Ni Zheng Xin, Tsina
Sa mga nakaraang ilang taon, upang mapasigla ang simbahan at palakasin ang pananampalataya ng kanyang mga kapatid na lalaki at babae pati na rin ang kanyang sarili, si Lin Ke ay nag-ayuno at nanalangin nang maraming beses na hindi na niya mabilang. Sa kabila ng lahat ng ito ay hindi niya nadama ang pagkakaroon at gabay ng Panginoon sa buong oras na ito. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi nakikinig ang Diyos sa kanyang mga dalangin—dahil ba siya ay hindi pa sapat na taimtim sa kanyang pag-aayuno at panalangin?
Nakaupo si Lin Ke sa isang pampang ng lawa na nakatitig sa kawalan, naguguluhan sa isyung ito ng pag-aayuno at panalangin nang sinisigawan siya ng kanyang katrabaho na si Xiao Jing nang dalawang beses bago niya ito narinig.
Bilang tugon sa mga alalahanin na ipinahayag ni Xiao Jing, hindi mapigilang mapangiti si Lin Ke at sinabi, “Nitong mga huling taon, ang sitwasyon sa aking iglesia ay patuloy na lumalala, at ako mismo ay mahina. Sa huling oras na ito, nag-ayuno ako at nagdasal ng apat na araw! Sa kabila nito wala pa ring pag-unlad sa aming sitwasyon, at sa buong oras na ito ay hindi ko naramdaman ang presensya ng Diyos. Nagtataka ako kung hindi pa ba ako sapat na taimtim sa aking pag-aayuno, o kung sinusubukan ng Panginoon ang aking pananampalataya? Ang aking puso ay kasalukuyang mahina. Ako ay tunay na may utang na loob sa Panginoon!”
Sumagot si Xiao Jing: “Lin Ke, naisip mo ba kung bakit, kahit na tayo ay nag-aayuno at nananalangin at taimtim na humiling sa Diyos na pasiglahin ang iglesia, ang Diyos ay hindi nakikinig? Sa katunayan, may kalooban ang Diyos na dapat hanapin! Alam nating lahat na ang Diyos ay tapat, at hangga’t nananalangin tayo alinsunod sa kalooban ng Diyos at tinutupad ang mga atas ng Diyos, makikinig ang Diyos. Gayunpaman, ang kinakailangan ay dapat tayong manalangin alinsunod sa kalooban ng Panginoon. Kung hindi, hindi alintana kung paano tayo nag-aayuno at nananalangin, kahit na ang ating saloobin ay napaka-taimtim at kahit gaano man tayo magdusa, ang Diyos ay hindi makikinig. Ang kasalukuyang pagpanglaw sa iglesia ay hindi lamang nagaganap sa isa o dalawang iglesia. Sa halip, ito ay talagang pangkaraniwan sa lahat ng mga relihiyon sa buong mundo. Ipinapahiwatig nito na ang kalooban ng Diyos ay nasa loob nito. Ang nararapat nating gawin ay ang hanapin at kamtim ang kaliwanagan sa ugat ng pagpanglaw ng iglesia. Ano ang kalooban ng Diyos? Kung hindi natin nasasagot ang mga katanungang ito, kahit na hindi natin ihihinto ang pag-aayuno at pagdarasal, hindi natin malulutas ang isyung ito at magtatapos tayo sa paggutom sa ating mga sarili!”
Naguguluhang, nagtanong si Lin Ke, “Paano natin hahanapin ang kalooban ng Diyos hinggil sa pagpanglaw ng iglesia?”
Sumagot si Xiao Jing, “Patungkol dyan, habang ako ay nagbabasa ng Bibliya, natagpuan ko ang mga sumusunod na banal na kasulatang ito: ‘At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig’ (Mateo 24:12). ‘Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoong Jehova, na ako’y magpapasapit ng kagutom sa lupain, hindi kagutom sa tinapay, o kauhawan man dahil sa tubig, kundi sa pagkarinig ng mga salita ni Jehova’ (Amos 8:11). ‘At binigyan ko naman kayo ng kalinisan ng mga ngipin sa lahat ninyong mga bayan, at kakulangan ng tinapay sa lahat ninyong mga dako; gayon ma’y hindi kayo nanganumbalik sa akin, sabi ni Jehova. At akin namang pinigil ang ulan sa inyo, nang tatlong buwan na lamang at pagaani na; at aking pinaulan sa isang bayan, at hindi ko pinaulan sa kabilang bayan: isang bahagi ay inulanan, at ang bahagi na hindi inulanan ay natuyo’ (Amos 4:6-7). Ngayon, ang mga insidente ng kawalan ng batas tulad ng pagnanakaw at pangangalunya ay tumataas sa lahat ng oras. Kahit ang mga pastor, matatanda at tanyag na mangangaral ay hindi nakakasunod sa mga kautusan. Ang ginagawa lamang nila ay nangangaral tungkol sa kaalaman sa Bibliya upang itaas ang kanilang sarili. Pinatototohanan nila ang kanilang sarili upang ang mga kapatid ay sambahin sila—malayo sila sa pagtataas o pagpapatotoo sa Diyos. Nagpapanggap silang naglilingkod sa Diyos ngunit sa totoo lang, pasimpleng ginagamit lamang nila ang kanilang awtoridad sa ating mga kapatid. Sila’y lumayo sa paraan ng Panginoon matagal na panahon na ang nakalipas at sila ay tinanggihan ng Diyos. Sa ganitong mga taong naglilingkod sa Diyos, paanong ang iglesia ay hindi magiging mapanglaw? Higit pa riyan, tayo ay nasa mga huling araw. Ito ang pinakamahalagang oras kung saan babalik ang Panginoon. Posible na muling gumawa ng bagong gawain ang Diyos, na ang gawain ng Banal na Espiritu ay lumipat, at ito ay dahil lamang sa hindi natin sinunod ang mga yapak ng Diyos na naiwan tayo sa kadiliman. Katulad ito sa huling yugto ng Kapanahunan ng Kautusan. Ang mga pinuno ng Hudaismo ay hindi sumunod sa mga batas ni Jehova at kulang sila ng pusong may paggalang sa Diyos. Ang lahat ng kanilang ginawa ay sumunod sa kung ano ang naipasa ng tao; tinalikuran nila kahit na ang mga kautusan ng Diyos at ganap na nalayo sa paraan ng Diyos. Ginawaran nila ang templo bilang isang ‘lungga ng mga magnanakaw’ kung saan sila bumibili at nagbebenta ng mga hayop at nagpapalitan ng pera. Bilang resulta, ang templo ay unti-unting pumanglaw. Ito ang pangunahing dahilan ng pagkawala ng gawain ng Banal na Espiritu. Higit pa, dumating si Jesus upang gumawa ng bagong gawain. Ang mga tao sa panahong iyon ay kailangang umalis sa templo at tumanggap ng gawain ni Jesus upang muling matamo ang gawain ng Banal na Espiritu at tamasahin ang kapayapaan, kagalakan at tamis ng gawa ng Banal na Espiritu.”
Nang may pagkamangha, sinabi ni Lin Ke, “Ang sinasabi mo ay ang kasalukuyang pagpanglaw ng mga iglesia ay katulad ng nangyari sa huling yugto ng Kapanahunan ng Kautusan. Simula ng ang mga pastor at matatanda ay lumihis mula sa paraan ng Panginoon, ang Diyos ay matagal na silang tinanggihan at nawala ang gawain ng Banal na Espiritu. At, posible bang bumalik na ang Diyos upang gumawa ng bagong gawain?”
Sinabi ni Xiao Jing, “Mmm, oo. Ito ay ganap na posible. Alam nating lahat ang kasalukuyang kalagayan ng iglesia. Tulad ng kung paano ang ating mga kapatid lamang ay walang anumang nakikipagdaldalan sa isa’t isa: Sa podium, ang mga sermon ng pastor ay palaging parehong mga lumang bagay; sa entablado, ang mga mananampalataya ay nag-tsitsismisan ng walang patid. ang mga kabataan ay patuloy na sinisipat ang kanilang mga orasan at ang matatanda ay naghihilikan hanggang makatulog. Ang mga pagtitipon ay naka-iskedyul sa 7 P.M., ngunit sa huli ang mga tao ay dumarating na 8 P.M. Pagsapit ng 9 P.M., mayroon pa ring mga taong dumarating at sa sandaling tapos na ang pagtitipon, nagmamadali silang tumakas sa abot ng kanilang makakaya. Kung ang Banal na Espiritu ay nasa pag-gawa pa rin sa loob ng iglesia, mangyayari ba ang ganitong uri ng sitwasyon? Ang mga pastor at matatanda ay naglalakad sa landas ng mga Fariseo—pinangungunahan nila ang mga kapatid sa landas ng paglaban sa Diyos. Sa huli, sila ay itataboy at aalisin ng Diyos. Kung ang Diyos ay hindi ginagawa ang Kanyang gawain, gaano man tayo nag-aayuno at manalangin, lahat ito ay hindi magiging kapaki-pakinabang!”
Pagkasabi ng lahat ng ito, binuksan ni Xiao Jing ang kanyang tablet at binasa ang sumusunod: “‘Tutuparin ng Diyos itong katunayan: Palalapitin Niya ang lahat ng sangkatauhan sa buong sansinukob sa Kanyang harapan, at sasambahin ang Diyos sa lupa, at ang Kanyang gawain sa ibang mga lugar ay titigil, at mapipilitan ang mga tao na hanapin ang tunay na landas. Ito ay magiging kahalintulad ni Jose: Ang lahat ay nagsilapit sa kanya para sa pagkain, at yumukod sa kanya, sapagka’t siya’y mayroong mga bagay na makakain. Upang maiwasan ang taggutom, ang mga tao ay mapipilitang hanapin ang tunay na landas. Ang buong relihiyosong pamayanan ay daranas ng matinding taggutom, at tanging ang Diyos ng ngayon ang Siyang bukal ng buhay na tubig, na taglay ang palaging umaagos na bukas na inilaan para sa kasiyahan ng tao, at darating ang mga tao at aasa sa Kanya’ (‘Nakarating na ang Milenyong Kaharian’). Mula sa talata na ito malinaw nating makikita na mayroong isang uri ng pagkagutom sa mga relihiyosong mundo ngayon. Ang kalooban ng Diyos ay upang masikap nating sinasaliksik ang kasalukuyang mga salita at gawa ng Diyos. Mula roon, mahahanap natin ang mapagkukunan ng buhay na tubig at sa ganitong paraan lamang na makakamit natin ang gawain ng Banal na Espiritu. Kasalukuyan tayong nasa gitna ng tagtuyot na binanggit sa mga propesiya. Ang ating kagyat na gawain ngayon ay ang paghahanap ng iglesia na may gawain ng Banal na Espiritu, kung hindi, kung magpapatuloy tayo sa pagiging pasibo, talagang tayo ay matutuyot at mamamatay!”
Si Lin Ke ay bumuntong-hininga at nagsabi, “Hhmm, ang sinasabi mo ay naaayon sa Bibliya. Ito ay nagpapa-alala sa akin ng talata sa Aklat ng Pahayag na nagsasabing, ‘Ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Cordero saan man siya pumaroon’ (Pahayag 14:4). Tila na ang pagpanglaw ng iglesia sa katunayan ay naglalaman ng kalooban ng Diyos sa loob nito. Sa kasalukuyan, sa labas ng mundo, ang mga bagay ay hindi mapakali at hindi matatag. Ang mga kalamidad ay lalong lumalawak at may mga palatandaan kung saan ay magkakapareho. Natupad na ang propesiya ng pagbabalik ng Panginoon. Kung ganito, ang dapat unahin ay ang aktibong maghanap at mag-imbestiga sa iglesia na may gawain ng Banal na Espiritu. Gayunpaman, paano natin hahanapin ang mga yapak ng kordero?”
Sumagot si Xiao Jing, “Naalala mo ba ang talatang ito mula sa mga aklat ng Pahayag? ‘Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay, ay siya kong pakakanin ng punong kahoy ng buhay, na nasa Paraiso ng Dios’ (Pahayag 2:7). ‘Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating’ (Juan 16:12-13). Mula sa mga talatang ito, makikita natin na sa wakas, kapag bumalik ang Panginoon, magsasalita Siya sa mga iglesia at sasabihin sa atin ang lahat ng mga katotohanan para makamit natin ang kaligtasan at tulungan tayong makawala sa katiwalian. Ipapakita din Niya ang lahat ng mga misteryo, mga propesiya, pati na rin ang kahahantungan at panghuling patutunguhan ng lahi ng tao. Dapat nating hanapin ang mga yapak ng Diyos at tanggapin ang pagbabalik ng Panginoon. Dapat nating hanapin ang lugar kung nasaan ang pinakabagong mga salita ng Banal na Espiritu at sumusunod sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Tanging sa gayon lamang natin matatamasa ang kasustansyahan ng mga katotohanan na ipinahahayag ng Diyos sa mga huling araw. Sa ganito malulutas ang ugat na sanhi ng pagpanglaw ng iglesia!”
Masayang sinabi ni Lin Ke: “Oh! Halos buong buhay ko ay binabasa ko ang Bibliya. Paano ko hindi kailanman nakita ang misteryong ito sa loob nito? Sa kinalabasan nito, matagal ng panahon na sinabi sa atin ng Diyos na kapag siya ay bumalik, magpapahayag siya ng higit pang mga katotohanan para sa ating pang-sustento. Hindi ba nito tinutupad ang sumusunod na mga propesiya na nakasulat sa Aklat ng Pahayag? ‘Sila’y hindi na magugutom pa, ni mauuhaw pa man; ni hindi na sila tatamaan ng araw, o ng anomang init: Sapagka’t ang Cordero na nasa gitna ng luklukan ay siyang magiging pastor nila, at sila’y papatnugutan sa mga bukal ng tubig ng buhay: at papahirin ng Dios ang bawa’t luha ng kanilang mga mata’ (Pahayag 7:16-17)? Tila na ang tubig lamang mula sa ilog ng buhay na dumadaloy mula sa trono ay ganap na lulutas sa kapanglawan ng iglesia . Ang ating espirituwal na kagutuman ay hindi malulutas sa pamamagitan ng panalangin at pag-aayuno. Salamat sa Panginoon!
Sa wakas ay natagpuan ni Lin Ke ang paraan upang malutas ang kanyang alinlangan. Ang mga araw na iyon ay tapos na. Nagniningning ang takip-silim sa kanyang katawan at lahat ay maganda ang hitsura.