菜單

Nob 30, 2018

Ang Diyos Mismo, ang Natatangi V Ang Kabanalan ng Diyos (II) (Ikaapat na Bahagi)


Ang Diyos Mismo, ang Natatangi V Ang Kabanalan ng Diyos (II) (Ikaapat na Bahagi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang pang-unawa ng kalooban ng Diyos at ang pagkilala sa kalooban ng Diyos ay nagbibigay ng hindi masukat na tulong sa pagpasok ng tao sa buhay.
Umaasa ako na hindi ninyo isasawalang-bahala ito o makikita ito bilang isang laro; dahil ang pagkilala sa Diyos ay isang napakahalagang batayan at pundasyon para sa pananampalataya ng tao sa Diyos at ang paghahanap ng tao sa katotohanan at kaligtasan at isang bagay na hindi dapat ipagpamigay lamang. Kung naniniwala ang tao sa Diyos ngunit hindi pa kilala ang Diyos, at kapag namumuhay ang tao kasama ang ilang mga sulat at doktrina, hindi ninyo matatamo ang kaligtasan kahit pa kumilos kayo at mamuhay ayon sa mga mababaw na salita ng katotohanan. Ibig sabihin, kung ang inyong pananampalataya sa Diyos ay hindi batay sa pagkilala sa Kanya, kung gayon ang inyong pananampalataya ay walang kahulugan."