菜單

May 31, 2020

Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo

Katulad ng daan-daang milyong ibang mga sumusunod sa Panginoong Jesucristo, tayo ay sumusunod sa mga batas at utos ng Biblia, tinatamasa ang masaganang biyaya ng Panginoong Jesucristo, nagsasama-sama, nananalangin, nagpupuri, at naglilingkod sa ngalan ng Panginoong Jesucristo—at lahat ng ito ay ating ginagawa sa ilalim ng pangangalaga at pag-iingat ng Panginoon. Tayo ay madalas na mahina, at tayo rin madalas ay malakas. Tayo ay naniniwala na ang lahat ng ating kilos ay alinsunod sa mga aral ng Panginoon. Hindi na kailangang sabihin, kung gayon, na tayo rin sa ating mga sarili ay naniniwalang lumalakad sa landas ng pagsunod sa kagustuhan ng Ama sa langit. Nananabik tayo sa pagbabalik ng Panginoong Jesus, sa maluwalhati Niyang pagbaba, sa pagtatapos ng ating buhay dito sa lupa, sa pagpapakita ng kaharian, at sa lahat na gaya ng inihula sa Aklat ng Pahayag: Ang Panginoon ay dumarating, at may dalang sakuna, ginagantimpalaan Niya ang mabubuti at pinarurusahan ang masasama, kinukuha ang lahat ng sumusunod sa Kanya at malugod na tinatanggap ang Kanyang pagbalik upang Siya ay salubungin sa himpapawid. Tuwing ito’y ating naiisip, hindi natin mapipigilang manaig ang ating damdamin at mapuno ng pagpapasalamat na tayo ay isinilang sa mga huling araw, at mapalad na masaksihan ang pagdating ng Panginoon. Bagaman tayo ay nakakaranas ng pag-uusig, nakukuha naman natin bilang kapalit ang “lalo’t lalong bigat ng kaluwalhatiang walang hanggan.” Kay laking pagpapala! Ang lahat ng pananabik na ito at ang biyaya na ipinagkaloob ng Panginoon ay nagpapanatili sa atin sa mahinahong panalangin, at tayo ay pinagsasama-sama nang masigasig.

May 30, 2020

Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao ng Diyos


Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang Diyos ay nagkatawang-tao at naging ang Panginoong Jesus na pumarito upang tubusin ang sangkatauhan, at sinabi ng mga Judiong Fariseo na ang Panginoong Jesus ay isang tao lamang. Sa mga huling araw, ang Diyos ay nagkatawang-tao at naging Makapangyarihang Diyos na naparito para gawin ang Kanyang gawain ng paghatol, at ang mga pastor at mga elder ng daigdig ng relihiyon ay nagsasabi rin na ang Makapangyarihang Diyos ay isang tao lamang, kaya ano ang problema rito? Mula sa labas, ang Diyos na nagkatawang-tao ay mukhang isang karaniwang, normal na tao. Ngunit sa Kanyang kalooban ay doon nakatahan ang Espiritu ng Diyos; kaya Niyang ipahayag ang katotohanan, ipahayag ang tinig ng Diyos at gawin ang gawain ng Diyos, kung gayon ang Diyos ba na nagkatawang-tao ay isang tao, o Diyos?

——————————————————————

Nang Nagkatawang-tao ang Diyos ay isa sa hindi inaasahan na dakilang misteryo Sa loob ng 2000 taon, walang makapagbigay palinaw dito. Ang Makapangyarihang Diyos, si Cristo ng mga huling araw, dumating, nagpahayag ng katotohanan at inilantad ang mga hiwaga, kaya't nauunawaan natin kung ano ang pagkakatawang-tao ng Diyos, at pati na rin upang malaman kung paano makilala ang Nagkatawang taong Diyos.

May 29, 2020

Paano ba Talaga Darating ang Panginoon" | Have You Welcomed the Lord?



Sa mga huling araw, lalong umiigting ang pakiramdam ng mga Kristiyanong naghihintay sa pagbabalik ng Panginoong Jesus, ngunit paano nga ba talaga magbabalik ang Panginoon? Sinasabi ng ilan, "Darating ang Panginoong Jesus kasama ng mga ulap". Sinasabi naman ng iba, "Ang mga propesiyang humuhula sa Kaniyang pagbabalik ay sinasabi ring, "Narito, ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw" (Pahayag 16:15). "Datapuwa't kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay, at itakuwil ng lahing ito" (Lucas 17:25). "Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw,Narito, ang kasintahang lalake; magsilabas kayo upang salubungin siya" (Mateo 25:6). Kung darating Siya na kasama ng mga ulap upang makita ng lahat, paano natin ipaliliwanag ang hiwaga ng pagdating Niya nang palihim, pagdurusa at pagtanggi sa Kaniya, pati na rin ang sinasabi na may mga magpapatotoo tungkol sa Kaniyang pagbalik?" Paano magpapakita sa atin ang Panginoon? Sa nakakatawang "crosstalk" na Paano Ba Talaga Darating ang Panginoon, susubukang alisin ang ating mga duda tungkol sa usaping ito.

————————————————————

Magrekomenda nang higit pa:Ikalawang Pagparito ni Jesus

May 28, 2020

"Napakagandang Tinig" - Paano Nagkakatotoo ang mga Propesiya tungkol sa Pagbalik ng Panginoong Jesus?


Maraming tao sa mga relihiyon ang sumusunod sa propesiya na bababa ang Panginoon na nakasakay sa ulap at hinihintay nilang dumating Siya sa gayong paraan para dalhin sila sa kaharian ng langit, pero nakaligtaan nila ang mga propesiya ng Panginoon na paparito Siya nang lihim: "Narito, ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw" (Pahayag 16:15). "Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya" (Mateo 25:6). Kaya paano natupad ang mga propesiyang ito tungkol sa pagbalik ng Panginoon? At paano tayo dapat maging matatalinong birhen na sumasalubong sa pagbalik ng Panginoon?

————————————————————

Ang mga propesiya sa Bibliya tungkol sa pagbabalik ng Panginoon ay talagang natutupad na. Nais mo bang malaman kung paano sila natutupad? Maaari mong basahin ang artikulo.


May 27, 2020

Ano ang Kalikasan ng Pag-ibig ng Diyos?

Siqiu    Lungsod ng Suihua, Lalawigan ng Heilongjiang

Sa tuwing nakikita ko ang sumusunod na sipi ng salita ng Diyos: “Kung ikaw ay palaging naging napakatapat at mapagmahal sa Akin, datapwa’t ikaw ay nagdurusa ng pagpapahirap ng sakit, ng kasalatan sa buhay, at ng pag-iiwan ng iyong mga kaibigan at mga kamag-anak o nagtitiis ng anumang iba pang mga kasawian sa buhay, kung gayon magpapatuloy pa ba ang iyong katapatan at pagmamahal para sa Akin?” (“Isang Napakaseryosong Problema: Pagkakanulo (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Lubha akong hindi nasisiyahan—ang pakiramdam ng kalungkutan ay namumuo sa loob ko at nagsasalita ang puso ko ng mga walang tinig na karaingan nito: Mahal na Diyos, bakit Mo pinapayagan na makasagupa ng ganoong kasawian ang mga matapat sa Iyo at nagmamahal sa Iyo? Bilang resulta, nahirapan ako sa pag-unawa sa kahulugan ng taong ginamit ng Banal na Espiritu na nagsabing, “Ang huling hiling ng Diyos sa tao ay mapagmahal at taos-puso.”

Kamakailan lamang, ang kapatid na babaeng nakikipag-ugnayan sa akin ay nagkaroon ng hyperthyroidism. Unti-unti, ang kanyang kondisyon ay dumating sa punto na dapat siyang kumain ng anim na beses sa isang araw. Dahil sa tensyon ng karamdaman, ang kanyang lakas ay unti-unting nabawasan, at nabubuhay siya araw-araw sa kalungkutan, kahinaan at pagkapagod. Ang kanyang katawan ay talagang hindi makaagapay sa kanyang pagnanais na tuparin ang kanyang mga tungkulin at ang kanyang sakit ay palala nang palala. Hindi ko maintindihan kung bakit ito nangyayari: “Ang kapatid na babaeng ito ay iniwan ang kanyang pamilya at mataas na suweldong trabaho na may mga magagandang benepisyo upang ituon ang kanyang sarili sa pagtupad ng kanyang mga tungkulin at siya ay napakatapat. Paano kayang, sa lahat ng ibinigay niya, ipapapasan sa kaniya ang paghihirap ng karamdamang ito bilang kapalit? ...” Hindi ko ibinubunyag ang aking mga damdamin sa labas, ngunit ang aking puso ay naguguluhan—kailanma’t ipaalala ng sinuman ang isyung ito ay nawawala ang aking hinahon.

