菜單

Hul 30, 2020

Tungkulin ng isang Kristiyano: Apat na Pagsasagawa na Dapat Sundin ng Isang Kristiyano


Ni Hanxiao

Tayong mga mananampalataya sa Panginoon ay lahat gusto na matamo ang papuri ng Panginoon, ngunit, paano natin gagawin na mabigyang kasiyahan ang kalooban ng Panginoon? Sa katunayan, mayroong apat na mga bagay na tungkulin ng isang Kristiyano at saka ang apat na pinakamahalagang mga bagay na dapat gawin nating mga tagasunod ng Panginoon. Kapag ginawa natin ang mga iyon, maaari tayong makapagsagawa ng naaayon sa kalooban ng Panginoon. Ito ang mga ito: pagbabasa ng mga salita ng Diyos, pananalangin sa Diyos, paggawa ng ating mga tungkulin at pagsasagawa ng mga salita ng Diyos. Kasama sa ating buhay espirituwal ang pangunahing apat na mga aspetong ito. Kapag naisagawa natin ang mga ito sa ating pang araw-araw na buhay, makakamit natin ang mga kondisyon ng pagiging isang totoong Kristiyano. Tungkol dito sa apat na mga aspeto, magbabahagi ako ng kaunti ng aking personal na karanasan at pagkakaunawa.

Una, kailangan natin magbasa ng mga salita ng Diyos. Sabi ng mga salita ng Diyos, “

Ikalawa, dapat tayong manalangin sa Diyos. Sabi ng mga salita ng Diyos, “Ang panalangin ay isa sa mga paraan kung saan nakikipagtulungan ang tao sa Diyos, ito ay isang paraan kung paano tinatawag ng tao ang Diyos, at ito ang proseso kung paano ang tao ay inaantig ng Espiritu ng Diyos. Maaaring sabihin na yaong mga walang panalangin ay mga patay na walang espiritu, katibayan na kulang sila ng mga kakayahan upang antigin sila ng Diyos. Kung walang panalangin, hindi nagagawa ng mga tao na magtamo ng isang normal na espirituwal na buhay, lalong hindi nila nagagawang sundin ang gawain ng Banal na Espiritu; kung walang panalangin, pinuputol nila ang kanilang ugnayan sa Diyos, at mga walang kakayahan na tanggapin ang pagsang-ayon ng Diyos.” Mula sa mga salita ng Diyos makikita natin na ang panalangin ay isang mahalagang bahagi ng pagpapanatili ng ating normal na relasyon sa Diyos, at isa sa mga tungkulin ng isang Kristiyano. Kung gayon paano tayo dapat manalangin para matamo ang pagsang-ayon ng Diyos? Sa Juan 4:23–24 sinasabi na, “Datapuwa’t dumarating ang oras, at ngayon nga, na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan: sapagka’t hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa Kaniya. Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa Kaniya’y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan.” Mula sa mga salita ng Diyos makikita natin ang proseso ng pananalangin ay isa ring proseso ng pagsamba sa Diyos. Ngunit mayroong kondisyon: Kinakailangan natin sambahin ang Diyos sa espiritu at sa katotohanan. Kapag tayo ay umasa na ang ating mga panalangin ay maaaring aprubahan ng Panginoon, kailangan nating patahimikin ang ating mga puso bago manalangin, magkaroon ng isang payapang saloobin sa harapan ng Diyos, at isipin kung ano ang nais nating ipanalangin at kung paano natin dapat hanapin ang kalooban ng Diyos sa mga problema at paghihirap na ating kinakaharap. Bukod dito, ang kinakailangan nating maunawaan na di alintana kung malinaw ba nating nalalaman ang kalooban ng Diyos, kapag tayo ay nagdadasal, kailangan nating mapanatili ang isang pusong may paggalang sa Diyos, maging makatwiran sa salita, at sabihin kung ano ang nasa ating puso para sa Diyos, at sa halip na humiling lamang sa Kanya ng mga bagay-bagay, sinasambit ang mga bagay na paulit-ulit nang walang layon, inuulit ang parehong panalangin, at gumagawa ng mga walang kabuluhang pangako sa harapan ng Diyos nang hindi tinutupad ang mga ito. Bukod dito, kung minsan hindi natin nakukuha ang tugon ng Panginoon pagkatapos ng maraming mga panalangin at ang ating mga problema at mga paghihirap na hindi pa rin nalulutas, hindi dapat tayo magreklamo laban sa Diyos o mawala ang pananalig natin sa Kanya, sa halip ay dapat na unawain na ito ay maaaring naglalaman ng Kanyang intensyon sa loob, matutong maghintay, at magpatuloy na manalangin para hanapin ang Kanyang pagliliwanag at paggabay. Tanging sa ganitong paraan ng pagsasagawa, maaaring makamit ng ating panalangin ang epekto ng pagsamba sa Diyos.

