菜單

Hun 25, 2020

Tanging Nakakakilala sa Diyos ang Maaaring Magkamit sa Diyos




Kung gamitin mo'ng kaalaman

at mga natutunan mo na

sa pag-aaral ng Diyos,

'di mo makikilala't mauunawaan,

mauunawaan ang Diyos.

Kung gamitin mo'ng paraan ng

paghahanap ng katotohana't ng Diyos,

tingnan ang Diyos sa pananaw

ng pagkilala ng Diyos,

balang araw 'yong makikita:

Gawa at karunungan ng Diyos

nasa lahat ng dako.

'Yong mauunawaang Diyos ay Panginoon.

Panginoon ng lahat at bukal ng buhay,

ang bukal ng buhay para sa lahat.



Mas maraming kaalaman,

mas mauunawaan mo,

oo, 'yong makikita bakit tawag

sa Diyos ay Panginoon,

Panginoon ng lahat.

Oo, makikita mo.

Lahat ng bagay pati ikaw

ay patuloy na binibigyan ng panustos ng Diyos.

Mararamdaman mong sa mundo't

sa sangkatauhang ito,

walang iba kundi Diyos,

ang maaaring may kapangyarihan at diwang

mamuno't mamahala sa lahat ng bagay,

at mapanatili ang pag-iral ng lahat ng bagay.

Walang sinuman maliban sa Diyos.


'Pag nakamit 'tong pagkaunawa,

tatanggapin mong Diyos ang iyong Diyos.

'Pag maabot mo puntong ito,

Diyos tunay na tinatanggap,

papayagan mong Siya'ng magiging Diyos mo,

at iyong Panginoon.

Ikaw ay papayag.

Kaya kung naiintindihan mo,

kung narating mo'ng puntong 'yon,

sa gayon makikita mo:

'Di ka na susubukin at hahatulan ng Diyos,

wala na Siyang kinakailangan sa iyo,

dahil kilala mo ang Diyos

at puso Niya't tinanggap mo na,

tunay mo Siyang tinanggap sa puso mo.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

____________________________________

Manood ng higit pa: Awit ng Papuri sa Diyos