Sa Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang ihatid ang isang bagong kapanahunan, upang baguhin ang paraan ng Kanyang gawain, at upang gawin ang gawain para sa buong kapanahunan. Ito ang panuntunan ng paggawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita. Siya ay nagkatawang-tao upang magsalita mula sa iba’t ibang pananaw, binibigyang-kakayahan ang tao na tunay na makita ang Diyos, na Siyang Salita na nagpapakita sa katawang-tao, at ang Kanyang karunungan at pagiging nakamamangha. Ang ganoong gawain ay ginagawa upang mas makamit ang mga layunin ng paglupig sa tao, paggawang perpekto sa tao, at pag-aalis sa tao. Ito ang tunay na kahulugan ng paggamit sa salita upang gumawa sa Kapanahunan ng Salita. Sa pamamagitan ng salita, nalalaman ng tao ang gawain ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos, ang diwa ng tao, at kung ano ang kailangang pasukin ng tao. Sa pamamagitan ng salita, ang lahat ng gawain na nais isagawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita ay natutupad. Sa pamamagitan ng salita, nahahayag ang tao, naaalis at sinusubukan. Nakita ng tao ang salita, narinig ang salita, at nabuksan ang kamalayan patungkol sa pag-iral ng salita. Ang bunga nito, naniniwala ang tao sa pag-iral ng Diyos, naniniwala ang tao sa pagiging makapangyarihan sa lahat at sa karunungan ng Diyos, gayundin sa pagmamahal ng Diyos para sa tao at Kanyang pagnanais na iligtas ang tao. Bagaman ang salitang “salita” ay payak at karaniwan, ang salita mula sa bibig ng Diyos na nagkatawang-tao ay niyayanig ang buong sansinukob; binabago ng Kanyang salita ang puso ng tao, ang mga pagkaunawa at ang lumang disposisyon ng tao, at ang lumang anyo ng buong mundo. Sa pagdaan ng mga kapanahunan, tanging ang Diyos ng kasalukuyan ang gumagawa sa ganoong paraan, at Siya ang tanging nagsasalita at nagliligtas sa tao. Pagkatapos noon, namumuhay ang tao sa ilalim ng patnubay ng salita, inaakay at tinutustusan ng salita; sila ay namumuhay sa mundo ng salita, namumuhay sa gitna ng mga sumpa at mga pagpapala ng salita ng Diyos, at mas marami pang tao ang namumuhay sa ilalim ng paghatol at pagkastigo ng salita. Ang mga salita at gawaing ito ay para lahat sa kapakanan ng kaligtasan ng tao, pagkamit sa kalooban ng Diyos, at pagbabago sa orihinal na anyo ng mundo ng unang paglikha. Nilikha ng Diyos ang mundo sa pamamagitan ng salita, pinamumunuan ang mga tao sa buong sansinukob sa pamamagitan ng salita, nilulupig at inililigtas sila sa pamamagitan ng salita. Sa huli, gagamitin Niya ang salita upang dalhin ang buong lumang mundo sa katapusan. Doon lamang ganap na matatapos ang plano ng pamamahala. Sa buong Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang gawin ang Kanyang gawain at makamit ang mga bunga ng Kanyang gawain; hindi Siya gumagawa ng kababalaghan o nagsasagawa ng mga himala: ginagawa lamang Niya ang Kanyang mga gawain sa pamamagitan ng salita. Dahil sa salita, ang tao ay pinalulusog at tinutustusan; dahil sa salita, nagtatamo ang tao ng kaalaman at tunay na karanasan. Ang tao sa Kapanahunan ng Salita ay tunay na nakatanggap ng mga bukod-tanging pagpapala. Ang tao ay hindi nagdurusa ng sakit ng laman at nagtatamasa lamang ng masaganang tustos ng salita ng Diyos; hindi nila kailangang maghanap o maglakbay, at walang kahirap-hirap na nakikita nila ang anyo ng Diyos, naririnig nila Siyang nagsasalita gamit ang sarili Niyang bibig, natatanggap ang Kanyang panustos, at nakikita nila na ginagawa Niya ang Kanyang gawain nang personal. Ang tao sa mga nakaraang Kapanahunan ay hindi natamasa ang ganoong mga bagay, at ito ang mga pagpapala na hindi nila kailanman matatanggap.
