菜單

Mar 20, 2020

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Saloobin ni Job Tungo sa mga Pagpapala ng Diyos


Tagalog church songs | "Ang Saloobin ni Job Tungo sa mga Pagpapala ng Diyos"

I

Naniwala si Job sa kanyang puso na lahat ng pag-aari niya

ay bigay ng Diyos at hindi sa sarili niyang sikap.

Hindi niya nakita na dapat samantalahin ang mga pagpapala,

pero nanghawakan sa paraang dapat n'yang sundin

bilang gabay niya sa pamumuhay.

Si Job ay hindi magulong nagsaya o nagwala sa tuwa

ni binalewala ang paraan ng Diyos

o nilimot ang biyaya ng Diyos

dahil sa mga pagpapalang madalas niyang tinatamasa.

II

Itinangi ni Job ang mga pagpapala ng Diyos,

nagpapasalamat para dito.

Ngunit hindi siya nagpasasa dito, ni humingi ng karagdagan.

Wala siyang ginawa para sa mga pagpapala,

ni nag-alala na mawala o magkulang nito mula sa Diyos.

Si Job ay hindi magulong nagsaya o nagwala sa tuwa

dahil sa mga pagpapalang kaloob ng Diyos,

ni binalewala ang paraan ng Diyos

o nilimot ang biyaya ng Diyos

dahil sa mga pagpapalang madalas niyang tinatamasa.

III

Si Job ay hindi magulong nagsaya o nagwala sa tuwa

dahil sa mga pagpapalang kaloob ng Diyos,

ni binalewala ang paraan ng Diyos

o nilimot ang biyaya ng Diyos

dahil sa mga pagpapalang madalas niyang tinatamasa.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin


Pinagmumulan: Ang Saloobin ni Job Tungo sa mga Pagpapala ng Diyos


——————————————————————————————

Ang pag-ibig ng Diyos sa tao ay nangangahulugang hindi lamang pagbibigay ng mga pagpapala sa tao, higit sa lahat ay nangangahulugang pagiging laman, nakatira sa gitna ng tao, at pagpapahayag ng katotohanan upang mailigtas ang tao. Ang pag-ibig ng Diyos sa tao ay hindi makasarili.