菜單

Mar 11, 2019

2. Talaga bang Anak ng Diyos si Cristo o Siya Mismo ang Diyos?

IX. Kailangang Ipaliwanag nang Malinaw ng Isang Tao na si Cristo ang Pagpapakita ng Diyos Mismo


2. Talaga bang Anak ng Diyos si Cristo o Siya Mismo ang Diyos?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:


“Sinabi sa kaniya ni Felipe, Panginoon, ipakita mo sa amin ang Ama, at sukat na ito sa amin. Sinabi sa kaniya ni Jesus: “Malaon nang panahong ako’y inyong kasama, at hindi mo ako nakikilala, Felipe? ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama; paanong sinasabi mo, Ipakita mo sa amin ang Ama? Hindi ka baga nananampalataya na ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin? ang mga salitang aking sinasabi sa inyo’y hindi ko sinasalita sa aking sarili: kundi ang Ama na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa. Magsisampalataya kayo sa akin na ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin: o kungdi kaya’y magsisampalataya kayo sa akin dahil sa mga gawa rin” (Juan 14:8-11).

“Ako at ang Ama ay iisa” (Juan 10:30).

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang nagkatawang-taong Diyos ay tinatawag na Cristo, at si Cristo ay ang katawang-tao na isinuot ng Espiritu ng Diyos. Ang laman na ito ay hindi katulad ng kahit sinong taong galing sa laman. Ang pagkakaibang ito ay dahil si Cristo ay hindi nagmula sa laman at dugo kundi Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu. Siya ay may kapwa normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Ang Kanyang pagka-Diyos ay hindi taglay ng kahit sinong tao. Ang Kanyang normal na pagkatao ang Siyang umaalalay sa lahat ng Kanyang karaniwang mga gawain sa katawang-tao, habang ang Kanyang pagka-Diyos ang nagsasakatuparan ng gawain ng Diyos Mismo. Maging ang Kanyang pagkatao o pagka-Diyos, kapwa itong nagpapasakop sa kalooban ng Amang nasa langit. Ang sangkap ni Cristo ay ang Espiritu, iyon ay, ang pagka-Diyos. Samakatuwid, ang Kanyang sangkap ay yaong sa Diyos Mismo…. Sapagkat ang Diyos ay nagkatawang-tao, Kanyang napapaging-tunay ang Kanyang sangkap sa loob ng Kanyang laman…. At mula nang nagkatawang-tao ang Diyos, Siya ay gumagawa sa pagkakakilanlan ng Kanyang katawang-tao; yamang Siya ay nagkatawang-tao, tinatapos din Niya sa katawang-tao ang gawain na dapat Niyang gawin. Maging ito man ay ang Espiritu ng Diyos o ito man ay si Cristo, Sila ay kapwa Diyos Mismo, at ginagawa Niya ang gawain na dapat Niyang gawin at ginagampanan ang ministeryong dapat Niyang gampanan.

mula sa “Ang Sangkap ni Cristo ay Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang nagkatawang-taong laman ay nagmumula sa Espiritu: Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu, iyan ay, ang Salita ay naging laman. Sa madaling salita, Ang Diyos Mismo ay namumuhay sa loob ng laman. ... Sa kadahilanang ito, kahit na Siya ay tinatawag na “tao,” Siya ay hindi kabilang sa lahi ng tao, at walang pantaong mga katangian: Ito ang tao na ibinibihis ng Diyos sa Kanyang Sarili, ito ang tao na sinasang-ayunan ng Diyos. Sa loob ng mga salita ay nasa katawan ang Espiritu ng Diyos, at ang mga salita ng Diyos ay tuwirang ibinubunyag sa laman. Lalo nitong ginagawang malinaw na ang Diyos ay nabubuhay sa katawang-tao at isang higit na praktikal na Diyos, mula kung saan ay napapatunayan na ang Diyos ay umiiral, sa gayon ay tinatapos ang kapanahunan ng paghihimagsik ng sangkatauhan laban sa Diyos.

mula sa “Pakahulugan sa Ikaanim na Pagbigkas” ng mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Inihayag ng nagkatawang-tao na Anak ng tao ang pagka-Diyos ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang pagkatao at ipinarating ang kalooban ng Diyos sa sangkatauhan. At sa pamamagitan ng pagpapahayag ng kalooban at disposisyon ng Diyos, Kanya ding ibinunyag sa mga tao ang Diyos na hindi nakikita o nahihipo sa espirituwal na kaharian. Ang nakita ng mga tao ay ang Diyos Mismo, nahihipo at may laman at mga buto. Kaya ang nagkatawang-tao na Anak ng tao ay gumawa ng mga bagay gaya ng sariling pagkakakilanlan ng Diyos, kalagayan, larawan, disposisyon, at kung anong mayroon at kung ano Siya na kongkreto at gawing makatao. Bagamat ang panlabas na kaanyuan ng Anak ng tao ay mayroong ilang mga limitasyon na may kinalaman sa imahe ng Diyos, ang Kanyang diwa at ang kung ano ang mayroon at kung ano Siya ay lubos na naisalarawan ang sariling pagkakakilanlan at kalagayan ng Diyos-mayroon lamang ilang mga pagkakaiba sa anyo ng pagpapahayag. Hindi alintana kung ito man ay ang pagkatao ng Anak ng tao o ang Kanyang pagka-Diyos, hindi natin maitatanggi na kinakatawan Niya ang sariling pagkakakilanlan at kalagayan ng Diyos. Sa panahong ito, gayunman, gumawa ang Diyos sa katawang-tao, nagsalita mula sa pananaw ng katawang-tao, at tumayo sa harapan ng sangkatauhan sa pagkakakilanlan at kalagayan ng Anak ng tao, at ito ang nagbigay ng pagkakataon sa mga tao na masagupa at maranasan ang tunay na mga salita at gawain ng Diyos sa gitna ng sangkatauhan. Ito ay nagtulot din sa mga tao ng kaunawaan sa Kanyang pagka-Diyos at ang Kanyang kadakilaan sa gitna ng kababaang-loob, gayundin upang magkamit ng isang paunang pagkaunawa at paunang pakahulugan sa pagiging tunay at katotohanan ng Diyos. Bagamat ang gawain na nakumpleto ng Panginoong Jesus, ang Kanyang mga paraan sa paggawa, at ang pananaw kung paano Siya nagsasalita ay kaiba mula sa totoong persona ng Diyos sa espirituwal na kaharian, ang lahat ng bagay tungkol sa Kanya ay talagang kumakatawan sa Diyos Mismo na hindi pa kailanman nakita ng mga tao-hindi ito maitatanggi! Na ang ibig sabihin, kahit na sa anumang anyo magpapakita ang Diyos, kahit na sa alinmang pananaw Siya magsasalita, o sa anumang larawan Siya haharap sa sangkatauhan, walang kinakatawan ang Diyos kundi ang Diyos Mismo. Hindi Niya maaring katawanin ang sinumang tao-Hindi maaaring ilarawan ang sinumang tiwaling tao. Ang Diyos ay Diyos Mismo, at ito ay hindi maitatanggi.

mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Nang tinawag ni Jesus sa pangalang Ama ang Diyos sa langit habang Siya ay nananalangin, ito ay ginawa mula sa pananaw ng isang taong nilikha, ito ay dahil lamang sa dinamitan ng Espiritu ng Diyos ang Kanyang Sarili bilang isang karaniwan at normal na tao at nagkaroon ng panlabas na panakip ng isang nilikhang pagkatao. Kahit na ang nasa loob Niya ay ang Espiritu ng Diyos, ang Kanyang panlabas na anyo ay nanatili pa ring sa karaniwang tao; sa ibang salita, Siya ay naging “Anak ng tao” na kung saan ang lahat ng tao, kabilang si Jesus Mismo, ay nagsabi. Sabihin mang Siya ay tinawag na Anak ng tao, Siya ay tao (maging lalaki man o babae, gayunma’y yaong may panlabas na pabalat ng isang tao) ipinanganak sa isang normal na sambahayan ng mga karaniwang tao. Samakatuwid, ang pagtawag ni Jesus sa Diyos sa langit sa pangalang Ama ay katulad lang ng kung paano ninyo Siya tinawag na Ama noong una; ito ay ginawa Niya mula sa pananaw ng isang taong nilikha. Natatandaan pa ba ninyo ang Panalangin ng Panginoon na itinuro ni Jesus sa inyo na kabisaduhin? “Ama namin na nasa langit….” Hiniling Niya sa lahat ng tao na tawagin ang Diyos sa langit sa pangalang Ama. At yamang tinawag Niya rin Siyang Ama, ito ay Kanyang ginawa mula sa pananaw ng isang may kalagayan na kagaya ng sa inyong lahat. Yamang tinawag ninyo ang Diyos sa langit sa pangalang Ama, ipinakikita nito na nakita ni Jesus ang Kanyang sarili na kapantay ninyo, at bilang isang tao sa lupa na pinili ng Diyos (iyon ay, ang Anak ng Diyos). Kung tinatawag ninyong Diyos ang “Ama,” hindi ba ito dahil kayo ay taong nilikha? Gaano man kadakila ang kapangyarihan ni Jesus sa mundo, bago ang pagkakapako sa krus, Siya ay Anak lamang ng tao, pinamamahalaan ng Banal na Espiritu (iyon ay, ng Diyos), at isa sa mga nilikhang tao sa lupa, sapagkat hindi pa Niya nakukumpleto ang Kanyang gawain. Samakatuwid, ang pagtawag Niya ng Ama sa Diyos sa langit ay tanging Kanyang kababaang-loob at pagkamasunurin. Ang Kanyang pagtawag sa Diyos (iyon ay, ang Espiritu sa langit) sa gayong paraan, gayunman, hindi nagpapatunay na Siya ang Anak ng Espiritu ng Diyos sa langit. Sa halip, tunay na naiiba ang Kanyang pananaw, hindi sa Siya ay naiibang persona. Ang pag-iral ng magkakaibang mga persona ay kamalian! Bago pa sa Kanyang pagkakapako sa krus, si Jesus ay isang anak ng tao na nakatali sa mga limitasyon ng laman, at hindi Niya lubos na taglay ang kapangyarihan ng Espiritu. Kung kaya hinahanap lamang Niya ang kalooban ng Diyos Ama mula sa pananaw ng isang nilikhang tao. Ito ay kagaya lamang nang tatlong beses Siyang manalangin sa Gethsemane: “Hindi ayon sa gusto ko, ngunit ayon sa gusto mo.” Bago pa Siya naitakda sa krus, Siya ang Hari ng mga Hudyo; Siya ay si Kristo, ang Anak ng tao, at hindi katawan ng kaluwalhatian. Kung kaya, mula sa pananaw ng isang taong nilikha, tinawag Niya ang Diyos na Ama.

mula sa “Umiiral ba ang Trinidad?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mayroon pa yaong mga nagsasabi, hindi ba malinaw na sinabi ng Diyos na si Jesus ay ang Kanyang sinisintang Anak? “Si Jesus ang sinisintang Anak ng Diyos, na Kanyang kinalulugdan” ay tunay na sinalita ng Diyos Mismo. Iyon ang Diyos na nagpapatotoo sa Sarili Niya mismo, ngunit mula lamang sa magkaibang pananaw, na ang Espiritu sa langit ay sumasaksi sa Kanyang sariling pagkakatawang-tao. Si Jesus ay ang Kanyang pagkakatawang-tao, hindi ang Kanyang Anak sa langit. Naiintindihan mo ba? Hindi ba ang mga salita ni Jesus, “Ang Ama ay nasa Akin at Ako ay nasa Ama,” nagsasabing sila ay isang Espiritu? At hindi ba dahil sa pagkakatawang-tao na Sila ay nagkahiwalay sa pagitan ng langit at lupa? Sa katotohanan, Sila ay isa pa rin; kahit ano pa, ito ay para lamang ang Diyos ay sumasaksi sa Sarili Niya. Dahil sa pagbabago sa mga panahon, mga kinakailangan ng gawain, at ang iba’t-ibang mga yugto ng Kanyang plano sa pamamahala, ang pangalan na kung saan ang itinatawag ng tao sa Kanya ay nagkakaiba rin. Nang Siya ay dumating upang isagawa ang unang yugto ng gawain, Siya ay maaari lamang tawaging Jehovah, pastol ng mga Israelita. Sa ikalawang yugto, ang nagkatawang-taong Diyos ay maaari lamang tawaging Panginoon, at Kristo. Ngunit sa panahong iyon, ang Espiritu sa langit ay nagsabi lamang na Siya ang sinisintang Anak ng Diyos, at hindi nabanggit ang Kanyang kalagayan bilang tanging Anak ng Diyos. Ito ay hindi talagang nangyari. Paano nagkaroon ng isang anak lang ang Diyos? Kung gayon ang Diyos ay hindi maaaring maging tao? Sapagkat Siya ang pagkakatawang-tao, Siya ay tinawag na sinisintang Anak ng Diyos, at, mula rito, dumating ang relasyon sa pagitan ng Ama at Anak. Ito ay dahil lamang sa paghihiwalay ng langit at lupa. Nanalangin si Hesus mula sa pananaw ng katawang-tao. Yamang nagsuot Siya ng katawang tao ng gayong normal na pagkatao, ito ay mula sa pananaw ng katawang-tao na Kanyang sinabi: Ang aking panlabas na balat ay sa nilikhang tao. Yamang Ako ay nagkatawang-tao upang makarating sa mundong ito, Ako ngayon ay malayo, malayung-malayo mula sa langit. Para sa kadahilanang ito, maaari lamang Siyang manalangin sa Diyos Ama mula sa pananaw ng katawang-tao. Ito ang Kanyang tungkulin, at ito ang dapat maipagkaloob sa nagkatawang-taong Espiritu ng Diyos. Hindi maaaring sabihin na hindi Siya Diyos dahil lamang sa nananalangin Siya sa Ama mula sa pananaw ng katawang-tao. Bagamat tinatawag Siya na sinisintang Anak ng Diyos, Siya pa rin ay Diyos Mismo, sapagkat Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu, at ang Kanyang sangkap ay ang Espiritu pa rin.

