菜單

Hun 30, 2018

Kristianong Awitin | Walang Kapangyarihan ang Makakapigil sa Nais ng Diyos na Makamit


Kristianong Awitin | Walang Kapangyarihan ang Makakapigil sa Nais ng Diyos na Makamit

I
Diyos muling dumating ngayon sa mundo
upang gawain N’ya’y gawin.
Unang hinto ng gawain N’ya’y
engrandeng pagtitipon ng mga diktador:
Tsina—ang matatag na balwarte,
ang balwarte ng ateismo.
Sa karunungan N’ya’t kapangyarihan,
Diyos nakamit na isang pangkat ng mga tao.
Sa kasalukuyan,
tinutugis Siya ng namumunong partido ng Tsina
sa bawat paraan.
Nagdurusa S’ya nang matindi,
walang mapahingahan o masilungan.
Gayunman,
Diyos patuloy pa rin sa gawaing dapat N’yang gawin,
sa gawaing dapat N’yang gawin: binibigkas tinig N’ya,
ebanghelyo’y pinalalaganap.
II
Walang nakaaarok sa pagka-makapangyarihan ng Diyos.
Sa bansang gaya ng Tsina na tingin sa Diyos ay kaaway,
Diyos kailanma’y di tumitigil na gawain N’ya’y isakatuparan.
Sa halip,
taong tumatanggap sa gawai’t salita N’ya’y dumarami,
lahat ginagawa N’ya upang sagipin bawa’t isang tao, bawa’t tao.
Ang nais ng Diyos na makamit ay bagay
na di mapigilan ng kahit anong bansa’t kapangyarihan.
At y’ong humahadlang, lumalaban sa gawai’t salita ng Diyos,
gumugulo’t sumisira sa mga plano
N’ya’y parurusahan ng Diyos sa katapusan.
III
Kung may lumalaban, lumalaban sa gawain ng Diyos,
itatapon ng Diyos ang taong yan sa impiyerno;
kung nilalabanan ng isang bansa ang gawain ng Diyos,
sisirain ng Diyos ang bansang ito;
kung titindig ang isang bansa’t
sasalungatin gawain ng Diyos,
paglalahuin ng Diyos ang bansang ito’t titigil sa pag-iral.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Rekomendasyon:

Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos