菜單

Mar 12, 2019

Tahimik na Dumarating ang Diyos sa Gitna Natin


Tagalog Christian Songs | "Tahimik na Dumarating ang Diyos sa Gitna Natin"


I
Tahimik ang Diyos at 'di kaylanman sa 'tin nagpakita,
pero 'di nahinto kaylanman gawain N'ya.
Tinitingnan N'ya lahat ng lupa, lahat ng bagay inuutusan,
lahat ng salita't gawa ng tao'y minamasdan.
Pamamahala N'ya'y nagawa, unti-unti, sa plano N'ya.
Tahimik, pero yapak N'ya'y lumalapit sa tao.
Luklukan ng paghatol N'ya'y pinadala sa sansinukob,
kasunod ng pagbaba ng trono N'ya sa gitna natin.

Mar 11, 2019

2. Talaga bang Anak ng Diyos si Cristo o Siya Mismo ang Diyos?

IX. Kailangang Ipaliwanag nang Malinaw ng Isang Tao na si Cristo ang Pagpapakita ng Diyos Mismo


2. Talaga bang Anak ng Diyos si Cristo o Siya Mismo ang Diyos?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:


“Sinabi sa kaniya ni Felipe, Panginoon, ipakita mo sa amin ang Ama, at sukat na ito sa amin. Sinabi sa kaniya ni Jesus: “Malaon nang panahong ako’y inyong kasama, at hindi mo ako nakikilala, Felipe? ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama; paanong sinasabi mo, Ipakita mo sa amin ang Ama? Hindi ka baga nananampalataya na ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin? ang mga salitang aking sinasabi sa inyo’y hindi ko sinasalita sa aking sarili: kundi ang Ama na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa. Magsisampalataya kayo sa akin na ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin: o kungdi kaya’y magsisampalataya kayo sa akin dahil sa mga gawa rin” (Juan 14:8-11).

“Ako at ang Ama ay iisa” (Juan 10:30).

Mar 10, 2019

Paano malalaman ng isang tao ang banal na diwa ni Cristo?

IX. Kailangang Ipaliwanag nang Malinaw ng Isang Tao na si Cristo ang Pagpapakita ng Diyos Mismo


1. Paano malalaman ng isang tao ang banal na diwa ni Cristo?


Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:


“Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay. ang mga salitang aking sinasabi sa inyo'y hindi ko sinasalita sa aking sarili: kundi ang Ama na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa” (Juan 14:6, 10-11).

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang pag-aralan ang ganoong bagay ay hindi mahirap, ngunit nangangailangan mula sa bawat isa sa atin na alamin ang katotohanang ito: Siya na pagkakatawang-tao ng Diyos ang magtataglay sa sustansya ng Diyos, at Siya na pagkakatawang-tao ng Diyos ang magtataglay ng pagpapahayag ng Diyos.

Mar 9, 2019

Christian Variety Show | "Mga Kamera sa Buong Lungsod" (Tagalog Crosstalk 2018)


Christian Variety Show | "Mga Kamera sa Buong Lungsod" (Tagalog Crosstalk 2018)


Sa ngalan ng kaligtasan ng publiko, nagkakabit ng mga kamera ang Chinese Communist Party sa buong paligid, na ang tunay na layunin ay gamitin ang mga high-tech na pamamaraan para batikusin ang pagtutol at pahirapan ang mga nananalig sa Diyos. Nahaharap ang mga Kristiyano sa matitinding hamon sa pagsisikap na maligtasan ang gayon katinding pagmamatyag. Ang crosstalk na Mga Kamera sa Buong Lungsod ay gumagamit ng nakakatawa at malinaw na pagtatanghal ng dalawang tao para ihayag ang masamang katotohanan kung paano ginagamit ng CCP ang mga kamera nito para kontrolin ang mga Kristiyano, gayundin ang maiitim na lihim na balak ng CCP sa pagpapahirap sa relihiyon …

Manood ng higit pa:ano ang kristiyanismo

Mar 8, 2019

Tagalog Gospel Songs|Paano Mo Sasalubungin Pagbalik ni Jesus


Tagalog Gospel Songs|Paano Mo Sasalubungin Pagbalik ni Jesus


I
Kapag Diyos naging tao ngayon,
gawa N'ya'y ipahayag disposisyon N'ya,
pangunahin sa pagkastigo't paghatol.
Gamit 'to bilang pundasyon,
dala Nya'y mas maraming katotohanan sa tao,
ipinapakita mas madaming paraan ng pagsasagawa,
kaya nakakamit layunin N'yang paglupig
at pagligtas sa tao mula sa masamang disposisyon n'ya.
Ito ang nasa likod
ng gawain ng Diyos sa Panahon ng Kaharian.
Kung tao'y nanatili sa Panahon ng Biyaya,
sariling disposiyon ng Diyos 'di nila malalaman kaylanman,
o makalaya sa disposisyong masama.

Mar 7, 2019

Paano Malalaman ang Pagkakaiba ng Tunay na Cristo at mga Huwad na Cristo 1


"Sino Siya na Nagbalik" Clip 1 - Paano Malalaman ang Pagkakaiba ng Tunay na Cristo at mga Huwad na Cristo 1


Narito tayo ngayon sa huling yugto ng mga huling araw at natupad na lahat ng hula hinggil sa pagbabalik ng Panginoon. Dahil sinasabi ng mga hula sa Biblia na sa mga huling araw ay magkakaroon ng mga huwad na Cristo, samakatuwid, maraming tao ang nagsara ng kanilang mga pinto at nagkulong. Kahit may marinig silang nagpapatotoo na nagbalik na ang Panginoon, hindi sila lumalabas at naghahanap o nagsisiyasat, at higit pa riyan, naniniwala sila na anumang paraang nagsasabing nagbalik na sa katawang-tao ang Panginoon ay hindi totoo at nanlilinlang.

Mar 6, 2019

Kapag Namamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus ay Magiging Kung Kailan Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa


Inaasam mo bang makita si Jesus? Inaasam mo bang mabuhay kasama si Jesus? Inaasam mo bang marinig ang mga salitang sinasambit ni Jesus? Kung gayon, paano mo naman sasalubungin ang pagbabalik ni Jesus? Handang-handa ka na ba? Sa anong paraan mo sasalubungin ang pagbabalik ni Jesus? Sa palagay Ko bawa’t kapatid na lalaki at babae na sumusunod kay Jesus ay gugustuhing malugod na salubungin si Jesus. Nguni’t naisip na ba ninyo kung talagang makikilala ninyo si Jesus sa pagbabalik Niya? Talaga bang maaabot ninyo ang lahat ng sinasabi Niya? Talaga bang tatanggapin ninyo, nang walang-pasubali, ang lahat ng gawaing ginagawa Niya? Alam ng lahat niyaong nakakabasa ng Biblia ang tungkol sa pagbabalik si Jesus, at lahat niyaong nakakabasa ng Biblia ay taimtim na naghihintay sa Kanyang pagdating.