菜單

Ago 2, 2020

Pagkilala sa Diyos ang Landas tungo sa Pagkakaroon ng Takot sa Diyos at Pag-iwas sa Kasamaan


Panimula

Bawa’t isa sa inyo ay dapat magsuring muli ng inyong buhay-pananampalataya sa Diyos para makita kung, sa paghahabol sa Diyos, ay tunay na naunawaan mo, tunay na naintindihan, at tunay na nakilala mo ang Diyos, kung tunay na alam mo kung anong saloobin ang tinitiis ng Diyos sa iba’t ibang uri ng tao, at kung tunay na nauunawaan mo kung ano ang ginagawa ng Diyos sa iyo at ano ang pakahulugan ng Diyos sa bawa’t kilos mo.

Hul 30, 2020

Tungkulin ng isang Kristiyano: Apat na Pagsasagawa na Dapat Sundin ng Isang Kristiyano


Ni Hanxiao

Tayong mga mananampalataya sa Panginoon ay lahat gusto na matamo ang papuri ng Panginoon, ngunit, paano natin gagawin na mabigyang kasiyahan ang kalooban ng Panginoon? Sa katunayan, mayroong apat na mga bagay na tungkulin ng isang Kristiyano at saka ang apat na pinakamahalagang mga bagay na dapat gawin nating mga tagasunod ng Panginoon. Kapag ginawa natin ang mga iyon, maaari tayong makapagsagawa ng naaayon sa kalooban ng Panginoon. Ito ang mga ito: pagbabasa ng mga salita ng Diyos, pananalangin sa Diyos, paggawa ng ating mga tungkulin at pagsasagawa ng mga salita ng Diyos. Kasama sa ating buhay espirituwal ang pangunahing apat na mga aspetong ito. Kapag naisagawa natin ang mga ito sa ating pang araw-araw na buhay, makakamit natin ang mga kondisyon ng pagiging isang totoong Kristiyano. Tungkol dito sa apat na mga aspeto, magbabahagi ako ng kaunti ng aking personal na karanasan at pagkakaunawa.

Hul 28, 2020

Ano ang Alam Mo sa Pananampalataya?

Umiiral lamang sa tao ang hindi tiyak na salita ng pananampalataya, subalit hindi alam ng tao kung ano ang bumubuo sa pananampalataya, at lalo na kung bakit siya may pananampalataya. Masyadong maliit ang pang-unawa ng tao at ang tao mismo ay masyadong kulang; siya ay may pananampalataya lamang sa Akin nang wala sa isip at walang pagkaalam.

Hul 27, 2020

Handa Akong Magpasakop sa Gawain ng Diyos



I
O Diyos! Nawa’y gawin Mo ang Iyong gawain sa akin,
nawa’y gawin Mo akong perpekto at baguhin ako,
upang maaari kong sundin at malaman
ang mga kagustuhan Mo sa lahat ng bagay.
Ang Iyong dakilang pagmamahal
at kalooban ay nasa Iyong pagliligtas sa akin.
Kahit na ang tao ay lumalaban at siya ay naghihimagsik,
bagaman ang kanyang kalikasan ay pagtataksil,
ngayon ay nauunawaan ko ang Iyong kalooban
na iligtas ang sangkatauhan.
Ako’y makikipagtulungan, makikipagtulungan sa Iyo.
Nagsusumamo ako sa Iyo na tustusan ako
ayon sa aking tayog,
upang aking mauunawaan ang Iyong kalooban
kahit gaano ako nagdurusa.
Hindi ako magrerebelde o magrereklamo,
Ikaw ay aking paluluguran.
Ako’y ganap na susunod, ako’y ganap na susunod.

Hul 26, 2020

Mga Salita ng Diyos Ang Katotohanang Kailanma'y Di-nagbabago


I
Salita ng Diyos ay totoo, kailan ma’y ‘di magbabago
Diyos ang naglalaan sa buhay, tanging gabay
Halaga’t kahulugan ng Kanyang Salita, nababatid ng isip at diwa nila,
Kahit pa ‘di tanggapin o kilalanin.
Kahit pa walang taong tumanggap ng Salita N’ya,
kahalagaha’t pagtulong N’ya sa tao’y ‘di masusukat.
Salita ng Diyos ay totoo, kailan ma’y ‘di magbabago
Diyos ang naglalaan sa buhay, tanging gabay

Hul 25, 2020

Mga Tahimik Lamang sa Harap ng Diyos ang Nagtutuon sa Buhay


I
Yaong kayang tumahimik sa harap ng Diyos
ay yaong nakakalaya sa mga makamundong relasyon,
at maaaring magpasakop sa Diyos.
Sinumang di kayang tumahimik sa harap ng Diyos
ay mapagpalayaw at di mapigilan.
Oh, at lubos silang mapagpalayaw sa sarili.
Lahat ng kayang tumahimik sa harap ng Diyos
ay mga debotong nananabik sa Diyos.
Yaong kayang tumahimik sa harap ng Diyos
ay yaong may malasakit sa buhay
at nakikibahagi sa espiritu.
Yaong kayang tumahimik sa harap ng Diyos
ay yaong nauuhaw sa mga salita ng Diyos.
Sila ang naghahanap sa katotohanan.