菜單

Abr 25, 2020

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Tularan ang Panginoong Jesus"



Tagalog Christian Song With Lyrics | "Tularan ang Panginoong Jesus"


Tinapos ni Jesus ang misyon ng Diyos,

ang pagtubos sa lahat ng tao

sa paglalagak sa Diyos ng alalahanin N'ya,

nang walang pansariling layunin o plano.

Nakasentro Siya sa plano ng Diyos.

Sa Ama sa langit, S'ya'y nanalangin,

hinahanap ang kalooban Niya.

S'ya'y naghahanap at laging nananalangin.

Kung tulad ni Jesus isusuko n'yo ang lahat sa Diyos

Abr 24, 2020

Paano naaakay at natutustusan ng Diyos ang sangkatauhan hanggang ngayon?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Nagsimula ang gawain ng pamamahala ng Diyos sa paglikha ng daigdig, at ang tao ay ang ubod ng gawaing ito. Ang paglikha ng Diyos sa lahat ng bagay, maaaring sabihin, ay para sa kapakanan ng tao. Dahil ang gawain ng Kanyang pamamahala ay umaabot sa libu-libong mga taon, at hindi ipinatutupad sa loob lamang ng ilang minuto o segundo, o kahit sa isang kisapmata, o higit sa isa o dalawang taon, kailangan Niyang likhain ang marami pang mga bagay na kailangan para sa pananatiling-buhay ng tao, tulad ng araw, buwan, lahat ng uri ng mga nilalang na nabubuhay, at pagkain at isang buhay na kapaligiran para sa sangkatauhan. Ito ang pinagsimulan ng pamamahala ng Diyos.

—mula sa “Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Abr 23, 2020

Ang Diwa ni Cristo ay Pagsunod sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan



Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinatawag na Cristo, at ang Cristo ay ang katawang pinasukan ng Espiritu ng Diyos. Ang katawang ito ay hindi katulad ng sinumang taong may katawan. Ang pagkakaibang ito ay dahil si Cristo ay hindi nagmula sa laman at dugo kundi pagkakatawang-tao ng Espiritu. Siya ay may kapwa normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Ang Kanyang pagka-Diyos ay hindi taglay ng sinumang tao. Ang Kanyang normal na katauhan ang sumusuporta sa lahat ng Kanyang normal na mga gawain sa katawang-tao, samantalang ang Kanyang pagka-Diyos ang nagsasakatuparan ng gawain ng Diyos Mismo. Maging ito man ang Kanyang pagkatao o pagka-Diyos, kapwa itong nagpapasakop sa kalooban ng Amang nasa langit. Ang diwa ni Cristo ay ang Espiritu, iyon ay, ang pagka-Diyos. Samakatuwid, ang Kanyang diwa ay yaong sa Diyos Mismo; ang diwa na ito ay hindi gagambala sa Kanyang sariling gawain, at hindi Siya posibleng makagawa ng anumang bagay na nakasisira sa Kanyang sariling gawain, ni hindi rin Siya bibigkas ng anumang mga salita na sumasalungat sa Kanyang sariling kalooban. Samakatuwid, ang nagkatawang-taong Diyos ay siguradong hindi kailanman gagawa ng kahit anong gawain na nakagagambala sa Kanyang sariling pamamahala. Ito ang dapat maintindihan ng lahat ng tao. Ang diwa ng gawain ng Banal na Espiritu ay upang iligtas ang tao at ito ay para sa kapakanan ng sariling pamamahala ng Diyos. Gayundin, ang gawain ni Cristo ay upang iligtas ang tao at ito ay alang-alang sa kalooban ng Diyos. Sapagka’t ang Diyos ay nagkatawang-tao, Kanyang napapaging-tunay ang Kanyang diwa sa loob ng Kanyang katawang-tao, sa gayon ang Kanyang katawang-tao ay sapat upang isagawa ang Kanyang gawain. Samakatuwid, lahat ng gawain ng Espiritu ng Diyos ay pinapalitan ng gawain ni Cristo sa loob ng panahon ng Kanyang pagkakatawang-tao, at ang kaibuturan ng lahat ng gawain sa buong panahon ng pagkakatawang-tao ay ang gawain ni Cristo. Ito ay hindi maaaring maihalo sa gawain mula sa kahit anong ibang kapanahunan. At mula nang nagkatawang-tao ang Diyos, Siya ay gumagawa sa pagkakakilanlan ng Kanyang katawang-tao; yamang Siya ay nagkatawang-tao, tinatapos din Niya sa katawang-tao ang gawain na dapat Niyang gawin. Maging ito man ay ang Espiritu ng Diyos o ito man ay si Cristo, Sila ay kapwa Diyos Mismo, at ginagawa Niya ang gawain na dapat Niyang gawin at ginagampanan ang ministeryong dapat Niyang gampanan.

