菜單

Abr 4, 2020

Ang mga Salita ng Panginoong Jesus sa Kanyang mga Disipulo Pagkatapos ng Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli

Jn 20:26–29 At pagkaraan ng walong araw ay muling nasa loob ng bahay ang Kaniyang mga alagad, at kasama nila si Tomas. Dumating si Jesus, nang nangapipinid ang mga pinto, at tumayo sa gitna, at sinabi, Kapayapaan ang sumainyo. Nang magkagayo’y sinabi Niya kay Tomas, idaiti mo rito ang iyong daliri, at tingnan mo ang Aking mga kamay; at idaiti mo rito ang iyong kamay, at isuot mo siya sa Aking tagiliran: at huwag kang di mapanampalatayahin, kundi mapanampalatayahin. Sumagot si Tomas, at sa Kaniya’y sinabi, Panginoon ko at Dios ko. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Sapagka’t Ako’y nakita mo ay sumampalataya ka: mapapalad yaong hindi nangakakita, at gayunma’y nagsisampalataya.

Jn 21:16–17 Sinabi Niya muli sa kanya sa ikalawang beses, Simon anak ni Juan, Iniibig mo baga Ako? Sinabi niya sa Kaniya, Oo, Panginoon; nalalaman mo na kita’y iniibig. Sinabi Niya sa kaniya, Alagaan mo ang Aking mga tupa. Sinabi Niya sa kaniya sa ikatlong beses, Simon, anak ni Juan, Iniibig mo baga Ako? Nalumbay si Pedro sapagka’t sa kaniya’y sinabi nang ikatlong beses, Iniibig mo baga Ako? At sinabi niya sa Kaniya, Panginoon, nalalaman Mo ang lahat ng mga bagay; nalalaman Mo na kita’y iniibig. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Pakanin Mo ang aking mga tupa.

Abr 1, 2020

Ang Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw ang Gumagawa ng mga Mananagumpay Bago Sumapit ang Kalamidad


Ngayon ang Makapangyarihang Diyos ay umaasa pa rin sa pagbabalik ng lahat ng mananampalataya kay Jesus, at matiyagang naghihintay para sa yaong mga tapat na naniniwala sa Diyos upang magbalik-loob. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kung ang mga tao ay mananatili sa Kapanahunan ng Biyaya, sa gayon sila kailanman ay hindi magiging malaya mula sa kanilang tiwaling disposisyon, lalong hindi ang makilala ang likas na disposisyon ng Diyos. Kung ang mga tao ay palaging namumuhay sa gitna ng kasaganaan ng biyaya subali’t wala ang daan ng buhay na nagpapahintulot sa kanila na kilalanin ang Diyos at bigyang-kasiyahan ang Diyos, sa gayon hindi nila kailanman tunay na matatamo Siya bagaman sila ay naniniwala sa Kanya. Anong kaawa-awang anyo ng paniniwala iyon. Kapag natapos mong basahin ang aklat na ito, kapag naranasan mo ang bawa’t hakbang ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao sa Kapanahunan ng Kaharian, mararamdaman mo na ang mga pag-asa ng maraming mga taon ay sa wakas naisakatuparan na. Mararamdaman mo na ngayon mo lamang tunay na nakita ang Diyos nang harap-harapan; ngayon mo lamang natitigan ang mukha ng Diyos, narinig ang personal na pagbigkas ng Diyos, pinahalagahan ang karunungan ng gawain ng Diyos at tunay na nadama kung gaano katotoo at kamakapangyarihan ang Diyos. Madarama mo na nakamtan mo ang maraming mga bagay na hindi nakita ni naangkin ng mga tao nang nakaraang mga panahon. Sa panahong ito, malinaw mong makikita kung ano ang maniwala sa Diyos, at kung ano ang sumunod sa puso ng Diyos. Mangyari pa, kung kakapitan mo ang mga pananaw ng nakaraan, at hindi tatanggapin o tatanggihan ang katunayan ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, sa gayon ikaw ay mananatiling walang dala at walang nakamtan, at sa kahuli-hulihan ay magkakasala ng pagsalungat sa Diyos. Yaong mga sumusunod sa katotohanan at nagpapasailalim sa gawain ng Diyos ay darating sa ilalim ng pangalan ng ikalawang nagkatawang-taong Diyos—ang Makapangyarihan-sa-lahat. Makakatanggap sila ng personal na paggabay ng Diyos, at makakamit ang mas higit at mas mataas na katotohanan at matatanggap ang tunay na pantaong buhay.

