菜單

Abr 24, 2020

Paano naaakay at natutustusan ng Diyos ang sangkatauhan hanggang ngayon?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Nagsimula ang gawain ng pamamahala ng Diyos sa paglikha ng daigdig, at ang tao ay ang ubod ng gawaing ito. Ang paglikha ng Diyos sa lahat ng bagay, maaaring sabihin, ay para sa kapakanan ng tao. Dahil ang gawain ng Kanyang pamamahala ay umaabot sa libu-libong mga taon, at hindi ipinatutupad sa loob lamang ng ilang minuto o segundo, o kahit sa isang kisapmata, o higit sa isa o dalawang taon, kailangan Niyang likhain ang marami pang mga bagay na kailangan para sa pananatiling-buhay ng tao, tulad ng araw, buwan, lahat ng uri ng mga nilalang na nabubuhay, at pagkain at isang buhay na kapaligiran para sa sangkatauhan. Ito ang pinagsimulan ng pamamahala ng Diyos.

—mula sa “Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Anong gawain ang ginawa ng Diyos upang ipamahagi ang mga lahi? Una, Siya ay naghanda ng mas malaking kapaligirang pangheograpiya, naglalaan ng iba’t ibang lokasyon para sa mga tao, at sa gayon maraming salinlahi ang nabubuhay doon. Maayos na ito—maayos na ang saklaw para mabuhay sila. At ang kanilang mga buhay, kung ano ang kakainin, kung ano ang iinumin, kanilang mga kabuhayan—matagal nang isinaayos ng Diyos ang lahat ng iyon. At nang nilikha ng Diyos ang lahat ng nilalang, gumawa Siya ng iba’t ibang paghahanda para sa iba’t ibang uri ng mga tao: May iba’t ibang kayarian ng lupa, iba’t ibang klima, iba’t ibang halaman, at iba’t ibang pangheograpiyang kapaligiran. Ang iba’t ibang lugar ay mayroon pang iba’t ibang ibon at hayop, ang iba’t ibang tubig ay may sari-saring uri ng isda at mga pantubig na mga produkto, at maging ang mga uri ng mga insekto ay Diyos ang nagpasiya. … Ang mga pagkakaiba sa iba’t ibang aspetong ito ay maaaring hindi makita o mahalata ng mga tao, ngunit nang nililikha ng Diyos ang lahat ng nilalang, Kanyang inilarawan ang mga ito at naghanda ng iba’t ibang pangheograpiyang kapaligiran, iba’t ibang kalupaan, at iba’t ibang nabubuhay na bagay para sa iba’t ibang lahi. Iyan ay sapagkat nilikha ng Diyos ang iba’t ibang uri ng tao at nalalaman Niya ang mga pangangailangan ng bawat isa sa kanila at kung ano ang kanilang mga uri ng pamumuhay.

—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ano ang mga pangunahing kondisyon para sa iba’t ibang paraan ng pamumuhay ng tao na ito? Hindi ba sila nangangailangan ng pangunahing pagpapanatili ng kanilang mga kapaligiran para mabuhay? Iyon ay upang sabihin, kung maiwawala ng mga mangangaso ang mga kagubatan sa bundok o ang mga ibon at ang mga hayop, hindi na sila magkakaroon ng kabuhayan. Kaya kung mawawala ng mga tao na nabubuhay dahil sa pangangaso ang mga kagubatan sa bundok at wala na ang mga ibon at ang mga hayop, kung sila ay mawawalan na ng pinagkukunan ng kanilang ikabubuhay, sa gayon ang direksyon kung saan tutungo ang gayong uri ng pagiging katutubo at kung saan patutungo ang gayong uri ng mga tao ay isang di-batid na kalagayan at maaari pa silang maglaho na lamang. At saan umaasa yaong mga nagpapastol para sa kanilang ikabubuhay? Ang tunay na sinasandigan nila ay hindi ang kanilang mga alagang hayop, kundi ang kapaligiran kung saan nabubuhay ang kanilang mga alagang hayop—ang mga damuhan. Kung wala ang mga damuhan, saan nila ipapastol ang kanilang mga alagang hayop? Ano ang kakainin ng mga baka at tupa? Kung wala ang mga hayop, ang mga lagalag na tao ay hindi magkakaroon ng kabuhayan. Kung walang pinagkukunan para sa kanilang kabuhayan, saan patutungo ang mga ganitong tao? Ang patuloy na mabuhay ay magiging napakahirap; wala silang magiging kinabukasan. Kung walang mga pinagmumulan ng tubig, ang mga ilog at mga lawa ay mangatutuyo. Iiral pa kaya ang lahat ng isda na umaasa sa tubig para sa kanilang mga buhay? Ang mga isdang yaon ay hindi na iiral. Ang mga tao ba na umaasa sa tubig at isda para sa kanilang ikabubuhay ay patuloy pang mabubuhay? Kung wala silang pagkain, kung wala silang pinagkukunan ng kanilang mga ikabubuhay, ang mga taong yaon ay hindi na makapagpapatuloy na mabuhay. Iyon ay, sa sandaling magkaroon ng suliranin sa kanilang mga kabuhayan o kakayahan para mabuhay, ang mga lahing yaon ay hindi na makapagpapatuloy pa, at maaari silang maglaho, mabura sa mundo. At kung mawala ng mga nagsasaka para sa kanilang ikabubuhay ang kanilang lupa, kung hindi na sila makapagtatanim ng mga bagay at hindi nila makukuha ang kanilang pagkain mula sa iba’t ibang halaman, ano ang magiging kalalabasan? Kung walang pagkain, hindi ba mamamatay sa gutom ang mga tao? Kapag ang mga tao ay namatay sa gutom, hindi ba mabubura ang gayong uri ng tao? Kaya ito ang layunin ng Diyos sa pagpapanatili ng iba’t ibang kapaligiran. May isang layunin lamang ang Diyos sa pagpapanatili ng iba’t ibang kapaligiran at ekosistema, pagpapanatili ng iba’t ibang nabubuhay na nilalang sa loob ng bawat kapaligiran—ito ay upang pangalagaan ang lahat ng uri ng mga tao, upang pangalagaan ang mga tao na may mga buhay sa iba’t ibang kapaligirang pangheograpiya. Kapag naiwala ng lahat ng nilalang ang kanilang sariling mga kautusan, hindi na sila iiral pa; kapag ang mga kautusan ng lahat ng nilalang ay nawala, kung gayon ang mga buhay na nilalang sa gitna ng lahat ng nilalang ay hindi na makapagpapatuloy pa. Mawawala din ng mga tao ang kanilang mga kapaligiran para mabuhay na kanilang inaasahan para mabuhay. Kapag naiwala ng mga tao ang lahat ng iyon, hindi na sila makapagpapatuloy na mabuhay at magparami sa bawat henerasyon. Ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nabubuhay ang mga tao ay sapagka’t tinutustusan ng Diyos ang sangkatauhan ng lahat ng nilalang upang pangalagaan sila, upang pangalagaan ang sangkatauhan sa iba’t ibang kaparaanan. Ito ay dahil lamang sa pinangangalagaan ng Diyos ang sangkatauhan kaya sila ay nabubuhay hanggang sa ngayon, kaya sila nabuhay hanggang sa kasalukuyang araw.