Hindi nagtagal, ako at ang aking kapatid na babae ay naghiwalay ng landas, ngunit hindi ko kailanman nalimutan ang tungkol sa kanya. Isang araw, tinanong ko ang aking lider sa kung ano na ang kalagayan ng aking kapatid na babae. Sinabi ng lider: “Sa una ay nagkaroon siya ng isang napaka-negatibong kondisyon at tumanggi na kilalanin ang gawain ng Diyos. Nang maglaon, sadya niyang iniayos ang kanyang kalagayan, na hinahanap ang layunin ng Diyos sa gitna ng paghihirap ng kanyang karamdaman. Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, nasimulan niyang makilala ang kanyang sarili at napagtanto na wala siyang tunay na paniniwala. Sa kanyang paniniwala ay mayroon pa ring elemento ng ‘kapalit,’ ang pagnanais pa rin na magtamo ng mga pagpapala sa pamamagitan ng kanyang paniniwala sa Diyos. Nakilala rin niya ang maraming iba pang mga elemento ng paghihimagsik sa loob ng kanyang sarili. Sa sandaling napagtanto niya ang mga bagay na ito tungkol sa kanyang sarili, malaki ang ibinuti ng kanyang kalusugan. Gumagaling siya araw-araw, bumalik siya sa pagkain ng tatlong beses sa isang araw at mas maayos ang kanyang kondisyon. Nakatulong din siya sa mga kapatid ng kanyang tagakupkop na pamilya na ayusin ang kanilang mga kondisyon….” Nang marinig ko ang magandang balitang ito, ako ay talagang nagulat. Inakala ko na ang paghihirap ng sakit ay magpapahina sa determinasyon ng aking kapatid na babae at magdudulot sa kanya ng matinding pagdurusa. Binagbag ng pagkakasakit, naniniwala ako na ang kanyang presensya sa daan pahinaharap ay magiging padilim nang padilim. Inakala ko pa na baka hindi siya makapagpatuloy. Ngayon, nahaharap sa katotohanan ng kanyang sitwasyon, ako ay naiwan na nakatayong tulala. Hindi lamang hindi siya nawalan ng pananampalataya, ngunit, sa pamamagitan ng pagdalisay ng kanyang karamdaman, talagang naunawaan ang gawain ng Diyos at nakilala ang kanyang katiwalian. Natuto siya mula sa kanyang karanasan at gumawa ng mga paghuhusay sa kanyang buhay. Ang sakit ba na ito ay hindi pagpapakita ng tunay na pag-ibig ng Diyos at tunay na kaligtasan ng tao?

Nang maglaon, nabasa ko ang sumusunod na sipi mula sa isang sermon: “Ika-lima, sinasabi ng Diyos: ‘Kung ikaw ay palaging naging napakatapat at mapagmahal sa Akin, datapwa’t ikaw ay nagdurusa ng pagpapahirap ng sakit, ng kasalatan sa buhay, at ng pag-iiwan ng iyong mga kaibigan at mga kamag-anak o nagtitiis ng anumang iba pang mga kasawian sa buhay, kung gayon magpapatuloy pa ba ang iyong katapatan at pagmamahal para sa Akin?’ Ang pangangailangan na ito ay hindi maliit na pagsubok para sa sangkatauhan. … Anong pundasyon ang itinatatag ng katapatan ng isang tao at pagmamahal sa Diyos? Paano ito mapapatunayan na ang isang tao ay may tunay na katapatan sa Diyos? Paano ito maipapamalas na ang isang tao ay tunay na nagtataglay ng pagmamahal sa Diyos? Kailangan itong mapatunayan sa pamamagitan ng mga pagsubok at mga pagpipino. … Kapag naharap ka sa ganitong uri ng pagsubok, ang unang layunin ng Diyos ay ilantad ka upang makita kung ang iyong katapatan at pagmamahal ay talagang tunay o hindi. Ang ikalawa Niyang layunin ay dalisayin ka. dahil mayroong mga karumihan sa iyong katapatan at pagmamahal. Kung batid mo ang mga karumihang ito, na nabubunyag kapag naharap ka sa sari-saring mga pagsubok, kung gayon malilinis ka ng mga ito. Kung ang mga tao ay nagtataglay ng tunay na katapatan at totoong pagmamahal sa Diyos, sa gayon anuman ang sumasapit sa kanila at anumang mga uri ng mga pagsubok ang kanilang kinakaharap, hindi sila mahuhulog, ngunit sa halip ay magpapatuloy na maging tapat at nagmamahal sa Diyos nang walang pag-aatubili. Para sa yaong ang katapatan at pagmamahal ay naglalaman ng mga karumihan at pagnanais na makakuha ng isang bagay na kapalit, hindi magiging madali ang manindigan kapag dumarating sa kanila ang mga pagsubok, at malamang na babagsak sila. Ang gayong mga tao ay madaling mabunyag, hindi ba?” (“Tanging sa Pamamagitan ng Pagbibigay-kasiyahan sa Panghuling Kinakailangan ng Diyos na Maliligtas ang Isang Tao” sa Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay II). Pagkatapos lamang mabasa ang siping ito ng pagbabahagi ko napagtanto na palagi kong hinuhusgahan ang gawain ng Diyos sa mga tuntunin ng aking makalamang pag-iisip. Mali ang aking paniniwala na ang pag-ibig ng Diyos ay binubuo ng mga masasaganang kaloob ng biyaya at katiyakan ng makalaman na kaligayahan at kapayapaan. Hindi ko naisip na ang paghihirap ay isang uri ng pagpapala ng Diyos. Pagkatapos lamang matutunan ang karanasan ng aking kapatid na babae, aking naunawaan na ang pagpipino ng pagdurusa ay isang tunay na pagpapakita ng pag-ibig ng Diyos. Lumilikha ang Diyos ng ilang mga sitwasyon at nagdudulot ng mga kasawian sa Kanyang mga tao—maging ito ay sa pamamagitan ng pisikal na karamdaman, kahirapan sa pananalapi, o anumang iba pang mga kahirapan—hindi dahil sa masamang kalooban kundi sa Kanyang mapagmahal na kabaitan. Upang matugunan ang katiwalian at kakulangan ng tao, lumilikha ang Diyos ng lahat ng mga uri ng mga sitwasyon upang subukin at pinuhin siya. Kumikilos siya sa pamamagitan ng pagdurusang ito upang dalisayin, baguhin at bigyan ng buhay ang tao. Bagaman ang laman ng tao ay dapat sumailalim sa hindi kapani-paniwalang paghihirap sa proseso ng pagpipino, na makikita bilang kasawian o masasamang bagay, ito ay nagbubunyag ng maraming karumihan, maling mga layon at mga pananaw, maluhong pagnanasa, at hindi tamang mga layunin ng paghahangad na mayroon ang tao sa kanyang paniniwala sa Diyos upang maaari niyang makilala ang kanyang sarili, at maaaring magkaroon ng pahigit na pahigit na normal na relasyon sa Kanya upang unti-unti niyang linangin ang pag-ibig sa Diyos sa kanyang puso. Ang ganitong mga pakinabang ay hindi maaaring makuha sa pamamagitan ng isang buhay ng paglilibang. Kapag tumitimo sa tao ang mga aral na nakuha mula sa paghihirap ng kanyang mga pagsubok at nagninilay pabalik sa daan na kanyang napili, sa wakas ay nauunawaan niya na ang mga paghatol at pagkastigo ng Diyos, ang Kanyang pagpalo at pagdisiplina ay ginawa lahat ng Kanyang walang hanggang pag-ibig. Ang pag-ibig ng Diyos ay hindi lamang mapagkandili at mahabagin. Ito ay hindi lamang tungkol sa pagbibigay ng mga materyal na pakinabang, kundi pati sa masalimuot na pagpipino, pagpalo at pagdisiplina.

Mahal na Diyos, salamat sa paggawa sa pamamagitan ng lahat ng aspeto ng aking kapaligiran upang iwasto ang aking tiwali at naligaw na paraan ng pag-iisip at pahintulutan akong makita na kahit na ang Iyong pagmamahal ay hindi kaayon sa aming mga diwa, ang pagpapahayag nito ay laging naglalayong paghusayin at iligtas kami. Ang iyong mga kilos ng pag-ibig ay palaging puno ng masigasig na paggawa ng Iyong puso at di-mailarawang karunungan. Naunawaan ko rin na dati ay hindi ako nagkaroon ng kahit kaunting pag-unawa sa Iyo at hindi naiintindihan na ang Iyong pag-ibig ay madalas na nakatago sa loob ng mga sitwasyon. Mahal na Diyos, sa karangalan ng pagmamahal na ibinabahagi mo sa sangkatauhan, nag-aalay ako sa iyo ng papuri at pasasalamat! Umaasa din ako na isang araw ay tatanggap din ako ng ganitong uri ng pagmamahal. Kung ang pagmamahal na ito ay ilaan sa akin, nangangako ako na tatanggapin ang anumang antas ng pagdurusa, upang maranasan ko ang at magpatotoo sa Iyong pagmamahal.

————————————————————————
Ang pag-ibig ng Diyos sa tao ay nangangahulugang hindi lamang pagbibigay ng mga pagpapala sa tao, higit sa lahat ay nangangahulugang pagiging laman, nakatira sa gitna ng tao, at pagpapahayag ng katotohanan upang mailigtas ang tao. Ang pag-ibig ng Diyos sa tao ay hindi makasarili.

May 25, 2020

Umiiral ba ang Trinidad?

Pagkatapos mangyari ang katotohanan na si Jesus ay nagkatawang-tao, pinaniwalaan ito ng tao: Hindi lamang ang Ama sa langit, kundi ang Anak din, at maging ang Espiritu. Ito ang karaniwang paniwala ng tao, na mayroong ganitong Diyos sa langit: isang Trinidad na yaon ay ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu, lahat nasa isa. Ganito ang mga pagkaunawa ng buong sangkatauhan: Ang Diyos ay iisang Diyos, ngunit binubuo ng tatlong bahagi, na ipinalalagay ng lahat ng taong hindi matinag sa karaniwang mga pagkaunawa na ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu. Ang tatlong bahaging iyon lamang na pinag-isa ang kabuuan ng Diyos. Kung wala ang Banal na Ama, ang Diyos ay hindi magiging buo. Tulad nito, hindi rin magiging buo ang Diyos kung wala ang Anak o ang Banal na Espiritu. Sa kanilang mga pagkaunawa, naniniwala sila na hindi maituturing na Diyos ang Ama lamang o ang Anak lamang. Ang magkakasama lamang na Ama, Anak, at Banal na Espiritu ang maituturing na Diyos Mismo. Ngayon, lahat ng relihiyosong mananampalataya, kasama ang bawat isang alagad sa gitna ninyo, ay nakahawak sa paniniwalang ito. Ngunit, hinggil sa kung ang paniniwalang ito ay tama, walang sinumang makapagpapaliwanag, sapagkat palagi naman kayong naguguluhan sa mga bagay na patungkol sa Diyos Mismo. Bagama’t ang mga ito ay mga paniwala, hindi ninyo alam kung ang mga ito ay tama o mali, sapagkat kayo’y lubha nang nahawahan ng mga relihiyosong paniwala. Napakalalim na ng pagtanggap ninyo sa ganitong karaniwang mga paniwala ng relihiyon, at nakapasok na nang husto ang lasong ito sa inyong kalooban. Samakatuwid, sa bagay na ito ay bumigay na rin kayo sa mapaminsalang impluwensiyang ito, sapagkat wala naman talagang Trinidad. Ibig sabihin, walang Trinidad na Ama, Anak, at Banal na Espiritu.

May 24, 2020

Ano ang Pagdadala sa Harap ng Diyos?


Ni Li Huan

Kagaya ng ibang mga kapatid na Kristiyano, sabik na sabik na ako sa ikalawang pagparito ng Panginoong Jesus. Tinatalima natin ang sumusunod na talata sa Biblia: “Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito’y sasa Panginoon tayo magpakailan man” (1 Tesalonica 4:17). Sa dahilang ito, para tayong mangmang na tumitingala sa langit na nasasabik para sa araw ng pagbabalik ni Jesus at dadalhin tayo sa mga ulap upang makasama natin ang Panginoon. Gayunpaman, pagkalipas ng napakaraming taon, ang apat na pulang buwan ay nagpakita na; ang mga lindol, mga taggutom, mga salot at digmaan at ang lahat ng uri ng iba pang mga sakuna ay naging lalong mas matitindi. Ang mga hula sa ikalawang pagparito ng Panginoon ay talagang natupad na. Gayunpaman, hindi pa tayo nakakita ni isang Kristiyano na umakyat sa langit. Kaya napapaisip ako, “Bakit hindi dumarating ang Panginoon upang tanggapin tayo? Ang Panginoon ay tapat. Ipinangako ng Panginoon na dadalhin Niya tayo sa panlangit na kaharian sa mga huling araw. Ang pangako ng Panginoon ay tiyak na magaganap at matutupad. Hindi ko talaga ito pinagdududahan. gayunman, paanong hanggang sa ngayon, hindi pa tayo iniaakyat sa langit ng Panginoon? Maaari kayang mayroong ilang suliranin sa ating pananabik?”

May 23, 2020

Hinahanap Ng Diyos ang Iyong Puso at Iyong Espiritu" | Ang Pagtawag ng Pag-ibig ng Diyos



I

Taong nilisan tustos-buhay mula sa Makapangyarihan

di alam ba't umiiral, nguni't takot sa kamatayan.

Walang suporta at tulong,

ngunit nag-aatubili pa ring ipikit kanilang mga mata,

sinusuong ang lahat,

inilalantad walang dangal na buhay sa mundo

sa katawang kaluluwa ay walang malay.

Buhay nang walang pag-asa't layunin.

Ang Tanging Banal lamang ang nasa alamat,

ang Tanging Banal lamang ang nasa alamat

na magliligtas sa nagdurusa

at naghahangad ng Kanyang pagdating.

Sa taong walang-malay,

paniwalang ito'y di pa matatanto hanggang ngayon.

Gayunman, tao'y hangad pa rin ito, hangad ito.

May 22, 2020

Alin ang mas Dakila: Ang Diyos, o ang Biblia? Ano ang Pagkakaugnay ng Diyos at ng Biblia?

1. Sa maraming taon, ang mga kinaugaliang paraan ng paniniwala ng mga tao (ng Kristiyanismo, ang isa sa tatlong pangunahing relihiyon ng mundo) ay ang basahin ang Biblia; ang paglihis mula sa Biblia ay hindi paniniwala sa Panginoon, ang paglihis mula sa Biblia ay paglihis sa pananampalataya, at hidwang paniniwala, at kahit na basahin pa ng mga tao ang ibang mga libro, ang pundasyon ng mga librong ito ay dapat ang pagpapaliwanag sa Bibilia. Na ang ibig sabihin, kung sinasabi mo na naniniwala ka sa Panginoon, dapat mong basahin ang Biblia, dapat mong kainin at inumin ang Biblia, at bukod sa Biblia hindi ka dapat sumamba ng anumang libro na walang kinalaman ang Biblia. Kung gagawin mo iyon, samakatwid pinagtataksilan mo ang Diyos.Mula noong panahong mayroong Biblia, ang pananalig ng mga tao sa Panginoon ay ang paniniwala sa Biblia. Sa halip na sabihing ang mga tao ay nananalig sa Panginoon, mas mabuti pang sabihin na naniniwala sila sa Biblia; sa halip na sabihing nagsimula na silang magbasa ng Biblia, mas mabuti pang sabihing nagsimula na silang maniwala sa Biblia; at sa halip na sabihing nagbalik na sila sa Panginoon, mas mabuti pang sabihing nagbalik na sila sa Biblia. Sa ganitong paraan, sinasamba ng mga tao ang Biblia na para bang ito ang Diyos, na para bang ito ang kanilang ikinabubuhay at ang mawalan nito ay kapareho ng mawalan ng kanilang buhay. Itinuturing ng mga tao ang Biblia na kasintaas ng Diyos, at may mga tao pa na itinuturing itong mas mataas pa kaysa sa Diyos.

May 21, 2020

Di ako sang-ayon sa sinabi mo! Pananalig sa Diyos ang paniniwala sa Biblia. ‘Di pananalig sa Diyos ang paglayo sa Biblia!

Sagot: “Pananalig sa Diyos ang paniniwala sa Biblia. ‘Di pananalig sa Diyos ang pagtalikod sa Biblia.” Mali ang pahayag na ‘yan! Maililigtas ba ng Biblia ang mga tao? Mapapalitan ba ng Biblia ang Diyos? Mapapalitan ba ng Biblia’ng gawain ng Espiritu Santo? Makakatawan ba nito ang Diyos at magagawa ang paghatol Niya? Mas dakila ba ang Diyos, o mas dakila ang Biblia? Nauna ba ang Diyos, o nauna ang Biblia? Wala pang Biblia nung panahon ni Abraham, kaya masasabi niyo bang hindi nanalig si Abraham sa Diyos? Wala pang Biblia nang pamunuan ni Moises ang mga Israelita palabas ng Egipto, kaya masasabi niyo ba na hindi nanalig si Moises sa Diyos? Ang Diyos ay Diyos, ang Biblia ay Biblia. Di pwedeng katawanin ng Biblia’ng Diyos, at ang Biblia ay hindi ang Diyos. Ang Biblia ay talaan lang ng kasaysayan ng nakaraang gawain ng Diyos, mga patotoo lang tungkol sa Diyos. Di mapapalitan ng Biblia ang gawai’t pahayag ng Diyos sa mga huling araw, at ‘di rin nito mapapalitan ang Diyos sa pagliligtas sa tao. Kaya ‘di tulad ng paniniwala sa Biblia’ng pananalig sa Diyos. Kapag itinuring ng mga tao na Diyos ang Biblia, malubhang pagkalaban at paglapastangan ‘yan sa Diyos! Ang Biblia ay isang patotoo lang sa gawain ng Diyos. ‘Di pwedeng katawanin ng Biblia’ng Diyos sa pagbibigay ng buhay, at ‘di nito mapapalitan ang gawain ng Espiritu Santo.

May 20, 2020

Alamin ang layunin ng tatlong yugto ng gawain ng pamamahala ng Diyos sa sangkatauhan.

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang kabuuan ng Aking plano sa pamamahala, isang plano na sumasaklaw ng anim na libong taon, ay binubuo ng tatlong yugto, o tatlong kapanahunan: ang Kapanahunan ng Kautusan sa pasimula; ang Kapanahunan ng Biyaya (na tinatawag ding Kapanahunan ng Pagtubos); at ang Kapanahunan ng Kaharian sa mga huling araw. Ang aking gawain sa tatlong kapanahunang ito ay nagkakaiba sa nilalaman ayon sa kalikasan ng bawat kapanahunan, ngunit sa bawat yugto ito ay tumutugma sa mga pangangailangan ng tao-o, upang maging mas tumpak, ito ay tinutupad batay sa mga panlilinlang na ginagamit ni Satanas sa Aking pakikipagdigma laban dito. Ang layunin ng Aking gawain ay upang talunin si Satanas, upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan, upang ilantad ang lahat ng mga panlilinlang ni Satanas, at sa gayon ay iligtas ang buong lahi ng tao, na namumuhay sa ilalim ng sakop nito. Ito ay upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan habang ibinubunyag ang di-matiis na pagiging kakila-kilabot ni Satanas. Lalong higit pa, ito ay upang turuan ang Aking mga nilalang na kumiling sa pagitan ng mabuti at masama, upang makilala na Ako ang Tagapamahala ng lahat ng bagay, upang makita nang malinaw na si Satanas ay kaaway ng sangkatauhan, ang pinakamababa sa mababa, ang siyang masama, at upang makita, nang may katiyakang walang-pasubali, ang pagkakaiba sa pagitan ng mabuti at masama, katotohanan at kasinungalingan, kabanalan at karumihan, at kung ano ang dakila at kung ano ang hamak. Sa ganitong paraan, ang mangmang na sangkatauhan ay makakayang maging saksi sa Akin na hindi Ako ang tumitiwali ng sangkatauhan, at tanging Ako lamang-ang Panginoon ng sangnilikha-ang makapagliligtas sa sangkatauhan, ang makapagbibigay sa tao ng mga bagay na ikasisiya nila; at kanilang malalaman na Ako ang Tagapamahala ng lahat ng bagay at si Satanas ay isa lamang sa Aking mga nilikha at nang naglaon ay kumalaban sa Akin. Ang Aking anim-na-libong-taong plano sa pamamahala ay nahahati sa tatlong yugto upang makamit ang mga sumusunod na resulta: upang mapahintulutan ang Aking mga nilalang na maging Aking mga saksi, upang malaman ang Aking kalooban, upang makita na Ako ang katotohanan.

May 19, 2020

Paano Sasalubungin ang Ikalawang Pagparito ng Panginoon


Ni Anyuan, Pilipinas

Dalawang libong taon na ang nakararaan, tinanong ng mga alagad ng Panginoon si Jesus, “Ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan?” (Mateo 24:3). Sumagot ang Panginoong Jesus, “At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagka’t kinakailangang ito’y mangyari datapuwa’t hindi pa ang wakas. Sapagka’t magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba’t ibang dako. Datapuwa’t ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan” (Mateo 24:6–8). Ngayon, parami nang parami ang nagaganap na mga kalamidad sa buong mundo. Sunud-sunod ang mga lindol, epidemya, taggutom, digmaan at baha. Sa pagtatapos ng 2019, isang bagong uri ng coronavirus ang lumitaw sa Wuhan, China. Nakakabahala ang bilis ng pagkalat nito; sa loob lamang ng ilang buwan, naglitawan ang mga kaso sa buong bansa, at agad nagkagulo sa China. Maraming lalawigan, munisipalidad at nayon ang sunud-sunod na ikinu-kuwarentina habang patuloy na dumarami ang namamatay. Kumalat na rin ang virus sa mahigit dalawampung iba pang mga bansa sa buong mundo. Bukod pa rito, sa pagitan ng Setyembre 2019 at Enero 2020, winasak ng mga wildfire sa Australia ang mahigit 5,900 gusali at pinatay ang mahigit isang bilyong hayop. Noong Enero 2020, tinamaan din ang kontinenteng iyon ng minsan-sa-isang-siglong malakas na pag-ulan, na nagsanhi ng mga pagbaha na pumatay sa maraming isda sa tubig-tabang. Sa buwan ding iyon, libu-libong tao ang nawalan ng tahanan dahil sa mga pagbaha sa Indonesia. Nagkaroon din ng pagsabog ng buklan sa Pilipinas, ang pinakamalalang pamemeste ng mga balang sa loob ng 25 taon sa Africa, isang 6.4 magnitude na lindol sa Xinjiang. … Humahaba pa ang listahan. Natupad na ang mga propesiya sa Biblia tungkol sa pagdating ng Panginoon. Patunay ito na nagbalik na ang Panginoon—kaya bakit kailangan pa nating salubungin ang Kanyang pagdating? Hindi ba tayo masasadlak sa malaking pagdurusa kung magpatuloy ito? At ano naman ang dapat nating gawin para salubungin ang pagdating ng Panginoon?

May 18, 2020

Ano ang Pagsisisi? Paano Natin Makakamit ang Tunay na Pagsisisi?


Sa taong 2020, ang virus na COVID-19 ay humagupit sa buong mundo, na nagpasindak sa mundo. Nakakagulat din ang napakalaking bilang ng mga balang na kumuyog sa Africa. Sa pagdating ng salot at taggutom, parami nang paraming naniniwala sa Panginoon ang nagsimula nang maramdaman na ang araw ng pagdating ng Panginoon ay nalalapit na, at na ang kaharian ng Diyos ay parating na. Minsang sinabi ng Panginoong Jesus, “Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit” (Mateo 4:17). Ito ang hinihingi ng Panginoon sa bawat isa sa atin. Tanging kung tunay tayong nagsisisi tayo pangangalagaan ng Diyos at daldahin sa kaharian sa langit bago ang matinding kapighatian. Kaya ano ang tunay na pagsisisi, at paano natin ito makakamit?

May 17, 2020

Nakikita ng Diyos ang Tapat na Pagsisisi sa Kaibuturan ng mga Puso ng mga Taga-Ninive



Ang Payak na Pagkakaiba ng Reaksyon ng Ninive at Sodoma sa Babala ng Diyos na si Jehova

Ano ang ibig sabihin ng mapabagsak? Sa pangkaraniwang termino, ang ibig sabihin nito ay paglaho. Ngunit sa anong paraan? Sino ang makakapagpabagsak sa isang buong lungsod? Siyempre, imposibleng magawa ng isang tao ang gayong gawain. Hindi mga hangal ang mga taong ito; sa sandaling narinig nila ang pahayag na ito, nakuha na nila ang ideya. Alam nila na mula ito sa Diyos; alam nila na isasagawa ng Diyos ang Kanyang gawain; alam nila na ang kanilang kasamaan ang nagpasiklab sa poot ng Diyos na si Jehova at nagdala ng Kanyang galit sa kanila, kaya sila ay malapit nang puksain kasama ng kanilang lungsod. Paano kumilos ang mga mamamayan ng lungsod matapos nilang marinig ang babala ng Diyos na si Jehova? Inilarawan ng Biblia ang malinaw na detalye kung paano tumugon ang mga tao, mula sa kanilang hari hanggang sa pangkaraniwang tao. Batay sa tala ng Kasulatan: “At ang bayan ng Ninive ay sumampalataya sa Dios; at sila’y nangaghayag ng ayuno, at nangagsuot ng kayong magaspang, mula sa kadakidakilaan sa kanila hanggang sa kaliitliitan sa kanila. At ang mga balita ay dumating sa hari sa Ninive, at siya’y tumindig sa kaniyang luklukan, at hinubad niya ang kaniyang balabal, at nagbalot siya ng kayong magaspang, at naupo sa mga abo. At kaniyang inihayag at itinanyag sa buong Ninive sa pasiya ng hari at ng kaniyang mga mahal na tao, na sinasabi, Huwag lumasa maging tao ni hayop man, bakahan ni kawan man, ng anomang bagay: huwag silang magsikain, ni magsiinom man ng tubig; Kundi mangagbalot sila ng kayong magaspang, ang tao at gayon din ang hayop, at magsidaing silang mainam sa Dios: oo, talikdan ng bawa’t isa ang kaniyang masamang lakad, at ang pangdadahas na nasa kanilang mga kamay. …”

May 16, 2020

Ang Kabuluhan ng Dalawang Pagkakatawang-tao ng Diyos



I

Sinimulan ng Diyos ang gawain ng pagligtas

sa Kapanahunan ng Biyaya,

pagkatapos ng wakas ng Kapanahunan ng Kautusan.

Tinubos ang tao mula sa kasalanan

sa unang pagkakatawang-tao ni Jesucristo.

Tao'y niligtas Niya mula sa krus,

ngunit mga disposisyong masama'y di nakibo.

Sa mga huling araw,

humahatol ang Diyos upang sangkatauha'y madalisay.

Wawakasan lang Niya,

gawain ng pagliligtas

at papasok sa kapahingahan, pagkaraan nito.

May 15, 2020

Bakit Laganap ang Kalungkutan sa Mundo ng Relihiyon?



Kasalukuyang dumaranas ng malalang taggutom ang buong mundo ng relihiyon, hindi na nila kasama ang gawain ng Banal na Espiritu o ang presensiya ng Panginoon, parami nang parami ang ginagawa nilang masasama, at humihina at lumalamig ang pananampalataya at awa ng mga mananampalataya. Bukod dito, nagiging malala ang mga sakuna sa buong mundo, nagkatotoo na ang mga propesiya na babalik ang Panginoon sa mga huling araw. Kaya paano natin malulutas ang ugat ng kalungkutan ng mga iglesia sa paraang muling haharap sa Diyos ang mga talagang naniniwala sa Diyos na uhaw sa pagpapakita ng Diyos at maglakad sa landas ng kaligtasan? Ipapakita sa iyo ng maikling video na ito kung paano lulutasin ang problemang ito ng kalungkutan sa mga iglesia.

————————————————————————

Kasalukuyan ang mga sakuna ay nagaganap ng madalas. Alam mo ba kung ano ang tunay na Iglesia na mara-rapture bago ang malaking kapighatian? Paano natin ito mahahanap? Basahin ang artikulong ito upang makuha ang mga kasagutan.

May 14, 2020

Anong Uri ng Iglesia ang Maituturing na may Gawain ng Banal na Espiritu

Kumusta mga kapatid ng Espirituwal na Tanong at Sagot,

Ilang buwan na ang nakararaan, nasaksihan ko ang pagpapaligsahan sa isa’t isa ng mga pastor sa aming iglesia para sa katanyagan at pagtamo at pandaraya para sa posisyon. Sa kalabisan ay inatake at siniraan pa nila ang isa’t isa sa mga sermon. Hindi nakakaaliw pakinggan ang mga sermon nila, at walang sustansiyang nakukuha ang aming mga espiritu. Idagdag pa doon, laganap ang paglamig ng pananampatalaya ng mga kapatid. Hinahanap nila ang kayamanan, nag-iimbot sila sa kasiyahan ng laman at sumusunod sila sa mga makamundong kalakaran, inilalaan ang buong atensiyon nila sa pagkain, pag-inom at pagsasaya. Mas madalas na basta na lamang hindi dumadalo sa mga pagtitipon ang ilang mga kapatid, ngunit sa halip ay pumupunta lang kapag may nangyaring sakuna sa kanilang mga buhay o kapag mayroong importanteng pista … Naharap sa ganitong sitwasyon sa iglesia namin, umalis ako upang humanap ng iglesia na mayroong gawain ng Banal na Espiritu. Gayunman, naghanap ako sa maraming lugar at natuklasan na karamihan sa mga iglesia ay katulad lang ng sa’min, at nag-umpisa akong mawalan ng pag-asa. Gayunman, kamakailan lang ay nakahanap ako ng iglesia na madalas magtanghal at nagdaraos ng mga pagdiriwang, at mayroon pa silang mga pastor na mula sa ibang mga bansa upang magbigay ng sermon. Napakainit at masigla ang kapaligiran sa iglesiang ito, at maraming tao ang dumadalo sa bawat pagtitipon. Habang tinitingnan ang iglesiang ito na napakasigla at sa mga kapatid na masigasig na dumalo sa mga pagtitipon, naisip ko na marahil ay mayroong paggawa ng Banal na Espiritu ang iglesia na ito. Gayunman, hindi nagtagal ay nadiskubre ko na kahit na tila masigla ang iglesia, ang mga sermon na ipinapangaral ng mga pastor ay hindi nakakapagbigay ng pakinabang sa buhay ng mga kapatid at hindi nagagawang paluguran ang aming mga espiritu. Ang patuloy na pag-awit at pagsayaw ay nagagawa lamang baguhin ang kapaligiran ng iglesia—habang nagaganap iyon, lahat kami ay napakasigla, ngunit kapag umupo na kami upang makinig sa pagbibigay ng sermon ng pastor, mag-uumpisa kaming antukin. Idagdag pa, palaging nagpapaligsahan ang mga kapatid sa mga donasyon at panalangin. Kung sino man ang magdonate ng marami ay itinuturing na isang taong mahal ang Panginoon, at kung sinuman ang nananalangin nang matagal at nagsasabi ng magagandang salita sa kanilang mga panalangin ay itinuturing na espirituwal na tao…. Sa ganitong uri ng iglesia, ang mga kapatid ay hindi lamang basta walang katapatan o kababaang loob ngunit bagkus ay lalo lamang tumitindi ang kanilang kahambugan at lalo silang nagiging ipokrito. Nakatuon sila sa pagpapahayag sa kanilang mga sarili at pagpapasikat sa harap ng iba at labis-labis ang pagiging mapagmagaling at arogante. Sa tuwing may nangyayaring isyu sa kanila, basta na lamang nila iyong hinaharap sa kung paanong paraan nila gusto, at hindi sila nakikinig kahit kanino pa—hindi nila sinusunod ang mga turo ng Panginoon. Nahaharap sa ganitong uri ng sitwasyon sa iglesia, hindi ko mapigilang isipin: Mayroon kayang gawain ng Banal na Espiritu ang isang iglesia na sa labas ay mukhang marubdob? Palagi na akong nalilito sa tanong na ito, kaya nais ko sanang humingi ng sagot sa inyo.

May 13, 2020

Paano namin dapat unawain ang pagsumpa ng mga salita ng Diyos sa relihiyosong mundo sa Aklat ng Pahayag?



Nitong nakalipas na mga taon, namanglaw nang namanglaw ang iba’t ibang denominasyon sa relihiyosong mundo; nawala ng mga tao ang uri ng pananampalataya at pagmamahal na dati ay meron sila, lalo’t lalo silang naging negatibo at mahina. Naramdaman din naming lahat ang panlalata ng espiritu, na wala na kaming maipangaral, at na nawala na sa aming lahat ang gawain ng Banal na Espiritu. Nais naming itanong, bakit napakapanglaw ng buong relihiyosong mundo? Talaga bang kinamumuhian ito ng Diyos; talaga bang isinantabi na ito ng Diyos? Paano namin dapat unawain ang pagsumpa ng mga salita ng Diyos sa relihiyosong mundo sa Aklat ng Pahayag?
Sagot:

Ngayon, laganap ang kapanglawan sa lahat ng relihiyon, wala roon ang gawain ng Banal na Espiritu, at nanlamig na ang pananampalataya at pagmamahal ng maraming tao—tanggap na ang katotohanang ito. Anuman ang eksaktong pangunahing dahilan ng kapanglawan ng lahat ng relihiyon ay isang tanong na kailangang maunawaan nating lahat nang lubusan. Gunitain muna natin sandali kung bakit naging mapanglaw ang templo sa mga huling araw ng Kapanahunan ng Kautusan, at saka natin mauunawaan nang lubusan ang dahilan ng kapanglawan ng mga relihiyon sa mga huling araw. Sa mga huling araw ng Kapanahunan ng Kautusan, hindi sinunod ng mga pinunong Judio ang mga utos ng Diyos. Tinahak nila ang sarili nilang landas at kinalaban ang Diyos; ito ang pangunahing dahilan na tuwirang nagresulta sa kapanglawan ng templo. Inilantad at kinagalitan ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo, na nagsasabing: “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagka’t tulad kayo sa mga libingang pinaputi, na may anyong maganda sa labas, datapuwa’t sa loob ay puno ng mga buto ng mga patay na tao, at ng lahat na karumaldumal. Gayon din naman kayo, sa labas ay nangagaanyong matuwid sa mga tao, datapuwa’t sa loob ay puno kayo ng pagpapaimbabaw at ng katampalasanan” (Mateo 23:27–28).

May 12, 2020

Paano Babalik ang Panginoon?

Ang Aklat ng Pahayag 16:15 ay nagsabi: “Narito, ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw.” Sabi sa Pahayag 3:3: “Kaya’t kung hindi ka magpupuyat ay paririyan akong gaya ng magnanakaw, at hindi mo malalaman kung anong panahon paririyan ako sa iyo.” At naroon din ang Ebanghelyo ng Mateo, kapitulo 24, talata 44 na nagsasabing: “Kaya nga kayo’y magsihanda naman; sapagka’t paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip.” Ilang halimbawa lamang ang mga ito. Ang mga salitang “gaya ng magnanakaw” at “sa oras na hindi ninyo iniisip” na nakasulat sa mga siping ito ay katunayang nagsasabi na, kapag bumalik ang Panginoon, Siya ay lihim na bababa, at tahimik na darating. Tiyak na tumutukoy ang “Anak ng tao” sa isang isinilang na tao at laman na nagtataglay ng normal na pagkatao. Tiyak na hindi maaaring tawaging Anak ng tao ang Espiritu; tanging ang laman lamang ng Diyos na nagkatawang-tao ang maaaring tawaging Anak ng tao na, tulad ng Panginoong Jesus, ay isinilang sa laman ng tao, kapwa nahahawakan at nakikita. Mula sa mga propesiyang ito, magagawa nating matiyak sagayon, na bumalik ang Panginoong Jesus sa pamamagitan ng lihim na pagbaba tulad ng pagkatawang-tao ng Anak ng tao, upang isagawa ang Kanyang mga gawain at magpakita sa sangkatauhan.

May 11, 2020

Ang Diyos Nagkatawang-tao ng mga Huling Araw ay Pangunahing Ginagawa ang Gawain ng mga Salita




Ang Diyos na Nagkatawang-tao sa mga huling araw

winawakasan ang Kapanahunan ng Biyaya

at nagsasalita upang magperpekto at magliwanag,

mga salitang nag-aalis ng mga malabong pagkaunawa

sa Diyos mula sa puso ng tao.

Ginawa ni Jesus ang gawain na naiiba.

Nagsagawa Siya ng mga milagro at pinagaling ang may sakit,

ipinangaral ang ebanghelyo ng kaharian ng langit,

at ipinako sa krus para tubusin ang lahat ng tao.

Kaya nagkaroon ng pagkaunawa ang tao

na palaging ganito ang Diyos.

