菜單

Hul 2, 2018

Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Anong Pananaw ang Dapat Panghawakan ng mga Mananampalataya


Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Anong Pananaw ang Dapat Panghawakan ng mga Mananampalataya

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Sa mga panahong nakaraan, maraming nagpatuloy sa ambisyon at mga paniwala ng tao at alang-alang sa mga pag-asa ng tao. Ang mga bagay na ito ay hindi tatalakayin ngayon. Ang susi ay upang maghanap ng isang paraan ng pagsasagawa na magbibigay-daan sa bawat isa sa inyo upang mapanatili ang isang karaniwang kalagayan sa harap ng Diyos at upang unti-unting makawala sa mga kadena ng impluwensya ni Satanas, upang kayo ay maaaring makamit ng Diyos, at isabuhay sa mundo kung ano ang hinihiling sa inyo ng Diyos. Tanging ito ang maaaring makatupad sa hangad ng Diyos."

Rekomendasyon:

Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan

Hun 30, 2018

Kristianong Awitin | Walang Kapangyarihan ang Makakapigil sa Nais ng Diyos na Makamit


Kristianong Awitin | Walang Kapangyarihan ang Makakapigil sa Nais ng Diyos na Makamit

I
Diyos muling dumating ngayon sa mundo
upang gawain N’ya’y gawin.
Unang hinto ng gawain N’ya’y
engrandeng pagtitipon ng mga diktador:
Tsina—ang matatag na balwarte,
ang balwarte ng ateismo.
Sa karunungan N’ya’t kapangyarihan,
Diyos nakamit na isang pangkat ng mga tao.
Sa kasalukuyan,
tinutugis Siya ng namumunong partido ng Tsina
sa bawat paraan.
Nagdurusa S’ya nang matindi,
walang mapahingahan o masilungan.
Gayunman,
Diyos patuloy pa rin sa gawaing dapat N’yang gawin,
sa gawaing dapat N’yang gawin: binibigkas tinig N’ya,
ebanghelyo’y pinalalaganap.

Hun 29, 2018

Sa Katindihan ng Taglamig | Ang Matagumpay na Patotoo ng isang Cristiano (Trailer)


Sa Katindihan ng Taglamig | Ang Matagumpay na Patotoo ng isang Cristiano (Trailer)

Ang pangalan niya ay Xiao Li. Naninwala siya sa Diyos nang mahigit sa isang dekada. Noong taglamig ng 2012, inaresto siya ng pulisya ng Komunistang Tsino sa isang kongregasyon. Sa panahon ng pagsisiyasat, paulit-ulit siyang hinikayat, binantaan, binugbog at pinahirapan ng pulisya sa kanilang pagtatangka na akitin siya na ipagkanulo ang Diyos sa pamamagitan ng pagbubunyag ng kinaroroonan ng mga lider at pera ng iglesia. Partikular sa isang nagyeyelong gabi nang ang temperatura ay mas mababa ng 20 degrees sa zero, pinuwersa siyang hubaran, ibinabad sa nagyeyelong tubig, sinindak ng kuryente sa kanyang maselang bahagi, at puwersahang pinainom ng mustasang tubig ng mga pulis….Nagdusa siya sa malupit na pagpapahirap at hindi maipaliwanag na pagkapahiya. Sa panahon ng pagsisiyasat, nasaktan at napahiya siya. Desperado siyang nanalangin sa Diyos nang paulit-ulit. Binigyan siya ng napapanahong pagliliwanag at patnubay ng salita ng Diyos. Sa pananampalataya at lakas na tinanggap niya mula sa salita ng Diyos, nalampasan niya ang mabagsik na pagpapahirap at malademonyong pinsala at nagbigay ng kahanga-hanga at tumataginting na pagsaksi. Tulad ng bulaklak ng sirwelas sa taglamig, nagpakita siya ng matatag na kalakasan sa pamamagitan ng pamumukadkad nang may buong kapurihan sa gitna ng matinding kahirapan, na pinagmumulan ng kalugud-lugod na katahimikan …

Rekomendasyon:

Ang maikling panimula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Hun 28, 2018

Mga Movie Clip | "Bakit Dalawang Beses na Naging Tao ang Diyos Upang Iligtas ang Sangkatauhan?"


Mga Movie Clip | "Bakit Dalawang Beses na Naging Tao ang Diyos Upang Iligtas ang Sangkatauhan?"


Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang Diyos na nagkatawang-tao ay ipinako sa krus, taglay sa Kanyang Sarili ang mga kasalanan ng tao at kinukumpleto ang gawain ng pagtubos sa sangkatauhan. Sa mga huling araw, minsan pang nagkatawang-tao ang Diyos para ipahayag ang katotohanan at upang lubusang dalisayin at iligtas ang tao. Kaya bakit kailangan ng Diyos na dalawang beses na magkatawang-tao upang gawin ang gawain ng pagliligtas sa tao? Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "Ang unang pagkakatawang-tao ay upang tubusin ang tao mula sa kasalanan sa pamamagitan ng laman ni Jesus, iyon ay, iniligtas Niya ang tao mula sa krus, nguni’t ang tiwaling maka-satanas na disposisyon ng tao ay nanatili pa rin sa loob ng tao. Ang ikalawang pagkakatawang-tao ay hindi na upang magsilbing handog sa kasalanan kundi upang lubos na iligtas yaong mga taong tinubos mula sa kasalanan. Ito ay ginagawa upang ang mga pinatawad ay mapalaya mula sa kanilang mga kasalanan at magawang ganap na malinis, at magkamit ng pagbabago sa disposisyon, at sa gayon ay makakawala sa kapangyarihan ng kadiliman ni Satanas at makakabalik sa harap ng trono ng Diyos. Tanging sa paraang ito maaaring maging lubos na mapabanal ang tao. ... Ang ikalawang pagkakatawang-tao ay sapat upang alisin ang mga kasalanan ng tao at ganap na dalisayin ang tao. Samakatuwid, ang pangalawang pagkakatawang-tao ay magdadala sa pagtatapos ng lahat ng gawain ng Diyos sa laman at kukumpleto sa kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-Tao).

Rekomendasyon:

Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan

Hun 27, 2018

Cristianong Musikang | Pananabik

Jesus, kapangyarihan, paniniwala, Kaligtasan



I
Ang mundo’y madilim, ang demonyo’y naghahari.
Ang pinakamahabang gabi’y lumalaganap na.
Ang landas sa paniniwala sa tunay na Diyos
at pagpapatuloy ng buhay ay mahirap.
Ang Partidong Komunista ng Tsina ay dumating para sa atin,
nilulupig ang mga tao ng Diyos.
Dumarating sila upang tayo’y dakpin at usigin.
Mga mahal sa buhay ay hindi maunawaan.
Tayo’y siniraan ng puri’t kinutya ng ating mga kapwa,
at tinakwil ng mundo.
Nagtitiis ako ng sakit, ako’y tumatawag sa Panginoon.
Jesus, pakiusap bigyan ako ng lakas!

The Church of Almighty God Documentary | Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China (1)


The Church of Almighty God Documentary | Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China (1)

Simula nang magkaroon ng kapangyarihan sa Mainland China noong 1949, hindi na tumigil ang Chinese Communist Party (CCP) sa pang-uusig sa relihiyosong pananampalataya. Galit na galit nitong pinag-aaresto at pinagpapatay ang mga Kristiyano, pinaalis at inabuso ang mga misyonerong nangangaral sa China, kinumpiska at sinunog ang napakaraming kopya ng Biblia, ikinandado at giniba ang mga gusali ng iglesia, at walang saysay na tinangkang wasakin ang lahat ng bahay-sambahan. Nitong nakaraang mga taon nakita rin ang malawakang pagpapasimula ng pamahalaang CCP ng mga patakarang nakatutok sa "Pagpapailalim sa Impluwensya ng Lipunang Han" ng Kristiyanismo. Libu-libong krus ng iglesia ang winasak, maraming gusali ng iglesia ang giniba, at maraming Kristiyano sa mga bahay-sambahan ang inaresto at inusig. Dumanas ng malupit at madugong pang-uusig ang mga iglesiang Kristiyano sa China … 

Rekomendasyon:

Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Hun 25, 2018

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | Ang mga Pangako sa Mga Nagawang Perpekto


Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | Ang mga Pangako sa Mga Nagawang Perpekto

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Yaong gagawing perpekto ng Diyos ay silang tatanggap ng mga pagpapala ng Diyos at ng Kanyang pamana. Iyon ay, tinatanggap nila kung anong mayroon at kung ano ang Diyos, upang mabuo kung anong mayroon sila sa loob; isinagawa sa kanila ang lahat ng salita ng Diyos; anuman ang kabuuan ng Diyos, magagawa ninyong ganap na tanggapin ang lahat bilang gayon, kaya naisasabuhay ang katotohanan. Ito ang uri ng tao na ginawang perpekto ng Diyos at nakamit ng Diyos."

Rekomendasyon:

Ang Gawain sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay Gawain Din ng Pagliligtas sa Sangkatauhan