Mar 29, 2020

Paano Malalaman ang Pagpapakita at Gawain ng Cristo ng mga Huling Araw


Tagalog christian worship songs | "Paano Malalaman ang Pagpapakita at Gawain ng Cristo ng mga Huling Araw"


I

Ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay magtataglay

ng diwa at pagpapahayag ng Diyos.

At kapag ginawa Siyang katawang-tao

ililitaw Niya ang gawain na naibigay sa Kanya

upang ipahayag kung ano Siya,

dalhin ang katotohanan sa lahat ng tao,

bigyan sila ng buhay at ipakita sa kanila ang daan.

Anumang katawang-tao na 'di nakalagak diwa

N'ya'y tiyak na 'di Diyos nagkatawang-tao.

Mar 27, 2020

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Bukas na mga Atas Administratibo ng Diyos sa Sansinukob"


Tagalog christian worship songs | "Bukas na mga Atas Administratibo ng Diyos sa Sansinukob"



Kung mga bansa't tao'y babalik sa Diyos,

ibibigay Niya lahat ng yaman ng langit sa sangkatauhan,

at nang umapaw walang kapantay na yaman dahil sa Kanya,

walang kapantay na yaman dahil sa Kanya.

Hanggang ang dating mundo ay nananatili,

poot ng Diyos ay t'yak ipupukol sa mga bansa,

ipapaalam mga utos Niya sa sansinukob,

at dala'y pagkastigo sa lalabag nito.

Mga bituin, araw't buwan sa langit,

babaguhin ng Diyos lahat ng 'to.

Mar 24, 2020

3 Pamamaraan Kung Paano Manalangin Upang Makinig ang Diyos


Cheng Shi
Mga Nilalaman
Dapat tayong manalangin sa espiritu, manalangin nang taimtim at magsabi ng tunay na mga bagay na galing sa ating mga puso.

Dapat tayong tumayo sa lugar ng isang nilalang at huwag magkaroon ng mga kahilingan para sa Diyos; dapat tayong manalangin gamit ang isang puso na nagpapasakop sa Diyos.

Kung hindi taglay ng ating iglesia ang gawain ng Banal na Espiritu, dapat tayong magkaroon ng mga panalangin ng paghahangad.

Mar 22, 2020

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ano ang susi sa isang mabisang panalangin?


Mga kapatid:

Kapayapaan sa inyo sa Panginoon! Ang pananalangin ay isang mahalagang paraan para sa ating mga Kristiyano upang magtatag ng isang normal na kaugnayan sa Diyos. Lalung-lalo na na sa umaga at sa gabi. Kaya ang matuto kung paano manalangin ay napakahalaga. Gayunpaman, maraming mga kapatid ang nalilito: Araw-araw, nananalangin kami kapwa sa umaga at sa gabi; nananalangin din kami bago kumain at pagkatapos kumain gayundin kapag mayroon kaming mga pagtitipon; bukod diyan, sa bawat pagkakataong kami ay nananalangin, marami kaming sinasabi sa Panginoon at nananalangin nang matagal. Gayunpaman, palagi naming nadarama na parang ang Diyos ay wala roon; para bang nakikipag-usap lamang kami sa aming mga sarili kapag nananalangin kami, at ang aming espiritu ay hindi nakadadama ng kapayapaan at kagalakan. Bakit hindi nakikinig ang Diyos sa aming mga panalangin? Paano kami dapat manalangin para matanggap namin ang papuri ng Diyos?

Mar 20, 2020

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Saloobin ni Job Tungo sa mga Pagpapala ng Diyos


Tagalog church songs | "Ang Saloobin ni Job Tungo sa mga Pagpapala ng Diyos"

I

Naniwala si Job sa kanyang puso na lahat ng pag-aari niya

ay bigay ng Diyos at hindi sa sarili niyang sikap.

Hindi niya nakita na dapat samantalahin ang mga pagpapala,

pero nanghawakan sa paraang dapat n'yang sundin

bilang gabay niya sa pamumuhay.