Abr 27, 2020
Abr 26, 2020
Tanggapin ang Gawain ng Diyos sa mga Huling Araw Bago ang
Mga Sermon at Pagbabahagi: Tanggapin ang Gawain ng Diyos sa mga Huling Araw Bago ang Sakuna para Madala at Dumalo sa Piging Kasama ang Panginoon
Ngayon sa mga huling araw, nagpakita ang Diyos at nagsimulang gumawa, ibig sabihin, sinimulan na ng nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw; samakatuwid yaong mga makatatanggap ng gawain ng Makapangyarihang Diyos ang pinakamapapalad. Naririnig ito ng ilang relihiyosong tao at tinatanggihan ito, hindi nila kinikilala ang pahayag na ito, sinasabi nilang: “Ang Panginoong ang totoong Diyos, ang Panginoong Jesus ang Cristo. Hindi tayo kailangang maniwala sa Makapangyarihang Diyos upang makapasok sa kaharian ng langit.” Ganito bang mag-isip ang lahat ng relihiyosong tao? Umaayon ba ito sa mga layon ng Diyos? Hindi sinabi ng Panginoong Jesus kailanman na kung naniniwala kayo sa Kanya ay makakapasok kayo sa kaharian ng langit, hindi Niya sinabi iyon. Hindi Niya sinabi na kung tinatanggap ninyo ang gawaing mapantubos ay patatawarin Niya ang inyong mga kasalanan at papapasukin kayo sa kaharian ng langit. Ni hindi Niya sinabi na kung magiging tapat kayo sa pangalan ng Panginoong Jesus, ang tatlong salitang ito, makakapasok kayo sa kaharian ng langit. Hindi Niya sinabi iyon. Sinabi Niya na sa mga huling araw, lahat ng nakakarinig sa pagdating ng kasintahang lalake at tinatanggap siya at nakikisalo sa kanyang piging ang mapapalad. Dadalhin ang mga taong ito at magkakaroon ng pagkakataong makapasok sa kaharian ng langit. Matatanggap ng matatalinong dalaga ang pagbabalik ng Panginoon; hindi sasalubungin ng mga dalagang mangmang ang pagbabalik ng Panginoon. Ano ang kahihinatnan ng mga dalagang mangmang? Pababayaan sila at aalisin! Kaya, sa mga yaon na naniniwala sa Panginoon, ang matatalinong dalaga lamang ang makatatanggap sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, makakakilala sa tinig ng Diyos mula sa katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, at makakakita sa katiyakan ng pagbabalik ng Diyos. Ang ganitong uri ng mga tao, pinapatnubayan sila ng Panginoon. Maghahapunan sila kasama ang Panginoon, sa huli ay padadalisayin, ililigtas at dadalhin sa kaharian ng langit.
Abr 25, 2020
Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Tularan ang Panginoong Jesus"
Tagalog Christian Song With Lyrics | "Tularan ang Panginoong Jesus"
Tinapos ni Jesus ang misyon ng Diyos,
ang pagtubos sa lahat ng tao
sa paglalagak sa Diyos ng alalahanin N'ya,
nang walang pansariling layunin o plano.
Nakasentro Siya sa plano ng Diyos.
Sa Ama sa langit, S'ya'y nanalangin,
hinahanap ang kalooban Niya.
S'ya'y naghahanap at laging nananalangin.
Kung tulad ni Jesus isusuko n'yo ang lahat sa Diyos
Abr 24, 2020
Paano naaakay at natutustusan ng Diyos ang sangkatauhan hanggang ngayon?
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Nagsimula ang gawain ng pamamahala ng Diyos sa paglikha ng daigdig, at ang tao ay ang ubod ng gawaing ito. Ang paglikha ng Diyos sa lahat ng bagay, maaaring sabihin, ay para sa kapakanan ng tao. Dahil ang gawain ng Kanyang pamamahala ay umaabot sa libu-libong mga taon, at hindi ipinatutupad sa loob lamang ng ilang minuto o segundo, o kahit sa isang kisapmata, o higit sa isa o dalawang taon, kailangan Niyang likhain ang marami pang mga bagay na kailangan para sa pananatiling-buhay ng tao, tulad ng araw, buwan, lahat ng uri ng mga nilalang na nabubuhay, at pagkain at isang buhay na kapaligiran para sa sangkatauhan. Ito ang pinagsimulan ng pamamahala ng Diyos.