mula sa “Umiiral ba ang Trinidad?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Kung sinuman sa gitna ninyo ang nagsasabi na talagang umiiral ang Trinidad, kung gayon ay ipaliwanag kung ano ba talaga itong isang Diyos sa tatlong persona. Ano ang Banal na Ama? Ano ang Anak? Ano ang Banal na Espiritu? Si Jehovah ba ang Banal na Ama? Si Jesus ba ang Anak? Kung gayon ano ang sa Banal na Espiritu? Hindi ba ang Ama ay isang Espiritu? Hindi ba ang sangkap ng Anak ay isa ring Espiritu? Hindi ba ang gawain ni Jesus ay gawain ng Banal na Espiritu? Hindi ba ang gawain ni Jehovah sa panahong iyon ay ipinatupad ng Espiritu kagaya ng kay Jesus? Ilang Espiritu ba ang maaaring taglayin ng Diyos? Ayon sa iyong paliwanag, ang tatlong persona ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu ay iisa; kung gayon, mayroong tatlong mga Espiritu, ngunit ang pagkakaroon ng tatlong mga Espiritu ay nangangahulugan na mayroong tatlong Diyos. Ito ay nangangahulugan na walang isang tunay na Diyos; papaanong ang ganitong uri ng Diyos ay nagtataglay pa rin ng likas na sangkap ng Diyos? Kung tinatanggap mo na may isang Diyos lamang, kung gayon ay paano Siya magkaroon ng isang anak at maging isang ama? Hindi ba't mga paniwala mo lamang ang lahat ng mga ito? May isang Diyos lamang, isang persona lamang sa Diyos na ito, at isang Espiritu ng Diyos lamang, yamang ito ay nakasulat sa Biblia na “Mayroon lamang isang Banal na Espiritu at isa lamang ang Diyos.” Hindi alintana kung ang Ama at ang Anak man na iyong sinasabi ay umiiral, matapos ang lahat ay may isang Diyos lamang, at ang sangkap ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu na inyong pinaniniwalaan ay ang sangkap ng Banal na Espiritu. Sa ibang salita, Ang Diyos ay Espiritu, ngunit may kakayahan Siyang maging tao at mamuhay na kabilang sa mga tao, gayundin ay mangibabaw sa lahat ng mga bagay. Ang kanyang Espiritu ay sumasalahat at nasa lahat ng dako. Kaya Niyang mapunta sa laman nang sabay-sabay sa lahat ng dako ng mundo. Yamang ang lahat ng tao ay nagsasabing ang Diyos ay ang isa lamang tunay na Diyos, kung gayon ay mayroon nag-iisang Diyos lamang, na hindi kayang basta-basta na lamang baha-bahagiin ninuman! Ang Diyos ay isang Espiritu lamang, at isang persona lamang; at iyon ay ang Espiritu ng Diyos. Kung ito ay kagaya ng iyong sinasabi, ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu, kung gayon hindi ba Sila tatlong mga Diyos? Ang Banal na Espiritu ay isang paksa, ang Anak ay iba pa, at ang Ama ay isa pa rin. Sila’y magkakaibang mga persona na may magkakaibang mga sangkap, kung gayon paanong ang bawat isa sa Kanila ay magiging bahagi ng nag-iisang Diyos? Ang Banal na Espiritu ay isang Espiritu; ito ay madali lamang maintindihan ng tao. Samakatwid, kung gayon ang Ama ay lalong higit pa na isang Espiritu. Hindi Siya kailanman bumaba sa lupa at hindi kailanman naging tao; Siya ang Diyos na si Jehovah sa puso ng tao, at tiyak na Siya ay isa ring Espiritu. Kung gayon ano ang relasyon sa pagitan Niya at ng Banal na Espiritu? Ito ba ang relasyon sa pagitan ng Ama at ng Anak? O ito ba ang relasyon sa pagitan ng Banal na Espiritu at ng Espiritu ng Ama? Ang sangkap ba ng bawat Espiritu ay magkapareho? O ang Banal na Espiritu ay isang kasangkapan ng Ama? Paano ito maipapaliwanag? At kung gayon ano ang relasyon sa pagitan ng Anak at ng Banal na Espiritu? Ito ba ay relasyon sa pagitan ng dalawang Espiritu o relasyon sa pagitan ng isang Espiritu at ng isang tao? Ito ang mga bagay na hindi magkakaroon ng paliwanag! Kung Silang lahat ay isang Espiritu, kung gayon ay hindi magkakaroon ng pag-uusap sa tatlong persona, sapagkat taglay Nila ang iisang Espiritu. Kung magkakaiba Silang mga persona, kung gayon ang Kanilang mga Espiritu ay magkakaiba ng lakas, at tunay na hindi Sila maaaring maging isang Espiritu. Ang konseptong ito ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu ay masyadong katawa-tawa! Pinagpira-piraso nito ang Diyos at pinagbaha-bahagi sa tatlong persona, bawat isa ay may kalagayan at Espiritu; paano kung gayon na Siya ay isang Diyos at isang Espiritu pa rin? Sabihin ninyo sa Akin, ang langit at lupa, at ang lahat ng mga bagay na nakapaloob dito ay nilikha ba ng Ama, ng Anak, o ng Banal na Espiritu? Sinasabi ng ilan na nilikha Nila ito nang magkakasama. Kung gayon sino ang tumubos sa sangkatauhan? Ito ba ang Banal na Espiritu, ang Anak, o ang Ama? Sinasabi ng ilan na ang Anak ang tumubos sa sangkatauhan. Kung gayon ay sino ang Anak sa kaanyuan? Hindi ba Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu ng Diyos? Tinatawag ng nagkatawang-tao ang Diyos sa langit sa pangalang Ama mula sa pananaw ng isang taong nilikha. Hindi mo ba alam na si Jesus ay ipinanganak mula sa paglilihi ng Banal na Espiritu? Sa loob Niya ay ang Banal na Espiritu; anuman ang iyong sabihin, Siya ay kaisa ng Diyos sa langit, sapagkat Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu ng Diyos. Ang ideyang ito tungkol sa Anak ay tunay na hindi totoo. Ito ay ang isang Espiritu na ipinatutupad ang lahat ng gawain; tanging ang Diyos Mismo, iyon ay, ang Espiritu ng Diyos ang nagpapatupad ng Kanyang gawain. Sino ang Espiritu ng Diyos? Hindi ba ito ang Banal na Espiritu? Hindi ba ang Banal na Espiritu ang gumagawa kay Jesus? Kung ang gawain ay hindi tinupad ng Banal na Espiritu (iyon ay, ang Espiritu ng Diyos), kung gayon maaari bang ang Kanyang gawain ay kumatawan sa Diyos Mismo?