Abr 22, 2020

Tagalog Crosstalk | “Paghatol ng mga Huling Araw”



Sinabi ng Panginoong Jesus, “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan” (Juan 16:12–13). At nasusulat sa 1 Pedro 4:17: “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Diyos.” Ipinopropesiya ng lahat ng banal na kasulatang ito na darating ang Panginoon sa mga huling araw upang ipahayag ang katotohanan at gawin ang gawain ng paghatol sa gitna ng mga naniniwala sa Kanya. Gayon pa man, marami sa ating mga kapatid sa pananampalataya ang naniniwalang dahil sa sumasampalataya sila sa Panginoon, pinatawad na ang kanilang mga kasalanan, na hindi na nila kailangang tanggapin ang paghatol ng Diyos, at pagdating ng Panginoon direkta silang dadalhin sa kaharian ng langit. Alinsunod ba sa mga salita ng Diyos ang ganitong pagkaunawa? Talaga bang ang paniniwala sa Panginoon at pagkakapatawad sa kasalanan ng tao ang magpapapasok sa kanya sa kaharian ng langit? Ano ba ang eksaktong nasasangkot sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw? Ano ang kinalaman noon sa pagdadala sa tao sa kaharian ng langit? Ang crosstalk na Paghatol ng mga Huling Araw ang magbubunyag sa iyo ng mga kasagutan.

————————————————————————————

Ang mga sakuna ay madalas na nagaganap. Ang mga senyales ng paghuhukom ay naglitawan.  Kaya paano tayo mara-rapture bago ang malaking kapighatian? Basahin na ngayon upang makuha ang sagot.

Abr 21, 2020

Clip ng Pelikulang Lumabas Sa Biblia (2) "Makapagtatamo ba Tayo ng Buhay na Walang Hanggan sa Pagkapit sa Biblia?"




Sa mga huling araw, ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawain at inihahatid ang daan tungo sa buhay na walang hanggan, at sa magtatamo lang tayo ng buhay na walang hanggan sa pagtanggap sa katotohanang ipinahayag ni Cristo sa mga huling araw. Subalit sinasabi ng mga pastor at elder ng mga relihiyon na ang buhay ay nasa loob ng Biblia, at na basta’t sumusunod tayo sa Biblia magtatamo tayo ng buhay na walang hanggan. Ang Biblia ba ang may buhay na walang hanggan, o si Cristo? Noong ginagawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain, ayaw tanggapin ng mga Fariseo ang pagliligtas ng Panginoon base sa pagdadahilan na ang buhay na walang hanggan ay nasa loob ng Biblia, sa gayon ay pinagalitan ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo, at sinabi, “Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo’y magkaroon ng buhay” (Juan 5:39-40). Maaari bang katawanin ng Biblia ang pagkakaloob ng Diyos ng buhay sa atin? Maaari ba talaga tayong magtamo ng buhay na walang hanggan sa pagkapit sa Biblia? Sama-sama nating tatalakayin sa videong ito ang mga tanong na ito.

————————————————————————

Magrekomenda nang higit pa: mga tanong tungkol sa pananampalataya sa Diyos

Abr 19, 2020

Makapapasok ba Tayo sa Kaharian ng Langit Ngayong ang Ating mga Kasalanan ay Pinatawad na?

He Jun, Sichuan

Linggo Agosto 5, 2018. Makulimlim.

Pagkatapos ng pulong sa araw na ito, dumating ang isang kapatid na lalaki na naghahanap sa akin, ang kanyang mukha ay puno ng pangamba. Sinabi niya na hinihiling ng Diyos na magpakabanal ang mga tao, ngunit madalas siyang nagkakasala nang hindi sinasadya, at kung palagi siyang mabubuhay sa kasalanan ng ganito, kung gayon makapapasok ba siya sa kaharain ng langit pagdating ng Panginoon? Sinabi ko sa kanya na ang Panginoong Jesus ay ipinako sa krus at na inako Niya Mismo ang lahat ng ating mga kasalanan, tinumbasan ng Kanyang buhay. Sinabi ko na ang ating mga kasalanan ay ipinatawad dahil sa ating pananampalataya sa Panginoong Jesus, at na hindi na tayo itinuturing ng Panginoon bilang mga makasalanan, at na hangga’t maisusuko natin ang lahat at gugulin ang ating mga sarili, magtrabaho nang husto para sa Panginoon, at magtiis hanggang sa wakas, kung gayon tayo ay aakyat sa kaharian ng langit sa pagbabalik ng Panginoon. Pagkatapos marinig ng kapatid na sinabi ko ang ganito, tumingin siya na parang hindi niya nakuha ang gusto niyang sagot, at umalis siya na tila nabigo. Habang tinitingnan ko siyang papalayo, nakadama ako ng napakahirap unawain na mga emosyon. Sa totoo lang, hindi ba magkaprehas ang mga pangamba namin ng kapatid? Iniisip kung paanong naniwala ako sa Diyos sa maraming taon ngunit madalas na nakagapos sa kasalanan, at nabubuhay sa isang kalagayan kung saan nagkakasala ako sa araw at nagkukumpisal sa gabi, hindi ko rin ginustong manatiling nabubuhay sa paraang iyon. Ngunit wala talaga akong kakayahang mapagtagumpayan ang kasalanan, kaya madalas akong manalangin sa Panginoon, at pinatibay ang aking pagbabasa ng mga kasulatan. At gayunma’y hindi ko kailanman nalutas ang suliranin ng aking mga kasalanan. Ang Panginoon ay banal, kaya pararangalan ba Niya ang isang tao na kagaya ko, na puno ng kasalanan?

Abr 16, 2020

Ang Pag-inog ng Buhay at Kamatayan ng Iba’t Ibang Tao na Mayroong Panampalataya

Tinalakay pa lang natin ang pag-inog ng buhay at kamatayan ng unang kategorya, ang mga taong hindi sumasampalataya. Ngayon, talakayin naman natin ang tungkol sa ikalawang kategorya, ang iba’t ibang taong may pananampalataya. “Ang pag-inog ng buhay at kamatayan ng iba’t ibang tao na mayroong pananampalataya” ay isa ring napakahalagang paksa, at ito ay kapaki-pakinabang na magkaroon kayo ng ilang pagkaunawa ukol rito. Una, pag-usapan natin kung aling mga pananampalataya ang tinutukoy ng “pananampalataya” sa “mga taong may pananampalataya”: Ang ibig sabihin nito ay ang Judaismo, Kristiyanismo, Katolisismo, Islam, at Budismo, itong limang pangunahing relihiyon. Bilang karagdagan sa mga taong hindi sumasampalataya, ang mga tao na naniniwala sa limang mga relihiyong ito ay umookupa sa isang malaking bahagi ng populasyon ng mundo. Kabilang sa limang relihiyong ito, yaong mga gumawa ng tungkulin sa kanilang pananampalataya ay kakaunti, gayunman ang mga relihiyong ito ay mayroong maraming mananampalataya.