菜單

Ago 4, 2020

Pagtanggap sa Ebanghelyo ng Ikalawang Pagdating ng Panginoong Hesus at Pagtitipon sa Harap ng Diyos

 

 Sa Biblia, sabi ni Pablo, “Ako’y namamangha na kay dali ninyong nagsilipat sa ibang evangelio buhat sa tumawag sa inyo sa biyaya ni Cristo” (Galacia 1:6). Mali ang interpretasyon ng mga pastor at elder sa mga salitang ito ni Pablo, at tinutuligsa ang lahat ng taong tumatanggap sa ebanghelyo ng ikalawang pagparito ng Panginoong Jesus, na sinasabi na pag-apostasiya at pagtataksil ito sa Panginoon. Sa gayo’y lumalampas sa ilang nananalig ang pagkakataong tanggapin ang Panginoon, dahil nalinlang sila. Malinaw na ang malinaw na pag-unawa sa tunay na kahulugan ng tekstong ito ay napakahalaga sa pagtanggap natin sa pagbalik ng Panginoon. Kaya ano ang tunay na kahulugan ng siping ito ng Kasulatan? Pag-apostasiya ba ang tanggapin ang ebanghelyo ng ikalawang pagparito ng Panginoong Jesus?

———————————

Alam mo ba kung kailan babalik si Jesus? Dadalhin sa iyo ng pahinang ito ang balita ng pagbabalik ni Jesucristo at gagabayan ka upang masalubong Siya.——Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng “Puting Ulap”

Ago 3, 2020

Ang Maging Isang Matapat na Tao ay Tunay na Dakila!


Wu Ming, China

Isang araw noong 2004 sinabi sa akin ng isang kaibigan: “Bawat araw gumigising ka nang maaga at buong araw na abala sa paggupit ng tela, pinapagod mo ang sarili mo, ngunit hindi ka pa rin kumikita ng pera.

Ago 2, 2020

Pagkilala sa Diyos ang Landas tungo sa Pagkakaroon ng Takot sa Diyos at Pag-iwas sa Kasamaan


Panimula

Bawa’t isa sa inyo ay dapat magsuring muli ng inyong buhay-pananampalataya sa Diyos para makita kung, sa paghahabol sa Diyos, ay tunay na naunawaan mo, tunay na naintindihan, at tunay na nakilala mo ang Diyos, kung tunay na alam mo kung anong saloobin ang tinitiis ng Diyos sa iba’t ibang uri ng tao, at kung tunay na nauunawaan mo kung ano ang ginagawa ng Diyos sa iyo at ano ang pakahulugan ng Diyos sa bawa’t kilos mo.

Hul 30, 2020

Tungkulin ng isang Kristiyano: Apat na Pagsasagawa na Dapat Sundin ng Isang Kristiyano


Ni Hanxiao

Tayong mga mananampalataya sa Panginoon ay lahat gusto na matamo ang papuri ng Panginoon, ngunit, paano natin gagawin na mabigyang kasiyahan ang kalooban ng Panginoon? Sa katunayan, mayroong apat na mga bagay na tungkulin ng isang Kristiyano at saka ang apat na pinakamahalagang mga bagay na dapat gawin nating mga tagasunod ng Panginoon. Kapag ginawa natin ang mga iyon, maaari tayong makapagsagawa ng naaayon sa kalooban ng Panginoon. Ito ang mga ito: pagbabasa ng mga salita ng Diyos, pananalangin sa Diyos, paggawa ng ating mga tungkulin at pagsasagawa ng mga salita ng Diyos. Kasama sa ating buhay espirituwal ang pangunahing apat na mga aspetong ito. Kapag naisagawa natin ang mga ito sa ating pang araw-araw na buhay, makakamit natin ang mga kondisyon ng pagiging isang totoong Kristiyano. Tungkol dito sa apat na mga aspeto, magbabahagi ako ng kaunti ng aking personal na karanasan at pagkakaunawa.

Hul 28, 2020

Ano ang Alam Mo sa Pananampalataya?

Umiiral lamang sa tao ang hindi tiyak na salita ng pananampalataya, subalit hindi alam ng tao kung ano ang bumubuo sa pananampalataya, at lalo na kung bakit siya may pananampalataya. Masyadong maliit ang pang-unawa ng tao at ang tao mismo ay masyadong kulang; siya ay may pananampalataya lamang sa Akin nang wala sa isip at walang pagkaalam.

Hul 27, 2020

Handa Akong Magpasakop sa Gawain ng Diyos



I
O Diyos! Nawa’y gawin Mo ang Iyong gawain sa akin,
nawa’y gawin Mo akong perpekto at baguhin ako,
upang maaari kong sundin at malaman
ang mga kagustuhan Mo sa lahat ng bagay.
Ang Iyong dakilang pagmamahal
at kalooban ay nasa Iyong pagliligtas sa akin.
Kahit na ang tao ay lumalaban at siya ay naghihimagsik,
bagaman ang kanyang kalikasan ay pagtataksil,
ngayon ay nauunawaan ko ang Iyong kalooban
na iligtas ang sangkatauhan.
Ako’y makikipagtulungan, makikipagtulungan sa Iyo.
Nagsusumamo ako sa Iyo na tustusan ako
ayon sa aking tayog,
upang aking mauunawaan ang Iyong kalooban
kahit gaano ako nagdurusa.
Hindi ako magrerebelde o magrereklamo,
Ikaw ay aking paluluguran.
Ako’y ganap na susunod, ako’y ganap na susunod.