菜單

Hun 30, 2020

Maniwala na Tiyak na Gagawing Ganap ng Diyos ang Tao



Nais ng Diyos na gawin kayong perpekto
dito mismo at ngayon din.
Tunay na nais ng Diyos na gawin kayong perpekto,
kahit ano man, kahit paano.
Anumang hinaharap na pagsubok,
o kaganapang maaaring mangyari,
anumang sakuna ang naghihintay,
nais ng Diyos na gawin kayong perpekto.

Hun 29, 2020

Ang Pagsisisi ng Isang Opisya



Ang pangunahing tauhan sa Ang Pagsisisi ng Isang Opisyal ay anak ng isang simpleng magsasaka lang noon. Matapos sumali sa hukbo, mabilis siyang nakiayon sa mga ‘di-nasusulat na batas sa kanyang pangkat sa pagsisikap na magkamit ng katayuan, papuri at pagtaas ng ranggo, sumisipsip at nambobola sa kanyang mga nakatataas, binibilhan sila ng pagkain at mga regalo. Itinaas ang ranggo niya sa pagiging kumander ng batalyon at sinimulan niya ang pagtahak sa landas ng katiwalian. Nagbagong-buhay siya matapos manampalataya sa Diyos at iniwan ang hukbo, pero natuklasan niyang nakagapos pa rin siya sa mga pilosopiya at batas ni Satanas. Para maging pinuno ng iglesia, muli siyang gumamit ng mga palihim na paraan, ngunit nabunyag din siya at pinakitunguhan ng mga kapatid. Naiwan siyang balisa at miserable dahil sa pagkabigong makuha ang posisyon. Sa pamamagitan ng paghatol at paghahayag ng mga salita ng Diyos, unti-unti niyang naunawaan ang diwa at mga kahihinatnan ng paghahangad ng katayuan, at sinimulan niyang hanapin ang katotohanan at tahakin ang tamang landas sa buhay.

————————————————

Manood ng higit pa: 2020 Short Personal Testimony in Tagalog

Hun 28, 2020

Dapat Kang Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan

Nakágáwâ na Ako ng maraming gawain sa kalagitnaan ninyo, at siyempre, nakágáwâ na rin ng ilang mga pagbigkas. Nguni’t hindi Ko mapipigilang maramdaman na hindi pa lubusang natutupad ng mga salita Ko at mga gawain Ko ang layunin ng Aking gawain sa mga huling araw. Dahil, sa mga huling araw, ang gawain Ko ay hindi alang-alang sa isang tao o grupo ng mga tao, kundi upang ipakita ang Aking likas na disposisyon. Gayunman, dahil sa hindi mabilang na kadahilanan—marahil sa kakulangan ng oras o masyadong abala sa trabaho—hindi na nagawa ng Aking disposisyon na makilala Ako ng tao kahit na katiting. Kaya nagpapatuloy Ako sa bago Kong plano, tungo sa pangwakas Kong gawain, para magbuklat ng isang bagong pahina sa Aking gawain upang ang lahat ng nakakakita sa Akin ay magsisisuntok sa kanilang dibdib at tatangis at mananaghoy nang walang tigil dahil sa Aking pag-iral. Ito ay dahil dinadala Ko ang katapusan ng sangkatauhan sa mundo, at mula sa puntong ito, inilalantad Ko ang Aking buong disposisyon sa harap ng sangkatauhan, upang ang lahat ng nakakakilala sa Akin at lahat ng hindi ay maaaring magpiyesta ang kanilang mga mata at makita na totoo ngang nakarating na Ako sa daigdig ng tao, dumating na sa lupa kung saan ang lahat ng bagay ay nagpaparami. Ito ang plano Ko, ito ang tangi Kong “pangungumpisal” mula nang likhain Ko ang sangkatauhan. Ninanais Ko na maiibigay sana ninyo ang buo ninyong pansin sa bawat galaw Ko, dahil minsan pang lumalapit ang Aking pamalo sa sangkatauhan, sa lahat ng sumasalungat sa Akin.

Hun 27, 2020

Magkaroon ng Normal na Relasyon sa Diyos para Maperpekto


I
Pag normal ang relasyon mo sa Diyos,
matatamo mo ang Kanyang pagpeperpekto,
at ang Kanyang pagdidisiplina at pagpipino
at pagpupungos sa ‘yo ay makakamit ang hangad na epekto.
Nagkakaroon ng lugar ang Diyos sa puso mo,
di mo hinahangad na makinabang o iniisip ang kinabukasan.
Ngunit dala mo ang pasanin ng pagpasok sa buhay,
nagpapailalim ka sa gawain ng Diyos
at naghahangad ng katotohanan.
Sa ganitong paraan,
ang mga pakay na hangad mo’y hindi mali,
at normal ang relasyon mo sa Kanya.
Ang unang hakbang sa pagpasok
sa espirituwal na paglalakbay ng tao
ay ayusin ang relasyon nila sa Diyos.
Bagama’t hawak Niya ang tadhana ng tao,
itinadhana at di na nila mababago,
ikaw ma’y mapeperpekto
o Kanyang matatamo
depende ‘yan sa kung normal o hindi
ang iyong relasyon sa Kanya.

Hun 26, 2020

Parabula ng Sampung Dalaga




1Kung magkagayon ay makakatulad ang kaharian ng langit ng sangpung dalaga, na kinuha ang kanilang mga ilawan, at nagsilabas upang salubungin ang kasintahang lalake.

Hun 25, 2020

Tanging Nakakakilala sa Diyos ang Maaaring Magkamit sa Diyos




Kung gamitin mo'ng kaalaman

at mga natutunan mo na

sa pag-aaral ng Diyos,

'di mo makikilala't mauunawaan,

mauunawaan ang Diyos.

Kung gamitin mo'ng paraan ng

paghahanap ng katotohana't ng Diyos,

tingnan ang Diyos sa pananaw

ng pagkilala ng Diyos,

balang araw 'yong makikita:

Gawa at karunungan ng Diyos

nasa lahat ng dako.

'Yong mauunawaang Diyos ay Panginoon.

Panginoon ng lahat at bukal ng buhay,

ang bukal ng buhay para sa lahat.

Hun 24, 2020

Ang Panahong Nawala ay Hindi na Kailanman Darating Muli



Gumising, mga kapatid! Gumising, mga kapatid!

Ang araw ng Diyos ay 'di maaantala.

Ang oras ay buhay,

ang pagsunggab sa oras ay nagliligtas ng buhay.

Hindi malayo ang oras!

Kung kayo'y kumukuha ng eksamen nguni't hindi nakapasa,

maaari kayong muling sumubok at mag-aral nang mabuti.

Nguni't dapat ninyong malaman na ang araw ng Diyos

ay hindi maaantala.