Ikatlo, dapat nating isagawa ang ating mga tungkulin. Sabi ng mga salita ng Diyos, “Dapat mong gawin ang nararapat gawin ng tao, at isakatuparan ang iyong mga obligasyon, at tuparin ang iyong mga responsibilidad, at manangan sa iyong tungkulin. Yamang nananalig ka sa Diyos, dapat kang gumawa ng iyong kontribusyon sa gawain ng Diyos; kung hindi, hindi ka karapat-dapat na kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, at hindi ka karapat-dapat na manirahan sa sambahayan ng Diyos.” Nakatala sa Marcos 10:29–30, “Sinabi ni Jesus, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Walang taong nagiwan ng bahay, o mga kapatid na lalake, o mga kapatid na babae, o ina, o ama, o mga anak, o mga lupa, dahil sa akin, at dahil sa evangelio, Na hindi siya tatanggap ng tigisang daan ngayon sa panahong ito, ng mga bahay, at mga kapatid na lalake, at mga kapatid na babae, at mga ina, at mga anak, at mga lupa, kalakip ng mga paguusig; at sa sanglibutang darating ay ng walang hanggang buhay.” Ang mga salita ng Panginoon ay napakalinaw: Bilang isang Kristiyano, dapat nating gampanan lahat ang ating mga tungkulin para mabayaran ang pag-ibig ng Diyos—ito ay ang ating responsibilidad bilang Kanyang nilalang. Halimbawa, pag-aalay ng ating mga sarili para sa Panginoon, pagpapalaganap ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Panginoon, pagbibigay ng handog sa mga kapatid na yaong tunay na naniniwala sa Panginoon at pagpupusige ng katotohanan, pagbibigay suporta sa mga kapatid na mga naging negatibo at nanghihina ng may pagmamahal, pinangangasiwaan ang mga kapatid na yaong nagmula pa sa mga malayo para ipalaganap ang enbanghelyo, at iba pa. Ito ang mga bagay na dapat nating gawin. Gayunpaman, kung makakamit lamang natin ito, hindi ibig sabihin nito na tayo ay tunay na tumutupad sa ating mga tungkulin. Hindi dahil ito na hangga’t ginagawa natin ang mga bagay-bagay na ito, magagawa na nating bigyang kasiyahan ang kalooban ng Diyos. Ang tunay na pagganap sa ating mga tungkulin ay ang may kagustuhang ilaan ang ating mga sarili para sa Kanya, at ginagawa ang mga bagay lamang para bigyang kasiyahan ang kalooban ng Diyos, upang suklian ang Kanyang pagmamahal, nagmamalasakit tungkol sa Kanyang intensyon at minamahal Siya, nang walang kasamaan at mga motibo. Ito ay hindi lang para sa paggawa ng kasunduan sa Panginoon upang magkamit ng mga pagpapala o ng korona, ni para makamit ang papuri ng iba, paghanga, at mga kapurihan. Tanging kapag ginagawa natin ang ating mga tungkulin nang may ganitong kaisipan ay mapapasaya natin ang Panginoon. Kapag ang ating paglalaan ng ating mga sarili ay para lamang sa planong pansariling kapakanan at pagbibigay kasiyahan sa pansariling pagnanasa, ito ay hindi pagsunod sa mga salita ng Panginoon, at mas lalong hindi na pagsasagawa ng ating mga tungkulin. Sa halip, ito ay ang pagsasagawa ng kasamaan at hindi magkakamit ng papuri ng Diyos. Tulad ng sinabi ng Panginoong Jesus, “Marami ang mangagsasabi sa Akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa Iyong pangalan, at sa pangalan Mo’y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan Mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo’y ipahahayag Ko sa kanila, Kailan ma’y hindi Ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa Akin, kayong manggagawa ng katampalasanan” (Mateo 7:22–23). Malinaw, ang maluwag sa kalooban na pagsasagawa ng ating mga tungkulin ang ating responsibilidad bilang mga Kristiyano at kung magagawa natin ito ay direktang nauugnay sa mahalagang bagay sa kung makakapasok ba tayo sa kaharian ng langit.