May 10, 2020

Nakita Ko ang Kamangha-manghang mga Gawa ng Diyos Nang Ako’y Umasa sa Kanya



Ni Fudan, Africa

Galing ako sa Africa at ako ay ipinanganak sa isang pamilyang Katoliko. Ngayon, nagtatrabaho ako bilang isang inhinyero sa isang planta ng semento. Sa paghahanap ng katotohanan sa loob ng maraming taon, isang araw nagkaroon ako ng pribilehiyo na tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Simula noon, namuhay ako ng may kaligayahan. Binabasa ko ang mga salita ng Diyos araw-araw, at laging may mga pakikipag-pulong sa mga kapatid pati na rin na ginagampanan ang aking mga tungkulin sa iglesia. Pakiramdam ko ay lubos akong nabigyan ng sustansya sa aking espiritu at nakakakuha ng marami mula sa lahat ng ito. Ang pinasasalamatan ko lalo sa Diyos ay tinulungan ako ng Diyos na makakuha ng kaalaman sa Kanyang awtoridad sa pamamagitan ng praktikal na karanasan sa pagsasagawa ng aking mga tungkulin.

May 9, 2020

Ang Kahalagahan ng Pangalan ng Diyos



Ang pangalan ng Diyos sa bawat panahon
at yugto ng gawain ay may halaga.
Sumasagisag ito ng isang kapanahunan.
I
Kumakatawan lahat ang Jehova,
Jesus at Mesias sa Espiritu ng Diyos.
Ngunit mga kapanahunan lang
sa pamamahala ng Diyos ang kinakatawan,
hindi ang Kanyang kabuuan.
Mga bansag ng tao sa Diyos ay di sapat
upang ipahayag kabuuan ng disposisyon Niya,
di maihayag kalahatan Niya.
Tanging mga pangalan ng Diyos sa iba’t ibang kapanahunan.
Kaya sa pagdating ng huling kapanahunan,
muling magbabago ang Kanyang pangalan.
Di na Siya tatawaging Jehova, Jesus o Mesias.
at sa pangalang ito ay tatapusin Niya ang kapanahunan.

May 8, 2020

Alam Mo Ba ang Tunay na Kahulugan ng Pasko ng Pagkabuhay?



Ni Hanxiao


Ano Ang Pasko ng Pagkabuhay? Ang Pinagmulan ng Pasko ng Pagkabuhay

Pasko ng Pagkabuhay, o tinatawag din na Linggo ng Pagkabuhay, ay isang pista na nagdiriwang sa muling pagkabuhay ng Panginoong Hesus na naganap tatlong araw matapos Siyang ipako sa krus. Ang eksaktong oras na ito ay nataon sa unang Linggo ng kasunod na unang kabilugan ng buwan matapos ang panahon sa tagsibol kung saan magkasinghaba ang umaga at gabi sa bawa’t taon. Upang gunitain ang muling pagkabuhay ni Hesus at upang alalahanin ang kaligtasan at pag-asang dinala ni Hesus sa sangkatauhan, taun-taon mula Marso hanggang Abril, nagsasagawa ng pagdiriwang ang mga Kristiyano sa buong mundo ng araw ng Pasko ng Pagkabuhay. Kaya habang ipinagdiriwang nating mga Kristiyano ang muling pagkabuhay ni Hesus, alam ba natin kung bakit Siya nagbalik mula sa kamatayan at nagpakita sa tao sa kabila nang natapos na Niya ang gawain ng pagtubos? At ano ang ibig sabihin sa likod ng Kanyang muling pagkabuhay at pagpapakita Niya sa tao?

Ang Kahulugan ng Muling Pagkabuhay ng Panginoong Hesus at Pagpapakita Niya sa Tao

Sinasabi ng mga salita ng Diyos: “Ang unang bagay na ginawa ng Panginoong Jesus pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay ay upang tulutan ang lahat na makita Siya, upang matiyak na Siya ay umiiral, at upang matiyak ang katotohanan ng Kanyang muling pagkabuhay. Bukod dito, pinanumbalik nito ang Kanyang kaugnayan sa mga tao sa kaugnayang mayroon Siya sa kanila nang siya ay gumagawa pa sa katawang-tao, at Siya ang Kristo na nagagawa nilang makita at mahipo. Sa ganitong paraan, ang isang kalalabasan ay na ang mga tao ay walang pagdududa na ang Panginoong Jesus ay nabuhay mag-uli mula sa mga patay pagkatapos mapako sa krus, at walang pagdududa sa gawain ng Panginoong Jesus na tubusin ang sangkatauhan. At ang isa pang kalalabasan ay ang katotohanan ng pagpapakita ng Panginoong Jesus sa mga tao pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay at pagtulot sa mga tao na makita at mahipo Siya ay tiniyak ang katiwasayan ng sangkatauhan sa Kapanahunan ng Biyaya. Mula sa oras na ito, ang mga tao ay hindi na makabalik sa nakaraang kapanahunan, ang Kapanahunan ng Kautusan, dahil sa ‘pagkawala’ o ‘paglayo’ ng Panginoong Jesus, ngunit sila ay magpapatuloy, susundin ang mga turo ng Panginoong Jesus at ang gawain na Kanyang ginawa. Kaya, isang bagong yugto sa gawain sa Kapanahunan ng Biyaya ang pormal na binuksan, at ang mga tao na nasa ilalim ng kautusan ay pormal na lumabas mula sa kautusan mula noon, at pumasok sa isang bagong panahon, na may isang bagong pasimula. Ito ang sari-saring mga kahulugan ng pagpapakita ng Panginoong Jesus sa sangkatauhan pagkatapos ng muling pagkabuhay” (“Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III”). “Pagkatapos na ang Panginoong Jesus ay mabuhay na muli, nagpakita Siya sa mga tao na iniisip Niyang kinakailangan, nakipag-usap sa kanila, at gumawa ng mga kailangan sa kanila, isinantabi ang Kanyang mga layunin, at ang Kanyang mga inaasahan sa mga tao. Na ang ibig sabihin, bilang Diyos na nagkatawang-tao, hindi na mahalaga kung ito pa ang panahong nasa katawang-tao Siya, o sa espirituwal na katawan pagkatapos mapako sa krus at nabuhay na muli—ang Kanyang malasakit sa sangkatauhan at mga kailangan ukol sa mga tao ay hindi nagbago. Siya ay nag-aalala sa mga disipulong ito bago Siya dalhin sa krus; sa Kanyang puso, malinaw sa Kanya ang ukol sa katayuan ng bawat isang tao, nauunawaan Niya ang pagkukulang ng bawat isang tao, at mangyari pa ang Kanyang pagkaunawa sa bawat isang tao ay pareho din pagkatapos Niyang mamatay, nabuhay muli, at naging isang espirituwal na katawan gaya nang kung Siya ay nasa katawang-tao. Nalalaman Niya na ang mga tao ay hindi nakatitiyak nang lubos ukol sa Kanyang pagkakakilanlan bilang Kristo, ngunit sa Kanyang panahong nasa katawang-tao hindi Siya gumawa ng mahigpit na mga kahilingan sa mga tao. Ngunit pagkatapos Niyang mabuhay na muli nagpakita Siya sa kanila, at ginawa Niya silang lubusang nakatitiyak na ang Panginoong Jesus ay nagmula sa Diyos, na Siya ang Diyos na nagkatawang-tao, at ginamit Niya ang katotohanan ng Kanyang pagpapakita at ang Kanyang pagkabuhay muli bilang pinakadakilang pangitain at pagganyak para sa habambuhay na paghahangad ng sangkatauhan. Ang Kanyang pagkabuhay muli mula sa kamatayan ay hindi lamang pinatatag yaong lahat na sumusunod sa Kanya, ngunit ganap ding pinahintulot ang Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Biyaya sa gitna ng sangkatauhan, at sa gayon ang ebanghelyo ng pagliligtas ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya ay unti-unting lumaganap sa bawat sulok ng sangkatauhan. Masasabi mo ba na ang pagpapakita ng Panginoong Jesus pagkatapos ng Kanyang pagkabuhay muli ay nagkaroon ng anumang kahalagahan? … Ang Kanyang pagpapakita ay nagpahintulot sa mga tao na magkaroon ng isa pang karanasan at pagdama sa malasakit at pangangalaga ng Diyos samantalang pinatutunayan nang may kapangyarihan na ang Diyos ay ang Isa na nagpapasimula ng isang kapanahunan, na nagpapaunlad sa isang kapanahunan, at Siya ang Isa na nagtatapos sa isang kapanahunan. Sa pamamagitan ng Kanyang pagpapakita pinatatag Niya ang pananampalataya ng mga tao, at sa pamamagitan ng Kanyang pagpapakita pinatunayan Niya sa mundo ang katotohanan na Siya ang Diyos Mismo. Naibigay nito sa Kanyang mga tagasunod ang walang hanggang pagpapatibay, at sa pamamagitan ng Kanyang pagpapakita nakapagsimula din Siya ng isang yugto ng Kanyang gawain sa bagong kapanahunan” (“Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III”).
_____________________________________________________

Ang mga kalamidad sa buong mundo ay madalas na nangyayari at ang mga propesiya ng Panginoon ay karaniwang natutupad. Maraming tao ang natanto na ang Panginoon ay dumating na, kaya paano natin sasalubungin ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus?

