He Jun, Sichuan
Linggo Agosto 5, 2018. Makulimlim.
Pagkatapos ng pulong sa araw na ito, dumating ang isang kapatid na lalaki na naghahanap sa akin, ang kanyang mukha ay puno ng pangamba. Sinabi niya na hinihiling ng Diyos na magpakabanal ang mga tao, ngunit madalas siyang nagkakasala nang hindi sinasadya, at kung palagi siyang mabubuhay sa kasalanan ng ganito, kung gayon makapapasok ba siya sa kaharain ng langit pagdating ng Panginoon? Sinabi ko sa kanya na ang Panginoong Jesus ay ipinako sa krus at na inako Niya Mismo ang lahat ng ating mga kasalanan, tinumbasan ng Kanyang buhay. Sinabi ko na ang ating mga kasalanan ay ipinatawad dahil sa ating pananampalataya sa Panginoong Jesus, at na hindi na tayo itinuturing ng Panginoon bilang mga makasalanan, at na hangga’t maisusuko natin ang lahat at gugulin ang ating mga sarili, magtrabaho nang husto para sa Panginoon, at magtiis hanggang sa wakas, kung gayon tayo ay aakyat sa kaharian ng langit sa pagbabalik ng Panginoon. Pagkatapos marinig ng kapatid na sinabi ko ang ganito, tumingin siya na parang hindi niya nakuha ang gusto niyang sagot, at umalis siya na tila nabigo. Habang tinitingnan ko siyang papalayo, nakadama ako ng napakahirap unawain na mga emosyon. Sa totoo lang, hindi ba magkaprehas ang mga pangamba namin ng kapatid? Iniisip kung paanong naniwala ako sa Diyos sa maraming taon ngunit madalas na nakagapos sa kasalanan, at nabubuhay sa isang kalagayan kung saan nagkakasala ako sa araw at nagkukumpisal sa gabi, hindi ko rin ginustong manatiling nabubuhay sa paraang iyon. Ngunit wala talaga akong kakayahang mapagtagumpayan ang kasalanan, kaya madalas akong manalangin sa Panginoon, at pinatibay ang aking pagbabasa ng mga kasulatan. At gayunma’y hindi ko kailanman nalutas ang suliranin ng aking mga kasalanan. Ang Panginoon ay banal, kaya pararangalan ba Niya ang isang tao na kagaya ko, na puno ng kasalanan?