Nakágáwâ na Ako ng maraming gawain sa kalagitnaan ninyo, at siyempre, nakágáwâ na rin ng ilang mga pagbigkas. Nguni’t hindi Ko mapipigilang maramdaman na hindi pa lubusang natutupad ng mga salita Ko at mga gawain Ko ang layunin ng Aking gawain sa mga huling araw. Dahil, sa mga huling araw, ang gawain Ko ay hindi alang-alang sa isang tao o grupo ng mga tao, kundi upang ipakita ang Aking likas na disposisyon. Gayunman, dahil sa hindi mabilang na kadahilanan—marahil sa kakulangan ng oras o masyadong abala sa trabaho—hindi na nagawa ng Aking disposisyon na makilala Ako ng tao kahit na katiting. Kaya nagpapatuloy Ako sa bago Kong plano, tungo sa pangwakas Kong gawain, para magbuklat ng isang bagong pahina sa Aking gawain upang ang lahat ng nakakakita sa Akin ay magsisisuntok sa kanilang dibdib at tatangis at mananaghoy nang walang tigil dahil sa Aking pag-iral. Ito ay dahil dinadala Ko ang katapusan ng sangkatauhan sa mundo, at mula sa puntong ito, inilalantad Ko ang Aking buong disposisyon sa harap ng sangkatauhan, upang ang lahat ng nakakakilala sa Akin at lahat ng hindi ay maaaring magpiyesta ang kanilang mga mata at makita na totoo ngang nakarating na Ako sa daigdig ng tao, dumating na sa lupa kung saan ang lahat ng bagay ay nagpaparami. Ito ang plano Ko, ito ang tangi Kong “pangungumpisal” mula nang likhain Ko ang sangkatauhan. Ninanais Ko na maiibigay sana ninyo ang buo ninyong pansin sa bawat galaw Ko, dahil minsan pang lumalapit ang Aking pamalo sa sangkatauhan, sa lahat ng sumasalungat sa Akin.
Hun 28, 2020
Hun 27, 2020
Magkaroon ng Normal na Relasyon sa Diyos para Maperpekto
I
Pag normal ang relasyon mo sa Diyos,
matatamo mo ang Kanyang pagpeperpekto,
at ang Kanyang pagdidisiplina at pagpipino
at pagpupungos sa ‘yo ay makakamit ang hangad na epekto.
Nagkakaroon ng lugar ang Diyos sa puso mo,
di mo hinahangad na makinabang o iniisip ang kinabukasan.
Ngunit dala mo ang pasanin ng pagpasok sa buhay,
nagpapailalim ka sa gawain ng Diyos
at naghahangad ng katotohanan.
Sa ganitong paraan,
ang mga pakay na hangad mo’y hindi mali,
at normal ang relasyon mo sa Kanya.
Ang unang hakbang sa pagpasok
sa espirituwal na paglalakbay ng tao
ay ayusin ang relasyon nila sa Diyos.
Bagama’t hawak Niya ang tadhana ng tao,
itinadhana at di na nila mababago,
ikaw ma’y mapeperpekto
o Kanyang matatamo
depende ‘yan sa kung normal o hindi
ang iyong relasyon sa Kanya.
Hun 26, 2020
Parabula ng Sampung Dalaga
1Kung magkagayon ay makakatulad ang kaharian ng langit ng sangpung dalaga, na kinuha ang kanilang mga ilawan, at nagsilabas upang salubungin ang kasintahang lalake.
Hun 25, 2020
Tanging Nakakakilala sa Diyos ang Maaaring Magkamit sa Diyos
Ⅰ
Kung gamitin mo'ng kaalaman
at mga natutunan mo na
sa pag-aaral ng Diyos,
'di mo makikilala't mauunawaan,
mauunawaan ang Diyos.
Kung gamitin mo'ng paraan ng
paghahanap ng katotohana't ng Diyos,
tingnan ang Diyos sa pananaw
ng pagkilala ng Diyos,
balang araw 'yong makikita:
Gawa at karunungan ng Diyos
nasa lahat ng dako.
'Yong mauunawaang Diyos ay Panginoon.
Panginoon ng lahat at bukal ng buhay,
ang bukal ng buhay para sa lahat.
Hun 24, 2020
Ang Panahong Nawala ay Hindi na Kailanman Darating Muli
Gumising, mga kapatid! Gumising, mga kapatid!
Ang araw ng Diyos ay 'di maaantala.
Ang oras ay buhay,
ang pagsunggab sa oras ay nagliligtas ng buhay.
Hindi malayo ang oras!
Kung kayo'y kumukuha ng eksamen nguni't hindi nakapasa,
maaari kayong muling sumubok at mag-aral nang mabuti.
Nguni't dapat ninyong malaman na ang araw ng Diyos
ay hindi maaantala.
Hun 23, 2020
Ano ang katotohanan? Ano ang kaalaman at doktrina sa Biblia?
“Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios.” “At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin, … na puspos ng biyaya at katotohanan” (Juan 1:1, 14).
“Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay” (Juan 14:6).
“Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo’y katotohanan” (Juan 17:17).
“At sinabi niya sa kanila, Mabuti ang pagkahula ni Isaias tungkol sa inyong mga mapagpaimbabaw, ayon sa nasusulat, Ang bayang ito’y iginagalang ako ng kaniyang mga labi, Datapuwa’t ang kanilang puso ay malayo sa akin. Datapuwa’t walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, Na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ng mga utos ng mga tao. Nilisan ninyo ang utos ng Dios, at inyong pinanghahawakan ang sali’t-saling sabi ng mga tao. At sinabi niya sa kanila, Totoong itinatakuwil ninyo ang utos ng Dios, upang mangaganap ninyo ang inyong mga sali’t-saling sabi. … Na niwawalang kabuluhan ang salita ng Dios ng inyong sali’t-saling sabi, na inyong itinuro: at nagsisigawa kayo ng iba pang maraming bagay na kawangis nito” (Marcos 7:6-9, 13).
Hun 22, 2020
Masaya kong Tinanggap ang Pagbabalik ng Panginoon
Sa Pamamagitan ng Pagkawala sa Gapos ng Usap-usapan at sa Aking mga Pagkaunawa, Masaya kong Tinanggap ang Pagbabalik ng Panginoon
Ni Hevy, Malaysia
Ang landas papasok sa kaharian ng langit ay puno ng lahat ng iba’t ibang kahirapan at mga hadlang. Kung wala tayong pagkilala sa mga usap-usapan, madali tayong malilinlang, at maliligaw sa tunay na daan. Ang ating sariling mga pagkaunawa at mga kathang-isip ay mga hadlang din sa daan ng pagkakamit ng kaalaman ukol sa Diyos. Kailangan nating umasa sa Diyos upang kumawala sa gapos ng usap-usapan at sa ating sariling mga pagkaunawa at makinig sa tinig ng Diyos upang matanggap ang pagbabalik ng Panginoon.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)