_____________________________________________________

Mula sa mga salita ng Diyos, makikita natin na mayroong malalim na kahulugan ang maraming beses na pagpapakita ng Panginoong Hesus sa Kanyang mga disipulo matapos Niyang magbalik mula sa kamatayan, at ang maingat na pangangalaga at kaisipan ng Diyos ay nakatago din sa likod nito! Alam ni Hesus na, bagaman ang mga sumunod sa Kanya noong panahong iyon ay nakinig sa marami sa Kanyang mga turo at nakakita ng maraming himala na isinagawa ng Panginoon, at sinasabi nila na si Hesus ang kanilang Panginoon at na Siya ay Anak ng Diyos, gayunpaman wala silang tunay na pang-unawa sa katotohanan na si Hesus ay si Kristo at Siya ay Diyos mismo. Nang hulihin si Hesus ng mga awtoridad ng Roma at pinabulaanan at kinutya ng mga sundalo, marami sa Kanyang mga tagasunod ang nag-umpisang magduda sa Kanyang pagkakakilanlan, at ang kanilang pananampalataya sa Panginoon ay humina ng humina. Lalo na nang mamatay ang Panginoong Hesus matapos maipako sa krus, maraming tao ang labis na nabigo sa Kanya, at ang nag-umpisa bilang pagdududa ay naging pagtatwa sa Panginoong Hesus. Laban sa konteksto na ito, kung ang Panginoong Hesus ay hindi nagpakita sa tao pagkatapos ng Kanyang pagkabuhay na mag-uli, marami sa mga sumunod sa Kanya ay hindi na maniniwala kay Hesukristo at tatalikuran nila ang Kapanahunan ng Kautusan at magpapatuloy sa pagsunod sa kautusan ng Lumang Tipan. Pinag-aralang mabuti ng Diyos ang kailaliman ng puso ng tao at naintindihan ang kanilang mga kahinaan, gayunpaman, at alam Niya na mababa ang tayog ng mga tao. Kaya naman bumalik mula sa kamatayan ang Panginoong Hesus at maraming ulit na nagpakita sa Kanyang mga disipulo; kinausap Niya ang Kanyang mga disipulo, ipinakita Niya sa mga ito ang Kanyang espirituwal na katawan matapos mabuhay muli, at kumain Siya kasama nila at ipinaliwanag ang mga Kasulatan sa kanila. Ang layunin Niya sa paggawa ng lahat ng ito ay upang hayaan ang mga sumusunod sa Kanya na masiguro sa kaibuturan ng kanilang mga puso na tunay ngang nagbalik mula sa kamatayan ang Panginoong Hesus, na Siya pa rin ay ang Hesus na nagmahal at nagbigay ng awa sa mga tao, at na Siya ang Mesiyas na hinulaan sa Biblia na dumating upang tubusin ang sangkatauhan. Hindi na sila nagduda o itinatwa ang Panginoong Hesus, ngunit sa halip ay taos-puso na pinaniwalaan nila Siya at kinilala si Hesukristo bilang kanilang Panginoon. Mula dito ay makikita natin na, sa pamamagitan ng pagkabuhay na mag-uli at pagpapakita sa tao, pinagtibay ni Hesus ang pananampalataya ng mga tao upang maniwala at sumunod sa Panginoon, dahilan upang mapalapit ang tao sa Diyos. Ito ay isang aspeto sa kahulugan ng muling pagkabuhay ni Hesus.

Maliban dito, nagpakita at gumawa si Hesus sa katawang-tao, lubusan Niyang tinapos ang Kapanahunan ng Kautusan, at inumpisahan niya ang Kapanahunan ng Biyaya. Matapos niyang mabuhay muli, hinayaan ni Hesus na makita ng mga tao ang katotohanang ito ng mas malinaw, na kahit na ang nagkatawang-taong Hesukristo ay ipinako, nagawa pa rin Niyang malagpasan ang kasalanan at kamatayan, tinalo Niya si Satanas, at tinapos Niya ang Kanyang gawain ng pagtubos at nagkamit ng kaluwalhatian. Inumpisahan ng Panginoong Hesus ang bagong panahon, inilabas ng tuluyan ang sangkatuhan mula sa Kapanahunan ng Kautusan ng Lumang Tipan at matatag na inilagay sila sa Kapanahunan ng Biyaya, kaya’t pinayagan Niya ang mga ito upang tanggapin ang patnubay, pagpapastol at pagtutubig ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya. Sa ganitong paraan, kahit na nabuhay muli si Hesus at tumaas sa kalangitan, at hindi na siya kumain, sumunod o namuhay kasama ng tao, mananalangin at tatawagin pa rin ng tao ang pangalan ni Hesus, pananatilihin ang Kanyang mga aral, susunod kay Hesus nang may pananampalatayang hindi masisira at ipapakalat ang ebanghelyo ng Panginoon. Sa partikular, pagkatapos na muling mabuhay ang Panginoong Hesus at nagpakita sa mga disipulo na sumunod sa Kanya, ang kanilang pananampalataya ay naging mahusay, at pagdating sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ng Panginoon o pagpapatotoo doon, wala silang kinatatakutan na paghihirap o panganib, matigas ang kanilang pagpupursigi at inilaan lahat sa pagpapakalat ng ebanghelyo, kahit pa ang mamatay para sa Panginoon. Sa huli, ang ebanghelyo ni Jesus ay pinalawak sa buong sansinukob at sa buong mundo, at ang mga tagasunod ng Panginoong Hesus ay nagpatuloy sa paglago ang bilang hanggang sa ang lahat sa bawa’t kabahayan ay narinig na ang Kanyang ebanghelyo at nalaman na iyon ng lahat.

Matapos Niyang magbalik mula sa kamatayan, nagpakita ang Panginoong Hesus sa tao, nakipag-ugnayan Siya sa kanila at nakipag-usap sa kanila, ipinaliwanag Niya ang Kasulatan at nakipag-usap sa kanila, at kumain Siya sa tabi nila, at iba pa. Pinahintulutan ng mga gawaing ito ang mga sumusunod sa Panginoong Jesus na maramdaman ang Kanyang pag-aalaga at pag-aalala para sa tao at magpatibay na si Hesus ay tunay na Diyos mismo, ang Kristong nagkatawang-tao, at ang mga gawaing ito ay matatag na itinayo ang mga taga-sunod ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya. Idagdag pa, ang gawain ng pagtubos ni Hesus ay nagsimulang kumalat mula noon hanggang sa marating nito ang buong sansinukob at lahat sa buong mundo. Kaya’t maliwanag na ang kahulugan sa likod ng muling pagkabuhay ni Hesus at ang Kanyang pagpapakita sa sangkatauhan ay napakalalim na, hindi lamang ang maingat na pag-aalaga ng Diyos at kaisipan ang nakatago sa mga gawaing ito, ngunit ang karunungan at kalinawan ng Diyos ay nakatago din sa kanila!

Mga minamahal na kapatid, magpasalamat tayo sa paliwanag at paggabay na nakapagbigay-daan sa atin upang maunawaan ang kahulugan ng muling pagkabuhay ni Hesus, at sa pagpapahintulot sa atin na makita sa loob ng Kanyang gawain muli ang pag-aalaga at pagmamalasakit ng Diyos para sa ating sangkatauhan. Salamat sa Diyos!

_____________________________________________________

Mangyaring basahin ang artikulong ito, alamin ang tungkol sa kahalagahan ng pagpapakita ng Panginoong Jesus sa mga tao pagkatapos ng muling pagkabuhay ni Jesus, maunawaan ang mabuting hangarin ng Diyos ng pagliligtas sa tao, at madama ang pag-ibig at kaligtasan ng Diyos.



May 7, 2020

Bakit Inilalagay ng mga Kristiyano sa Panganib ang Kanilang Buhay para Ipangaral ang Ebanghelyo at Sumaksi sa Diyos?



Hou Xiangke (Hepe ng Public Security Bureau): Talagang imposible para sa inyo na maniwala sa Diyos at ipangaral ang ebanghelyo sa isang bansang pinamumunuan ng Partido Komunistang Tsino.Tinatapos ang sinumang nagpipilit na maniwala sa Diyos at magpalaganap ng ebanghelyo.Alam mo ba kung ilang Kristiyano ang nagdusa sa kalunus-lunos na kamatayan sa bilangguan?Alam mo ba kung ilang Kristiyano ang pinatay at sinira ang kanilang mga pamilya?Walang makakalaban sa kapangyarihan ng Partido Komunista!Kung ipipilit mo ang paniniwala sa Diyos at pagpapalaganap ng ebanghelyo,ang kapalaran mo ay pagkabilanggo at kamatayan!Nakikita mo ba nang malinaw ang kahinatnang ito?

Ma Jinlong (Kapitan ng National Security Team): Sakit ng ulo para sa sentral na pamunuan ang inyong Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Nakikita kayo ng Partido Komunista bilang numero unong kaaway. Hindi ito titigil hanggang sa mapuksa kayo. Alam mo ba kung gaano karaming tao at pera ang ginamit ng Partido Komunista para sa pagpigil at pagbabawal ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos? Masyadong mataas ang kabayaran! Hindi mo ba nakikita ang kahulugan sa likod ng lahat ng ito? Patuloy pa rin ninyong ipinalalaganap ang ebanghelyo, sumasaksi para sa Diyos at ipinapalaganap ang salita ng Makapangyarihang Diyos kahit saan. Para itong inuumpog ninyo ang inyong dibdib laban sa bariles ng baril. Hangal ba kayo? Ganito kung paano namin dapat kayong pangalagaan! Kung tahimik kayong nakaupo sa bahay, walang gagambala sa inyo.

Han Lu (Isang Kristiyano): Laging itinuturing ng Partido Komunista ang mga naniniwala sa Diyos bilang mga kaaway. Hindi ito makapaghintay na puksain sila. Sa palagay ba ninyo’y kaya ninyong ipagbawal ang gawain ng pagliligtas ng Diyos para sa sangkatauhan? Nang dumating ang Panginoong Jesus para gawin ang gawaing mapantubos, hindi ba’t ipinako Siya sa krus ng relihiyosong komunidad kasama ang mga awtoridad? Akala nila ay nagtagumpay sila, at tiyak na nabigo ang gawaing mapantubos ng Panginoong Jesus. Pero ang hindi inaasahan ay sinabi ng Panginoong Jesus sa krus, “Naganap na.” Natupad ang gawaing mapantubos ng Diyos sa pamamagitan ng pagkapako sa krus ng Panginoong Jesus. Ano ang ibig-sabihin nito? Nabuo ang karunungan ng Diyos sa panlilinlang ni Satanas. Naipalaganap sa buong mundo ang mapantubos na ebanghelyo ng Panginoong Jesus. Ito ang tinatanggap na katotohanan. Sa mga taong ito, galit na galit na sinusugpo at inuusig ng pamahalaan ng Komunistang Tsino Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ipinagmalaki pa nito, “Hindi aalisin ang mga tropa hanggang sa matapos ang pagbabawal.” Gayunman, ano ang naging kinalabasan? Hindi lamang hindi naipagbawal Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, sa halip ay lumalago pa ito. Alam ba ninyo kung bakit ganoon? Awtoridad ito ng Diyos, kapangyarihan ito ng Diyos! Anuman ang nais tuparin ng Diyos, walang bansa o puwersa ang makakahadlang. Bakit kami matatag na naniniwala sa Diyos, ikinakalat ang ebanghelyo at sumasaksi sa Diyos? Alam ba ninyo kung bakit? Malapit nang matapos ang kapanahunang ito. Malapit nang dumating ang kalamidad. Ang mga tumanggap lamang sa gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw at tumanggap ng paglilinis ang makakatanggap ng kaligtasan ng Diyos at makakatakas sa mga panganib. Paanong hindi namin maipapalaganap ang ebanghelyo nang tulad nito? Kung hindi namin gagawin, maraming tao ang hindi makakabalik sa Diyos at mamamatay sa kalamidad. Maraming kaluluwa ang mapupunta sa impiyerno para sa kaparusahan! Alang-alang sa mga kaluluwang ito, maaari ba kaming umupo nang tamad sa aming tahanan para sa makalamang kaginhawaan? Maaari ba kaming maligtas nang kahiya-hiya lamang mula sa pagkatakot sa pag-aresto at pag-uusig ng pamahalaan ng CCP? Kung gayon, hindi matatahimik ang aming konsensiya! Kaya, maraming Kristiyano ang nakikipagsapalaran na mabilanggo at mamatay para maipalaganap ang ebanghelyo at sumaksi sa Diyos. Anong uri ng espirutu ito? Naiintindihan niyo ba ito? Ngunit natatrato ninyo ang mabubuting tao na naniniwala sa Diyos bilang mga pinakapinaghahanap sa bansa? Hindi ko lang ito maintindihan. Anong mabuti ang maidudulot nito para sa pagpapatatag ng kapangyarihan ng estado? Sa buong kasaysayan, ang mga bansa at lahi na galit na galit na nilabanan at tinutulan ang Diyos ay sinira ng Diyos. Totoo ang lahat ng ito. Tulad ng sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Walang bansa o kapangyarihan ang makapipigil sa anumang nais makamit ng Diyos. Yaong mga sumasawata sa gawain ng Diyos, nilalabanan ang salita ng Diyos, iniistorbo at pinapahina ang plano ng Diyos sa huli ay parurusahan ng Diyos.” (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao) Ang banal na disposisyon ng Diyos ay hindi magkakasala. Lahat ng lumaban sa Diyos ay dapat magdusa ng kaparusahan ng Diyos.

mula sa script ng pelikulang Katamisan sa Kahirapan

————————————————————

Maraming tao ang nagtitiwala na ang pagdurusa at pagbabayad, ang pagpapalaganap ng ebanghelyo, at pangangalaga sa simbahan ng Panginoon - lahat ng mga bagay na ito ay nangangahulugang ng pagsunod sa kalooban ng Diyos. Kapag ang Panginoon ay dumating, tayo ay madadala sa kaharian ng langit, ngunit ang katotohanan ba ang nangyari?

May 6, 2020

Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng “Puting Ulap” (Sipi 1)



Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

——————————————————————

Alam ng maraming tao na ang Kristiyanismo ay isa sa tatlong pangunahing relihiyon sa mundo, ngunit hindi nila alam ang kahulugan ng Kristiyanismo. Kung nais mong malaman ang higit pa tungkol sa katotohanan tungkol sa Kristiyanismo, mangyaring panoorin: Ano ang Kristiyanismo?

May 5, 2020

Paano namin dapat unawain ang pagsumpa ng mga salita ng Diyos sa relihiyosong mundo sa Aklat ng Pahayag?

Nitong nakalipas na mga taon, namanglaw nang namanglaw ang iba’t ibang denominasyon sa relihiyosong mundo; nawala ng mga tao ang uri ng pananampalataya at pagmamahal na dati ay meron sila, lalo’t lalo silang naging negatibo at mahina. Naramdaman din naming lahat ang panlalata ng espiritu, na wala na kaming maipangaral, at na nawala na sa aming lahat ang gawain ng Banal na Espiritu. Nais naming itanong, bakit napakapanglaw ng buong relihiyosong mundo? Talaga bang kinamumuhian ito ng Diyos; talaga bang isinantabi na ito ng Diyos? Paano namin dapat unawain ang pagsumpa ng mga salita ng Diyos sa relihiyosong mundo sa Aklat ng Pahayag?

Sagot:

Ngayon, laganap ang kapanglawan sa lahat ng relihiyon, wala roon ang gawain ng Banal na Espiritu, at nanlamig na ang pananampalataya at pagmamahal ng maraming tao—tanggap na ang katotohanang ito. Anuman ang eksaktong pangunahing dahilan ng kapanglawan ng lahat ng relihiyon ay isang tanong na kailangang maunawaan nating lahat nang lubusan. Gunitain muna natin sandali kung bakit naging mapanglaw ang templo sa mga huling araw ng Kapanahunan ng Kautusan, at saka natin mauunawaan nang lubusan ang dahilan ng kapanglawan ng mga relihiyon sa mga huling araw. Sa mga huling araw ng Kapanahunan ng Kautusan, hindi sinunod ng mga pinunong Judio ang mga utos ng Diyos. Tinahak nila ang sarili nilang landas at kinalaban ang Diyos; ito ang pangunahing dahilan na tuwirang nagresulta sa kapanglawan ng templo. Inilantad at kinagalitan ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo, na nagsasabing: “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagka’t tulad kayo sa mga libingang pinaputi, na may anyong maganda sa labas, datapuwa’t sa loob ay puno ng mga buto ng mga patay na tao, at ng lahat na karumaldumal. Gayon din naman kayo, sa labas ay nangagaanyong matuwid sa mga tao, datapuwa’t sa loob ay puno kayo ng pagpapaimbabaw at ng katampalasanan” (Mateo 23:27–28).

May 3, 2020

Ang mga Sumasampalataya sa Anak ay May Buhay na Walang Hanggan



Sabi sa Biblia, “Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan; nguni’t ang hindi tumatalima sa Anak ay hindi makakakita ng buhay, kundi ang poot ng Dios ay sumasa kaniya” (Juan 3:36). Iniisip ni Su Yue na ang pananalig sa Panginoong Jesus ay pananalig sa Anak at magbibigay sa kanya ng buhay na walang hanggan. Nang sabihin ni Sister Ling na hindi lubos ang pagkaunawa niya, nalito si Su Yue, at nagsimulang makipagdebate kay Ling…. Kaya, ano ang tunay na pananalig sa Anak? Ano ang tinutukoy ng “Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan”?

_______________________________________________________________

Ngayon ang mahalagang sandali para salubungin natin ang pagbabalik ng Panginoong Hesukristo sa mga huling araw. Dito ay ibinabahagi namin sa inyo ang 3 daan upang tulungan kayong salubungin ang pagbabalik ng Panginoon.

May 2, 2020

Pagtanggap sa Cristo ng mga Huling Araw at Pagkadala sa Kaharian ng Langit



Kung naniniwala lang tayo sa Panginoong Jesus, at humagawak sa daan ng Panginoong Jesus, pero hindi tinatanggap ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, pa’no natin makakamit ang paglilinis at makakapasok sa kaharian ng langit? Nais mo bang maging isang matalinong birhen na kayang sumabay sa mga yabag ng Diyos upang makamit ang mga biyaya sa kaharian ng langit? Mangyaring panoorin ang pelikulang ito.

————————————————————————————

Ano ang rapture? Ira-rapture ba tayo ng Panginoon sa hangin kapag Siya ay bumalik? Sa pamamagitan ng pagsasaliksik, kanya nang naunawaan ang mga kasagutan at na-rapture sa harapan ng Panginoon.