang bumuhos. Nang araw na iyon, nagkataong mayroon akong tungkuling gagampanan, kaya pagkatapos ng aming pagpupulong at nakita kong tumila ang ulan, nagmadali akong umuwi sakay ng aking bisikleta. Pagkarating ko lamang sa lansangang bayan saka ko natuklasang ang tubig ay rumaragasa mula sa bundok na gaya ng isang talon, at ang kalsada ay nakalubog sa umaagos na tubig ulan na anupa’t hindi na ito makita pa. Nahintakutan ako sa aking nakita, kaya sa puso ko ay walang-lubay akong nanawagan, “Diyos! Nagsusumamo ako Sa’yo na dagdagan ang aking pananampalataya at lakas ng loob. Ngayon ang panahon na ibig Mong manindigan akong saksi. Kung hahayaan Mo akong matangay ng tubig, sa gayon ay naroon din ang Iyong mabuting layunin para rito. Handa akong pasakop sa iyong pangangasiwa at pagsasaayos.” Pagkatapos kong manalanging gaya nito, napanatag ako; hindi na ako ganoon katakot, at patuloy na hinarap ang bagyo pauwi sa bahay. Sinong nakaaalam na higit pang malaking panganib ang naghihintay sa akin? Sa daan pauwi sa aking bahay ay may matarik na dalisdis. Dahil sa bagong lagay na aspalto at sa tubig ulan na umaagos mula sa dalisdis, ang dalawang preno ng bike sa unahan ay di gumagana habang palusong ako. Sa paanan ng burol na ito ay may isang kalsadang patungo sa Pambansang Ruta 108, at sa kabilang bahagi nito ay hilera ng mga puno. Sa ibayo noon ay ang agos ng ilog; kung hindi ko mapababagalan ang aking takbo, sa gayo’y wala akong mapagpipilian kundi sumalpok sa mga punong iyon, at posible pang mahulog ako sa ilog. Ang mga kahihinatnan noon…. naisip ko, Ngayon, mapapahamak ako! Habang iniisip ko ito, may kung anong lakas na nanggaling kung saan ang biglang nagpabagsak sa akin mula sa aking bisikleta. Ang bugso ng bisikleta ay tinangay ako, at nadala ako hanggang sa interseksyon sa paanan ng burol. Sa tagpong iyon, dalawang kotse ang nagkataong dumaang magkasabay sa mismong harap ko. Muntik na! Buti na lang, sa gitna ng kagipitang ito, iniligtas ako ng Diyos.
Ene 21, 2018
Los Angeles North Hollywood KaPow Intergalactic Film Festival: Musical Xiaozhen’s Story Wins Award
Los Angeles North Hollywood KaPow Intergalactic Film Festival: Musical Xiaozhen’s Story Wins Award
Xiaozhen’s Story, a musical by The Church of Almighty God, has been the object of much attention and praise since its 2015 release, winning multiple awards at international film festivals. In October 2017, the film received nine awards at the Virginia Christian Film Festival, including best director, best feature film, and best musical score. Xiaozhen’s Story once again stood out at the US KaPow Intergalactic Film Festival, winning the award for the best foreign experimental feature. This is the eighth time this film has received an award at an international film festival.
Ang tinig ng Diyos | Ang Ikadalawampu’t-anim na Pagbigkas
Ang Ikadalawampu’t-anim na Pagbigkas
Sino ang nanirahan sa Aking bahay? Sino ang nanindigan para sa Aking kapakanan? Sino ang nagdusa sa Aking ngalan? Sino ang nangako ng kanyang salita sa Aking harapan? Sino ang sumunod sa Akin hanggang sa kasalukuyan at gayon ay hindi nawalan ng malasakit? Bakit lahat ng mga tao ay malamig at walang pakiramdam? Bakit Ako ay iniwan ng sangkatauhan? Bakit napagod sa Akin ang sangkatauhan? Bakit walang kasiyahan sa mundo ng tao? Habang nasa Zion, nalasap ko ang kasiyahang nasa langit, at habang nasa Zion Ako ay nagtamasa ng pagpapalang nasa langit. Muli, Ako’y namuhay sa gitna ng sangkatauhan, nalasap Ko ang kapaitan sa mundo ng tao, nakita Ko sa Aking sariling mga mata ang lahat ng mga iba’t ibang mga kalagayan na umiiral sa gitna ng mga tao. Walang kamalay-malay, ang tao ay nagbago kasabay ng Aking pagbabago, at sa ganitong paraan lamang siya ay dumating sa kasalukuyang panahon. Ako ay hindi humihiling na gawin ng tao ang anumang bagay para sa Akin, at hindi Ko rin kinakailangan ang kanyang pagpaparami sa Aking pangalan. Nais ko lamang sa kanya ay maayon sa Aking plano, na hindi sumusuway sa Akin o nagdudulot ng marka ng kahihiyan sa Akin, at upang madala ng umaalingawngaw na pagpapatotoo sa Akin. Sa mga tao, mayroong mga taong nagdala sa Akin ng mahusay na patotoo at niluwalhati Ang Aking pangalan, ngunit paano ang mga gawain ng tao, ang pag-uugali ng tao ay posibleng makapagpasaya sa Aking puso? Paano niya posibleng matugunan ang Aking pagnanais o matupad ang Aking kalooban? Sa mga bundok at tubig sa ibabaw ng lupa, at ang mga bulaklak, damo, at mga puno sa lupa, walang sinuman ang nagpapakita ng mga gawa ng Aking mga kamay, wala ni isang umiiral para sa Aking pangalan. Ngunit bakit hindi maabot ng tao ang mga pamantayan ng Aking hinihiling? Maaari bang dahil ito sa kanyang kasuklam-suklam na kababaan? Maaari bang dahil ito sa Aking pagpapa-angat sa kanya? Maaari bang masyado Akong malupit sa kanya? Bakit ang tao ay laging sobrang natatakot sa Aking mga hinihiling? Ngayon, bukod sa napakaraming tao sa kaharian, bakit ba kayo ay nakikinig lamang sa Aking tinig ngunit hindi nais na makita ang Aking mukha? Bakit tumitingin lamang kayo sa Aking mga salita na hindi sinusubukang itugma ang mga ito sa Aking Espiritu? Bakit patuloy niyo Akong pinaglalayo sa ibabaw ng langit at sa ibaba ng lupa? Maaari bang Ako, kapag Ako ay nasa lupa, ay hindi ang parehong Ako kapag ako ay nasa langit? Maaari bang Ako, kapag Ako ay nasa langit, ay hindi makababa sa lupa? Maaari bang Ako, kapag Ako ay nasa lupa, ay hindi karapat-dapat na dalhin sa langit? Tila bang Ako, kapag Ako ay nasa lupa, ay isang mababang-loob na nilalang, na parang Ako, kapag ako ay nasa langit, ay dinakilang nilalang, at para bang mayroong namamalagi sa pagitan ng langit at lupa na isang hindi matawirang bangin. Ngunit sa mundo ng mga tao tila sila ay walang nalalaman sa mga pinagmulan ng mga bagay na ito, ngunit ang lahat ay nagsama-sama upang sumalungat sa Akin, na tila ang Aking mga salita ay may tunog lamang at walang kahulugan. Ang lahat ng tao ay gumugol ng pagsisikap sa Aking mga salita, nagsasagawa ng pagsisiyasat sa kanilang sarili sa Aking panlabas na anyo, ngunit lahat sila ay humantong sa pagkabigo, nang walang anumang mga resulta na maipakita, ngunit sa halip ay pinabagsak ng Aking mga salita at hindi na maglakas-loob na muling tumayo.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)