—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Nilikha ni Jehova ang sangkatauhan, iyon ay upang sabihin na nilikha Niya ang mga ninuno ng sangkatauhan: Si Eva at Adan. Nguni’t hindi Niya ipinagkaloob sa kanila ang karagdagang talino at karunungan. Bagama’t sila ay naninirahan na sa lupa, halos wala silang anumang nauunawaan. At kaya, ang gawain ni Jehova sa paglikha sa sangkatauhan ay nangalahati lamang. Hindi ito tapos sa anumang paraan. Hinubog lamang Niya ang isang modelo ng tao mula sa putik at binigyan Niya ito ng hininga, nguni’t hindi ipinagkaloob sa tao ang sapat na kahandaan upang igalang Siya. Sa pasimula, ang tao ay walang balak na igalang Siya, o matakot sa Kanya. Ang alam lamang ng tao ay ang makinig sa Kanyang mga salita nguni’t mangmang sa pangunahing kaalaman para sa buhay sa lupa at sa mga wastong patakaran sa buhay. At kaya, bagama’t nilikha ni Jehova ang lalaki at babae at tinapos ang pitong araw ng proyekto, hindi Niya natapos likhain ang tao sa anumang paraan, sapagka’t ang tao ay isa lamang ipa, at walang realidad ng pagiging tao. Ang alam lamang ng tao ay si Jehova ang lumikha sa sangkatauhan, nguni’t walang kamalayan ang tao kung paano sumunod sa mga salita at mga batas ni Jehova. At kaya, pagkatapos ng paglikha sa sangkatauhan, ang gawain ni Jehova ay matagal pa bago magtapos. Kinailangan pa Niyang lubusang gabayan ang sangkatauhan na lumapit sa harap Niya, upang magawa nilang mamuhay nang magkakasama sa lupa at igalang Siya, at upang magawa nila, sa tulong ng Kanyang paggabay, na makapasok sa tamang landas ng isang normal na buhay ng tao sa lupa. Sa gayon lamang ganap na nabuo ang gawain na pangunahing isinagawa sa ilalim ng pangalan ni Jehova; iyon ay, sa gayon lamang ganap na natapos ang gawain ni Jehova sa paglikha sa mundo. At kaya, yamang nilikha Niya ang sangkatauhan, kinailangan Niyang gabayan ang buhay ng sangkatauhan sa lupa sa loob ng ilang libong taon, upang magawang sumunod ng sangkatauhan sa Kanyang mga kautusan at mga batas, at makibahagi sa lahat ng gawain ng isang normal na buhay ng tao sa lupa. Sa gayon lamang ganap na natapos ang gawain ni Jehova.

