Landas ng Pagasasagawa para sa Mas Mabisang Pag-aaral ng Biblia
Ni: Xiao Xiao, Pransya
Mga Nilalaman
Ang pagbabasa ng Biblia ay isang pang-araw-araw na pangangailangan para sa mga Kristiyano, at lubos din itong kailangan sa landas upang kamtin ang katotohanan at limago sa ating mga espiritwal na buhay. Sinabi ng Panginoong Jesus, “Nasusulat, Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa’t salitang lumalabas sa bibig ng Dios” (Mateo 4:4). Maliwanag na, ang madalas na pagbabasa ng mga salita ng Diyos sa Biblia at ang matatag na panghahawak sa mga ito sa ating mga puso ay isang bagay na dapat gawin ng bawat Kristiyano. Gayunpaman, ang bawat isa sa atin ay nagkaroon ng sumusunod na karanasan sa ating pagbabasa sa Banal na Kasulatan: Minsan natatamo natin ang pagliliwanag at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu; ang ating espiritu ay nakikilos, nauunawaan natin ang kalooban at mga hinihingi ng Diyos at mayroong pananampalataya upang isagawa ang mga salita ng Diyos sa ating pang-araw-araw na buhay. Pagkatapos ng ilang panahon, lumalago tayo sa ating mga espiritwal na buhay. Ngunit may mga pagkakataon, nawawalan tayo ng gana at hindi nasisiyahan sa pagbabasa natin ng Biblia at hindi madama ang pagliliwanag at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu. Wala tayong diwa ng kalooban at mga hinhingi ng Diyos, at lalo pang hindi natin nalalaman kung paano isagawa ang mga salita ng Diyos sa ating pang-araw-araw na mga buhay, at pagkalipas ng ilang sandali, hindi natin nararansasan ang espiritwal na paglago.