菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na mga pariseo. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na mga pariseo. Ipakita ang lahat ng mga post

Dis 8, 2017

Babagsak ang Lungsod | Ang Relihiyosong Babilonia ay Nakatadhanang Bumagsak sa Ilalim ng Galit ng Diyos

Babagsak ang Lungsod | Ang Relihiyosong Babilonia ay Nakatadhanang Bumagsak sa Ilalim ng Galit ng Diyos

Mabangis na sinusuway at binabatikos ng relihiyosong mundo ang Makapangyarihang Diyos, gumagawa ng hindi mabilang na masasamang gawain, at sila’y naging kampo ni Satanas na itinatalaga ang kanilang sarili na kalaban ng Diyos. Ang dakilang lungsod ng relihiyosong Babilonia ay nakatadhanang bumagsak sa ilalim ng galit ng Diyos! Hinuhulaan ng Pahayag, “Sa aba, sa aba ng dakilang bayang Babilonia, ng bayang matibay! sapagka’t sa isang oras ay dumating ang hatol sa iyo” (Pahayag 18:10). Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Pinagkakatiwalaan namin na walang bansa o kapangyarihan ang maaaring pumigil sa kung ano ang nais ng Diyos na makamit. Yaong mga sumasawata sa gawain ng Diyos, nilalabanan ang salita ng Diyos, iniistorbo at pinapahina ang plano ng Diyos sa huli ay parurusahan ng Diyos. Siya na lumalabag sa gawain ng Diyos ay ipadadala sa impiyerno; anumang bayan na susuway sa gawain ng Diyos ay pupuksain; alinmang bansa na tumayo upang tutulan ang gawain ng Diyos ay mawawala mula sa lupang ito, at ito’y titigil sa pag-iral” (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).