—mula sa “Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Matapos ang gawain ni Jehova sa Kapanahunan ng Kautusan, sinimulan ng Diyos ang Kanyang bagong gawain ng ikalawang yugto: pag-aanyo sa katawang-tao—pagkakatawang tao sa sampu, dalawampung taon—at pagsasalita at paggawa ng Kanyang gawain sa gitna ng mga mananampalataya. Gayunman nang walang pagbubukod, walang nakaalam, at tanging maliit na bilang ng mga tao ang kumilala na Siya ay Diyos na nagkatawang-tao matapos na ang Panginoong Jesus ay ipinako sa krus at muling nabuhay. … Sa sandaling ang pangalawang yugto ng gawain ng Diyos ay natapos—matapos ang pagkapako sa krus—ang gawain ng Diyos ng pagbawi sa tao mula sa kasalanan (na ang ibig sabihin, pagbawi ng tao mula sa mga kamay ni Satanas) ay natupad. At kaya, mula sa sandaling iyon, kailangan lamang tanggapin ng sangkatauhan ang Panginoong Jesus bilang Tagapagligtas para ang kanyang mga kasalanan ay mapatawad. Sa pagbigkas lamang, ang mga kasalanan ng tao ay hindi na hadlang sa kanyang pagkamit ng kaligtasan at paglapit sa harap ng Diyos at hindi na batayan ng pag-usig ni Satanas sa tao. Iyon ay dahil ang Diyos Mismo ay nagsagawa na ng tunay na gawain, naging ang wangis at patikim ng makasalanang laman, at ang Diyos Mismo ang naging handog para sa kasalanan. Sa ganitong paraan, ang tao ay bumaba mula sa krus, na tinutubos at inililigtas dahil sa katawang-tao ng Diyos, ang wangis nitong makasalanang laman. At kaya, matapos na mabihag ni Satanas, ang tao ay nakarating ng isang hakbang papalapit sa pagtanggap ng kaligtasan sa harap ng Diyos. Mangyari pa, ang yugtong ito ng gawain ay ang pamamahala ng Diyos na isang hakbang mula sa Kapanahunan ng Kautusan, at isang mas malalim na antas kaysa Kapanahunan ng Kautusan.

…………

At pagkatapos ay dumating ang Kapanahunan ng Kaharian, na siyang mas praktikal na yugto ng gawain at gayunman ay ang pinakamahirap din para sa tao na tanggapin. Iyon ay dahil habang mas napapalapit ang tao sa Diyos, mas napapalapit ang tungkod ng Diyos sa tao, at mas malinaw na nakikita ang mukha ng Diyos sa harap ng tao. Kasunod ng pagtubos sa sangkatauhan, ang tao ay opisyal na bumabalik sa pamilya ng Diyos. Akala ng tao ay ngayon ang oras para sa kasiyahan, nguni’t siya ay isinasailalim sa isang harap-harapang paglusob ng Diyos, na ang mga katulad ay hindi pa nakini-kinita ng sinuman. Ang kinalalabasan nito, ito ay isang bautismo na dapat “ikasiya” ng mga tao ng Diyos. Sa ilalim ng nasabing pagtrato, ang mga tao ay walang pagpipilian kung hindi huminto at isipin ang kanilang mga sarili, ako ang tupa, na nawala nang maraming taon, na pinaggugulan ng Diyos nang labis upang maibalik, nguni’t bakit ganito ako itinuturing ng Diyos? Ito ba ang paraan ng Diyos ng pagtawa sa akin, at paghahayag sa akin? … Pagkaraan ng ilang taon, ang tao ay nabugbog na ng panahon, naranasan ang paghihirap ng pagpipino at pagkastigo. Kahit naiwala na ng tao ang “kaluwalhatian” at “pag-iibigan” ng mga panahong nakalipas, hindi-namamalayang nakarating na siya sa pagkaunawa sa katotohanan ng pagiging isang tao, at nagkaroon ng pagpapahalaga sa ilang taon ng panata ng Diyos sa pagliligtas ng sangkatauhan. Ang tao ay marahang nagsisimulang masuklam sa kanyang sariling kagaspangan. Sinisimulan niyang kamuhian ang kanyang kabangisan, at lahat ng hindi-pagkaunawa sa Diyos, at ang mga wala-sa-katwirang kahilingan na nagawa na niya sa Kanya. Hindi maibabalik ang panahon; ang mga nakaraang kaganapan ay nagiging malungkot na mga alaala ng tao, at ang mga salita at pag-ibig ng Diyos ay nagiging puwersang magdadala sa bagong buhay ng tao. Ang mga sugat ng tao ay naghihilom araw-araw, ang kanyang kalakasan ay nanunumbalik, at siya ay tumatayo at tumitingin sa mukha ng Makapangyarihan sa lahat … upang matuklasan lamang na Siya ay palaging nasa aking tabi, at ang Kanyang ngiti at ang Kanyang magandang mukha ay lubhang nakapupukaw pa rin. Ang Kanyang puso ay nagtataglay pa rin ng malasakit para sa sangkatauhan na Kanyang nilikha, at ang Kanyang mga kamay ay kasing init pa rin at makapangyarihan tulad ng sa simula. Para bang ang tao ay bumalik sa Hardin ng Eden, nguni’t sa sandaling ito ang tao ay hindi na nakikinig sa mga pang-aakit ng ahas, hindi na tumatalikod palayo sa mukha ni Jehova. Ang tao ay lumuluhod sa harapan ng Diyos, tumitingala sa nakangiting mukha ng Diyos, at iniaalok ang kanyang pinakamahalagang sakripisyo—O! Aking Panginoon, aking Diyos!

—mula sa “Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Simula noong nagkaroon ng pamamahala ng Diyos, lagi na Siyang nakatalagang lubos sa pagsasagawa ng Kanyang gawain. Sa kabila ng pagtatakip ng Kanyang persona mula sa kanila, palagi lang Siyang nasa tabi ng tao, gumagawa sa kanila, nagpapahayag ng Kanyang disposisyon, ginagabayan ang lahat ng sangkatauhan sa pamamagitan ng Kanyang diwa, at ginagawa ang Kanyang gawain sa bawat isang tao gamit ang Kanyang kalakasan, ang Kanyang karunungan, at ang Kanyang awtoridad, at sa ganoon ay nilikha Niya ang Kapanahunan ng Kautusan, ang Kapanahunan ng Biyaya, at sa ngayon ang Kapanahunan ng Kaharian. Bagama’t itinatago ng Diyos ang Kanyang persona mula sa tao, ang Kanyang disposisyon, kung ano Siya at kung anong mayroon Siya, at ang Kanyang kalooban sa sangkatauhan, ay walang pangingiming ipinahahayag sa tao upang makita at maranasan ng tao. Sa madaling salita, kahit hindi makita o mahipo ng mga tao ang Diyos, ang disposisyon at diwa ng Diyos na napapakitunguhan ng sangkatauhan ay totoong mga pagpapahayag ng Mismong Diyos. Hindi ba iyan ang katotohanan? Sa anumang paraan o mula sa anumang anggulo na gawin ng Diyos ang Kanyang gawain, lagi Niyang trinatrato ang mga tao na ayon sa Kanyang totoong pagkakakilanlan, ginagawa ang dapat Niyang gawin at sinasabi ang dapat Niyang sabihin. Mula sa anumang katayuan mangusap ang Diyos—maaaring nakatayo Siya sa ikatlong kalangitan, o nakatayo sa katawang-tao, o kahit bilang isang karaniwang tao—lagi Siyang nangungusap sa tao nang buong puso at sa Kanyang buong kaisipan, nang walang pandaraya o pagkukubli. Kapag ginagawa Niya ang Kanyang gawain, ipinahahayag ng Diyos ang Kanyang salita at ang Kanyang disposisyon, at ipinahahayag kung anong mayroon at kung ano ang Diyos, nang walang anumang pangingimi. Ginagabayan Niya ang sangkatauhan sa pamamagitan ng Kanyang buhay, at kung ano Siya at kung anong mayroon Siya.

—mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Kapag sinimulan Niyang gumawa sa isang tao, kapag napili Niya ang isang tao, hindi Niya ito ipinahahayag kaninuman, ni ipinahahayag Niya ito kay Satanas, lalong hindi gagawa ng anumang kahanga-hangang pagpapahayag. Ginagawa lamang Niya nang napakatahimik, nang napakasimple kung ano ang kinakailangan. Una, pumipili Siya ng pamilya para sa iyo; anong uri ng karanasan mayroon ang pamilya, sinu-sino ang iyong mga magulang, sinu-sino ang iyong mga ninuno—ang lahat ng ito ay napagpasyahan na ng Diyos. Sa madaling salita, ang mga pagpapasyang ito na ginawa Niya ay hindi padalus-dalos, sa halip ito ay isang gawain na nasimulan na matagal na panahon na ang nakalilipas. Sa sandaling nakapili na ang Diyos ng isang pamilya para sa iyo, pinipili rin Niya ang petsa kung kailan ka isisilang. Sa kasalukuyan, pinanonood ka ng Diyos habang ikaw ay ipinanganganak na umiiyak sa mundo, pinapanood ang iyong pagsilang, pinapanood habang binibigkas mo ng iyong unang mga salita, pinanonood kang nadadapa-dapa sa iyong unang mga hakbang, pinag-aaralan kung paano lumakad. Una humahakbang ka ng isa at pagkatapos ng isa pa … ngayon ay makatatakbo ka na, ngayon makatatalon ka na, ngayon makakapagsalita ka na, ngayon makakapagpahayag ka na ng iyong mga damdamin. Habang lumalaki ang tao, ang mga titig ni Satanas ay nakatuon sa bawat isa sa kanila, kagaya ng isang tigreng pinagmamasdan ang bibiktimahin nito. Subali’t sa paggawa ng Kanyang gawain, ang Diyos ay hindi kailanman dumanas ng anumang mga limitasyon ng mga tao, mga pangyayari o mga bagay, ng espasyo o panahon; ginagawa Niya kung ano ang kailangan Niyang gawin at ginagawa kung ano ang dapat Niyang gawin. Sa proseso ng paglaki, maaaring masagupa mo ang maraming bagay na hindi mo nagugustuhan, masasagupa mo ang mga karamdaman at mga kabiguan. Subali’t habang lumalakad ka sa daang ito, ang iyong buhay at ang iyong kinabukasan ay nasa ilalim ng mahigpit na pangangalaga ng Diyos. Binibigyan ka ng Diyos ng isang tunay na garantiya na magtatagal sa buong buhay mo, sapagkat Siya ay nasa tabi mo, binabantayan ka at inaalagaan ka. Hindi mo namamalayan ito, ikaw ay lumalaki. Nagsisimula kang makipag-ugnayan sa bagong mga bagay at nagsisimulang kilalanin ang mundong ito at ang sangkatauhang ito. Ang lahat ay sariwa at bago sa iyo. Gusto mong gawin kung ano ang gusto mo. Namumuhay ka sa loob ng iyong sariling pagkatao, namumuhay sa loob ng iyong sariling tinitirhang espasyo at wala ka ni katiting na pagkaintindi tungkol sa pag-iral ng Diyos. Subali’t pinanonood ka ng Diyos sa bawat pagkakataon habang lumalaki ka, at pinanonood ka habang ikaw ay humahakbang pasulong. Kahit kapag ikaw ay natututo ng kaalaman, o nag-aaral ng siyensiya, kahit isang hakbang hindi kailanman umalis ang Diyos sa iyong tabi. Kapareho mo lang ang ibang tao na, sa kalagitnaan ng pagkilala at pakikipag-ugnayan sa mundo, naitatag mo ang sarili mong mga mithiin, taglay mo ang sarili mong mga libangan, sarili mong mga interes, at nagkikimkim ka rin ng matatayog na ambisyon. Madalas mong pagnilayan ang sarili mong kinabukasan, kadalasang iginuguhit ang balangkas kung paano dapat ang hitsura ng iyong kinabukasan. Subali’t anuman ang mangyari sa paglalakbay, malinaw na nakikita ng Diyos ang lahat. Marahil ikaw mismo ay nakalimot na sa iyong sariling nakaraan, subali’t sa Diyos, walang sinuman ang makauunawa sa iyo nang mas mainam kaysa sa Kanya. Nabubuhay ka sa ilalim ng pagbabantay ng Diyos, lumalaki, nagkakagulang. … Mula sa panahon nang ikaw ay ipinanganak hanggang sa kasalukuyan, isinagawa ng Diyos ang maraming gawain para sa iyo, subali’t hindi ka Niya binibigyan ng detalyadong ulat ng lahat ng bagay na ginawa Niya. Hindi ipinahintulot ng Diyos na malaman mo, at hindi Niya sinabi sa iyo. Gayunpaman, sa tao, ang lahat ng Kanyang ginagawa ay mahalaga. Sa Diyos, ito ay bagay na dapat Niyang gawin. Mayroong isang mahalagang bagay sa puso Niya na kinakailangan Niyang gawin na lubhang nakahihigit sa anumang mga bagay na ito. Iyon ay, mula sa panahong ipinanganak ang tao hanggang sa kasalukuyan, dapat magarantiyahan ng Diyos ang kaligtasan nila. Pagkarinig sa mga salitang ito, nadarama ninyo marahil na parang hindi ninyo ganap na nauunawaan, sinasabing “Ang kaligtasan bang ito ay napakahalaga?” Kaya ano ang literal na kahulugan ng “kaligtasan”? Marahil nauunawaan ninyong nangangahulugan ito ng kapayapaan o marahil nauunawaan ninyong nangangahulugan ito ng hindi pagdanas kailanman ng anumang sakuna o kalamidad, ang mamuhay nang mabuti, ang mamuhay ng isang normal na buhay. Subali’t dapat ninyong malaman sa inyong mga puso na hindi ganoon kasimple iyon. Kaya ano ba talaga ang bagay na ito na tinutukoy Ko, na dapat gawin ng Diyos? Ano ang kahulugan para sa Diyos ng kaligtasan? Ito ba talaga ay garantiya ng inyong kaligtasan? Hindi. Kaya ano ang ginagawang ito ng Diyos? Ang kaligtasang ito ay nangangahulugan na hindi ka nilamon ni Satanas. Ito ba ay mahalaga? Hindi ka nilamon ni Satanas, kaya ito ba ay may kinalaman sa iyong kaligtasan, o wala? Ito ay may kinalaman sa iyong personal na kaligtasan, at walang maaaring anumang bagay ang higit na mas mahalaga. Sa sandaling lamunin ka ni Satanas, ang iyong kaluluwa ni ang iyong laman ay hindi na nabibilang sa Diyos. Hindi ka na ililigtas ng Diyos. Tinatalikuran ng Diyos ang mga kaluluwang ganoon at tinatalikuran ang mga taong tulad ng ganoon. Kaya sinasabi Ko na ang pinakamahalagang bagay na ginagawa ng Diyos ay ang garantiyahan ang iyong kaligtasan, ang garantiyahan na hindi ka lalamunin ni Satanas. Ito ay napakahalaga, hindi ba? Kaya bakit hindi kayo makasagot? Tila hindi ninyo mararamdaman ang dakilang kabutihan ng Diyos!
________________________________________

Ang Salita ng Diyos ay buhay at mabisa. Narito ang mga piling teksto, mga audio, at mga video ng salita ng Diyos tungkol sa buhay upang matulungan kang matamo ang buhay mula sa Diyos.

________________________________________

Mas marami pang ginagawa ang Diyos maliban sa paggarantiya sa kaligtasan ng mga tao, paggarantiya na hindi sila malalamon ni Satanas; marami rin Siyang ginagawa sa paghahanda para sa pagpili sa isang tao at para sa pagliligtas sa kanila. Una, anong uri ng pagkatao mayroon ka, sa anong uri ng pamilya ka ipapanganak, sinu-sino ang magiging mga magulang mo, ilang magkakapatid kayo, at ano ang sitwasyon, katayuang pangkabuhayan, at mga kondisyon ng pamilya kung saan ka ipinanganak—ang lahat ng ito ay buong-ingat na isinaayos para sa iyo ng Diyos. … Kung hindi susuriing mabuti, tila ang Diyos ay walang nagawang nakayayanig para sa tao; ginagawa lamang Niya ang lahat ng bagay nang palihim, nang mapagpakumbaba at nang tahimik. Subali’t sa katunayan, ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay ginagawa upang maglatag ng isang saligan para sa iyong kaligtasan, upang ihanda ang daang tatahakin at ihanda ang lahat ng kinakailangang mga kondisyon para sa iyong kaligtasan. Kaagad-agad sa itinakdang oras sa bawat tao, ibinabalik sila ng Diyos sa harapan Niya—kapag dumating na ang oras para dinggin mo ang tinig ng Diyos, iyon ang oras na lalapit ka sa harapan Niya. Sa oras na mangyari ito, ang ilang tao ay naging magulang na rin mismo, samantalang ang iba ay anak lang ng iba. Sa madaling salita, may ilang tao ang nakapag-asawa at nagkaanak samantalang ang iba ay nanatiling nag-iisa pa rin, hindi pa nakapagsisimula ng kanilang sariling mga pamilya. Subali’t maging anuman ang mga sitwasyon ng mga tao, naitakda na ng Diyos ang mga panahon kung kailan ka mapipili at kung kailan makakaabot sa iyo ang Kanyang ebanghelyo at mga salita. Naitakda na ng Diyos ang mga kahihinatnan, napagpasyahan na sa isang partikular na tao o sa isang partikular na konteksto na sa pamamamagitan noon ay maipapasa ang ebanghelyo sa iyo, upang marinig mo ang mga salita ng Diyos. Naihanda na ng Diyos para sa iyo ang lahat ng kinakailangang mga kondisyon nang sa gayon, nang hindi namamalayan, makarating ka sa harapan Niya at makabalik sa pamilya ng Diyos. Sumusunod ka rin nang hindi namamalayan sa Diyos at pumapasok sa Kanyang dahan-dahang gawain, pumapasok sa paraan ng paggawa ng Diyos na mayroon Siya, dahan-dahan, na inihanda para sa iyo. … Mayroong iba’t ibang dahilan at iba’t ibang paraan ng paniniwala, nguni’t anuman ang dahilan na nagpapaniwala sa iyo sa Kanya, lahat ng ito ay talagang isinaayos at ginabayan ng Diyos. Sa una, ginagamit ng Diyos ang iba’t ibang paraan upang piliin ka at dalhin ka sa Kanyang pamilya. Ito ang biyaya ng Diyos na ipinagkakaloob sa bawat isang tao.

Ngayon sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, hindi na Niya basta iginagawad ang biyaya at mga pagpapala sa tao tulad ng ginawa Niya sa simula, ni hindi rin Niya patuloy na sinusuyo ang mga tao. Sa yugtong ito ng gawain, ano ang nakita ng tao mula sa lahat ng aspeto ng gawain ng Diyos na kanilang naranasan? Nakita nila ang pag-ibig ng Diyos at ang paghatol at pagkastigo ng Diyos. Sa panahong ito, lalo pang pinaglalaanan, sinusuportahan, nililiwanagan at ginagabayan ng Diyos ang tao, sa gayon unti-unti nilang nalalaman ang Kanyang mga intensyon, nalalaman ang mga salita na sinasabi Niya at ang katotohanang iginagawad Niya sa tao. Kapag ang tao ay mahina, kapag sila ay nanlulumo, kapag wala silang mabalingan, gagamitin ng Diyos ang Kanyang mga salita upang aliwin, payuhan at pasiglahin sila, upang unti-unting matatagpuan ng tao na mababa ang tayog ang kanilang lakas, bumangon sa pagiging positibo at maging handang makipagtulungan sa Diyos. Nguni’t kapag sinusuway ng tao ang Diyos o tinututulan Siya, o kapag ibinubunyag nila ang kanilang sariling katiwalian at sinasalungat ang Diyos, hindi magpapakita ng awa ang Diyos sa pagtutuwid sa kanila at sa pagdidisiplina sa kanila. Sa kahangalan, kamangmangan, kahinaan at pagiging kulang sa gulang ng tao, gayunpaman, ang Diyos ay magpapakita ng pagpaparaya at pagtitiyaga. Sa ganitong paraan, sa pamamagitan ng lahat ng gawain na ginagawa ng Diyos para sa tao, ang tao ay unti-unting nagkakagulang, lumalago, at nalalaman ang mga intensyon ng Diyos, upang malaman ang ilang katotohanan, upang malaman kung ano ang positibong mga bagay at ano ang negatibong mga bagay, upang malaman kung ano ang kasamaan at ano ang kadiliman. Ang Diyos ay hindi palaging nagtutuwid at nagdidisiplina ng tao, ni hindi rin Siya nagpapakita ng pagpaparaya at pagtitiyaga. Sa halip tinutustusan Niya ang bawat tao sa iba’t ibang paraan, sa kanilang magkakaibang mga yugto at ayon sa kanilang magkakaibang mga tayog at kakayahan. Ginagawa Niya ang maraming bagay para sa tao at sa malaking sakripisyo; walang nahahalata ang tao sa sakripisyong ito o sa mga bagay na ito na ginagawa ng Diyos, gayunman lahat ng ginagawa Niya sa realidad ay natutupad sa bawat isang tao. Ang pag-ibig ng Diyos ay totoo: Sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos naiiwasan ng tao ang sunud-sunod na mga sakuna, habang sa kahinaan ng tao, ipinapakita ng Diyos ang Kanyang pagpaparaya nang paulit-ulit. Ang paghatol at pagkastigo ng Diyos ay nagbibigay-daan upang unti-unting makilala ng tao ang katiwalian ng sangkatauhan at ang kanilang mala-satanas na diwa. Na ipinagkakaloob ng Diyos, ang Kanyang kaliwanagan sa tao at Kanyang paggabay ay nagbibigay-daan lahat sa sangkatauhan upang higit pa lalong makilala ang diwa ng katotohanan, at patuloy na malaman kung ano ang kinakailangan ng mga tao, anong daan ang dapat nilang tahakin, para sa ano ang kanilang pamumuhay, ang kahalagahan at kahulugan ng kanilang mga buhay, at kung paano lumakad sa daang tatahakin. Ang lahat ng bagay na ito na ginagawa ng Diyos ay hindi maihihiwalay mula sa Kanyang katutubong layunin. Ano, kung gayon, ang layuning ito? Bakit ginagamit ng Diyos ang mga paraang ito upang ipatupad ang Kanyang gawain sa tao? Anong resulta ang nais Niyang makamit? Sa madaling salita, ano ang nais Niyang makita sa tao at makuha mula sa kanila? Nais makita ng Diyos na mapanunumbalik ang puso ng tao. Ang mga paraang ito na ginagamit Niya upang gumawa sa tao ay upang patuloy na gisingin ang puso ng tao, gisingin ang espiritu ng tao, hahayaan ang tao na malaman kung saan sila nanggaling, sino ang gumagabay sa kanila, sumusuporta sa kanila, nagkakaloob sa kanila, at nagpapahintulot sa tao na mabuhay hanggang sa ngayon; ang mga ito ay upang ipaalam sa tao kung sino ang Lumikha, na kanilang dapat sambahin, anong uri ng daan ang dapat nilang lakaran, at sa anong paraan dapat lumapit ang tao sa harapan ng Diyos; ginagamit ang mga ito upang unti-unting mapanumbalik ang puso ng tao, upang makilala ng tao ang puso ng Diyos, maunawaan ang puso ng Diyos, at maintindihan ang matinding pangangalaga at paglingap sa likod ng Kanyang gawain na iligtas ang tao. Kapag nanumbalik na ang puso ng tao, hindi na nila nanaising isabuhay ang buhay ng isang mababang-uri, tiwaling disposisyon, sa halip nanaising hanapin ang katotohanan sa kaluguran ng Diyos. Kapag ang puso ng tao ay nagising, makahihiwalay na sila nang husto kung gayon kay Satanas, hindi na mapipinsala pa ni Santanas, hindi na muling kokontrolin o lilinlangin nito. Sa halip, ang tao ay maaaring makipagtulungan sa gawain ng Diyos at sa Kanyang mga salita sa isang positibong paraan upang bigyang-kasiyahan ang puso ng Diyos, sa gayon nakakamit ang pagkatakot sa Diyos at ang paglayo sa kasamaan. Ito ang katutubong layunin ng gawain ng Diyos.

—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Nakalipas na ang ilang libong taon, at tinatamasa pa rin ng sangkatauhan ang liwanag at hangin na ipinagkaloob ng Diyos, hinihinga pa rin ang hininga na inihinga ng Diyos Mismo, tinatamasa pa rin ang mga bulaklak, ibon, isda at mga insektong nilikha ng Diyos, at tinatamasa ang lahat ng bagay na ibinigay ng Diyos; patuloy pa rin ang pagpapalitan ng bawat araw at gabi; ganoon pa rin ang paghahalinhinan ng apat na panahon; ang lumilipad na gansa sa papawirin ay umaalis sa taglamig na ito, at bumabalik pa rin sa susunod na tagsibol; ang mga isda sa tubig ay hindi kailanman umaalis sa mga ilog at lawa—na kanilang tahanan; ang mga kulilis sa lupa ay malakas na kumakanta sa mga araw ng tag-init; ang mga kuliglig sa mga damo ay marahang humuhuni nang sabay sa hangin sa panahon ng taglagas; ang mga gansa ay nagsasama-sama sa kawan, habang nananatiling mag-isa ang mga agila; pinapanatili ang puri ng mga leon sa pamamagitan ng panghuhuli; hindi lumalayo ang usa sa damo at mga bulaklak…. Ang bawat uri ng buhay na nilalang sa gitna ng lahat ng bagay ay umaalis at bumabalik, at umaalis ulit pagkatapos, milyun-milyong pagbabago ang nangyayari sa isang kisap-mata—nguni’t ang hindi nagbabago ay ang kanilang mga likas na pag-uugali at ang mga batas ng pananatiling buhay. Nabubuhay sila sa ilalim ng tustos at pagpapakain ng Diyos, at walang sinuman ang makakapagbago ng kanilang mga likas na pag-uugali, at walang sinuman ang makakasira sa kanilang mga patakaran ng pananatiling buhay. Bagama’t ang sangkatauhan, na namumuhay sa gitna ng lahat ng bagay, ay nagawang tiwali na at nalinlang ni Satanas, hindi pa rin maaaring mawala sa tao ang tubig na ginawa ng Diyos, at ang hangin na ginawa ng Diyos, at ang lahat ng bagay na ginawa ng Diyos, at namumuhay pa rin at dumadami ang tao sa kalawakang ito na ginawa ng Diyos. Ang likas na pag-uugali ng sangkatauhan ay hindi pa nagbago. Nakadepende pa rin ang tao sa kanyang mga mata para makakita, sa kanyang mga tainga para makarinig, sa kanyang utak para makapag-isip, sa kanyang puso para makaunawa, sa kanyang mga binti at paa para maglakad, sa kanyang mga kamay para magtrabaho, at iba pa; ang lahat ng likas na pag-uugali na ipinagkaloob ng Diyos sa tao para kanyang matatanggap ang mga panustos ng Diyos ay nananatiling hindi nagbabago, ang mga kakayahan na sa pamamagitan nito ay nakikipagtulungan ang tao sa Diyos ay hindi nagbago, ang kakayahan ng sangkatauhan para gumanap ng tungkulin bilang isang nilikhang katauhan ay hindi nagbago, ang mga pangangailangang espirituwal ng sangkatauhan ay hindi nagbago, ang pagnanais ng tao para makita ang kanyang mga pinagmulan ay hindi nagbago, ang paghahangad ng sangkatauhan na mailigtas ng Lumikha ay hindi nagbago. Ganyan ang kasalukuyang mga pangyayari sa sangkatauhan, na namumuhay sa ilalim ng awtoridad ng Diyos, at nagtiis na ng madugong pagkasira na ginawa ni Satanas. Bagaman ang sangkatauhan ay napasailalim na sa pagpapahirap ni Satanas, at hindi na sina Adan at Eva mula sa simula ng paglikha, sa halip ay puno ng mga bagay-bagay na laban sa Diyos, tulad ng kaalaman, imahinasyon, mga pagkaunawa, at iba pa, at puno ng mga tiwaling disposisyon ni Satanas, sa mga mata ng Diyos, ang sangkatauhan ay pareho pa rin ang sangkatauhan na Kanyang nilikha. Ang sangkatauhan ay pinaghaharian at inaayos pa rin ng Diyos, at namumuhay pa rin sa loob ng landas na itinalaga ng Diyos, at kaya sa mga mata ng Diyos, ang sangkatauhan, na ginawang tiwali na ni Satanas, ay nababalot lamang ng dumi, na may kumakalam na sikmura, na may kaunting kabagalan ang reaksiyon, may alaalang hindi na kasingganda ng dati, at medyo may katandaan na—nguni’t ang lahat ng paggana at likas na pag-uugali ng tao ay lubos na hindi nasira. Ito ang sangkatauhan na hinahangad ng Diyos na iligtas. Kailangan lamang marinig ng sangkatauhan ang tawag ng Lumikha, at marinig ang tinig ng Lumikha, at tatayo siya at magmamadaling hanapin ang pinagmumulan ng tinig na ito. Kailangan lamang makita ng sangkatauhan ang anyo ng Lumikha at siya’y mawawalan na ng pakialam sa lahat ng iba pa, at tatalikuran ang lahat, para ilaan ang kanyang sarili sa Diyos, at ibubuwis pa ang kanyang buhay para sa Kanya. Kapag naintindihan ng puso ng sangkatauhan ang taos-pusong mga salita ng Lumikha, tatanggihan ng sangkatauhan si Satanas at lalapit sa tabi ng Lumikha; kapag lubos nang nahugasan ng sangkatauhan ang dumi mula sa kanyang katawan, at muling natanggap na ang tustos at pagpapakain ng Lumikha, saka mapanunumbalik ang alaala ng sangkatauhan, at sa panahong ito ang sangkatauhan ay tunay nang babalik sa kapamahalaan ng Lumikha.

—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
______________________________________________________________

Ang Salita ng Diyos Ngayong Araw - patahimikin ang iyong sarili sa harap ng Diyos upang makinig at pagnilayan ang mga salita ng Diyos araw-araw. Ang iyong espiritu ay makakakain at matutustusan, at ang iyong buhay ay patuloy na lalago.