菜單

Ene 4, 2019

Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi III Ang Awtoridad ng Diyos (II) (Ikapitong Bahagi)



Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos|Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi III Ang Awtoridad ng Diyos (II) (Ikapitong Bahagi)


Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao" Ang nilalaman ng video na ito:
Walang Sinuman ang Maaaring Makapagpabago sa Katotohanan na Hawak ng Diyos ang Pantaong Kapalaran sa Kanyang Dakilang Kapangyarihan

Ene 3, 2019

Clip ng Pelikulang (4) Pagtanggap sa Cristo ng mga Huling Araw at Pagkadala sa Kaharian ng Langit


Clip ng Pelikulang Paggising Mula sa Panaginip (4) "Pagtanggap sa Cristo ng mga Huling Araw at Pagkadala sa Kaharian ng Langit"


Kung naniniwala lang tayo sa Panginoong Jesus, at humagawak sa daan ng Panginoong Jesus, pero hindi tinatanggap ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, pa’no natin makakamit ang paglilinis at makakapasok sa kaharian ng langit?  Nais mo bang maging isang matalinong birhen na kayang sumabay sa mga yabag ng Diyos upang makamit ang mga biyaya sa kaharian ng langit? Mangyaring panoorin ang pelikulang ito.

Ene 2, 2019

New Tagalog Skit "Ang mga Limitasyon ng Mayor ng Barrio" | Why Christians Have to Flee Their Homes


New Christian Tagalog Skit | "Ang mga Limitasyon ng Mayor ng Barrio" | Why Christians Have to Flee Their Homes


Ikinukuwento ng maikling dula na Ang Mayor ng Barrio ang tunay na kuwento ng isang mag-asawang Kristiyano na napilitang tumakas dahil sa pang-uusig ng pamahalaang CCP.
Hinatulan ng CCP ang Kristiyanong si Liu Ming'en ng pitong taong pagkabilanggo dahil sa paniniwala sa Diyos. Maging noong nakalabas na siya sa bilangguan, nanatili siyang target ng masidhing paniniktik ng CCP. Ginagamit ng mayor ng barrio ang sistemang pananagutan ng limang-sambahayan, mga camerang pang-seguridad, pagdalaw sa bahay, at iba pang mga paraan para mapigilan si Liu Ming'en at ang asawa niya na sumampalataya sa Diyos, ngunit hindi nakamit ng mga ito ang inaasam na epekto. Ngayon, nakatanggap na naman ang mayor ng prayoridad na sulat mula sa Sentral na Partido, matapos nito sinusubukan niyang mag-isip ng mga paraan para puwersahin si Liu Ming'en at ang asawa niya na pumirma ng sulat na nangangakong itigil ang paniniwala sa Diyos. Matapos mabigo ang pakanang ito, muling dumating ang mga pulis para arestuhin ang dalawang mananampalataya. Para maiwasan ang pagkaaresto at ipagpatuloy ang pagsunod sa Diyos at pananampalataya sa Diyos, napilitang umalis sa kanilang tahanan sina Liu Ming'en at ang kanyang asawa.

Ene 1, 2019

Clip ng Pelikulang (4) "Talaga Bang Kinasihan ng Diyos ang Buong Biblia?"


Clip ng Pelikulang (4) "Talaga Bang Kinasihan ng Diyos ang Buong Biblia?"


Halos lahat ng tao sa mga relihiyon ay naniniwala na "ang buong kasulatan ay ibinigay sa pamamagitan ng inspirasyon ng Diyos," at lahat ng nasa Biblia ay salita ng Diyos. Umaayon ba sa mga tunay na pangyayari ang ganitong klaseng pahayag? Ang Biblia ay patotoo lamang tungkol sa Diyos, isang talaan ng Kanyang gawain, at hindi ganap na binubuo ng Kanyang mga binigkas.

Dis 31, 2018

Ang Pag-Uusap (2) "Paano Gumaganti ang mga Kristiyano sa Ateistang Pagbe-brainwash ng CCP"


Paano Gumaganti ang mga Kristiyano sa Ateistang Pagbe-brainwash ng CCP (2/6) | Clip ng Pelikulang Ang Pag-Uusap



Para mapilit ang mga Kristiyano na talikuran ang Diyos at isuko ang kanilang pananampalataya, hindi lang sila inakit ng CCP ng kabantugan at katungkulan, kundi tinuruan pa sila ng ateismo, materyalismo, ebolusyonismo, at kaalaman sa siyensya. Kaya paano tumugon ang mga Kristiyano sa brainwashing at pangungumbinsi ng CCP? Bakit nila patuloy na sinundan ang landas ng pananalig at pagsunod sa Diyos? Inihanda ang magandang maikling videong ito para masagot mo ang mga tanong na ito.

Dis 30, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Ang mga Taong Natamo ng Diyos ay Nagtataglay ng Realidad"


Tagalog Worship Songs
Ang mga Taong Natamo ng Diyos ay Nagtataglay ng Realidad


I
Ang Diyos ay praktikal na Diyos.
Lahat ng Kanyang gawain, Kanyang bawat salita,
mga katotohanang Kanyang ipinahayag ay praktikal.
Lahat ng iba pa'y hungkag at hindi tama.
Gagabay sa tao Banal na Espiritu
tungo sa mga salita ng Diyos.
Para makapasok sa realidad, kailangan ng taong
hanapin, alamin, at maranasan ito.
Sila na taglay at alam ang realidad
ay ang mga natamo ng Diyos.
Alam nila ang Kanyang mga gawain
sa pamamagitan ng pagdanas sa realidad.

Dis 29, 2018

Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI Ang Kabanalan ng Diyos (III) Ikatlong Bahagi


Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI Ang Kabanalan ng Diyos (III) (Ikatlong Bahagi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Dahil sa ang Diyos ay walang kasamaan ng sangkatauhan at wala kahit na malayo man tulad ng masamang disposisyon ng tao o ng kakanyahan ni Satanas, mula sa kuru-kurong ito maaari nating masabi na ang Diyos ay banal. Ang Diyos ay walang ibinubunyag na kasamaan, at ang pagbubunyag ng Kanyang sariling kakanyahan sa Kanyang gawain ay lahat pagpapatibay na kinakailangan natin na ang Diyos Mismo ay banal.