菜單

Abr 8, 2020

Madalas na Nagaganap ang Mga Sakuna: Paano Maging Handa sa Pagdating ng Panginoon

Sa ngayon, ang lahat ng uri ng mga kalamidad sa buong mundo ay nagiging lalong malala, at maraming propesiya ng pagbabalik ng Panginoon ang pangunahing natutupad. Tayong mga Kristiyano ay nananabik na naghihintay sa pagdating ng Panginoon upang titipunin tayo. Naiisip ko ang mga salita ng Panginoong Jesus, “Kaya nga kayo’y magsihanda naman; sapagka’t paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip” (Mateo 24:44). Ipinapaalala ng Panginoon sa ating dapat tayong mahinahong maghanda sa ating mga sarili na salubungin ang Kanyang pagbabalik, ngunit paano ba natin talagang dapat gawin ito?

1. Ihanda ang Ating Espirituwal na mga Taynga at Matutong Pakinggan ang Tinig ng Panginoon
Ito ang maraming beses na propesiya sa Aklat ng Pahayag, “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” (Pahayag 2:7). At sinabi ng Panginoong Jesus, “Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko” (Pahayag 3:20). Ang dalawang siping ito mula sa Biblia ay nagpapaalala sa ating dapat nating ituon ang pakikinig sa mga salita ng Banal na Espiritu sa mga iglesia. Kapag ang Panginoon ay “kumakatok,” dapat nating ituon ang pakikinig sa tinig ng Panginoon, at tinutukoy ng tinig ng Panginoon ang mga salita ng Diyos. Ang Panginoong Jesus ay minsang nagpropesiya, “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12-13). Mula sa teksto, makikita natin na kapag bumalik ang Panginoon, Siya ay mangungusap at gagawa, magbubunyag ng lahat ng misteryo, sasabihin sa atin ang lahat ng katotohanan na hindi natin nauunawaan, at ipapaunawa sa atin at ipapasok ang lahat ng katotohanan. Sinabi ng Panginoong Jesus, “Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko” (Juan 14:6). Makikita nating ang katotohanan ay nagmumula sa Diyos, kaya’t ang pagbabalik ng Panginoon ay tiyak na magdadala ng katotohanan sa mga tao, magkakaloob ng buhay sa mga tao, at ipapamalas sa mga tao ang daan. Kaya nga, patungkol sa paghihintay sa pagbabalik ng Panginoon, dapat nating ihanda ang ating “espirituwal na mga taynga,” at ang makakayang makilala ang tinig ng Diyos ang lalong mahalaga.

Makikita rin natin sa Biblia ang talinghagang sinabi ng Panginoong Jesus sa mga disipulo: “Tulad ang kaharian ng langit sa isang hari na naghanda ng piging ng kasalan ng kaniyang anak na lalake, At sinugo ang kaniyang mga alipin upang tawagin ang mga inanyayahan sa piging ng kasalan: at sila’y ayaw magsidalo” (Mateo 22:2-3). At sinasabi ng Aklat ng Pahayag, “At nakita ko ang ibang anghel na lumilipad sa gitna ng langit, na may mabuting balita na walang hanggan upang ibalita sa mga nananahan sa lupa, at sa bawa’t bansa at angkan at wika at bayan” (Pahayag 14:6). Sinasabi sa atin ng Panginoon na sa mga huling araw, ipapadala ng Diyos ang Kanyang mga lingkod upang anyayahan tayo sa piging, kung saan sinabi na ang Diyos ay magpapadala ng Kanyang mga sugo upang iparating ang mensahe ng pagbabalik ng Panginoon at dalhin sa atin ang walang hanggang ebanghelyong ito. Kung makakahanap at makakapagsiyasat tayo nang may-kababaang-loob, at matatanggap at masusunod natin kapag pinapakinggan kung ano ang patotoo tungkol sa mga salita ng Diyos, ang tinig ng Panginoon, sasalubungin natin ang pagbabalik ng Panginoon.

—————————————————————
Ang mga kalamidad sa buong mundo ay madalas na nangyayari at ang mga propesiya ng Panginoon ay karaniwang natutupad. Maraming tao ang natanto na ang Panginoon ay dumating na, kaya paano natin sasalubungin ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus?
      —————————————————————

2. Paghahanda sa isang Pusong Maunawaing Hinahanap ang Katotohanan

Sinabi ng Panginoong Jesus, “Mapapalad ang mga mapagpakumbabang-loob: sapagka’t kanila ang kaharian ng langit” (Mateo 5:3). “Mapapalad ang nangagugutom at nangauuhaw sa katuwiran: sapagka’t sila’y bubusugin” (Mateo 5:6). “Mapapalad ang mga may malinis na puso: sapagka’t makikita nila ang Dios” (Mateo 5:8). “Sapagka’t ang bawa’t nagmamataas ay mabababa; at ang nagpapakababa ay matataas” (Lucas 14:11). Dito, nakikita natin na ang mapagpakumbabang tao ang nagdudulot ng kasiyahan sa Diyos, ang tao na may-kababaang-loob na makakahanap ng katotohanan at makakasunod sa Diyos. Lalo na sa mahalagang bagay ng pagdating ng Panginoon, kapag ang isang tao ay nagpapatotoo sa atin na ang Panginoon ay nagbalik na, at narinig na niya ang tinig ng Panginoon, dapat tayong magtaglay ng mapagkumbabang saloobin sa kanya. Dapat tayong magsiyasat nang may kagustuhang matuto, mapagpakumbabang puso, at gamitin ang ating “espirituwal na taynga” upang pakinggan kung ito nga o hindi ang tinig ng Panginoon. Ito ang talagang ibig sabihin ng “nakahanda nang mahinahon” sa ating mga sarili. Naniniwala ako na ang Diyos ay gagabayan tayo, hahayaan tayong makilala ang Kanyang tinig at sasalubungin ang Kanyang pagbabalik. Ang euniko ng Ethiopia, bagaman mayroon siyang mataas na katayuan at mabuting pangalan, nagawa niyang magpakumbaba ng kanyang sarili upang maghanap mula kay Felipe. Sa pagbabahagi at salaysay ni Felipe, nakilala niya ang tinig ng Diyos. Bilang resulta, tinanggap niya ang Panginoong Jesus. Si Nicodemus, gayon din, narinig ang kuwento ng Panginoong Jesus, at nagawang hanapin ang katotohanan sa Panginoong Jesus. Mula sa mga salita ng Panginoon, naunawaan niya ang misteryo ng muling pagsilang. … Mayroong maraming ganitong halimbawa.

Kaya nga, kung nais nating salubungin ang pagbabalik ng Panginoon, dapat tayong magkaroon ng isang pusong maunawaing naghahanap sa katotohanan, matutong pakinggan ang tinig ng Diyos, kilalanin ang tinig ng Diyos sa salita ng Diyos, at sumunod sa mga yapak ng Kordero. Nais kong ang lahat ng aking mga kapatid na lalaki at babae na tunay na naniniwala sa Diyos at nananabik sa pagpapakita ng Diyos ay maaaring magawang salubungin ang pagbabalik ng Panginoon sa lalong madaling panahon!