Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Normal na Pagkatao ni Cristo at ng Pagkatao ng Tiwaling Sangkatauhan
Ang Diyos ay nagkakatawang-tao para iligtas ang tao at, mula sa labas, ang Diyos na nagkatawang-tao ay nagpapakita bilang karaniwang tao. Ngunit alam mo ba ang mahalagang pagkakaiba ng normal na pagkatao ng Diyos na nagkatawang-tao at ng pagkatao ng tiwaling sangkatauhan? Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "Ang laman na sinuot ng Espiritu ng Diyos ay ang sariling laman ng Diyos. Ang Espiritu ng Diyos ay kataas-taasan; Siya ay makapangyarihan, banal at matuwid. Gayon din naman, ang Kanyang laman ay kataas-taasan, makapangyarihan, at matuwid din. ... sa kabila ng katotohanang ang tao at si Cristo ay nananahan sa loob ng parehong espasyo, tanging ang tao lamang ang siyang nadomina, nagamit at nabitag ni Satanas. Sa kabaligtaran, si Cristo ay magpasawalang-hanggang hindi tinatablan ng katiwalian ni Satanas, sapagkat si Satanas ay kailanman hindi makakayanang umakyat sa lugar ng kataas-taasan, at hindi kailanman maaaring makalapit sa Diyos" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-Tao).
Rekomendasyon:
Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos