菜單

Mar 8, 2018

Pagseselos, ang Talamak na Karamdamang Espirituwal

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pagseselos, ang Talamak na Karamdamang Espirituwal

He Jiejing    Lungsod ng Hezhou, Lalawigan ng Guangxi
    Ang isang kapatid na babae at ako ay pinagpares upang magkasamang magrebisa ng mga artikulo. Habang kami ay nagpupulong, aking natanto na hindi mahalaga maging ito man ay sa pagkanta, pagsayaw, pagtanggap ng salita ng Diyos, o pagpapahatid ng katotohanan, siya ay mas magaling sa akin sa bawa’t aspeto. Ang mga kapatid sa nag-anyayang pamilya ay lahat gusto siya at kinakausap siya. Dahil dito, ang puso ko ay medyo hindi mapalagay at naramdaman ko na parang nakatanggap ako ng malamig na pagtanggap— hanggang sa punto na naiisip ko na hanggang siya ay naroroon, walang lugar para sa akin. Sa puso ko nagsimula akong makaramdam ng pagkasawa sa kanya at ayaw nang samahan siya sa pagtutupad ng aming mga tungkulin. Inasahan ko na siya ay aalis upang ang mga kapatid ay magustuhan ako at mag-isip ng mataas tungkol sa akin.

    Isang araw, ang isang pinuno ay pumunta sa amin. Ang kapatid na babae ay humiling na mailipat sa ibang mga tungkulin dahil sa emosyonal na pagpipino na kanyang dinaranas na gumagawa sa kanyang estado na maging negatibo. Sa pagkarinig ko sa kanyang sinabing ito, ako ay labis na natuwa. Naisip ko: Ako ay laging umasa na ikaw ay aalis. Kapag ikaw ay umalis, ako ay makakalabas sa aking mabigat na suliranin. Dahil dito, ako ay nasabik para sa pinuno na kaagad siyang bibigyan ng bagong trabaho. Gayunpaman, ang mga bagay ay nagkaroon ng kabaligtarang epekto sa akin at ang pinuno ay hindi lamang siya binigyan ng isang bagong trabaho, nguni’t siya ay mapasensiyang nagpabatid ng katotohanan sa kanya at tinulungan siyang baguhin ang kanyang sitwasyon. Nang nakita ko ito, ako ay lalong nabalisa at mas higit na umasa na ang kapatid na babae ay aalis. Inisip ko: Kailan ako makakalabas sa malaking suliraning ito kung hindi siya aalis sa panahong ito? Hindi, ako ay kailangang makapag-isip ng isang paraan upang madali siyang mapaalis. Dahil dito, sinamantala ko ang pagkakataon noong wala ang kapatid na babae na bigyan ang pinuno ng mga karagdagang detalye, sa pagsasabing: “Siya ay madalas na may emosyonal na pagpipino na nakakapigil sa kanya mula sa pagtutuon sa pagrerebisa ng mga artikulo. Ngayon ay nawala niya ang gawain ng Banal na Espiritu at hindi magawang irebisa ang mga artikulo. Naapektuhan na nito ang trabaho ng iglesia na pagpatnugot at pagtatala ng mga artikulo. Mas makabubuting bigyan mo siya ng isang bagong trabaho. Ang kapatid na babae na si X ay mas mahusay sa pagsusulat ng mga artikulo, maaari mo siyang piliin upang magrebisa ng mga artikulo. Siya ay maaaring may mas mabuting halaga sa paglilinang kaysa sa kapatid na babae na ipinares sa akin.” Pagkatapos na pagkatapos kong sabihin ito, dumating sa akin ang salita ng Diyos na sinisisi ako: “Malupit, marahas na sangkatauhan! Ang pakikipagsabwatan at intriga, ang pagsasakitan sa isa’t-isa, ang pag-aagawan ng reputasyon at kayamanan, ang palitang pagpatay—kailan ito matatapos? Ang Diyos ay nagsalita ng daang-libong mga salita, ngunit walang isa mang tao ang natauhan. … Ilan ang hindi nang-aapi ng iba para sa pagpapanatili ng kanilang sariling katayuan?” (“Ang Masama ay Nararapat Parusahan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Sa pagharap sa mga salita ng paghahatol ng Diyos, naramdaman ko na parang ako ay lubhang pinangangaralan ng Diyos nang harap-harapan. Kaagad ako ay nagsimulang manginig sa takot at hindi ko mapigil na makaramdam ng takot para sa mga salitang kasasabi ko pa lamang. Hindi ba ako katulad ng mga taong ibinunyag ng salita ng Diyos na nang-o “nang-aapi ng iba para sa pagpapanatili ng kanilang sariling katayuan”? Nang makita ko na ang kapatid na babae na aking katrabaho ay mas magaling kaysa sa akin sa bawa’t aspeto at na gusto siya ng lahat ng mga kapatid, ako ay nagselos sa puso ko. Nayamot ako sa kanya, ako ay nagtangi laban sa kanya, at umasa na siya ay aalis sa lalong madaling panahon upang ako ay makalabas sa aking masamang kalagayan. Upang maalis ang atensiyon ng mga kapatid sa kanya at magbigay ng atensiyon sa akin upang maramdaman ko na ako ay may estado sa kanila, sinamantala ko ang masamang kalagayan ng kapatid na babae at isinumbong ko siya sa pinuno sa ngalan ng pagpoprotekta sa interes ng iglesia. Ito ang aking walang kabuluhang pagtatangka na gamitin ang pinuno upang alisin siya. Ang aking asal ay lubos na naglantad ng aking tunay na anyo at nagbunyag na ako ay masama at malisyosong ulupong, na ako ay tunay ngang anak ng malaking pulang dragon! Upang makagawa ng isang diktadura, ang malaking pulang dragon ay gagamit ng anumang mga paraan na kinakailangan upang alisin ang mga kumokontra. Upang makapunta sa kaibuturan ng aking mga kapatid at gawin silang naisin na nasa paligid ko, mapanlinlang kong inalis yaong mga hindi kapaki-pakinabang sa akin. Ang malaking pulang dragon ay naiinggit doon sa mga mas nakahihigit sa kanya at sinisira iyong mga may dakilang adhikain. Ako din ay nagseselos sa kapatid na babae na ito dahil siya ay mas mahusay kaysa sa akin sa bawa’t aspeto at ako ay gumamit ng mga kasumpa-sumpang paraan upang mapalayas siya. Ang malaking pulang dragon ay naghahatol at pumapatay ng mga tao para sa sarili nitong mga layunin. Upang makamit ang aking mga pansariling layunin, sinadya kong pinalabis ang tungkol sa kapatid na babae. Ang aking asal ay eksaktong kapareho doon sa malaking pulang dragon; ako ay talagang mapagmataas, masama, at malisyosa sa pinakasukdulan. Ang iglesia ay inayos kami para magtrabahong magkasama upang kami ay magtulungan at umasiste sa isa’t-isa, upang kami ay makagawa ng isang mabuting trabaho nang may isang puso at diwa upang masiyahan ang Diyos. Ito din ay upang magamit namin ang aming mga lakas upang mapunuan ang mga kahinaan ng iba upang maunawaan at makakuha kami ng mas higit na katotohanan at mapalitan ang aming disposisyon. Subali’t hindi ko naintindihan ang kalooban ng Diyos sa pinakamaliit na antas. Nang makita ko na ang kapatid na babae ay nasa isang masamang kalagayan, hindi man lamang ako umasa sa pag-ibig upang tulungan siya, nguni’t inasam ko ring makita agad ang kanyang pagkapalit upang pangalagaan ang aking posisyon. Ako ay talagang malisyosa. Ang aking likas na ugali ay sobrang sira. Wala sa akin ang pagmamahal na dapat mayroon ang isang normal na tao. Lubos kong nawala ang aking pagkatao hanggang sa punto na gagamitin ko ang anumang mga paraan upang makamit ang aking mga sariling layunin. Kung hindi ako magmadali at magsisi, ako ay dapat na sirain sa katapusan kasama ng malaking pulang dragon.
    Salamat Diyos ko! Ang Iyong paghatol at pagkastigo ay gumising sa akin sa tamang oras upang ipakita sa akin na ang aking pag-uugali ay eksaktong katulad doon sa malaking pulang dragon at na ako ay tunay na isang anak ng malaking pulang dragon sa pangalan at sa gawain. Ito ay nagdulot sa akin upang kamuhian ang kalikasan ni Satanas na nasa akin. Mula sa oras na ito, ako ay magbabago mula sa kalikasan ni Satanas na nasa akin. Hindi na ako lalaban para sa aking sarili. Ako ay aasa na mas mabuting makipagtrabaho sa kapatid na babae na ito upang tuparin ang aming mga tungkulin at pasiyahin ang Diyos. Ako ay mas magiging handa na hanapin ang katotohanan at iwaksi ang lason ng malaking pulang dragon, nang sa gayon ay makapamuhay ako bilang isang tunay na tao upang aliwin ang Diyos!

Mula sa Mga Patotoo ng Karanasan sa Paghatol ni Cristo
Rekomendasyon:Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw