菜單

Dis 18, 2019

Tagalog Crosstalk | "Ang mga Sumasampalataya sa Anak ay May Buhay na Walang Hanggan"



Tagalog Crosstalk | "Ang mga Sumasampalataya sa Anak ay May Buhay na Walang Hanggan"


Sabi sa Biblia, "Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan; nguni't ang hindi tumatalima sa Anak ay hindi makakakita ng buhay, kundi ang poot ng Dios ay sumasa kaniya" (Juan 3:36). Iniisip ni Su Yue na ang pananalig sa Panginoong Jesus ay pananalig sa Anak at magbibigay sa kanya ng buhay na walang hanggan. Nang sabihin ni Sister Ling na hindi lubos ang pagkaunawa niya, nalito si Su Yue, at nagsimulang makipagdebate kay Ling.... Kaya, ano ang tunay na pananalig sa Anak? Ano ang tinutukoy ng "Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan"?

Kung nais mong makamit ang paraan ng pamumuhay, dapat mo munang malaman ang Salita ng Buhay 




Dis 13, 2019

Tagalog Christian Song | "Ang Nagkatawang-taong Anak ng Tao'y Diyos Mismo"



Tagalog Christian Song | "Ang Nagkatawang-taong Anak ng Tao'y Diyos Mismo"


Nang pagka-Diyos ng Diyos, 
sa dugo't laman natanto,
malinaw nang Siya ay narito.
Malalapitan Siya ng tao,
mauunawaan kalooban Niya,
maging pagka-Diyos Niya sa mga salita,
gawa at kilos ng Anak ng tao.
Sa pagkatao, inihayag ng Anak
kalooban at pagka-Diyos ng Diyos.
At sa pagpapakita ng disposisyon,
inihayag Niya sa tao ang Diyos 
sa espirituwal na dako,
na 'di nahihipo o nakikita.
Nakita nilang Diyos, 
may laman at anyo.
Kaya nagkatawang-taong Anak ng tao,
katayua't disposisyon ng Diyos ginawang totoo.
Kanyang pagkatao o pagka-Diyos,
 'di maikakailang kumakatawan Siya sa Diyos.

Dis 9, 2019

Tagalog Christian Movie | "Ang Pag-ibig ng Isang Ina" | The True Story of a Christian


Tagalog Christian Movie | "Ang Pag-ibig ng Isang Ina" | The True Story of a Christian


Ang "Mababago ng kaalaman ang iyong kapalaran" at "Naging dragon ang anak na lalaki, naging phoenix ang anak na babae" ay mga pag-asang taglay ng halos lahat ng magulang para sa kanilang mga anak. Para matiyak na makakapasa ang kanyang anak na babaeng si Jiarui sa kanyang university entrance exams at test sa isang magandang unibersidad, ipinasiya ni Xu Wenhui na magretiro sa kanyang trabaho bilang sales director para samahan si Jiarui nang mag-aral ito para muling kumuha ng kanyang mga test. Ang sibsibang mga pamamaraan ng pagtuturo ni Xu Wenhui at ang napakahirap na college entrance examinations ay naging sanhi para himatayin ang kanyang anak, at halos maging desperado. Labis iyong pinagsisihan ni Xu Wenhui: Inakala niya na lahat ng ginawa niya ay para sa kapakanan ng kanyang anak, ngunit sa halip, nasaktan lamang niya ito…. Noon ipinangaral ng dati niyang kaklaseng si Fang Xinping ang ebanghelyo ng Diyos sa kanya. Sa pamamagitan ng pagbasa sa salita ng Diyos, sa wakas ay naunawaan din ni Xu Wenhui kung bakit masasaktan lamang siya at ang kanyang anak sa pagsisikap na matamo ang mga ideal na gaya ng "Mababago ng kaalaman ang iyong kapalaran," at kung paano tuturuan ang kanyang anak sa paraang nagpapahayag ng tunay na pagmamahal …
 Malaman ang higit pa:Makapangyarihang Diyos

Dis 6, 2019

Landas ng Pagasasagawa para sa Mas Mabisang Pag-aaral ng Biblia

 Landas ng Pagasasagawa para sa Mas Mabisang Pag-aaral ng Biblia

Ni: Xiao Xiao, Pransya

Mga Nilalaman

Ang pagbabasa ng Biblia ay isang pang-araw-araw na pangangailangan para sa mga Kristiyano, at lubos din itong kailangan sa landas upang kamtin ang katotohanan at limago sa ating mga espiritwal na buhay. Sinabi ng Panginoong Jesus, “Nasusulat, Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa’t salitang lumalabas sa bibig ng Dios” (Mateo 4:4). Maliwanag na, ang madalas na pagbabasa ng mga salita ng Diyos sa Biblia at ang matatag na panghahawak sa mga ito sa ating mga puso ay isang bagay na dapat gawin ng bawat Kristiyano. Gayunpaman, ang bawat isa sa atin ay nagkaroon ng sumusunod na karanasan sa ating pagbabasa sa Banal na Kasulatan: Minsan natatamo natin ang pagliliwanag at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu; ang ating espiritu ay nakikilos, nauunawaan natin ang kalooban at mga hinihingi ng Diyos at mayroong pananampalataya upang isagawa ang mga salita ng Diyos sa ating pang-araw-araw na buhay. Pagkatapos ng ilang panahon, lumalago tayo sa ating mga espiritwal na buhay. Ngunit may mga pagkakataon, nawawalan tayo ng gana at hindi nasisiyahan sa pagbabasa natin ng Biblia at hindi madama ang pagliliwanag at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu. Wala tayong diwa ng kalooban at mga hinhingi ng Diyos, at lalo pang hindi natin nalalaman kung paano isagawa ang mga salita ng Diyos sa ating pang-araw-araw na mga buhay, at pagkalipas ng ilang sandali, hindi natin nararansasan ang espiritwal na paglago.

Dis 4, 2019

Tagalog Christian Gospel Video | "Pagpalain ng Diyos" | Being saved from disasters (Tagalog Dubbed)


Tagalog Christian Movie | "Pagpalain ng Diyos" | Being saved from disasters (Tagalog Dubbed)



Madalas sabihin ng mga tao na "Ang mga bagyo ay namumuo nang walang babala at ang kasawian ay sumasapit sa mga tao sa magdamag." Sa panahon natin ngayon na mabilis na umuunlad ang siyensya, modernong transportasyon at materyal na yaman, dumarami ang mga sakunang nangyayari sa buong paligid natin bawat araw.

Nob 29, 2019

Tagalog Christian Movie | "Pagbibinyag sa Pamamagitan ng Apoy" (Clip 2/2)


Tagalog Christian Movie | "Pagbibinyag sa Pamamagitan ng Apoy" (Clip 2/2) 


Sabi ng Panginoong Jesus, "Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit" (Mateo 7:21). Paano ba talaga natin dapat pagsikapang maging mga tao na gumagawa ng kalooban ng Ama sa langit at masunurin sa Diyos, para dalhin tayo ng Diyos sa kaharian ng langit?

Nob 26, 2019

Tagalog Christian Movie | "Pagbibinyag sa Pamamagitan ng Apoy" (Clip 1/2)


Tagalog Christian Movie | "Pagbibinyag sa Pamamagitan ng Apoy" (Clip 1/2)


Sinabi ng Panginoong Jesus, "Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit" (Mateo 7:21).