Ikaapat, dapat natin isagawa ang katotohanan. Sabi ng mga salita ng Diyos, “Ang proseso ng paniniwala sa Diyos ay ang proseso ng inyong pagdanas sa Kanyang salita gayundin ang makamit Niya, o upang mas maging maliwanag, ang maniwala sa Diyos ay ang magkaroon ng kaalaman at pagkaunawa sa Kanyang salita at maranasan at isabuhay ang Kanyang salita; iyan ang katotohanan sa inyong pananampalataya sa Diyos.” Sinabi ng Panginoong Jesus, “Kung kayo’y magsisipanatili sa aking salita, kung magkagayo’y tunay nga kayong mga alagad ko” (Juan 8:31). Mula sa mga salita ng Diyos makikita natin na tanging sa pagsasagawa ng katotohanan maaari tayong magkaroon ng realidad sa paniniwala sa Diyos. Na ibig sabihin, hindi tayo dapat makuntento lamang sa pag-unawa sa mga salita ng Diyos, ngunit dapat ding ilagay ito sa pagsasagawa sa ating pang araw-araw na buhay. Ito ay isa sa mga tungkulin ng isang Kristiyano. Tanging sa paggawa nito na kikilalanin ng Diyos na tayo ay Kanyang mga mananampalataya. Ang Panginoong Jesus ay naghayag ng maraming mga katuruan, katulad ng kahilingan sa atin na mahalin Siya, sinasabi sa atin na magnilay at kilalanin ang ating mga sarili kapag tayo ay nakatagpo ng anumang bagay, itinuro sa atin kung paano patawarin ang iba at manalangin sa Panginoon, at marami pa. Itong mga bagay na ito ay ang lahat na kung ano ang dapat nating isagawa sa ating pang araw-araw na buhay at gawain. Isaalang-alang ang aspeto ng katotohanan sa pagpapatawad sa iba. Ito ay nakatala sa Biblia na nang si Pedro ay nagtanong sa Panginoon kung ilang beses niya dapat patawarin ang kanyang lalaking kapatid, sinabi ng Panginoong Jesus na, “Hindi Ko sinasabi sa iyo, Hanggang sa makapito; kundi, Hanggang sa makapitongpung pito” (Mateo 18:22). Dito, nakikita natin na hiniling sa atin ng Panginoong na patawarin ang iba bilang isang prinsipyo ng ating pakikipagsalamuha sa iba, at malayang patawarin sila ng maraming beses. Sa totoong buhay, kapag may sumasalungat sa ating mga pansariling kapakanan o nasaktan tayo, sa una madalas natin naisasagawa ang mga salita ng Panginoon at pinapatawad sila, ngunit hindi na kapag inulit-ulit na nilang gawin ang ganoong bagay sa atin. Sa ganitong panahon, dapat tayong lumapit sa harapan ng Diyos at pagnilayan ang ating sarili, at tanging sa ganito lamang matutuklasan natin na ang mga dahilan kung bakit hindi natin magawang patawarin ang iba ay dahil sa pinoprotektahan natin ang sarili nating dignidad, estado at pakinabang, at mapagtatanto natin kung gaano tayo kamakasarili at kasuklam-suklam. Sa gayon, magagawa nating isantabi ang ating kayabangan at pansariling kapakanan at magsagawa ng naaayon sa mga salita ng Panginoon. At kapag nanalangin tayo sa Panginoon tungkol dito, bibigyan Niya tayo ng pananampalataya at lakas, at magagawa natin na patawarin ang iba. Mula dito makikita natin na kapag tayo ay nagsasagawa ng mga salita ng Diyos, hindi natin dapat obserbahan lamang ang panlabas nitong bahagi, ngunit hanapin sa mga ito ang napapaloob na mga kahulugan at ang kalooban ng Panginoon na nakatago dito. Bukod pa dito, kapag tayo ay nabigo sa pagsasagawa ng mga salita ng Panginoon, dapat tayong lumapit sa harapan ng Panginoon at hilingin sa Kanya na bigyan tayo ng kalakasan ng loob para talikuran ang ating laman, at tanging sa ganito maaari nating maisagawa ang katotohanan. Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga salita ng Panginoon, ang ating relasyon sa Panginoon ay mas lalago pa, at mauunawaan pa natin ang Kanyang mga katuruan, mamumuhay ng may isang normal na katauhan, at lalago ng mabilis sa ating buhay. Tulad ng sabi ng mga salita ng Diyos, “Habang lalo ninyong isinasagawa ang salita ng Diyos, lalong mas mabilis na mamumukadkad ang inyong buhay; habang lalo ninyong isinasagawa ang salita ng Diyos, mas lalong magiging malinaw ang katotohanan. … Ang karamihan sa katotohanan na hindi ninyo naiintindihan ay palilinawin kapag isinasagawa ninyo ang salita ng Diyos.” Kaya, ang pagsasagawa ng katotohanan ay mahalaga.

Ang apat na pangunahing mga bagay na ito ang tungkulin ng isang Kristiyano. Kapag tayo ay nakatuon sa pagsasagawa ng mga ito at makapasok sa mga ito sa totoong buhay, ang ating mga gawa ay mas matatamo ang pagsang-ayon ng Panginoon nang mas higit pa. Kapag nabigo tayong panatilihin ang mga ito, hindi tayo karapat-dapat na tawaging isang Kristiyano, at mawawalan ng direksyon o layunin sa ating paniniwala, ni makagawa tayo ng mga pag-unlad sa kabila ng maraming taon ng pagsunod sa Diyos. Kaya, para maging matagumpay sa ating pananampalataya, kinakailangan nating maunawaan ang mga pangunahing mga bagay na ito.

Talababa:

a. Wala sa orihinal na teksto ang pariralang “sa talinghaga.”

___________________________