Ang salitang “pahinga” ay literal na nangangahulugang mag-relaks sa kapayapaan; ipinahihiwatig din nito ang pagluluksa ng mga tao para sa mga patay. Sa Biblia, ang salitang “pahinga” ay lumilitaw nang dalawang daang beses. Kaya, ano nga ba ang kahulugan ng “pahinga” sa Biblia?
Ang salitang “pahinga” ay unang lumitaw sa Aklat ng Genesis 2:1-3: “At nayari ang langit at ang lupa, at ang lahat na natatanaw sa mga iyon. At nang ikapitong araw ay nayari ng Dios ang kaniyang gawang ginawa; at nagpahinga ng ikapitong araw sa madlang gawa niyang ginawa. At binasbasan ng Dios ang ikapitong araw at kaniyang ipinangilin, sapagka’t siyang ipinagpahinga ng Dios sa madlang gawang kaniyang nilikha at ginawa.” Alam ng lahat ng mga nagbabasa ng Biblia na nilikha ng Diyos na Jehova ang langit, lupa, dagat at lahat ng mga bagay sa kanila sa loob ng anim na araw, at sa ika-anim na araw ay nilalang Niya sina Adan at Eba sa Kanyang sariling larawan at ipinagkaloob sa kanila ang kapangyarihan ng pamamahala ng lahat ng bagay. Maaari silang makipag-usap sa Diyos at nanirahan sa isang maligayang buhay sa ilalim ng pag-aalaga at proteksyon ng Diyos. Iyon ang maginhawang buhay na mayroon ang sangkatauhan sa paninirahan sa Hardin ng Eden. Nang makita ng Diyos ang lahat ng Kanyang nilikha, ang Kanyang puso ay nagkamit ng kaginhawahan, kasiyahan at kaligayahan, at hininto Niya ang lahat ng Kanyang gawain at nagpahinga. Ito ay nagpapahiwatig na ang gawain ng paglikha ng Diyos ay dumating sa isang matagumpay na konklusyon. At ito ang kahulugan ng mga salitang “sapagka’t siyang ipinagpahinga ng Dios sa madlang gawang kaniyang nilikha at ginawa.”