—mula sa “Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Abr 23, 2020
Ang Diwa ni Cristo ay Pagsunod sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan
Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinatawag na Cristo, at ang Cristo ay ang katawang pinasukan ng Espiritu ng Diyos. Ang katawang ito ay hindi katulad ng sinumang taong may katawan. Ang pagkakaibang ito ay dahil si Cristo ay hindi nagmula sa laman at dugo kundi pagkakatawang-tao ng Espiritu. Siya ay may kapwa normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Ang Kanyang pagka-Diyos ay hindi taglay ng sinumang tao. Ang Kanyang normal na katauhan ang sumusuporta sa lahat ng Kanyang normal na mga gawain sa katawang-tao, samantalang ang Kanyang pagka-Diyos ang nagsasakatuparan ng gawain ng Diyos Mismo. Maging ito man ang Kanyang pagkatao o pagka-Diyos, kapwa itong nagpapasakop sa kalooban ng Amang nasa langit. Ang diwa ni Cristo ay ang Espiritu, iyon ay, ang pagka-Diyos. Samakatuwid, ang Kanyang diwa ay yaong sa Diyos Mismo; ang diwa na ito ay hindi gagambala sa Kanyang sariling gawain, at hindi Siya posibleng makagawa ng anumang bagay na nakasisira sa Kanyang sariling gawain, ni hindi rin Siya bibigkas ng anumang mga salita na sumasalungat sa Kanyang sariling kalooban. Samakatuwid, ang nagkatawang-taong Diyos ay siguradong hindi kailanman gagawa ng kahit anong gawain na nakagagambala sa Kanyang sariling pamamahala. Ito ang dapat maintindihan ng lahat ng tao. Ang diwa ng gawain ng Banal na Espiritu ay upang iligtas ang tao at ito ay para sa kapakanan ng sariling pamamahala ng Diyos. Gayundin, ang gawain ni Cristo ay upang iligtas ang tao at ito ay alang-alang sa kalooban ng Diyos. Sapagka’t ang Diyos ay nagkatawang-tao, Kanyang napapaging-tunay ang Kanyang diwa sa loob ng Kanyang katawang-tao, sa gayon ang Kanyang katawang-tao ay sapat upang isagawa ang Kanyang gawain. Samakatuwid, lahat ng gawain ng Espiritu ng Diyos ay pinapalitan ng gawain ni Cristo sa loob ng panahon ng Kanyang pagkakatawang-tao, at ang kaibuturan ng lahat ng gawain sa buong panahon ng pagkakatawang-tao ay ang gawain ni Cristo. Ito ay hindi maaaring maihalo sa gawain mula sa kahit anong ibang kapanahunan. At mula nang nagkatawang-tao ang Diyos, Siya ay gumagawa sa pagkakakilanlan ng Kanyang katawang-tao; yamang Siya ay nagkatawang-tao, tinatapos din Niya sa katawang-tao ang gawain na dapat Niyang gawin. Maging ito man ay ang Espiritu ng Diyos o ito man ay si Cristo, Sila ay kapwa Diyos Mismo, at ginagawa Niya ang gawain na dapat Niyang gawin at ginagampanan ang ministeryong dapat Niyang gampanan.
Abr 22, 2020
Tagalog Crosstalk | “Paghatol ng mga Huling Araw”
Sinabi ng Panginoong Jesus, “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan” (Juan 16:12–13). At nasusulat sa 1 Pedro 4:17: “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Diyos.” Ipinopropesiya ng lahat ng banal na kasulatang ito na darating ang Panginoon sa mga huling araw upang ipahayag ang katotohanan at gawin ang gawain ng paghatol sa gitna ng mga naniniwala sa Kanya. Gayon pa man, marami sa ating mga kapatid sa pananampalataya ang naniniwalang dahil sa sumasampalataya sila sa Panginoon, pinatawad na ang kanilang mga kasalanan, na hindi na nila kailangang tanggapin ang paghatol ng Diyos, at pagdating ng Panginoon direkta silang dadalhin sa kaharian ng langit. Alinsunod ba sa mga salita ng Diyos ang ganitong pagkaunawa? Talaga bang ang paniniwala sa Panginoon at pagkakapatawad sa kasalanan ng tao ang magpapapasok sa kanya sa kaharian ng langit? Ano ba ang eksaktong nasasangkot sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw? Ano ang kinalaman noon sa pagdadala sa tao sa kaharian ng langit? Ang crosstalk na Paghatol ng mga Huling Araw ang magbubunyag sa iyo ng mga kasagutan.
————————————————————————————
Ang mga sakuna ay madalas na nagaganap. Ang mga senyales ng paghuhukom ay naglitawan. Kaya paano tayo mara-rapture bago ang malaking kapighatian? Basahin na ngayon upang makuha ang sagot.
Abr 21, 2020
Clip ng Pelikulang Lumabas Sa Biblia (2) "Makapagtatamo ba Tayo ng Buhay na Walang Hanggan sa Pagkapit sa Biblia?"
Sa mga huling araw, ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawain at inihahatid ang daan tungo sa buhay na walang hanggan, at sa magtatamo lang tayo ng buhay na walang hanggan sa pagtanggap sa katotohanang ipinahayag ni Cristo sa mga huling araw. Subalit sinasabi ng mga pastor at elder ng mga relihiyon na ang buhay ay nasa loob ng Biblia, at na basta’t sumusunod tayo sa Biblia magtatamo tayo ng buhay na walang hanggan. Ang Biblia ba ang may buhay na walang hanggan, o si Cristo? Noong ginagawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain, ayaw tanggapin ng mga Fariseo ang pagliligtas ng Panginoon base sa pagdadahilan na ang buhay na walang hanggan ay nasa loob ng Biblia, sa gayon ay pinagalitan ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo, at sinabi, “Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo’y magkaroon ng buhay” (Juan 5:39-40). Maaari bang katawanin ng Biblia ang pagkakaloob ng Diyos ng buhay sa atin? Maaari ba talaga tayong magtamo ng buhay na walang hanggan sa pagkapit sa Biblia? Sama-sama nating tatalakayin sa videong ito ang mga tanong na ito.
————————————————————————
Magrekomenda nang higit pa: mga tanong tungkol sa pananampalataya sa Diyos
————————————————————————
Magrekomenda nang higit pa: mga tanong tungkol sa pananampalataya sa Diyos
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)