mula sa “Umiiral ba ang Trinidad?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang unang nakita ng tao ay ang Banal na Espiritu na bumababa gaya ng isang kalapati sa pamamagitan ni Jesus; hindi ito ang Espiritung tanging kay Kristo, ngunit sa halip ang Banal na Espiritu. Kung gayon maaari bang ihiwalay ang Espiritu ni Jesus mula sa Banal na Espiritu? Kung si Jesus ay si Jesus, ang Anak, at ang Banal na Espiritu ay ang Banal na Espiritu, kung gayon paano Sila naging isa? Ang gawain ay hindi maipatutupad kung sakali. Ang Espiritu sa loob ni Jesus, ang Espiritu sa langit, at ang Espiritu ni Jehovah ay iisang lahat. Maaari itong tawaging Banal na Espiritu, ang Espiritu ng Diyos, ang makapitong pinatinding Espiritu, at ang sumasa-lahat na Espiritu. Ang Espiritu ng Diyos ay kayang mag-isang isagawa ang maraming gawain. Kaya Niyang likhain ang mundo at wasakin ito sa pamamagitan ng pagpapabaha sa lupa; kaya Niyang tubusin ang buong sangkatauhan, at higit pa rito, makakayang lupigin at wasakin ang buong sangkatauhan. Ang gawaing ito ay ipinatupad lahat ng Diyos Mismo at hindi makakayang gawin ng sinuman sa iba pang mga persona ng Diyos sa Kanyang lugar. Ang Kanyang Espiritu ay maaaring tawagin sa pangalang Jehovah at Jesus, maging sa pangalang Makapangyarihan. Siya ang Panginoon, at Kristo. Maaari din Siyang maging ang Anak ng tao. Siya ay nasa kalangitan at nasa lupa din; Siya ay nasa kaitaasan ng mga daigdig at nasa gitna ng karamihan. Siya ang tanging Panginoon ng langit at ng lupa! Mula sa panahon ng paglikha hanggang sa ngayon, ang gawaing ito ay ipinatutupad ng Diyos Mismo. Maging ito man ay gawain sa langit o sa laman, lahat ay ipinatutupad ng Kanyang sariling Espiritu. Lahat ng mga nilalang, maging sa langit o sa lupa, ay nasa pamamahala ng Kanyang makapangyarihang kamay; lahat ng ito ay gawain ng Diyos Mismo at hindi maaaring gawin ninuman sa Kanyang lugar. Sa mga kalangitan, Siya ang Espiritu subalit ang Diyos Mismo din; sa gitna ng mga tao, Siya ay katawang-tao ngunit nananatiling Diyos Mismo. Bagamat maaari Siyang tawagin sa daan-daang libong mga pangalan, Siya pa rin ay Siya Mismo, at ang lahat ng gawain[a] ay ang tuwirang pagpapahayag ng Kanyang Espiritu. Ang pagtubos sa lahat ng sangkatauhan sa pamamagitan ng pagkakapako Niya sa krus ay ang tuwirang gawain ng Kanyang Espiritu, at maging ang pagpapahayag sa lahat ng mga bansa at lahat ng mga bayan sa panahon ng mga huling araw. Sa lahat ng panahon, ang Diyos ay maaari lamang tawaging makapangyarihan at isang tunay na Diyos, ang sumasa-lahat na Diyos Mismo. Ang nagkakaibang mga persona ay hindi umiiral, lalong hindi ang ideya ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu! Mayroon lamang isang Diyos sa langit at sa lupa!

mula sa “Umiiral ba ang Trinidad?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao