菜單

Okt 25, 2018

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Napakahalaga na Maintindihan ang Disposisyon ng Diyos"


Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Napakahalaga na Maintindihan ang Disposisyon ng Diyos"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kung hindi mo alam ang diwa ng Diyos, magiging imposible para sa iyo na magpakita sa Kanya ng pagpipitagan at pagkatakot, pero sa halip tanging walang pakundangang pagwawalang-bahala at paglihis, at bukod diyan, hindi na maiwawastong paglapastangan.
Bagama’t ang pag-intindi sa disposisyon ng Diyos ay tunay na mahalaga at ang pag-alam sa diwa ng Diyos ay hindi dapat maliitin, walang sinuman ang kailanman ay lubusang nakapagsuri o nakapagsiyasat na sa mga isyung ito. Malinaw na binalewala ninyong lahat ang mga kautusang administratibo na ipinahayag Ko. Kung hindi ninyo naiintindihan ang disposisyon ng Diyos, madali ninyong malalabag ang Kanyang disposisyon. Ang ganitong paglabag ay katumbas ng pagpapagalit sa Diyos Mismo, at ang katapusang bunga ng iyong kilos ay nagiging isang pagsalangsang laban sa mga kautusang administratibo. Ngayon dapat mong malaman na ang pag-intindi sa disposisyon ng Diyos ay may kasamang pag-alam sa Kanyang diwa, at kasama sa pag-intindi sa disposisyon ng Diyos ay ang pag-intindi sa mga kautusang administratibo. Sigurado, marami sa mga kautusang administratibo ay may kinalaman sa disposisyon ng Diyos, ngunit ang Kanyang disposisyon ay hindi pa naipapahayag sa kabuuan nito sa loob ng mga ito. Kaya kailangan ninyong humakbang pa patungo sa pagpapaunlad ng inyong kaunawaan ng disposisyon ng Diyos."