菜單

Mar 2, 2018

Ang Tunay na Kasaysayan sa Likod ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos


Mga pagbabasa at pagsasalaysay ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Tunay na Kasaysayan sa Likod ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Nang mga panahong iyon, lahat ng nakatagpo ng tao ay kasaganaan ng bagay na nagpapasaya: Ang kanyang puso ay napayapa at nabigyan ng katiyakan, ang kanyang espiritu ay inaliw, at siya ay inalalayan ni Jesus na Tagapagligtas. Na maaari niyang makuha ang mga bagay na ito na kinahinatnan ng panahon kung saan siya nabuhay. Sa Kapanahunan ng Biyaya ang tao ay itiniwali ni Satanas, kung kaya ang gawaing pagtubos sa sangkatauhan ay nangangailangan ng masaganang biyaya, walang hanggang pagtitiis at pagtitiyaga, at higit pa rito, isang handog na sapat para magbayad-sala sa mga kasalanan ng sangkatauhan. Ang nakita lamang ng mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya ay ang Aking handog ukol sa kasalanan para sa sangkatauhan-si Jesus. Ang alam lang nila ay maaaring maging maawain at matiisin ang Diyos, at nakita lang nila ay ang habag at kagandahang-loob ni Jesus. Ito ay dahil nabuhay sila sa Kapanahunan ng Biyaya. Kaya bago sila matubos, sila ay kailangan nilang matamasa ang lubos na biyaya na ipinagkaloob ni Jesus sa kanila; ito lamang ang kapaki-pakinabang sa kanila. Sa ganitong paraan, maaari silang mapatawad sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pagtatamasa nila sa biyaya, at maaari silang magkaroon ng pagkakataon na matubos sa pamamagitan ng pagtatamasa nila sa pagtitiis at pagtitiyaga ni Jesus.”
Rekomendasyon:Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan
Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos